TINA Isang buwan na ang lumipas at nakalipat na nga ako dito sa apartment ko, hindi pa alam ni mommy dahil nasa out of the country na naman siya kasama si Daddy. Hindi ko lang alam kung nabanggit na ba ito ni daddy sa kanya. Sabado ngayon at wala kaming pasok sa opisina, naging maayos naman ang trabaho ko at halos lahat ng mga kasamahan ko ay mababait. Inaayos ko ang mga marurumi kong damit dahil maglalaba ako wala pa akong washing mashine kaya kamay ang ginagamit ko sa pag lalaba. Ilang lingo ko na itong ginagawa kaya medyo nasasanay na ako ako. Sa una ay sobrang hirap mag adjust dahil hindi ito ang nakasanayan kong buhay. Pero kalaunan naman ay natutunan ko na kung paano ang maglaba at maglinis nang apartment ko pati ang magluto at maghugas nang plato. Pagkatapos kong ayusin lahat na

