HAROLD Nandito kami ngayon sa ilog kung saan tumalon si Tina kasama ang magagaling na diver ay sinisid nila ang malalim na ilog pero dahil sa lakas ng current ay hindi sila tumagal napakadelikado para sa mga divers. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon nila lalo pa at may mga pamilya din sila. Hindi nila pwedeng irisk ang mga buhay nila. "Sir, sa lakas po ng current ng tubig dito mahihirapan pong mabuhay ang sino mang tumalon mula sa ganyang kataas." sabi ng isang diver na kausap ko. "Just do everything possible para makita siya, kung talagang wala na siya kahit yung katawan na lang ang mahanap natin." I said with a heavy heart. Napakasakit isipin na patay na si Tina, parang hindi ko kakayanin. Tinatatagan ko lang ang loob ko ngayon pero deep inside nadudurog ako. "Tina, please magpaki

