TINA Nakaupo ako ngayon dito sa labas nang bahay nila Nanay Lorie habang pinagmamasdan ang mga halaman at mga hayop na pagala gala lang sa paligid. Ilang lingo na din ang lumipas at medyo maayos na ang kalagayan ko, unti unti na din nag hihilom ang malaki kong sugat sa hita. Napakasimple at payak ng pamumuhay nila dito, walang agarang dami at mamahaling gamit pero kita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. "Tina, nandyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap." sigaw ni Anew habang palapit sa akin. "Bakit mo ako hinahanap Anew? May kailangan ka ba?" tanong ko. "Yayayain sana kitang manguha ng prutas, may nakita ako banda roon na bunga ng mangga masarap yon isawsaw sa bagoong. Tamang tama yung ginisang alamang ni Inay kahapon may sawsawan tayo." ani Anew. "Anew, pasensya kana kasi

