TINA Maaga akong gumising dahil ayaw kong mahuli sa unang araw ko sa Munisipyo, kahit pa mabait sa akin si Mayor ayaw kong isipin niya na sinasamantala ko ang kabaitan niya. Alas singko pa lang ay naghanda na ako nang almusal ko, nagluto ako sa rice cooker ng kanin. Nilabas ko din at baboy at manok balak kong magluto ng adobo para sa lunch ko mamaya para hindi na ako lalabas saka wala pa din naman akong pera para ipambili. Natapos ko nang ihanda ang baon ko, dinagdagan ko na din ang ulam ko. Baka makikain ulit si Mayor nakakahiya naman kung konti lang ang baon ko saka siya naman ang bumili nang lahat ng ito. Bandang alas sais 'y medya nang matapos akong mag almusal nang masiguro kong maayos na ang lahat ay pumasok na ako sa silid ko para mag ligo at mag ayos. Alas otso ang pasok ko sa

