TINA Kakatapos lang ng meeting ni Mayor with the Vendors, inaantay ko na sya dito sa sasakyan at papunta naman kami ng site para tignan ang kalsadang pinapagawa niya. Medyo mainit ang panahon kaya nag hubad muna ako ng blazer na suot ko. Habang hinihintay ko si Mayor ay biglang nag vibrate ang celphone ko. Dinukot ko ito sa aking bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag, si Angel ang tumatawag kaya napangiti agad ako. "Hello, Gel kamusta na? Anong balita? Pinayagan ka ba ni Tita?" sunod sunod ko na tanong sa kanya. "Relax, kagagaling ko lang sa bahay ninyo at nakausap ko na si Manang. Nalulungkot siya dahil wala kana daw mukang pumayat din siya kakaisip sayo. Pero noong sinabi ko na buhay ka pa ay agad siyang lumiksi, umakyat kami sa kwarto mo nakuha ko na din ang mga pinapakuha mo.

