TINA Ngayon ang araw nang dating ni Angel dito sa Nueva Ecija, tangahali na siya nakaalis kay malamang gabi na siya darating. Nagtanong pa kasi ako kay Mayor kung paano pumunta dito pag galing nang Maynila. Hindi ko rin kasi alam ang sasakyan pag mag commute ka. Pumasok muna ako sa Munisipyo, sinabihan ko si Angel na ichat or Text ako kapag nakasakay na siya ng bus papunta dito. Para sasalubungin ko siya sa terminal. Ako na lang mag isa ngayon dito sa labas ng office ni Mayor, naka leave na si Ate alice kaya wala na akong kasama. Walang schedule ngayon si Mayor sa labas kaya dito lang kami ngayon sa munisipyo. Madami siyang trabaho ngayon, ang daming humihingi nag tulong sa kanya financial assistance para sa libing, gamot at kung ano ano pang tulong pinasyal. Hindi din pala madaling mag

