HAROLD Kumausap ako nang lalaki na tutulong sa akin para makilala ang babaeng kagabi pa gumugulo sa aking isip. "Pre, pwede ko bang makuha ang serbisyo mo sabi ko sa isang kargador nang gulay?" "Ano bang atin bossing?" sagot niya sa akin. "May ipapagawa sana ako boss, gusto kong snatchin mo ang bag ng babaeng yon pero syempre hindi yun totoo. Tapos aabangan kita dito at kunyari ako ang tutulong sa kanya para makuha ko siya ang bag na hinablot mo. Ganun lang boss, payag kaba?" sabi ko sa lalaking kargador. "Yun lang ba boss kayang kaya ko yan, pero ang tanong magkano?" prangkang sabi niya sa akin. "Five thousand okay naba yun na bayad ko sayo." tanong ko sa kanya. "Naku ayos na ayos na yan bossing, wag kang mag alala gagalingan ko ang performance ko para kapanipaniwala." sagot niya.

