HAROLD Nag hahanda na ang buong team namin para sa operation sa North Harbor Pier 4. Sabi sa report na natanggap ko malaking shipment daw ang magaganap ngayong gabi. Nabasa ko sa binigay na intel report na smuggled fire arms ang laman nang container van. Lahat nang kasama sa operasyon ay nag suot nang bullet proof vest para sa aming standard operation procedure. Para na din ito sa safety nang bawat isa sa amin. Sakay nang van ay bumiyahe kami papunta sa pier. Pagdating namin sa location ay agad akong nakipag ugnayan sa police incharge. Sila ang unang susugod at back up lang nila kami. Hinati ko sa tatlong grupo ang mga kasama ko para pumusisyon. "We need to group into three para mas mabilis tayong makakilos. Agent Roxas, select five operatives and find a favorable position from which

