TINA. Kakatapos ko lang kumain sa isang paper plate at 2 bottled water ang hiningi ko sa mga bantay ko. Ininom ko ang isa at ang isa ay itinabi ko para inumin mamaya. Nang wala na akong marinig na ingay sa labas ay kinuha ang lampara at pumunta sa may butas na yero. Dahan dahan kong tinutupi ang yero gamit ang aking kamay at maiingat ko itong ginagawa para hindi ito makalikha nang kahit na ano mang ingay. Kailangan o na itong madaliin, bago pa mag umaga ay dapat nakaalis na ako sa lugar na ito. Hindi ako papayag na maibenta ako at pagkaperahan ni Mr. Ramirez pareho lang sila ni mommy nang likaw nang bituka parehong masama. Konti na lang at magkakasya na ako sa butas ilang oras ko na itong ginagawa at nakakaramdm na din ako nang pagod. Hindi ko alam kung anong oras na, pilit kong nilala

