THIRD PERSON "Anew, bilisan mo kailangan nating maghanap nang panggatong sa tabing ilog. Malapit ng dumating sila Inay at Itay mapapagalitan tayong dalawa pag wala pa tayong naipon na panggatong." nag aalalang sabi ng dalagang so Lorelai sa kanyang kapatid. "Saglit lang, nagpapaganda pa nga ako. Malay mo makasalubong ko na ang prince charming ko jan sa bundok di makikita niya akong maganda." sagot naman ni Anew sa kanyang kapatid. "Tigilan mo yang kahibangan mo, paano kang may makakasalubong na prince charming eh wala naman ibang nakatira dito kundi tayo lang." naiinis naman na sagot ni Lorelai dahil sa kaartehan nang kanyang kapatid na si Anew. "Kontrabida ka talaga palibhasa Lorelai ang pangalan mo kapatid ka yata ni dugong." inis na din na sagot ni Anew. Sa inis ni Lorelai kay Anew

