CHAPTER 7

1249 Words
TINA Natapos namin ang out reach program na lahat nang bata masaya pati narin ang mga magulang nang mga batang kasali. Dahil naipamigay ko lahat nang mga laruan ay wala na akong bubuhatin pa pauwi. Hindi pa din umaalis si Harold at tinutulungan niya kaming mag ligpit, dahil wala akong dalang saksakyan ay pinalagay ko na lang kay Ate Meg ang mga story book na gagamotin pa namin sa mga susunod namin outreach program. "Tina pwede ba malaman kung saan ka nakatira? Para maihatid kita." "Naku huwag muna akong ihatid maabala ka pa." mabilis kong tangi sa alok niya. "Hindi naman kami mag kaibigan at hindi ko rin naman siya manliligaw para ihatid niya ako," sabi ko sa sarili ko. "Naku...naku...naku... Tina bakit mo ba iniisip na manliligaw siya sayo." sabi nang kontrabida kong isip. "Wala naman akong gagawin ngayon. Kung ayaw mong ihatid kita kahit mag miryenda na lang tayo hindi kasi kita nakitang kumain kanina baka nagugutom ka na." "Sige ba basta libre mo ha kasi wala na akong pera pamasahe ko na lang ang natitira." sagot ko sa kanya na ikinatuwa naman niya ang pag payag ko. "Basta wag lang mahal ha kasi alam muna wala akong malaking budget para magpakain sa mamahaling kainan." prangka niyang sabi. "Fishball at kwek kwek lang solve na ako doon." nakangiti kong sabi. "Yown pasok yan sa budget ko samahan mo pa nang Coke Zero." hindi ko alam kung nagbibiro ba siya sa sinabi niya coke zero o seryoso talaga siya. Nang matapos kaming magligpit ay inaya niya na ako para daw maghanap kami nang nag titinda nang fishball. Naglakad lakad lang kami at sa may di kalayuan may nakita kaming fishball vendor malapit sa parke kaya mabilis niyang hinawakan at hinila ang aking kamay. "Sure ka bang kumakain ka nang fishball? sa hitsura mo kasi mukang mayaman ka eh?" sabi niya na ikinasamid ko. "Bakit ayaw mo bang makipag kaibigan sa mayaman?" "Hindi naman pero galit ako sa mayayaman, ayaw ko na lang ikwento. Basta pag nakakakita ako nang mayayaman hindi ako komportable pakiramdam ko mamaliitin lang kami." ramdam ko ang inis sa kanyang boses. Hindi ako nakapag salita sa sinabi niya dahil alam ko na may katotohanan naman ang mga ito, kagaya na lang nang mommy ko na walang pakialam sa damdamin nang ibang tao. Para sa kanya pag mahirap ka wala kang kwenta kaya nga ang gusto niyang maging kaibigan ay puro lang mayayaman. "Huwag na lang natin yan pag usapan, ikain na lang natin yang nang kwek kwek para mabusog pa tayo." pag iiba ko ng usapan namin . "Hintayin mo ako dito at bibili lang ako nang inumin natin." sabi niya sa akin at naglakad na siya papunta sa convinient store na nasa tapat namin. Hindi naman siya nagtagal at bumalik din agad, may dala nga siyang dalawang coke zero in can. "Bakit naman coke zero ang napili mo." curious kong tanong sa kanya. "Kasi nga ito ang madalas kong naririnig sa social media." kaya ito ang binili ko." Nang makakuha na kami nang fish ball at kwek kwek ay agad kaming naghanap nang mauupuan. Pumuwesto kami sa bandang gitna kung saan may malaking puno at hindi nasisinagan nang araw konti pa lang ang tao ngayon kaya tahimik pa ang paligid. Madami pa kaming mga pinag usapan tungkol sa buhay buhay. Nakwento niya din sa akin na malapit nga lang dito ang bahay nila. Hindi ko magawang magkwento tungkol sa buhay ko dahil natatakot ako na baka magbago ang pagtingin niya sa akin. Nang maubos na namin ang fishball na binili niya ay nagpaalam na din ako sa kanya na uuwi na. Kailangan kong maagang magpahinga dahil bukas na ang aking graduation. "Tina, pwede ko bang mahingi ang phone number mo?" nahihiya niya pang sabi sa akin, ako naman ay agad na ngumiti at hiniram ang cellphone niya saka ko inilagay dito ang number ko. Tuluyan na akong nagpaalam sa kanya at sumakay na ako nang jeep, habang sakay ako nang jeep ay bumabalik pa sa balintataw ko ang tagpog binigyan niya ako nang hopia na ikinangingiti ko. Mabuti na lang at konti lang ang mga pasahero kaya hindi nila ako masyadong napapansin. Nang malapit na ako sa subdivision na tinitirahan namin ay tinawagan ko ang driver namin pra magpasundo sa gate malayo layo din kasi ang lalakarin ko kapag walang sasakyan. Tamang tama pag baba ko ay naka abang na si kuya Nestor sa akin. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa aking silid humiga sa aking kama para magpahinga. Hindi ko namamalayan na napapangiti na ako dahil patuloy na sinasariwa nang isip ko ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Harold. Ewan pero bakit parang kinikilig ako at my age ngayon ko pa lang naranasan ang ganito kasayang pakiramdam. Habang nag di-day dreaming ako ay narinig ko tumunog ang telepono ko. Tumayo ako para kunin ito sa aking bag at nakita ko na may unregistered number na nag text sa akin. "Hi, Tina!" basa ko sa text, hindi ko sana sasagutin pero na curious ako kung bakit niya ako kilala. "Sino po sila? At bakit mo ako kilala?" I reply. "Pag ba pinahawak ko sayo ang Abs ko makikilala muna ako?" he answer. "Oh my God" bulong ko sa sarili ko at bigla kong naramdaman ang pag iinit nang magkabilang pisngi ko. Para na akong kita kita na nag papapadyak sa ibabaw nang kama. Narinig ko ulit tumunog ang cellphone ko kaya agad kong binasa ang message. "Oh bat di kana nag reply? Galit ka ba?" basa ko sa text niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya dahil sa sobrang bilis nang t***k nang puso ko at para ba akong kakapusin nang pag hinga. Tumayo ako sa aking kama at kumuha nang tubig para uminom kailangan kong mag isip kung ano ang irereply ko sa kanya at baka madulas na naman ako at iba ang masabi ko. "Relax, Tina, inhale exhale." kausap ko sa sarili ko. And then I reply.... "Pasensya kana Harold may kinuha kasi ako sa labas naiwan ko ang cell phone ko." pag sisinungaling ko sa text. "may kailangan ka ba sa akin." muli kong text sa kanya. "Ah! Ganun ba? Pasensya kana kung naabala kita. Sinubukan ko lang itext ka baka kasi mali ang ibinigay mong number sa akin." reply niya. "Ha! Bat naman kita bibigyan nang maling number?" tanong ko sa kanya. "Naisip ko lang, sa ganda mo kasi baka isipin mo na masamang tao ako kaya naisip ko na baka mali ang binigay mong number. Pwede ba tayong maging friends? Pwede ba kita tawagan?" dahil sa reply niya ay bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung papayag ba ako hindi ko na din nakokontrol ang pag wawala nang puso ko. Para akong bumalik sa pagiging 15 years old na kinikilig dahil nag text ang crush niya. Kung may nakakakita lang sa akin ngayon ay baka isiping nababaliw na ako dahil walang tigil ang pag padyak ko sa ibabaw nang kat at impit na pagtili. "Harold pwede bang next time na lang kasi may gagawin pa ako," reply ko sa kanya. "Okay, ingat ka pretty Tina......... Parang namiss naman kita as a friend." huling text niya sa akin. "okay na yung pretty Tina at namiss kita bakit mo pa dinugtungan nang as a friend." pag mamaktol ko. "Relax Tina kalma wag ka kasi assumera baka ang gusto kasi ay kaibigan lang ikaw naman nasa next level kana agad." saway ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD