CHAPTER 8

1621 Words
TINA Dahil sa kakaisip ko kagabi kay Harold ay late na ako nakatulog, halos buong magdamag ay okupado niya ang isip ko haggang sa nakatulugan ko na lang nang madaling araw. Late na tuloy ako ngayon na nagising kung hindi pa kumatok si Manag Ester sa pinto ko ay baka masarap pa din hanggang ngayon ang tulog ko. "Tina anak! Bumangon ka na jan baka malate kana sa graduation mo." dinig kong sabi ni manang Ester kaya bigla akong napabalikwas nang bangon. "Gising na po manang!" sigaw ko para tumigil na siya sa pagkatok sa pinto Dali dali akong pumasok sa aking banyo at mabilis na naghubad nang damit para maligo, alas diyes pa lang naman at alas tres pa ang graduation rites namin kaya may oras pa ako. Wala naman akong kasama na magulang kaya hidi ako dapat magmadali hindi ko na din isasama sila Manang para hindi na sila mapagod pa. Mag aalas onse na nang matapos ako sa paliligo, binalot ko nang roba ang sarili ko at lumabas nang banyo. Umupo ako sa sa tapat nang vanity mirror at kinuha ang blower na nasa ilalim na drawer saka ko pinatuyo ang buhok ko. Ako na din ma maya ang mag mamake up sa sarili ko, isa ang pagmamake up sa inaral ko at kumuha pa ako nang cosmetology last year para matuto ako kung paano ang tamang pag gamit nang make up. Isa kasi sa ugali ko na kapag meron akong gustong malaman ay pinag aaralan ko talaga. I love reading books specially about business at fashion. Matapos kong patuyuin ang buhok ko ay bumaba ako sa kusina para kumain, nagulat ako dahil pag pasok ko ay may nakahandang banner para sa akin na nakasabit sa wall. Bigla na lang tumulo ang luha ko dahil sa ginawa nila para sa akin, hindi ko akalain na mag eeffort pa sila para lang may pa gawa nang tarpaullin para lang batiin ako nang "Happy Graduation." mainam pa talaga sila naalala akong batiin samantalang ang pamilya ko ay wala man lang text o tawag para batiin ako sa mahalagang araw nang buhay ko. Lumapit ako sa mga kasambahay namin at isa isa silang niyakap at nagpasalamat ako sa kanila. Niyaya ko na din silang sumabay sa akin para mananghalian. Pagka tapos namin kumain ay bumalik ako sa aking silid para ayusin na ang sarili ko. Inilabas ko ang dress na gagamitin ko mula sa walk in closet ko pati ang toga na ipapatong ko dito mamaya ay inilabas ko na din. "This is it, Tina. Sa wakas nakatapos kana din magagawa muna ang mga gusto mong gawin simula bukas." kausap ko sa sarili ko. Inuna kong kulutin ang buhok ko sinet ko muna siya nang curlers para mamaya ay tatangalin ko na lang siya pagkatapos kong maglagay nang make up s aking muka. Hindi pa ako nakakatapos ang ayos sa buhok ko nang biglang tumunog ang Cell p[hone dahil may nag text sa akin. Napatili pa ako nang mabasa ko ang pangalan na nakalagay sa screen nang telepono ko. "Good afternoon, kumain ka naba?" ani ni Harold sa kanyang text. Ako naman ay biglang kinilig sa simple gesture na sinabi niya. "Oo, kakatapos lang, ikaw ba kumain na?" sagot ko sa kanya. Parang nahiya pa ako dahil sa tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko para lang kaming mga highschool na magka chat mate. Baduy man sabi ang isip ko pero iba naman ang kabog nang dibdib ko dahil napakalakas nito at hindi ko kayang pigilan. "May lakad kaba ngayon? Aayain sana kitang kumain nang lugaw sa may kanto eh." muli niyang sagot sa akin. Gusto ko man sumagot nang oo pero hindi ko pwedeng gawin dahil hindi ko alam kung anong oras matata pos ang aming graduation ceremony. "Pasensya kana Harold, gustuhin ko man sana kumain nang lugaw kaso may lakad ako ngayon at hindi ko alam kung anong oras kami matatapos." pag amin ko sa kanya. "Ganun ba, sige sa ibang araw na lang. Pasensya kana kung medyo nagiging makulit ako." hinging paumanhin niya sa akin. "No, it's okay. Hindi ka naman abala sa akin, gusto ko ngang nagtetext ka sa akin." reply ko sa kanya. "Totoo ba, miss muna ako?" reply niya na ikinagulat ko talaga dahil wala naman akong sinabi na miss ko siya. "Naku Tina masyado kana yatang obvious kaya ganun na ang iniisip niya" kastigo ko sa sarili ko. "Ingat ka Tina, kung saan ka man pupunta. Ingatan mo ang sarali mo kasi MAMAHALIN PA KITA!" basa ko sa reply niya. Ilang beses kong kinusot ang mata ko baka mali lang ako nang basa pero mamahalin talaga ang nababasa ko. Jusko ang kilig ko abot na hanggang Baguio, bakit ba naman kasi ang hilig magpakilig nito si Harold noong isang araw ko lang siya nakilala pero ung kilig ko nag uumapaw na. Narinig ko ulit tumug ang cell phone ko kaya mabilis kong dinapot dahil si Harold ulit ang nag text, kaya agad kong inopen at binasa ang text niya. "JOKE lang Tina baka maniwala ka ha, nagbibiro lang ako." basa ko ulit sa text niya. Ang hinayupak na lalaking to ang hilig magpakilig pero bigla ding binabawi. Yung pakikiligin ka muna at paasahin tapos pag nasa peak kana nang pagkakilig mo saka niya sasabihin na joke lang. "Harold.......... Humanda ka talaga sa akin pag nagkita tayo hindi tala kita papansinin." gigil kong sabi sa sarili ko. Dahil medyo nabadtrip ako ay hindi ko na siya nireplyan ilang text pa ang pinadala niya pero dinedma ko na. "Bwisit siya feeling pogi siya, malaki lang ang abs at muscle niya pero siguro maliit ang pisot niya." panlalait ko sa kanya sa isip ko. "Lord patawarin niyo po ako nagiging mahalay na tuloy ang virgin kong utak" natatawa ko pang bulong sa sarili ko. Para na naman akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Mukang mula noong isang araw nakakakasanayan ko nang magkipag usap sa sarili ko. Okay kapa ba self? Agad ko nang sinunod ang pag mamake up ko, light make up konting eyeshadow at blush on lang naman ang nilagay ko sa aking mukha saka ako nang lagay nang false eye lashes at contact lens, at para makumpleto na ay naglagay na din ako nang liptint para hindi heavy ang pakiramdam ko sa labi ko. Pinasadahan ko na ang mukha ko sa salamin at nang makita ko na ayos na ay saka ko na isinuot ang Filipiniana dress ito kasi ang required na suot namin ngayon. Patapos na ako nang marinig kong tumatawag si manang mula sa pinto. "Tina iha, nandito na ang kaibigan mong si Angel siya daw ang makakasama mo ngayon sa Graduation mo." sabi sa akin ni manang kaya agad kong binuksan ang pinto at sinabi kong papasukin dito si Angel. Ilang saglit lang at dumating na ang kaibigan ko. Okay naman ang suot niya pero ayaw kong pagtinginan siya nang mga kaklase ko kaya pinaupo ko siya sa vanity mirror ko at saka ko siya inayusan kumuha din ako nang dress sa aking closet at saka ko ito pinasuot sa kanya "Wow! Tina ako ba to?" gulat na gulat na sabi ni Angel. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya sa salamin. Maganda na siya pero mas lalo siyang naging maganda noong maayusan ko na siya. "Oo naman ikaw yan walang duda, kailangan mo lang talagang mag ayos para mas lalo kang maging maganda. Sayang lang at wala dito si Lei sana masaya tayong tatlo." malungkot kong sabi sa kanya. "Hayaan mo, malay mo bumalik din yun dito pag hindi nakatagal sa Probinsya." nakangiti naman na sagot ni Angel. Para makumpleto ang make over niya ay binigyan ko pa siya nang bag at sapatos na babagay na suot niyang dress. Kaya mas lalo pa siyang gumanda ibang iba sa Angel na pumasok dito kanina. Nang makita kong okay na siya ay inaya ko na siyang lumabas nang kuwarto ko para makaalis na kaming dalawa. Magpapahatid na alng ako kay mang Nestor para kung sakaling may lakad kami mamaya ay papauwiin ko na lang siya. Nakarating kami sa PICC kung saan ang venue nang aming graduation, halos lahat nang naririto ay kasama ang kanilang pamilya kaya nakaramdam na naman ako nang lungkot. "Cheer up, Tina. Graduation mo ngayon dapat masaya ka lang." "Masaya naman ako kahit wala sila mommy, Thank you Angel kasi kahit wala sila sinamahan mo ako ngayon." nakangiti kong sagot. Inaya ko na si Angel na pumasok sa loob nang PICC dahil nang uumpisa nang pumila ang lahat nang graduates. Sinalubong ako ni Hershey saka namin niyakap ang isa't isa. "Congrats sa atin sa wakas graduate na tayo." masayang sabi ni Hershey. "Congrats Hershey mamimiss kita, ilang taon din kitang araw araw na kasama, simula bukas hindi na tayo magkakasama." malungkot kong sagot sa kanya. Nagsimula na kaming maglakad at tinawag na din isa isa ang mga naunang batch na mga graduates. Hanggang sa kami na ang susunod. Dinig ko ang bawat palakpakan sa tuwing tatawagin ang pangalan nang bawat mag sisipag tapos, hanggang sa marinig ko na din tinawag ang pangalan ko. "CRISTINA DELA CRUZ, c*m LAUDE" narinig ko ang palakpakan nang mga tao, kung sana ganito din kasaya ang pamilya ko para sa akin kaso hindi. Naglakad ako papunta sa stage na mag isa kaya tinanong ako nang Dean namin. "Where is your Parent? Hindi ba nila alam na may award ka?" "Sir kayo na lang po ang mag sabit sa akin please! Wala po kasi sila dito sa Pilipinas." nakangiti kong sagot pero sa kaibuturan nang aking puso ay nag uumapaw na kalungkutan ang nararamdaman ko. Pag baba ko nang stage ay doon na bumuhos ang luha ko at hindi ko na napigilan ang sakit na nararamdaman ko.................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD