TINA
Lumipas ang ilang lingo matapos ang graduation ay naging abala ako sa pag sama sa mga NGO na kinabibilangan ko. Dumating na din si mommy mula sa kanyang business trip pereo hindi pa kami nagkikita dahil naging abala pa siya sa kanyang negosyo. Si daddy naman ay hindi pa din umuuwi nang bahay.
Kasama ko ngayon si Angel papunta sa bahay nila birthday daw kasi nang Nanay niya pinapapunta daw ako.
"Angel bili muna tayo nang cake para kay Tita," sabi ko sa kaibigan ko.
"Naku wag na, masaya na si nanay na makita ka alam mo naman yon mas mukang anak kapa niya kesa sa akin. Ikaw ba naman ang laging bukam bibig kung kelan ka daw pupunta sa bahay?" nakangiting sabi ni angel. Pero nagpumilit pa din akong bumili. May dala din naman akong regalo para kay tita na binili ko noong isang araw pa.
Habang naglalakad kami papunta sa bahay nila Angel ay may nadaanan kaming basket ball court at parang may mga nag rarambulan. Madaming tao na nakapalibot pero wala ni isa ang gustong umawat, mabilis naman na lumapit si Angel sa umpukan nang mga tao para maki- marites kaya napasunod din ako.
Naririnig kong nagsisigawan ang mga tao na animo nanonood sila nang boxing. Hinila ako ni Angel para lumapit pa. Nakita ko si Harold na walang pang itaas na damit at nakikipag suntukan sa 4 na kalalakihan. Panay naman ang tilian at sigawan ng mga babae na hindi ko alam kung bakit ba sila tili nang tili eh may nag aaway na nga.
"Pogi, sige suntukin mo yan."
"Sa likod mo pogi tadyakan mo."
"Sige iupper cut mo, yown tumba."
Malalakas na sigaw nang mga tao ang naririnig ko sa buong paligid, habang si Harold naman na akala mo model at talagang pini flex pa ang muscle niya kaya panay talaga ang sigawan nang mga kababaihan.
Bago pa dumating ang baranggay at pulis ay napatumba na ni Harold ang apat na lalaki. May dugo rin siya sa bandang labi pero hindi naman ganun kalaki ang sugat. Agad na hinuli ng mga pulis ang 4 na lalaki at si Harold ay kinausap lamang nila. Nagulat pa ako dahil diba dapat dadalahin din siya sa prisinto for investigation, hindi ko na lang pinansin at hinila na si Angel para makaalis na kami. Pero bigla akong pinigilan ni Angel dahil bigla din siyang napatili. May lumapit na babae kay Harold at hinimas himas ang mala pandesal nitong abs.
"Rowie..... Tirahan mo naman kami." sigaw nang isang babae,
"Grave hang tigas ng pandesal..." malanding sigaw naman nang babae na nagngangalang Rowie.
"Pahipo din kami." muling tili nang isa. Hindi ko na kinakaya ang mga nakikita ko akala mo anito itong si Harold na hinihimas himas ng mga kababaihan ang kanyang abs. Ang siraulong lalaki naman ay parang tuwang tuwa pa siya at pinagkakaguluhan siya.
Hihilahin ko na sana si Angel nang bigla itong tumakbo palapit kay Harold.
"Tumabi kayo, kami naman." malakas na sigaw ni Angel kaya lahat ay napatingin sa direksyon namin pati si Harold.
Gusto ko nang tumakbo dahil sa kahihiyang ginawa ni Angel pakiramdam ko lahat yata nang dugo ko ay umakyat na sa mukha ko sa sobrang hiya ko sa ginawa ni Angel. Napatakip na lang talaga ako ng box nang cake sa mukha at unti unti akong tumabi sa likod ng ale. Huli na dahil nakita na ako ni Harold.
"Tina, nadyan ka pala gusto mo din bang itouch ang abs ko?" sabi niya habang ang laki nang ngiti niya sa akin.
"No, thanks hindi na kailangan sila na lang mag touch kaya na nila yan." sagot ko naman habang nakatingin kay angel at sinesenyasan na umalis na kami pero ang bruha kong kaibigan ay niyakap pa talaga si harold kaya lahat ay nag tawanan.
Hindi na ako nakatiis kaya nilapitan ko na si Angel at talagang hinila ko na siya. Masyado na siyang nag eenjoy yumakap kay Harold.
"Saan ba kayo pupunta?" tanong ni Harold.
"Gusto mo ba sumama pogi? Birthday kasi nang nanay ko ngayon kaya doon kami pupunta." sagot naman ni Tina kay Harold.
"Pwede ba? Nagugutom na din kasi ako, ang hirap kaya makipag suntukan sa mga siraulong yon nakakapagod at nakakawala ng gandang lalaki." mayabang niyang sabi.
Pinasama nga siya ni Angel at sabay na silang nag lakad ako naman ay naiwan sa likod na nakasunod lang sa kanila. Ayaw kong sumabay dahil ang suot niyang tshirt na kulay black ay hapit na hapit sa katawan niya. "Ano ba ang meron sa lalaking to at kahit nakipagbabag na ay muka pa ding mabango." tanong ko sa isip ko.
"Tina bilisan mo dyan bakit ka ba nahuhuli halika dito at kayo ang magsabay." ani ni Angel. Agad na naman akong pinamulahan nang pisngi dahil sa sinabi ni Angel. Hindi ako sanay sa mga ganitong eksena na may kasabay na lalaki sa paglalakad dahil alam kong hindi magandang tignan para sa akin.
Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa harap ng bahay nila Angel narinig ko na masayang nag kakantahan ang mga bisita. Mga kapitbahay at kamag anak lang naman nila, nang mapansin kami ni Tita Sally ay inaya niya na kami sa loob. Hindi kalakihan ang bahay nila Angel, masasabi kong nasa middle class sila kasi hindi naman sila ganun kahirap. Pag kapasok ko ay agad kong inabot ang cake at ang regalo ko para sa kanya. Hindi pa man niya nabubuksan ay talagang masayang masaya na siya puro pasasalamat ay naririnig kong sinasabi ni Tita Salve sa akin.
Inaya kami ni Angel sa may lamesa para doon kumain, tumayo ako at agad din namang sumunod si Harold pinaghila niya pa ako nang upuan bago din siya umupo sa tabi ko. Habang kumakain kami ay nag kukwentuhan naman kami tungkol sa kung ano ano lang ang mapag usapan namin.
"Tina, ngayong naka graduate kana saan mo balak magtrabaho?" tanong ni Angel sa akin.
"Sa ngayon balak kung mag apply sa ilang company, nagtitingin tingin na ako kung saan ako pwede mag apply." sagot ko kay Angel.
"Mabilis ka lang naman matatanggap lalo na at cumlaude ka." muli niyang ani.
"Talaga Tina cumalaude ka ang talino mo naman pala talaga?" manghang mangha na sabi ni Harold.
"Ikaw Harold matanong nga kita, bukod sa pakikipag basagan nang mukha ano pa ang iba mong trabaho?" curious na tanong nang kaibigan ko.
"Grabe ka naman sa pakikipag basagan nang mukha. Nagkataon lang yon kanina dahil mag babae silang binastos palabas nang iskinita namin alangan namang titigan ko lang." nakangiti niyang paliwanag.
"Pero ano nga ang trabaho mo?"
"Iba- iba minsan kargador, minsan naman dancer at minsan namamakla para magkapera." pabiro niyang sagot kaya sabay sabay kaming tatlo na nagtawanan.
Matapos kaming kumain ay lumabas na kaming tatlo at umupo sa sala. Hindi ako mapakali dahil panay ang tingin sa akin ni Harold na iilang tuloy ako sa sarili ko.
Hindi na din ako nagtagal at nagpaalam na ako kay Angel hapon na kasi at wala naman akong dalang sasakyan hindi pa naman ako sanay mag commute sa gabi.
"Tita, aalis na po ako, happy birthday po ulit." muli kong bati kay tita Salve.
"Salamat tina sa cake at sa regalo mo sa akin mag iingat ka pauwi ha." sabi ni Tita Salve.
Ihahatid pa sana ako ni Angel sa sakayan pero nag prisinta na si Harold na ihatid ako kaya naiwan na si Angel. Naglalakad na kami palabas nang bigla ako matalisod.
"Ay bilat!" sabi ko sa pag kabigla.
"nasaan..nasaan..." mabilis namang sabi nang sira ulong Harold kaya imbes na mahiya ako ay bigla akong napahagalpak nang tawa.
Ibang klase din ang lalaking ito ang daming paandar sa katawan, walang dull moment pag siya ang kasama ko........