TINA
Dahil maaga pa naman hindi na ako nagpasundo kay kuya Nestor dito sa labas nang subdivision, naglakad na lang ako papasok parang pinaka exercise ko na din. Ilang minuto din akong naglakad bago makarating sa bahay namin, pag pasok ko sa pinto ay nakarinig ako nang malakas na boses mula sa living kaya hindi muna ako pumasok. Narinig ko si mommy na may kausap na nagngangalang Romeo.
"Bantayan niyo ang ship out, hindi tayo pwedeng mabulilyaso ngayon malaki ang mawawala sa atin!" galit na sabi ni Mommy sa kausap niya.
Hindi ko alam kung ano ang pinag uusapan nila, wala naman akong alam na negosyo nang pamilya namin na nasa linya nang cargo.
"Kapag ayan ay nabulilyaso at hindi ninyo inayos ang trabaho nyo magpaalam na kayo sa mga pamilya niyo!" malakas na sigaw ni mommy sabay bato nang cell phone niya dahil sa galit.
Sa gulat ko sa ginawa niya ay napasigaw ako, dahilan para makita niya ako.
"Tina come here!" tawag niya sa akin kahit natatakot ako ay lumapit ako sa kanya. "Ngayong nakatapos kana ay kailangan mo nang mag trabaho sa kumpanya natin, ikaw na ang itatalaga ko isa nating negosyo." bungad niyang sabi na agad ko namang tinutulan.
"Mom, pwede po bang sa iba niyo na lang ipamanage yan, gusto ko po munang maexprienced ang magtrabaho sa ibang company."
"Anong silbi na pinag aral kita kung sa iba mo din pala gustong mag trabaho." sigaw ni mommy sa akin.
"Pero mom, wala pa po akong alam sa pag mamanage nang business."
"Kaya nga tuturuan kita, ganyan ka na ba kabobo at hindi mo makauha ang gusto kong gawin mo. Whether you like it or not doon ka mag tatrabaho sa company natin. Simple lang naman ang magiging trabaho mo doon pipirmahan mo lang lahat nang shipment na lalabas at papasok sa atin, anong mahirap doon?"
Hindi ko na nagawa pang makipag talo kay mommy, kahit kinakabahan ako sa sinasabi niya ay hindi na ako tumutol. Wala din naman akong magagawa.
Nagpaalam na ako na aakyat na sa aking kwarto kaya tinawagan ko si daddy para sabihin sa kanya ang gustong ipagawa sa akin ni daddy.
"Dad , mom wants me to work in our shipment company. May i know kailan pa tayo nagkaroon nang ganong negosyo?" tanong ko kay daddy.
"Really did she said what is your position in that company?." daddy asked.
"She said na pipirma lang daw po ako ng mga lalabas at darating na shipment ako lang daw po ang mag rereceive."
"She is crazy!" sigaw ni dad.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Pero ang sabi niya ay uuwi daw siya bukas para kausapin si mommy.
Matapos kami mag usap ni dad ay pumasok na ako sa banyo para maligo, kanina pa ako nang lalagkit. Nagbabad ako sa bath tub para kahit paano ay marelax ang isip ko. Ilang oras din ako nagkababad hanggang sa maisipan ko nang umahon at magbanlaw. Inaantok na din kasi ako kaya gusto ko nang matulog nang maaga.
------------------------------------
Kinaumagahan ay tanghali na akong nagising nakarinig ako nang mga kalabog kaya dali dali akong lumabas nang kwarto . Nakita ko si manang sa sala kaya tinanong ko siya kung ano ang nang yayari.
"Manang ano po yung maingay sa taas? Sino po ang kaaway ni mommy?"
"Ang daddy mo galit na galit sa mommy mo."
"Bakit daw po? Ano po ba pinag awayan nila? Muli kong tanong.
"Hindi ko din alam anak, basta ang narinig ko lang ang sabi nang daddy mo ay huwag kang idamay ng mommy mo. Hindi ko nga din maintindihan bakit yon sinabi nang daddy mo." sabi sa akin ni Manang.
Dumiretso ako sa kusina para kumain nagugutom na ako, bahala silang mag away na dalawa wala na namang bago sa kanila. Tuwing na lang magkikita sila ganyan sila kaya mas okay pa na wala ang isa sa kanila dahil tahimik ang bahay.
Nakarinig ako nang mahihinang katok sa aking pinto, tumayo ako at binuksan ito nakita ko si daddy na nasa labas nang pinto ko kaya nilakihan ko ang bukas para pumasok siya.
"Tina, hindi mo kailangan sundin ang mommy mo, gawin mo kung ano ang gusto ko. Kung gusto mong magtrabaho sa ibang company gawin mo." sabi si akin ni daddy.
"Dad ano po ba nangyayari sa inyo ni mommy? Bakit parang ibang iba na po kayo ngayon?" naluluha kong tanong kay daddy.
"Madami ka pang hindi alam anak, darating din ang oras na malalaman mo din pero sa ngayon ayaw kong mainvolve ka sa mga negosyo nang mommy mo. If you want pwede kitang bigyan nang posisyon sa company natin, doon ka muna magtrabaho." muling sabi sa akin ni Daddy.
"No, dad gusto ko pong maranasan na mag apply sa ibang company para naman po matuto akong pahalagahan ang bagay na mayroon ako. Ayaw ko po na madali ko lang nakukuha ang lahat." ani ko.
"Ikaw ang bahala anak, nandito lang ako para suportahan ka. Hindi man ako laging nauwi dito alam mo kung saan ko tatawagan at pupuntahan kapag kailangan mo ako." sabi ni daddy sabay yakap niya sa akin at hinaplos haplos pa ang aking buhok.
Ganito ang namimiss ko sa daddy ko noong bata pa ako kapag nandirito siya sa bahay ay lagi niya ako binubuhat at dinadala sa pool para maligo . Si daddy lagi ang nagtatangol sa akin kapag pinagagalitan ako ni mommy, okay pa naman kami noon hanggang sa unti unti parang nagbago ang lahat lalo na noong umalis na si kuya papuntang Canada. Pakiramdam ko wala na akong kakampi, pero ngayon na yakap ako ni daddy pakiramdam ko bumalik sa dati ang lahat. Akala ko hindi ko na mararamdaman ang pagmamahal nila sa akin pero ngayon sa isang iglap naglaho agad ang sama nang loob ko kay daddy. May kakampi pa pala ako, hindi pala ako nag iisa. Hindi ko man maramdaman na mahal ako nang mommy ko ayos lang yon iniintindi ko na alng na bak busy lang siya sa mga negosyo niya. Sapat na sa akin na nandito si daddy para sa akin.
Nagpaalam na si daddy para bumalik sa kanyang opisina marami pa daw siyang tatapusin na trabaho kaya lumabas na siya sa aking silid.
Hindi nagtagal ay nakarinig naman ako nang pagbasak nang pinto ko, pumasok si mommy na galit na galit sa akin.
"Magaling ka talagang babae," sigaw sa akin ni mommy. "at talagang nakuha mo pang mag sumbong sa daddy mo. Ito ba ang gusto mo ang mag away kami!" galit na galit na sabi sa akin ni mommy.
"Mom, hindi naman po ako nag sumbong tinanong ko lang po kung mag shipping company ba tayo?" depensa ko kay mommy.
Galit na galit siyang lumapit sa akin saka isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa aking mukha na halos ikaalog nang utak ko. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang.
"Mom, lahat naman ginagawa ko para sayo, pero bakit hindi pa din sapat para sayo?" umiiyak kong sabi sa kanya.
"Kahit kailan hindi magiging sapat lahat nang ginagawa mo para sa akin, kahit ang buhay mo ay hindi magiging sapat sa lahat nang hirap na dinanas ko dahil sayo. Kaya magpasalamat ka na lang dahil binuhay pa kita!" malakas na sigaw sa akin ni mommy bago siya tuluyang lumabas nang silid ko.
"Ano ba ang nagawa kong kasalanan para kamuhian niya ako nang ganun? Hindi ko alam kung saan ba nanggagaling ang galit niya sa akin? Ang alam ko kasi walang magulang na maghahangad nang masama sa kanyang anak. Pero ang mommy ko ang kabaligtaran. Masakit marinig mula mismo sa bibig niya na sana pinagsisisihan niya na binuha niya ako. Sana nga hinayaan niya na akong mamatay para hindi ko nararanasan ang kalupitang pinaparanas niya sa akin, sana nga hindi na lang din siya ang mommy ko." walang tigil ang pag tulo nang masagana kong luha dahil sa sakit nang mga sinabi sa akin ni mommy.............