TINA May mga naririnig akong boses sa paligid ko pero hindi ko pa maidilat ang aking mga mata. Masakit ang buo kong katawan at hindi ko ito maigalaw, makirot hin ang hita ko at pakiramdam ko namamaga ito. May narinig akong mga yabag na papalapit sa akin kay nagkuwari akong tulog. "Inay, mukang wala na pong lagnat si Ineng mukang humupa na po." tinig ng isang dalaga. Mukhang anak siya ng Aleng kasama niya. "Nag aalala na nga ako sa kanya anak, abay isang araw na siyang tulog paano natin siya mapapakain kung tulog siya." nag aalalang sabi ng ale sa kanyang anak. Ayaw ko silang mag alala sa akin kaya unti unti ko ng iginalaw ang mga daliri ko, kahit nahihirapan ako ang pilit kong tinitiis ang sakit na nararamdaman ko. "Inay! Tignan mo po gumagalaw ang mga daliri ni Ineng." masayang siga

