Chapter Fourteen NAPANGITI ako nang makita ko ang mag-ama na natutulog sa sofa. Nakadagan si Ares sa dibdib ni Jasper habang mahimbing na natutulog ito. Kakatapos lang kasi nila maglaro sa salas kaya napagod sila pareho. Walang tigil si Ares sa paglalakad at paggapang kanina habang tawa ng tawa dahil hinahabol s'ya palagi ni Jasper. Mabuti na talaga ay maayos na ang lagay ni Ares kaya napagpasyahan namin na kunin na si Ares kela Mommy. Alam ko na matindi ang pagtutol ni Daddy sa ginawa kong desisyon tungkol kay Ares. Nasa kanila na ang bata noong maliit pa lang ito at ngayon ay bigla ko na lamang ito kukunin sa kanila na para bang wala akong utang na loob pero eto ang gusto namin ni Jasper. Ang gusto ko. Hindi ko kayang ipagdamot si Ares sa kanyang sariling ama. I'm giving the right

