Chapter 12 - Birthday

1257 Words
PAGKABABA PALANG NG KOTSE ay manghang mangha na agad si Lizeth ng makita kung saan siya dinala ni Clyde. It was a white mansion. Garden palang niyon ay punong puno ng ibat ibang kulay na ilaw. Pati ang water falls sa gitna ay kumikislap din mula sa pula, asul at ginto. "Nasa white house ba tayo?" Natawa si Clyde. "No nandito tayo sa town house ng tito ko." Tinignan ni Lizeth ang sarili. Sigurado bang papasukin siya sa loob dahil naka bistida lamang siya at jeans with matching pink na doll shoes. "Uwi nalang kaya ako." "Bakit naman, okay naman yang suot mo ah." "Niloloko moba ako, eh baka pag pumasok ako sa loob eh pagkamalan nila akong serbidora!" Pagkatapos ay pumasok ulit si Lizeth sa loob ng kotse. Talagang pinagsiksikan niya ang sarili sa loob. Sumilip si Clyde sa bintana. "What are you doing?" "Sige na pumunta kana sa loob, hihintayin nalang kita dito." "Are you kidding right. Your fine bakit ayaw mong pumasok?" Hindi na nagsalita si Lizeth. "Dahil sa damit mo?" Listen hindi naman kita papasukin sa loob kung may mali sayo. Wala kabang tiwala sa'kin?" Well medyo sa isip isip ni Lizeth. Sabagay sa tamis ba naman at amo ng mukha ni Clyde ay magagawa ba nitong pahiyain siya? Well may maliit na porsyento. Kaya naman pagkatapos ng ilang minutong kaartihan ay binuksan na ni Clyde ang pintuan ng kotse. Inalalayan niya si Lizeth na bumaba at sabay silang nagpunta sa pintuan ng mansion. Mula duon ay otomatikong bumukas ang pinto. Electronix music agad ang narinig ni Lizeth. Isa palang disco theme party ang pinuntahan nila. "So now, tell me if your dress is appropriate  in this disco theme." Sa nakangiting sabi ni Clyde. "Pwera nalang kung mag didisco ka ng naka gown, what do you think?" "Oo na ikaw na tama. I'm sorry." "Its okay, ikaw lang eh wala kang tiwala sa'kin." "Cousin!" Bigla siyang tinawag ni Daniel. Daniel was in dark blue jacket at ragged jeans. Halata na, na may amats na ito. Dinantayan nito si Clyde sa balikat. "Bakit ngayon kalang?" Tanong agad nito. "Is this your girlfriend?" Sabay tingin kay Lizeth. Nakatinginan din ang dalawa. "Ahhm hindi." Sagot ni Lizeth. "You mean hindi pa?..." medyo lumapit ang mukha ni Daniel kay Lizeth. Naging awkward tuloy ang eksena. "Ano kaba pinsan, huwag mo namang takutin yung friend ko." Natatawang sabi ni Clyde. Pagkatapos ay kumindat ito sa kanya. Niyakad ni Clyde si Daniel papunta sa ibang mga kaibigan nito. Sinenyasan niya si Lizeth na babalik siya after a minute. IBAT IBANG NAGKIKISLAPANG mga ilaw. Kasabay ng nakakaaliw ding musika ang nasisilayan ni Lizeth habang nakaupo sa isang gilid ng isang magarbong party. Sapat na siya sa ganung ayos, kahit na nakaupo lamang siya 'dun ay masaya siyang pinagmamasdan ang mga sumasayaw. "Are you alright?" Isang lalaki ang bigla na lamang dumating sa gilid niya. May dala itong dalawang kupita na may lamang alak. "Ito para sayo." Inabot ni Clyde ang isa kay Lizeth. "Nasan na yung birthday boy?" Tanong niya. "Nadun, kasama ng mga kaibigan niya. That was Daniel my cousin." "Talaga ba." Tapos ay kumaway pa si Daniel sa di kalayuan. Kumaway din siya. "Close kayo no?" "Oo naman, my one and only close cousin." Tinignan ni Lizeth ang expression ng mukha ni Clyde, halatang nalungkot ito. "By the way is this your first time?" "Sa party? Syempre hindi." "No sa club?" Nakalimutan din niya ang tungkol sa tema ng party. "Well yes, hindi kasi ako nagpupunta ng club. Maybe mga movies, books yun ang mga hilig ko." "Ako din." Tinignan ni Lizeth ang binata. Sa isip isip niya sa gwapo nito ay hindi ito nagpupunta ng club? Diba 'yun ang in sa mga mayayaman at mga maperang katulad nito? Mali ba siya ng iniisip. "Oh bakit ganyan ka makatingin? Please ibahin mo'ko sa mga lalaking kakilala mo. Im not into this club thing. Mas gusto ko ang mag bake at gumawa ng kape, kuha mo?" Nagrolyo ang mata ni Lizeth. "Alam mo grabe ka, tinignan lang kita pero ang dami mo ng sinabi. At para malinaw, hindi kita kinukumpara sa mga lalaking kakilala ko." "Eh ano lang." Naglapit nanaman ang kanilang mga mata. Sa pagkakarkula ni Lizeth ay isang sentemetro lang ay maamoy na niya ang hininga ng binata.  Lumalakas nanaman ang t***k ng puso niya. "Wala lang..." sagot niya. Napahawak siya sa kanyang dibdib pag layo ng kanilang mga ulo. Huminga siya ng malalim. Para siyang nabunutan ng tinik. "So kung hindi ka nagpupunta ng club then hindi karin umiinom?" Tanong ulit ni Clyde. "Actually hindi eh, minsan kasi nung tinikman ko. Ang pait ng lasa." Kung todo papangit effect pa ng mukha nito. Natawa si Clyde. "Alam mo to be honest ako rin." "Eh kung hindi ka umiinom then bakit ka may dalang alak ngayon?" "Ito ba?" Tinaas pa ni Clyde ang kupita. "Wala lang pa macho effect lang. Diba yung mga babae mas na a-attract sila sa mga lalaking medyo bad boy ang dating." Paliwanag ni Clyde dahil 'yun din ang turo ng kanyang kuya Elliot. "Alam mo para sakin hindi sa pagiging badboy ako na aattract eh. Basta ang gusto kolang ay kung sino yung taong 'yun. Yung tipong transparent. What you see is what you get." Nakatingin si Lizeth sa mga nagsasayaw habang nagsasalita. But Lizeth was right. Clyde thought to himself. Pero paano na lamang kung hindi siya totoo sa mga pinapakita niya dito na ang lahat ng ito ay isa lamang malaking palabas. "What do you think Mr. Clyde?" Tanong ni Lizeth sa binata. "Yes tama ka." Habang pinipilit nitong ngumiti. HALOS ALA UNA na ng madaling araw ng mag desisyon si Clyde na umuwi na. Inalalayan niya si Lizeth sa paglalalad nito. Makulit kasi ito na inubos ang tatlong baso ng alak at nalasing agad ito. "Come on malapit na tayo sa kotse." Paglapit sa kotse ay binuksan niya agad ang pintuan. Pagkatapos ay inicha niya si Lizeth sa may back seat. "Shino ka?" Tanong dalaga sa kanya." Natatawa lang si Clyde habang pinagmamasdan niya ang halos halukipkip na, na mata nito. "Ikaw ba yung boyfriend ko?" "Im not your boyfriend, im your friend." "Frirnd lang kita? Talaga ba eh diba ikaw yung boyfriend ko, shi Clyde ka shiba?" Medyo umurong ang suot na pang itaas ang damit ni Lizeth hanggang sa ma exposed ng bahagya ang bra nito. Kulay itim 'yun. Napansin din niya ang maputing kutis ng balat nito. Binaba niya 'yun. Pero nang aakma na niya iyong ibaba ay hinawakan nito ang kamay niya. Hinila, kaya napadagan siya dito. Pag tingala ni Clyde ay nagkati nginan sila ni Lizeth. Kahit na nasa espiritu si Lizeth ng alak ay hindi niya maipag kakailang maganda parin ito. "Mas maganda ka pala pag lasing." Ngumiti si Lizeth. Hindi niya alam kung naiintindihan siya nito. "Gusto kita." Bigla nitong sabi. "What?" "Bhingi kana ang shabi ko gusto kita. Iba na ang naramdaman ko sayo simula palang nung first date natin." Teka teka nasa wasto ba itong pag iisip? Totoo nga bang pang ang isang tao ay lasing ay nagsasabi ito ng totoo. "Gusto mo talaga ako?" Umayos ng upo si Lizeth kahit na hilo at nahihirapan. Kinuha niya ang mukha ni Clyde at hinawakan sa magkabila nitong pisngi. "Oo nga gusto kita eh ako kaya may pag asa na gustuhin mo?" Hindi agad nakapag salita si Clyde kahit na alam kasi niyang usapang lasing lamang 'yun ay mukhang nakikipag usap ito ng normal. Pero ang sumunod na nangyari ang mas hindi napaghandaan ni Clyde. Because Lizeth lean in front. Grab more of his cheeks and kiss Him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD