Chapter 13 - Sadness

1548 Words
MINULAT NI LIZETH Ang kanyang mga mata. Kulay krema ang buong kwarto kung saan siya naroon. Amoy rosas naman ang hangin na kanyang hinihinga. Nirolyo niya ang mata sa buong paligid. Hindi mapagkakailang wala siya sa kanyang boarding house. Bumangon siya sa may kama. Sinuot ang kanyang sapatos at nagpunta sa may pintuan. Parang normal lang ang lahat. Naglakad siya sa may pasilyo kung saan siya naroon habang tinitignan ang oras sa kanyang relo, hanggang sa nabigla siya. Pamilyar ang lugar na nilalakaran niya ngayon! Nanlaki ang mga mata niya when She realized something . "Good morning Miss Lizeth." Sabi ng isang boses na nagmula  sa dulo ng pasilyo. Pag tingin niya 'dun ay nakompirma niya kung kaninong mansiyon siya naroon ngayon. "Mang Carding?" Tawag niya dito. "Paanong?" "Mahaba pong kwento Miss Lizeth." Pagkatapos ay tumunog ang sikmura ng dalaga. Mag aalas nueve na kasi ng umaga at gutom na gutom na siya. "Maganda pa ay kumain ka muna. Kanina pa nakahanda ang pagkain sa lamesa." Pagkatapos ay sinundan niya si Mang Carding sa hapag kainan. Nakaayos ang parteng 'yun ng lamesa. Meron duong itlog, bacon, garlic rice, tinapay at gatas. "Kayo ho ang nag luto ng mga ito?" Tanong ni Lizeth sa matanda. "Hindi ako nakikielam sa kusina. Lahat ng yan ay luto ni Master Clyde." Muli niyang tinignan ang arrangement ng lamesa. Halatang gumising ng maaga ang binata para lamang dito. "Sige iha kumain kana." "Eh kayo ho." "Huwag mo akong alalahanin ayos lang ako." Tinikman ni Lizeth ang kanyang magarbong agahan. Pakiramdam niya ay nasa isang five star hotel siya at natatanaw ang magandang anyo ng karagatan. It was a blissful feeling. Napapikit pa siya ngunit ng magtangka siyang magmulat at makita ang matanda na akmang aalis kaya pinigilan niya ito. "Mang Carding, huwag ho muna kayong umalis. Ang maganda pa eh kwentuhan n,yo po ako about kay Clyde." Excited niyang sabi. "ONE BLACK AMERICANO!" Nilapag ni Clyde ang order na kape sa may serving area. Mula duon ay kinuha naman 'yun ni Mark. "Yung chesse cake sa table 3, wala pa." Sinilip ni Clyde ang naturang table at wala pa nga ang order nito. Dapat ay five to ten minutes lamang ang itinatagal ng paghihintay ng customer sa order nito depende kung matagal gawin ang kape o lagyan ng palamuti ang cake. "Coming up!" Wika ni Clyde. Kinuha niya agad ang isang round cheese cake sa may cake display glass upang humiwa ng isang parte niyon. Puting plato ang napili niya upang lalagyan nito habang papalamutian naman niya ng cheese syrup sa gilid. Pinatunog niya ang bell sa ibabaw ng serving area pagkatapos ilapag niya du'n ng cake. Sa muli niyang pag sulyap sa cheese cake ay naalala niya si Lizeth. Kasing lambot kasi ng cake ang labi nito. So irresistible. Bahagyang napangiti si Clyde. Pati ang pagtulog ni Lizeth sa kanilang rest room ay naalala din niya. Pinagmasdan niya ito ng ilang minuti. Ngayon niya lang napagtanto na maganda rin pala si Lizeth. Kung papipiliin si Clyde kung ano nga ba ang tipo niyang babae. Yun ay simple, hindi maarte at kaya siyang pasayahin. "Sir Clyde okay lang po ba kayo?" Biglang nagising si Clyde mula sa pagkatulala. Bigla niyang hinanap ang cheese cake. "Nasan na yung...?" "Na serve ko napo." Sinulyapan ni Clyde ang table 3 at nakita niyang tinitikman na ng customer ang cake nila. "Good so anong next order?" Tanong ni Clyde na parang walang nangyari. "Sir may nangyari po ba?" Isyosong tanong ni Mark. "Wala, may naalala lang ako." "Alam kona Sir. Babae yan no?" Mula sa pagkatalikod sa may bar ay humarap si Clyde kay Mark. "Paano mo naman nasabi?" "Sa mga ngiti mo Sir." "Ngumingiti ba'ko?" "Alam nyo Sir hindi naman sa ngiti lang pwedeng ipakita kung inlove. Pwedeng sa kilos, sa pungay ng mga mata, at pagkatulala. Yung tipong kapag nakikita mo siya eh para siyang kumikinang." Natawa si Clyde. "Pwede ba'yun?" "Oo Sir madalas na po kasing mangyari sakin. Yung sa sobrang kinang niya eh hindi mo siya matitigan tapos biglang lalabas yung maraming paru paro." "Puro ka kalokohan. Sige na kunin mona yung order ng table 1. Pag alis ni Mark ay isang katanungan ang sumilay sa isipan ng binata. Bakit nga ba niya iniisip si Lizeth. It can be, nagugustuhan naba niya ito? NABAHING SI LIZETH habang naglalakad na siya papauwi ng boarding house. Sa palagay niya ay tila pinag kekwentuhan siya ng kung sino? Si Clyde kaya 'yun? Tanong niya sa kanyang isipan ng napatigil siya sa isang coffee shop. Maliit lamang iyon na halatang bagong bukas. "Clyde." Banggit niya habang naaalala ang mga kinwento sa kanya ni Mang Carding. "Bata palang si Master Clyde ay itinakwil na siya ng pamilya niya." Kwento ni Mang Carding. "Kung magsasalita lamang ang bawat sulok ng mansiyon na ito ay siya ang mag kekwento sayo kung gaano hinarap ni Master Clyde ang hirap at kalungkutan ng pag iisa." Hindi maiwasan ni Lizeth ang maawa sa binata tungo sa mga kwento ni Mang Carding. "Eh yung kuya Elliot niya diba dito rin naman siya nakatira?" "Oo nga po. Pero parati din naman siyang wala. Palaging nasa opisina." Habang nagbabalik tanaw sa usapan nila ng matanda ay biglang tumunog ang telepono ni Lizeth. Pag tingin niya sa screen ng kanyang telepono ay binasa niya ang pangalan ng tumatawag. "Yes Clarisse?" "Hoy anong nangyari sayo at hindi ka pumasok. Nalasing ka kagabi no?" "Nakainom lang ng konti." Pag sisinungaling niya." "Talaga lang ba ha na konti lang" may duda sa tanong nito. "Eh ano ngang nangyari?" "Tinamad lang akong pumasok." Ang totoo niyan ay hindi siya pinag day off ni Sir Wax nitong nakaraang linggo dahil sa hindi pa bumabalik ang assistant nito. "Ganun ba, okay akala ko eh nalasing ka tapos sa bahay ka nila Clyde nakatulog." Nanlaki ang mga mata ni Lizeth. Psychic ba si Clarisse para mahulaan ang tunay na nangyari sa kanya? "Syempre hindi no, sige na nga maglalaba pa,ko." Pagkatapos ay binaba niya ang kanyang telepono. Huminga siya ng malalim pagkatapos ng tawag. Napag tanto niya na mahirap talagang magsinungaling kahit sa telepono. "NASAN KA KAHAPON?" Halos umusok na ang tenga ni Sir Wax pag dating ni Lizeth sa opisina. Duon lang niya napagtanto na meron pa pala siyang report na dapat tapusin. Limang matatabang folder ang ibinagsak ni Wax sa working table niya. Napapikit na lamang siya na mapagtanto ang kanyang pagkakamali. "Ah Sir tatapusin ko nalang po ito ngayon din." "Dapat lang, buti napakiuasapan ko yung isang kliyente natin. Sa susunod na hindi ka papasok sabihin mo kaagad para maipagawa ko sa iba." "Maliawanag po Sir." Ginamit nanaman ni Lizeth ang kanyang itinatagong charm. Kunyari ay nagpapaka awa effect siya kay Wax. Umusmid ulit si Wax pero halatang natamaan siya ng pagkaka makaawa effect nito. "O siya finish it today. Huwag kang uiwi until its not done!" "Okay po Sir." Pag alis ni Wax ay tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Lizeth. Napahawak siya sa dulo ng lamesa. "Akala ko katapusan kona." Bulong niya sa sarili. Bwisit na birthday party yan, kung hindi sana siya sumama ay hindi sana siya malalasing at hindi siya makakatulog sa bahay nila Clyde at tuluyang hindi makapasok. Ngunit sa gitna ng kanyang pagkainis sa nangyari ay muli nanaman niyang naalala ang kinwento sa kanya ni Mang Carding. Nawawala ang inis niya dito at napapalitan 'yun ng awa. "Oy anong nga ba ang nangyari kahapon?" Pagtingin niya sa kanyang gilid ay biglang sumulpot si Clarisse. "Diba nga sinabi ko sayo na wala. Huwag kang paulit ulit." "Sinong huwag kang paulit ulit, eh paulit ulit karing nagsisinungaling." "Tigilan moko Clarisse." "Ako paba Besh, eh yung last na hindi ka pumasok eh nagpunta karin sa party at nalasing remember." Tinignan niya si Clarisse. "At sinong nagsabi na nalasing ako?" "Wild guess kolang." "Guest molang pala, well wala kang patunay." "Ganun ba. Then kung ayaw mong magsabi then kay Papa Clyde nalang ako magtatanong." Kinuha ni Clarisse ang telepono nito at nag dial. Pinagmasdan niya ito. Alam niyang nagloloko lang ang atribida niyang kaibigan. Then tumunog ang telepono. Ni loud speacker pa nito ang telepono hanggang may sumagot. "Hello." "Ay hello po is this Clyde Braganza." "Yes speaking?" Nanlaki ang mga mata ni Lizeth. Kinuha niya agad ang telepono ni Clarisse at binaba ang tawag. "Paano mo nalaman ang number ni Clyde?" "Duh client natin sila." Tumaas ang kanang kilay ni Lizeth. Well oo nga naman. Sa loob loob niya ay napaka impakta talaga nito. "So ano magsisinungaling ka paba?" "Oo nalasing ako. Happy kana?" "Oh tapos?" May pagka excitement ang pagtanong nito. "Wala na. Nakatulog nako. Pag gising ko ay nasa bahay na nila ako." Si Clarisse naman ang nanlaki ang mga mata. "Oh my god, may namyari ba?". "Syempre wala." "Sure?" "Yes at this time nagsasabi na ako ng totoo." "Okay I believe you my Besh. Grabe no ganun na yung relasyon ninyo ni Papa Clyde." "Anong relayon, correction wala kaming relasyon. Pumayag lang nman ako na samahan siya kasi I realize na mabait din naman pala siya. I just..." "At ano na sinuklian molang yung ka butihan niya. Alam mo diyan din naman nagsisimula ang lahat eh." "Nako napaka nonsense na ng mga sinasabi mo. Wala nga kaming relasyon." "Hep hep correction. Wala pa pero in the future magkaka meron." Hindi na nagsalita pa si Lizeth. "Pero Clarisse. Meron akong tanong." May naalala nanaman si Lizeth. "Ano 'yun?" "Paano ba magpa saya? Any unique suggestion?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD