Chapter- 2

1180 Words
LUKE POV. WEDDING DAY… Sa buong buhay ko ay masasabi kong matutupad na rin ang isa sa pinapangarap ko. Ang magkaroon ng pamilya kasama ang pinakamamahal na babaeng napili ng aking puso. “Kuya, bakit pinagpapawisan ka siguro kinakabahan ka ano?” “Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko.” “Baka dahil lang 'yan sa puyat at nainom mo kagabi, kaya mag-relax ka at maya maya lang ay darating na ang bride mo.” Panay ang inhale exhale ko para mabawasan ang tension na aking nararadamdaman, hanggang narinig ko na ang pag tunog ng wedding song na kami nang babaeng mahal ko ang pumili. Kaya naman umayos na ako sa pagkakatayo at pinunasan ang pawisan kong noo. Nang bumukas ang pintuan ay nagsimula nang maglakad ang mga sponsors, bride’s maid at mga bata na lalo pa yata akong pinagpapawisan. “Kuya, be ready ayan na siya.” Narinig kong bulong ng aking kakambal sa gilid ko na si Liam. Nang matanaw kong kaagapay na siya ng kaniyang mga magulang ay hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha. Sa wakas magiging mag-asawa na rin kami, ang tagal kong hinintay ang araw na ito at talagang sobrang napakasaya ko. “Kuya, punasan mo ang iyong mukha at malapit na siya.” Bulong ng kakambal ko sa kabilang gilid na si Levi. Ilang beses pang muling nag inhale exhale ako at saktong naka-relax ang aking pakiramdam ay nasa harapan ko na ang aking bride. Subalit nagtaka ako nang hindi man lang nagsalita ang parents ni Leah, nananatiling tahimik lang ang mga ito. Kaya sa kawalang masabi ko ay inabot ko na lang ang kamay nang aking bride ngunit hindi nito iyon pinansin na ipinagtaka ko dahil wala siyang reaksyon. At sa malabong sinag sa suot nitong belo ay nabanaagan ko ang luhaan niyang mata. Aangatin ko sana ang belo niya para punasan ang basa nitong pisngi nang biglang itinulak ako nito palayo. “I’m sorry Luke, pero hindi ako magpapakasal sa’yo!” Para akong matutumba sa pagkabigla sa aking narinig lalo pa nang tumakbo na si Leah palabas ng simbahan. Saka pa lamang ako nakakilos at hinabol ito ngunit dalawang bisig ang humawak ng mahigpit sa magkabila kong braso. “Tama na kuya, she’s gone.” “No! bitawan n’yo ako ano ba?” at nang mga sandaling ‘yon ay para akong mamamatay sa sakit na nararamdaman. Napapikit ako sa pagpipigil na pumatak ang aking luha ngunit naramdaman ko ang pagpunas sa aking mukha at nang magmulat ako ay nasa harapan ko ang pinakamamahal kong ina. Ganon din ang aking ama, na mahahalata dito ang pinipigilang galit. “Let’s go son, she is not deserving for you love.” Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay sinakluban ako ng langit at lupa, at habang naglalakad kami palabas ng simbahan ay naririnig ko pa ang mga bulungan. At lalo pang nakadagdag sakit sa aking dibdib ang bawat salitang binibitawan ng mga bisitang naroroon. “Don’t mind them anak, hindi makakatulong sa mga nangyari ang mga taong makikitid ang utak.” Hindi ako hiniwalayan ng aking dalawang kakambal, hanggang makasakay kami ng sasakyan ay nasa tabi ko silang dalawa. At hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng luha na hinayaan naman nila ako. Tahimik ang lahat habang pauwi kami ng mansion, inabutan lang ako nila ng panyo para punasan ang aking mukha. Ang isipin na nasa gano’n akong sitwasyon ngayon ay gusto kong papaniwalain ang aking sarili na isang panaginip lang ang nangyari. Mahal ako ng babaeng pinangarap kong maging kabiyak, hindi niya ako iiwan siguro may nangyari lang na dapat munang makansela ang aming kasal. Siguradong isa sa mga araw na ‘yon ay tatawagan ako nito. At maghihintay naman ako kung kailan naming muling ipa-schedule muli ang aming pag-iisang dibdib. “Son, halika na anak.” “D-dad.” Mahigpit akong niyakap ng aking ama at napaiyak na naman ako. Pagbaba ko ng sasakyan ay naroon ang mga kamag-anak ko na halatang nagbibigay ng sympathy at support sa akin. “Pinsan, doon tayo backyard may hinanda kami doon.” Naging sunod sunuran ako sa bawat naisin ng aking mga pinsan, at sa likuran mismo ng mansion ay buong gabi kaming uminom. Doon na rin kami nakatulog sa malawak na living room sa carpet dahil sa dami ng alak na naubos. “Anak, nakahanda na ang almusal kaya magtungo ka na sa dining.” Sige po mommy, salamat.” Isa-isa kong ginising ang aking mga pinsan at kapatid, magkakasama kaming nagtungo sa mahabang lamesa na puno ng mga pagkain. Subalit kahit alin ang aking tikman ay wala akong panlasa kaya tumayo na lang at nagpaalam sa lahat. Hindi naman nila ako tinutulan kaya tuloy tuloy na akong umalis. Pagdating ko sa aking kwarto ay hindi ko na naman napigilan ang pagpatak ng luha. Sobrang sakit at literal ang sakin, ang isipin na tinakbuhan ako ng babaeng pinakamamahal ko ay hindi ko matanggap. Kaya nang masulyapan ko ang ilang paper bags sa gilid ay isa-isa ko iyong binuksan. May mga alak din doon at dinampot ko iyon saka sunod sunod na tinungga habang nakasandal ako sa gilid ng aking kama. Sa aking isipan ay paulit-ulit kong tinatanong ang sarili, kung ano ba ang naging pagkukulang ko. Lahat naman ay ibinigay ko sa kaniya, respeto, tiwala at lubos na pagmamahal. Bakit nagawa niya sa akin ang bagay na iyon? Hindi naman ako tumingin sa ibang babae, lahat ng libreng oras ko ay ipinagkaloob ko sa kaniya. At sa huli ay iniwan pa rin niya ako, ang masakit pa ay bakit kailangan pang pumunta siya sa simbahan at magsuot ng wedding gown kung aatras din pala siya sa kasal namin? “Anak, please open the door.” Rinig ko ang boses ni Mommy na tinatawag ako ngunit gusto kong mapag-isa kaya binalewala ko ang patuloy niyang pakikiusap na buksan ko ang pintuan. Hanggang tumahimik sa labas kaya pinagpatuloy ko ang pag-inom. Gusto kong lunurin ang sarili sa alak, baka sakaling makalimutan ko ang lahat, gusto ko rin siyang kamuhian ngunit isipin ko pa lang ay hindi ko kaya. “Luke, tama na yan anak.” Hindi ko namalayan na nabuksan na pala ni Daddy ang pintuan at nasa harapan ko na ito. “Daddy, I’m sorry…alam ko po na napahiya kayo ni Mommy sa nangyari.” “Huwag kang magsalita ng ganyan, hindi tayo ang dapat na mahiya kundi ang babaeng ‘yon at ang pamilya niya. Sila ang sumira sa napaka importanteng araw mo, kaya sila ang dapat na magkaroon ng kahihiyan at hindi tayo.” “Salamat dad sa inyong pang-unawa ni Mommy, pero sasamantalahin ko na rin ang pagkakataon. Magpapalam po muna ako sa inyo, gusto kong lumayo at sana sa gagawin kong ito ay makalimutan ko ang mga nangyari.” “Hindi ka naming pipigilan anak, ang sa akin lang ay mag-ingat ka at ipaalam sa amin ang lugar na kinaroroonan mo.” “Yes, dad at pangako sa pagbalik ko ay back to normal na ang lahat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD