bc

HOT UGLY HUNK MAFIA BOSS: LUKE MONTEMAYOR (Tagalog)

book_age18+
2.7K
FOLLOW
6.6K
READ
billionaire
spy/agent
possessive
fated
boss
mafia
cruel
reckless
athlete
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Para kay Luke, ang araw na ‘yon ang pinaka masamang nangyari sa buhay niya. Dahil sa mismong araw ng kasal niya ay tinakbuhah siya ng babaeng kaisa-isa niyang minahal, iginalang, nirespeto, pinahalagahan, binigyan ng buong tiwala, at higi sa lahat ay sa babaeng ito umikot ang buhay niya. Wala siyang itinira sa sarili dahil ang katwiran niya ay kaya ito pakakasalan para gawing reyna ng kaniyang buhay. Subalit nangyari nga ang hindi niya inaasahan, at dahil maraming nainom ay tuluyang nawalan nang control sa sarili.

Nagising na lamang siya sa ibang kapaligiran at hindi niya kilala ang taong tangi niyang kasama sa kwartong iyon. Kaya naman nagkukumahog siyang bumangon ngunit bigla rin napabalik sa higaan dahil sa kirot na naramdaman. At bigla siyang napatingin sa wall na may malaking salamin doon ay kitang kita niya ang kabilang parte ng katawan na nababalutan ng puting tela. Gano’n din ang kalahati ng kaniyang mukha ay nababalutan rin ng puting gasa at tanging isang mata lamang ang nakakakita. Agad na nilingon niya ang taong kasama sa silid na iyon at kitang kita sa mga mata nito ang pagka habag habang nakatingin sa kaniya.

Sinimulan nitong magkwento at nanghilakbot siya sa nalaman, nasunog pala ang kahati ng kaniyang katawan pati na rin ang kalahati ng mukha at nabulag ang isa niyang mata. Nang mga oras na iyon ay hindi niya alam ang gagawin, at unti unting namasa ang kaniyang mata. Walang ibang pumasok sa kaniyang isipan kundi mga katanungan.

Masama ba siyang tao?

Gaano ba kalaki ang naging kasalanan niya?

Bakit siya pinarusahan ng langit?

May inapi ba siyang tao o naka agrabyado ba siya ng kapwa?

Ang lahat ng ‘yon ay iisa lamang ang kasagutan. Dahil masyado siyang mabait, naging mapagbigay, mapagtiwala at sobrang kampante. Ngayon magsisisi man siya ay huli na, tapos na at hindi na maibababalik pa ang lahat.

At dahil sa pangyayaring iyon sa buhay niya ay nagdesisyon siyang tanggapin na lang ang posisyon na maging successor ng isang Mafia group, sumumpa siya sa sariling itatapon niyang lahat ang salitang kabutihan at sa halip ay babalik siya nang mansion nila na makabagong Luke, may pangit na mukha, pangit na pag-uugali at higit sa lahat bawal siyang ngumiti.

chap-preview
Free preview
Chapter- 1
LUKE POV. STAG PARTY... “Once lang ‘yan pare at pagkatapos ng kasal ay simulan muna ang pagiging loyal mo sa iyong asawa.” “Tigilan mo ako sa ganyang kalokohan, hindi ko gagawin ang pinaplano n’yo ngayong gabi. Mahal na mahal ko si Leah at ang isipin na magtataksil ako sa kaniya ay hindi ko kaya.” “Hindi naman pagtataksil ‘yon, gift lang naman ng tropa dahil huling gabi na nang buhay pagka binata mo.” “Basta ayaw ko pare, kayo na lang, isa pa hindi ako maaaring uminom ng alak. Nangako ako sa kaniya na magiging mabuting asawa, igagalang, rerespetohin at pakamamahalin ko siya ng lubos.” “Fine!” mag grill na lang tayo at kaunting inuman.” “Good, paano magkita na lang tayo mamayang gabi.” “Sige pare, ingat ka sa pag-uwi.” “Salamat pare.” Gabi nang huling pagka binata ko raw kaya lahat ng tropa ay naririto. Kahit sa ibang branch ng Agencia ay dumating din at ang planong kaunting inuman ay nauwi sa lasingan. “Ito lang yata ang stag party na walang babae?” “Kaya nga eh, ayaw ng ikakasal kaya wala tayong magagawa.” “Napaka loyal ni Pareng Luke sa magiging asawa niya.” “Gano’n talaga pag mahal mo ay wala kang gagawin na maaaring makasakit sa damdamin niya.” “Alin kong ako si Pareng Luke, aba huling gabi na eh titikim na ako.” “Ikaw ‘yon dahil mahilig ka naman sa talaba.” “Grabe ka dude, talaba talaga?” Habang lumalalim ang gabi at may mga tama na ng alak sa katawan ay tumayo ang isa at kinuha ang microphone. “Ladies and gentlemen, please welcome to our especial guest, the performing artist… “Tado! Anong ladies ay wala nga kahit isa dito huh!” agaw ng isa nilang ka-tropa sa microphone at ito na ang nagpatuloy sa pagsasalita. Subalit nagulat ang lahat at gusto ko nang tumayo sa upuan dahil sa biglang pagkamatay nang ilaw. At ang stop light ay tumutok sa akin kaya naman nakaramdam ako ng inis. Sinabi ko na sa lahat na walang babae sa gabing ito ngunit ano itong…napalingon ako paligid nang tumunog ang Careless whisper. Tatayo na sana ako nang biglang may kumandong sa akin at gumiling giling. “Tangna! Umalis ka sa harapan ko!” “Pagbigyan mo na pare, ayaw mo ng babae ‘diba?” Lintik na tropa ko, wala talagang magawa pati ang kanilang sniper ay sinuotan ng sexy na pang beerhouse at ito nga gigiling giling sa aking harapan sarap sipain. “Ang guwapo mo papa Luke, pwede bang akin ka na lang?” “Tangna muka, susuntukin kita pag ‘di ka tumigil sa kakagiling na akala mo ay na-epilepsy kang gago ka!” Ang inis ko ay nauwi sa kakatawa nang isa pang tauhan namin ang palapit sa kinauupuan ko at nakasuot naman ito ng maiksing damit na akala mo ay isang porn dancer. “Umalis ka riyan dahil akin s’ya! Mas magaling ako sa’yo, alis!” Kitang kita ko ang malakas na pagtulak nito sa aming sniper at dahil lasing ay bagsak sa gilid. “Bakit mo ako tinulak? Langya ka, napalakas ang bagsak ng pwetan ko!” “Gano’n talaga pare para kapanipaniwala ang acting natin.” “Tumigil na nga kayo sa kalokohan na ‘yan at baka mamaya ay magkapikonan pa.” “Sayang naman ang attire ko bossing, kakasuot ko pa lang nito eh.” “Ah, gusto mong gamitin talaga ‘yan?” “Oo naman, alam mo bang kung saan saan ko pa ito hinanap para lang sa gabing ito?” “Tama naman boss, nag effort talaga ‘yan si Denis, para lang mabigyan ka ng kasiyahan.” “Kung gano’n anong susunod mong gagawin?” “Huwag ka kasing magrereklamo boss ah.” “Okay sige, go!” balik ako sa upuan at hinintay ang susunod nitong gagawin. Hanggang tumunog ang isang instrumental at sinabayan nito nang kanta na may kasamang sexy dance. Hindi ako makapaniwala na ganito kaganda ang boses at kagaling sumayaw ang tauhan kong ito. Kung hindi ko ito kilala ay iisipin kong isa itong gay professional perfoming artist. Ang lahat ay napanganga lalo na nang mag tumbling ito sa hangin ng tatlong sunod sunod at pagbagsak ay naka split. Napa tayo ako sa upuan dahil nag-alala akong baka hindi na ito makatayo. “Takte ka Denis, ikaw ba talaga ‘yan Dina?” “Umamin ka nga Dina, kaya ka nasa Agencia natin ay binubusohan mo kaming lahat ano?” “Ngayon ay alam ko na kaya lagi kang sumasabay sa akin paliligo ay pinagnanasaan mo ako, Dina.” “At bakit ko ‘yon gagawin ay hindi naman kayo kagaya ni Bossing na guwapo? Isa pa mas malaki pa nga ang akin kumpara sa’yo noh? Baka sakaling bosohan ko nga kung si Bossing ka, kaso hindi eh dahil ‘di kita type huh!” sabay pilantik ng mga kamay at pakending kending na naglakad palayo. For the first time in my life ay ngayon lang ako tumawa ng ganito, at sa totoo lang ay napakasaya ng gabing ‘yon para sa akin. Habang minamasdan ko ang aking mga tauhan na nag-iinuman ay malapad ang aking pagkakangiti. “Ngayon ay mamamaalam ka na sa pagiging binata mo, pinsan.” “Oh, kailan ka pa dumating Josh, mabuti at pinayagan ka ng asawa mo?” “Alam niyang walang babae dito kaya pumayag, nasaan pala ang mga kakambal mo at hindi ko nakikita?” “Narito kami, kararating lang din namin.” Sabay baba ng mga dalang inumin at mga pagkain na pina cater pa nila para sa party ng kapatid. “Wow! Inuman to the max ito, paano yan bukas sinong mga duty?” “Mag-enjoy kayo at huwag munang isipin ang duty, ako na ang bahala sa bagay na ‘yon.” “Salamat big boss,” rinig kong halos sabay sabay pang sigaw ng aking mga tauhan sa pinsan kong si Josh. “Ikaw Luke, huwag kang masyadong mag-inom at dapat makatulog ka kahit tatlong oras para fresh ka bukas sa kasal mo.” “Hindi naman ako umiinom ng marami pinsan, sinasamahan ko lang ang mga ito at maya maya ay aalis na rin ako.” “Good,” niyaya ko na lang sila sa isang bakanteng table at doon ay paunti unti kaming uminom habang kumakain na rin. Hanggang sumapit ang 1:00 AM at nagpaalam na ako sa kanilang lahat. “Sabay na tayo kuya Luke, doon na rin ako matutulog sa mansion.” “Ikaw Levi, maiiwan ka ba rito?” “Yes kuya, maya maya na lang ako.” Habang nasa daan kami ng aking kapatid ay may kakaiba akong pakiramdam na hindi ko mabigyan ng tamang kahulugan. “Kuya Luke, tuloy na ba talaga ang kasal mo?” “Ano bang tanong ‘yan Liam?” “Wala naman kuya, nalulungkot lang ako dahil syempre iba na ang sitwasyon mo pag may pamilya na.” “Doon talaga tayong lahat pupunta, kailangan na natin magkaroon ng sariling pamilya. Malapit na tayong mawala sa calendar at mas mabuting hanggang bata pa ay magkaroon agad ng maraming mga anak.” Napansin kong nanahimik na ang aking kakambal kaya hindi na rin ako nagsalita pa hanggang marating naming ang mansion. “Bro, mauna na ako at kailangan ko nang matulog baka maging haggard ako bukas sa mahalagang araw ko.” “Sige kuya, good night.” “Good night, bro.” Matapos kong makapaligo ay hubad baro akong nahiga at hindi nagtagal ay inagaw na ng kamalayan hanggang nakatulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

His Obsession

read
72.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook