CHAPTER 3 chapter 3 (til next time)

1196 Words
DAN Nagising ako sa mga boses na nagtatalo inis na bumangon ako at dumiretso ng banyo,nang makapag ayos na ko para pumasok ay nakita kong umiiyak si mama habang lasing na pumasok si papa sa kwarto nila,tuwing umaga ay ganito ang eksenang laging tumatambad sakin. Mula ng bata ako ay nakikita ko kung paano iniinsulto ni papa si mama,di ko alam ang dahilan at ayoko na din malaman pa,lagi naman silang ganyan nag aaway sanay na ko. Dumiretso na ko palabas ng bahay ng magsalita ang humihikbi kong ina. "Di ka ba m-muna kakain?"sumisinghot na tanong nya. "Nah!sa tingin nyo ba gaganahan ako kumain kung kayong dalawa ang makikita ko tuwing umaga?"di ko na sya pinasagot pa at naglakad na ko palabas. Nang makarating ako ng school ay pumunta ko sa tambayan ko,kinuha ko ang gitara ko at nagsimulang tumugtog. I know the path of love is insecure,can't be sure There are no guarantees Will took a chance and I fell for her And when she left I put my heart up on the shelves Swore I'd never fall again I told myself.. Broken heart are never mended Fools who say they are pretend it That's what I believe until I fall inlove again Love will always leave you cryin' Those who tell you're not a lyin' And that's what I believe until I fall inlove again ooh.. Nakapikit ako habang kumakanta ng maramdaman ko na may nakatayo sa harap ko kaya dumilat ako,napabuntong hininga ko sa taong nakangiti sakin hay sya nanaman. "What do you want?"I said in a cold tone. "Lagi kitang pinapakinggan kumanta,ang galing mo talaga!"masayang sabi nya sakin. "Psh.."tumayo na ko at iniwan syang nag iisa. Akala mo naman kung sinong feeling close tss..flirts. Naglalakad ako habang nakapamulsa nang mapadaan ako sa bulletin board,kusang tinahak ng mga paa ko ang bulletin..nang makalapit ako ay binasa ko ang nakasulat don. Napataas ang kilay ko sa nabasa ko,kasali si sophia mendez sa mga magpeperform?how come? "Dude anong tinitignan mo dyan?"nagulat ako sa pagsulpot ni leo. "Wala.."naglakad na ko paalis ng makasalubong ko ang nakakunot noo na si tom,tinanguan ko lang sya bago ako tuluyang umalis. TOM Nagtatakang tinignan ko ang bulletin board kung san seryosong nakatingin si dan kanina,lalong sumimangot ang mukha ko ng makita ko ang pangalan na kanina ay pinagmamasdan ni dan,binalik ko ang tingin sa dinaanan kanina ni dan. Hmm?parang kakaiba na talaga sya,una di sya mag aaksaya ng oras na tignan ang bulletin board,pangalawa di sya yung tipong may pakialam sa paligid nya. "Sundan natin si emo guy!"hinatak na ko ni leo at sinundan namin ang daang tinahak ni dan kanina,nang marating namin yun ay nadatnan namin sila rick,psh magkakasama na pala silang tatlo. "San ba kayo naglulusot at ngayon lang kayo?"natatawang tanong samin ni rick. "Sa bulletin board lang.."nang sabihin ko yun ay tinignan ko ang walang reaksyon na mukha ni dan. "Anong nabasa nyo?"-art "Bakit di nyo tanungin si dan?"lahat sila ay nagtatakang tumingin kay dan nang sabihin ko yun. "Teka ha!bakit si dan ang tatanungin namin eh kayo ang nakabasa ng nakasulat sa board?"takang wika ni rick. "Nakita namin syang nakatingin sa board kaya nacurious kami at tinignan din yon.."nagtetext na sabi ni leo. "I see..so dan may nakita ka bang interesante kaya tumingin ka sa board?"lahat kami ay naghihintay sa isasagot nya sa tinanong ni art. "None.."walang emosyon na kinuha nya ang headset nya at nilagay yun sa tenga nya. "Silent mode nanaman sya.."bulong sakin ni rick. Marahang napapatango ako sa mga sinabi ni rick,pero napapaisip pa din ako dahil nakita ko ang seryosong mukha ni dan kanina habang nakatingin sa pangalan ng destiny ko. Sana mali ako ng inaakala dan.. DAN Naglagay ako ng headset at nakinig nalang sa music kesa makinig sa mga usapan nilang walang kwenta,hindi ko alam kung bakit big deal sakanilang malaman ang dahilan kung bakit nakatingin ako sa board kanina,palihim na tinignan ko si tom,kahit ang isang to na laging libro ang hawak ngayon ay tulalang lagpasan kung makatingin. Nang sabihin sakin ni art na may nagustuhan na ang pihikang si tom ay nagulat ako,pero hanggang ngayon di ko pa din alam kung sino ang babae na yon,kung sino man sya mukhang bad influence sya kay tom. Di na sya nag aaral tulad ng dati,di mo na sya makikita na nakatambay sa library at tambak ng libro ang mesa,bagkus kasama na namin sya lagi,nakangiti at nakikipaglokohan na,anong meron ang babae na yun tom at nagbago ka? ART Nakamasid lang ako sa mga kasama ko ngayon habang umiinom ng juice,si leo nakangiti habang nagtetext psh kinikilig ang loko,si rick kumakain na parang wala ng bukas ang takaw talaga,nang tignan ko si tom nanibago ako,wala ata syang hawak na libro?sinundan ko ang tingin nya at palihim na napangiti ako,saming lima si tom ang pinakamatalino,kung napapansin ko ang pagbabago ni dan malamang di yun nakaligtas sakanya. Pinagmasdan ko naman si dan,though nakapikit sya habang nakikinig ng music gumagalaw ang kamay nya na parang sumasabay sa indak ng tugtog,tumaas ang gilid ng labi ko,so hindi na mga emo songs ang pinapakinggan ni dan,mukhang masayang tugtog ang pinapakinggan nya ngayon huh? Pati ako ay nahihiwagaan na sa dalawang kaibigan ko,pag ibig nga naman.. DAN tinawag kaming varsity sa principal office tahimik na sumunod lang ako sa kanila. "Pinatawag namin kayo dahil sa tour game para sa school,alam nyo naman na may branch tayo sa canada kaya gusto ko sanang kausapin nyo ang mga magulang nyo,kayong lima ang ipapadala ko sa canada at 2yrs kayong mananatili doon. Kung sakin ay walang problema yun,magkakaroon na din ako ng dahilan para di makita ang pag aaway ng parents ko. "Are you on?"tanong sakin ni art. Lahat sila ay pumayag sa sinabi ng principal. "Count me in.."lahat sila ay naghiyawan at excited na lumabas ng office. "Akala ko ba we'll ask our parents first?"tanong ni tom. "Busy sa work si mama nasa states naman si papa,si leo naman mag isa lang syang nakatira sa condo nya dahil nasa canada ang parents nya excited na nga makita ang nagluwal sakanya oh tignan nyo.."natatawang sabi ni rick. "How about you art?"baling ni tom kay art. "I can do whatever I want may tiwala naman sila mama sakin.."kibit sagot ni art. "And you?"tumingin sila sakin. "Boring dito kaya sasama ko.."napangiti silang lahat sa sinabi ko. "Bakit parang nag aalangan ka umalis tom?"tanong ni leo. "Ano..kasi..maiiwan ko ang destiny ko dito.."kumakamot sa ulong sabi ni tom. Psh love nanaman.. Umalis na ko at iniwan na sila. "Dan san punta?"baling ni leo. "Sa bahay mag eempake.."I wave and walk away. Sa isang bukas na daw ang alis kaya siguro naman kailangan ko ng mag empake. Nang makarating ako sa bahay ay kinausap ko si mama about sa pag alis ko,pumayag naman sya pero katakot takot na bilin at paalala ang pinabaon nya sakin tss.. Dumating na ang araw ng pag alis namin,ang lugar na to madaming sakit na ang naidulot sakin.. TOM Nang sumakay kami sa private plane ay tumingin ako sa bintana,promise babalikan kita my destiny.. Lumingon ako sa kinaroroonan ni dan,sana pagbalik namin pia ay limot mo na ang kaibigan ko. Sana magkaroon na ako ng puwang sa puso mo pagbalik ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD