TOM
Naglalakad ako sa pasilyo ng makita ko na may umiiyak sa ilalim ng puno kung saan ang tambayan ni dan,napabuntong hininga ko ng makilala ko ang taong yun..dahan dahan akong lumapit sakanya at inabutan ko sya ng panyo..
"Aren't you tired stalking my friend?"umangat ang luhaang mukha nya sakin.
"No..never.."humihikbing sagot nya,napilitan akong aluhin sya at libangin sa pamamagitan ng pagkukwento ng mga ginawa naming kalokohan nila dan noong bata pa kami..tumalab naman at ngayon ay malakas na humahalakhak sya..
Nakakatawa syang pagmasdan di man lang sya natatakot na baka pumangit ang tingin ko sa ingay ng tawa nya,di man lang sya nahihiyang ipakita ang ngalangala nya sa harap ko habang tumatawa..
Halos lahat ng nakakausap kong babae ay pasweet at shy type pa yung iba nga kunwari mahinhin pero pag di na nila ko kaharap napakapalengkera pala ng mga bibig..
This one is different..she's so natural walang bahid ng pagpapanggap,she's being real and I like that attitude..I admire her for that she deserves a credit..one hell of a girl huh..
Masayang tumatawa kami sa pinag uusapan namin ng may lumapit na napakagandang babae,hm who is she?
"Pia..let's have a lunch.."natigilan kami ni pia sa pagtawa ng magsalita ang babae.
"Wala kana bang klase dee?"napatingin ako kay pia sandali at bumalik din agad kay dee..so this is dee?no wonder jace is so protective god she's a goddess!
"2hours pa mula ngayon ang next subject ko sa math.."sabi ni dee pero nakatingin sya sakin kaya napayuko ako.
"Ah oo nga pala!he's tom my new friend..tom sya si dee ang bestfriend ko.."masayang pakilala samin sa isat isa ni pia.
"Nice to meet you.."nilahad ko ang palad ko sa harap ni dee pero di nya yun tinanggap at pilit na ngumiti lang sya sakin.
"Ay dee..paturo nga pala sa chemistry at geometry ang hirap kasi.."singit ni pia,lumingon ako kay pia at ngumiti sakanya,napansin nya siguro na medyo napahiya ako sa di pagtanggap ni dee ng palad ko kaya nag pasalamat ako sakanya bilang sukli nya sa pasasalamat ko ay nag thumbs up pa sya sakin.
"Sige una na kami tom thanks ulit!"paalam ni pia sakin
"No prob.."pinapanood ko lang ang papalayong bulto nila sakin.
Habang nakatingin sakanila ay di ko namalayan na nakangiti pa pala ko,grabe ang galing na stress reliever ni pia,she's not even pretending to be someone..
Dan,is this the girl who bores you to death?what happened to your taste man!that girl is interesting more than misty was..love changed you a lot my friend..tama si rick she's like a princess without a crown.
And I vow to make that princess smile everytime you make her cry,you're such an idiot dan for letting that girl slipped in your hands coz when she goes in my way I will hold her tight so she won't get away.
Masayang naglalakad ako pabalik ng pasilyo nang makasalubong ko ang tropa without dan.
"Where's dan?"tanong ko sakanila
"Umuwi na.."walang ganang sagot ni art
"Is that so?"pagkasabi ko non ay sumisipol na naglakad na ko nagsisunuran naman sila.
"Parang may iba sayo?"huminto ako at nakangising humarap sa nagsalitang si leo.
"Tama ka dyan dahil nameet ko na ang babaeng kokompleto sakin!"masiglang sabi ko.
"Bakit kulang ka ba?"tinignan ako ni leo mula ulo hanggang paa ng sabihin nya yun.
Binatukan naman sya ni rick.
"Aray!bakit mo ginawa yun?"hinihimas nya ang parte na binatukan ni rick.
"Don't take things literally.."tumatango ako habang sinasabi yun ni rick kay leo.
"Tama!dahil nakita ko na ang destiny ko.."masayang iniwan ko na sila at nauna na ko sa canteen.
Kung ayaw mo sakanya dan,pabor sakin yun,bigla akong napahinto ng maalala ko si rick napahilamos ako ng palad ko naku naman problema to bakit ba nakalimutan ko na may gusto nga pala si rick kay pia.
Bakit ba kasi naging maganda kapa pia eh mamahalin naman kita kahit average type ka lang tss.
Kumakain kami ng may marinig akong mga boses sa kabilang mesa.
"Oh ano wala ang matapang na tagapagtanggol mo ngayon!"g1
"Tama ka dyan girl!wag kanang lalapit pa ulit kay tom naintindihan mo?"g2
Nahinto sa ere ang kutsara ko ng marinig ko ang pangalan ko kaya on impulse ay lumingon ako sa bandang likod kung saan ko narinig ang pag uusap na yun,at bigla akong napatayo ng makita kong binuhusan ng isang babae ang destiny ko!palapit na sana ko ng may mauna sakin na lumapit sa destiny ko.
Kitang kita namin nila rick kung paanong binuhusan din ni dan ang babaeng ngayon ay nagtitili dahil sa lamig,akala ko ba umuwi na sya?nagtatakang tumingin ako kay art pero kibit balikat lang ang sinagot nya sakin.
Nang umalis na ang dalawang babae ay lumapit na din ako kila dan at inabutan ko ng panyo si pia.
"Salamat dan,ganon din sayo tom.."nakayukong tinanggap nya ang panyong hawak ko.
"Next time don't act tough kung mahina ka naman pala such a coward.."nang umalis si dan pagkasabi non ay nag angat ng ulo si pia.
Nginitian ko sya nang balingan nya ko ng tingin.
"Ok ka lang?akala ko kasama mo si dee?"takang tanong ko sakanya.
"Tinawag sya sa office kasi student assistant sya.."napatango nalang ako sa sinabi nya.
"Ganon ba?sige samahan na kita dito kumain.."di na sya nakapalag ng ilipat ko sa mesa nya ang mga pagkain ko,masayang kumakain kami ng lumipat din don si rick at leo syempre pinakilala ko kay pia yung dalawang mokong pati na din sila art na nasa kabilang mesa kasama si dan.
Naging masaya ang araw ko pero palaisipan padin sakin ang ginawa ni dan,tanda ko kasi ng sabihin nyang di sya interesado kay pia at wala syang pakialam kay pia,pero sa nakita ko kanina mukhang iba ang kahulugan non sakanya.
Isang taon na din na parang katawan lang ni dan ang kasama namin,ibang iba sya sa matrip at lokolokong lalaki na kasama namin noong bata pa kami nila jace,sya ang pinakamalakas mambara samin pero ng iwan sya ni misty ay ibang dan na ang sumalubong samin.
Seryoso,walang pakialam sa damdamin ng iba at tahimik na dan na sya ngayon,pati saming tropa ay nagbago ang pakikisama nya he became cold and aloof.
DAN
Bumalik ako sa school dahil nakalimutan ko ang gitara ko kay art sinabi nyang nasa canteen sila kaya dun na ko dumiretso ng makita ko na may inaaping babae sa tabing mesa nila.
Nang makilala ko ang babaeng binuhusan ng shake ay binuhos ko din ang inumin kong juice sa babaeng nagbuhos ng shake sakanya.
"Nakaharang ka sa dadaanan ko."tumitiling umalis ang maarteng babae kasama ang isa pa sa table ni pia.
Nang harapin ko si pia ay nakita kong inabutan sya ni tom ng panyo,psh bakit ko ba to tinulungan baka lalong di ako tigilan nito.
"Salamat dan,ganon din sayo tom.."nakayuko sya kaya tumalikod na ko bago nagsalita.
"Next time don't act tough kung mahina ka naman pala such a coward.."nagtungo na ko sa upuan nila art nang kunin ni tom ang pagkain nya at dinala sa table ni pia nakita kong sumunod din don sila leo at rick.
I smirked,anong gayuma ba ang ginawa nito at pati si tom na ilag sa babae eh napaamo nya?di na ko magtataka kila leo at rick pero si tom?
"Curious?"natanggal ang tingin ko kila tom nang magsalita sa harap ko si art.
"Nagtataka lang ako kay tom.."sagot ko.
"Yun ba?siguro nakita nya lang ang di mo nakita.."sabi sakin ni art.
"What are you trying to say?"-me
"Nakita na nya ang destiny nya.."masusing tinignan ako ni art habang ako naman ay kunot ang noong nakatingin din sakanya.
"Is this a joke?ang salitang pag ibig ay pambata lang yan ang sinasabi nila when they felt a sudden lust.."malamig na tugon ko.
"Are you saying na bata kapa when you met misty kaya halos ipagsigawan mo sa lahat ang wagas na pag ibig mo sakanya?"nang aasar na sabi sakin ni art.
"Not young..but stupid,kaya kung ako kay tom di ko na nanaisin pang sumugal.."walang emosyon na sabi ko.
"Yan ang pagkakaiba nyo dan,he's not afraid to take a risk,para sakanya ayos lang na masaktan dahil nagmamahal sya kesa matakot at manghinayang sa bagay na pinalagpas nya na pwedeng magbigay ng saya sakanya.."tinapik ako sa balikat ni art bago sya umalis.
Napagdesisyunan kong umuwi na,nasa silid na ko at nakahiga ng mabaling ang mata ko sa frame na nakapatong sa study table ko,ako ang nasa larawan at kasama ang babaeng pinahalagahan ko ng lubos.
Misty..bakit iniwan mo ko?bakit sa dinami dami si jace pa ang naging kaagaw ko bakit kaibigan ko pa..