KANINA pa napapansin ni Sanya na kanina pa pababalik-balik sa salas ang kasambahay nilang si Aira habang kausap niya sa pamamagitan ng video call si Maxine gamit ang kaniyang laptop. Tila hindi ito mapakali at parang may gustong sabihin sa kaniya. Hindi na lang niya ito pinapansin dahil sa busy siya sa pakikipag-usap kay Maxine. Nakaupo siya sa sofa habang masayang kausap ang kaibigan. Uuwi daw kasi ito mamaya dahil may kailangang kausaping tao ang nanay ni Maxine. Sasama daw ito pero babalik din sa Cavite. Tatlong araw lang daw ito dito. Baka daw bukas ay pupuntahan siya nito sa bahay.
“I really miss you na, Maxine! Bonding tayo. Celebrate natin ang birthday ko ng advance, ha!” aniya.
“That’s a good idea. Basta, I will knock na lang sa house ninyo nang hindi mo inaasahan. Surprise kita!” anito.
“Ay! May pa-surprise. Gusto ko `yan!” Natatawang sabi niya.
Natawa din ito. “I need to go na pala. Mag-eempake pa ako, e. See you, Sanya!”
“Yeah. See you…”
Matapos niyang makipag-usap kay Maxine ay dumaan na naman sa harapan niya si Aira. Ipinatong niya ang laptop sa may center table. Hindi na siya nakatiis at tinawag niya ito.
“Ate, kanina ka pa pabalik-balik dito. Nakakahilo na. Promise!” Huminto naman ito at ngumiti sa kaniya. “Ah, alam ko na. May sasabihin ka, `di ba?”
“Ah, Sanya… Magpapaalam sana ako sa iyo, e. Hindi lang pala ako. Pati na rin sina Cathy at Thalia.”
“Ha? Saan kayo pupunta? Magre-resign na ba kayo? Hindi pwede, ate! Ayokong mawala kayo dito!” Nataranta agad si Sanya.
“Ang OA naman! Hindi kami magre-resign, `no. Malabong mangyari iyon.”
Napahawak si Sanya sa dibdib. “E, kasi naman ang seryoso mo, ate. Ano ba kasi iyon? May pupuntahan ba kayo?”
“Oo sana. May concert kasi si James Reid mamayang gabi. Pupunta sana ako. Nang sabihin ko kina Cathy, `ayon, pati sila ay gustong sumama.”
“Iyon lang naman pala, ate. Sure. Punta na kayo. Alam ko naman kung gaano ka kapatay na patay kay James Reid!”
“Thank you, Sanya. Kaya lang ang inaalala namin ay ikaw. Mag-isa ka lang dito sa bahay kapag umalis kami mamayang gabi. Wala kang kasama. Baka kasi adaling araw na rin kami makauwi kasi concert iyon.”
“It’s okay lang. Kaya ko naman ang sarili ko saka isang gabi lang naman, e. Pambawi ko na rin iyan sa inyong tatlo kasi hindi na kaya nag-day off para sa akin.”
Kulang na lang ay mapatalon sa tuwa si Aira. “Wow! Talaga? Salamat talaga, Sanya! Ang bait-bait mo talaga! Sige, sasabihin ko na kina Cathy at Thalia na pumayag ka na. Sigurado ka, ha? Kaya mong mag-isa dito mamayang gabi?” Paniniguro pa nito.
“Oo naman, ate. Sigurado ako,” nakangiti niyang sagot kahit na may kaunti pa rin siyang takot na nararamdaman dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang kahalayang ginawa sa kaniya ni Edward.
Pero mas inisip na lang niya na kailangan din ng mga kasambahay nila ang magsaya paminsan-minsan. Tao din naman ang mga ito at napapagod din kapag puro trabaho ang ginagawa. Isa pa, deserved naman iyon nina Aira dahil mababait at mapagkakatiwalaan ang mga ito. Kaya nga sobrang tagal na ng tatlo na nagsisilbi sa pamilya nila, e.
“Anong oras nga pala kayo aalis?” tanong pa niya.
“Hmm… After ng dinner ay aalis na rin kami,” sagot ni Aira.
“No problem po.”
“Basta huwag ka nang umalis, ha. Dito ka na lang sa bahay. Baka porket wala kami ay lalabas ka nang walang paalam. Delikado na ang panahon ngayon lalo na sa labas.”
Natawa na lang si Sanya sa sinabi ni Aira. Kilala talaga siya nito. “Don’t worry, wala akong lakad. Dito lang ako sa bahay. And besides, hindi lang naman sa labas ng bahay may panganib. Minsan nga, kahit nasa sariling bahay natin tayo ay pwedeng may mangyaring masama sa atin.”
“Ang lalim naman ng sinabi mo!” Naiiling na turan ni Aira sa kaniya.
Maging siya ay hindi niya alam kung saan nanggaling ang sinabi niyang iyon. Kusa na lang lumabas sa bibig niya.
“MAG-ISA lang si Sanya mamayang gabi sa bahay nila…” marahang sabi ni Vincent habang nakatitig siya sa kaniyang laptop kung saan nakikita at naririnig niya ang ginagawa at sinasabi ni Sanya.
Kinausap kasi ito ng isang babae na sa tingin niya ay kasambahay at nagpaalam na may pupuntahan mamayang gabi. Pumayag naman si Sanya kaya mag-isa lang ito mamayang gabi sa bahay nito.
Napapalakpak siya sa saya. “Pupuntahan ko na si Sanya mamaya! Mag-isa lang siya!” Tumayo pa siya at nagtatalon sa ibabaw ng kama na akala mo ay isang bata.
Nang mapagod ay patihaya siyang humiga habang nakadipa ang mga kamay at paa. Nakatitig siya sa kisame at nakangiti na tila nangangarap. Naiisip niya kasi ang mga gagawin niya kay Sanya mamayang gabi. Gusto na niyang mahalikan ang labi nito. Gagawin niya dito iyong mga napapanood niya sa porn. Ipaparamdaman niya kay Sanya ang pagmamahal niya dito sa pamamagitan ng pakikipagtalik dito. Mabuti na lang talaga at hindi siya naunahan no’ng lalaki na muntik nang gumahasa dito. Wala nang ibang lalaki ang nararapat na makinabang kay Sanya kundi siya lang.
Isa pa’y napagtanto niyang walang gusto sa kaniya si Sanya kaya dadaanin na lang niya ito sa pwersahan! Gaganti siya dito sa pamba-block nito sa kaniya sa social media. Pati na rin ang pambabale-wala nito sa kaniya kahit na tinulungan niya ito.
“Akin ka lang, Sanya. Akin ka lang…” bulong ni Vincent na sinundan niya ng malakas na pagtawa.
ORAS na ng hapunan at napansin ni Sanya na wala si Thalia sa hapag-kainan. Sina Aira at Cathy lang ang kasabay niya sa pagkain. Bihis na ang dalawa at handa nang pumunta sa concert ni James Reid.
“Nasaan si Ate Thalia? Akala ko ba ay kasama niyo siya?” tanong niya sa dalawa.
“Naku, hindi makakasama si Thalia. Biglang nilagnat kaya nakakulong sa kwarto!” Naiiling at natatawang sagot ni Cathy. “Na-excite masyado na makita si James Reid kaya nilagnat bigla!”
“Kawawa naman pala siya. Kumain na ba siya?”
“Oo. Nakainom na rin ng gamot. Ang sabi niya ay magpapahinga na lang siya at baka bukas ay magaling na siya,” ani Aira.
Matapos nilang kumain ay si Sanya na ang nagprisinta na maghugas ng mga pinagkainan nila. Nagpumilit pa nga sina Cathy at Aira na ang dalawa na ang gagaw niyon pero hindi siya pumayag. Nakabihis na kasi ang mga ito at baka madumihan o mabasa pa ang mga damit ng mga ito. Kaya naman masayang nagpaalam ang dalawa sa kaniya bago umalis.
May susi naman ang dalawa kaya ni-lock na niya ang main door pati na ang gate.
Pinuntahan ni Sanya si Thalia sa kwarto nito at naabutan niya itong nakahiga sa kama habang balot ng kumot. Nakabaluktot ito at nakapikit. May mga manika sa paanan nito. Mahilig kasi sa manikang may malalaking mata ang kasambahay nilang iyon.
“Ate Thalia…” tawag niya matapos umupo sa gilid ng higaan.
Nagmulat ito ng mata at tumingin sa kaniya. Dinama niya ang noo nito. “Ang init niyo nga, ate. Okay ka lang ba?” Nag-aalala niyang tanong.
“Oo naman. Pahinga lang katapat nito. Kumain ka na ba? Gusto mo bang ipaghain kita?”
“Tapos na po. Saka huwag na muna kayong kumilos para gumaling ka agad.”
“Salamat, Sanya. Sina Aira at Cathy?”
“Nakaalis na sila.”
“Nakakainggit ang mga bruhang iyon! Kung hindi lang ako nagkasakit, sasama talaga ako sa kanila, e! Minsan lang kasi iyong concert na iyon.”
“Magpahinga ka na lang, ate. Tama din naman na hindi ka na lang sumama.”
“Oo naman, `no. Mas importante pa rin ang kalusugan kesa kay James Reid. Oo nga pala, magpahinga ka na rin. Iwanan mo na ako dito, Sanya. Saka paki-lock na rin ang mga pinto. Mahirap na at baka matiyempuhan tayo ng magnanakaw.”
“Nagawa ko na po. Ini-lock ko na ang mga pinto. Pero sigurado ka po ba na wala ka nang kailangan? May gamot ka ba diyan, ate?”
Umiling ito. “Wala na. Saka kaya ko naman ang sarili ko, Sanya. May gamot din ako dito. Palagi naman kaming may-stock ng gamot. Sige na, magpahinga ka na rin.”
“Sige, ate. Good night po. Pagaling ka!” aniya at tumayo na siya.
Huminto muna siya sa may pinto para muling tingnan si Thalia. Ganoon na lang ang kilabot na naramdaman niya nang makita niyang walang ulo si Thalia! Kinusot niya ang mata niya at muli itong tiningnan. Mukhang namalikmata lang siya dahil sa ikalawang pagkakataon na tiningnan niya si Thalia ay may ulo na ulit ito. Agad din namang nawala ang takot na naramdaman niya.
Tuluyan na siyang lumabas ng kwartong iyon. Paakyat na sana si Sanya sa itaas para magtungo sa kwarto niya nang mapahinto siya. Nakita niya kasing nakabukas ng kaunti ang main door. Kumunot ang noo niya at matagal iyong tiningnan. Sa pagkakaalala niya kasi ay isinara at ini-lock niya iyon kanina kaya nakakapagtaka kung bakit nakabukas iyon. Pati patay na ang ilaw sa salas. Pinatay ba niya iyon kanina bago siya pumunta sa kwarto ni Thalia? Hindi na niya matandaan.
Hindi naman kaya nakalimutan ko talagang isara? Ani Sanya sa kaniyang sarili.
Nagkibit-balikat na lang siya at nilapitan ang main door para isarado iyon. Siniguro niyang ni-lock niya iyon bago siya tuluyang umakyat sa kaniyang silid. Pagdating doon ay kinuha niya agad ang kaniyang cellphone. Hinayaan na lang niyang nakabukas ang pinto ng silid niya para hindi ganoon kainit. Ayaw niyang buhayin ngayong gabi ang aircon. Kahit naman mayaman sila ay kailangan pa rin nilang magtipid.
Hindi pa siya inaantok dahil maaga pa naman. Ala-siyete pa lang ng gabi. Naisip niyang mag-Live sa f*******: hanggang sa antukin siya. Matagal na rin kasi siyang hindi nakakapag-Live.
Wala pang isang minuto na naka-Live si Sanya ay mahigit isandaan na ang viewers niya. Mabilis iyong dumadami habang tumatagal. Karamihan sa mga ito ay nagsasabing na-miss siya dahil parang hindi na daw siya ganoon ka-active sa social media niya.
“Pasensiya na talaga kayo, guys! Hayaan ninyo at gagawa ulit ako vlog para makabawi naman ako sa inyo!” Nakangiti niyang sabi sa mga manonood niya.
Idol, may kasama ka ba diyan? Comment ng isa niyang viewers.
“Wala ako lang. Pero mamaya darating na rin kasambahay namin,” sagot niya.
Ganoon ba? Para kasing may tao sa may pinto na nakasilip, e.
Sa nabasa niyang comment ay lumingon siya sa may pinto pero wala naman siyang nakita. Nagulat na lang siya nang may marinig siyang tila nabasag na baso sa kusina. Binitiwan muna niya ang cellphone at lumabas ng kwarto. Bumaba siya ng hagdan at huminto nang nasa gitna na siya.
“Sino’ng nandiyan?” Pasigaw na tanong niya.
“Ako lang ito, Sanya! Nabitawan ko lang iyong baso!” Ang Ate Thalia niya lang pala.
Tuluyan na siyang bumaba at pumunta sa kusina. Nakita niya doon si Thalia na may hawak na tambo at dust pan. Nasa paanan nito ang mga nabasag na baso.
“Ako na diyan, ate. Magpahinga ka na lang.” Nilapitan niya ito at inagaw ang mga hawak nito. Siya na ang naglinis ng mga bubog sa sahig at nagtapon niyon sa basurahan sa gilid ng lababo.
“Iinom lang sana ako ng tubig. Sorry, Sanya. Nakabasag pa ako,” paghingi nito ng paumanhin.
“Okay lang po. Ang importante ay hindi po kayo nasugatan. Pumunta na lang po kayo sa kwarto niyo. Dadalhan ko kayo doon ng isang pitsel ng tubig at baso para hindi na po kayo lumalabas kapag nauuhawa kayo…”
“Thank you talaga, Sanya!” anito at bumalik na ito sa silid nito.
Siya naman ay kumuha ng pitsel at nilagyan iyon ng tubig. Kumuha siya ng tray at inilagay doon ang pitsel at isang baso. Isinunod niya iyon sa kwarto ni Thalia.
Matapos iyon ay bumalik na siya sa kaniyang silid. Kinuha niya ang cellphone at doon lang niya nalaman na hindi niya pala na-end iyong Live niya nang puntahan niya sa kusina si Thalia.
“Sorry, guys, ha. May emergency lang--” Hindi na naituloy ni Sanya ang sasabihin niya dahil sa mga comment na nabasa niya.
Sino iyan, idol?
Where’s Sanya? Bakit ikaw may hawak ng phone niya?
Sino ka po? Pa-shout out naman po, please!
Ano bang sinasabi ng mga ito? Naguguluhan niyang sabi sa sarili.
KANINA pa palakad-lakad si Vincent sa harapan ng bahay nina Sanya. May ilang tao pa siyang nakikita na dumadaan kaya hindi pa siya makatiyempo sa pagpasok sa gate. Nakita niya kanina na may dalawang babaeng lumabas ng bahay nina Sanya kaya nasiguro niyang mag-isa na lang ito doon. Tumitiyempo lang talaga siya at kapag wala nang tao ay aakyatin na niya ang gate. Iyon lang kasi ang paraan para makapasok siya. Sinubukan na kasi niyang buksan iyon lock ng gate pero hindi niya kaya.
Hanggang sa mapansin niyang wala nang dumadaan. Mabilis siyang kumilos. Inakyat niya ang gate at agad naman siyang nakarating sa itaas. Tumalon siya at payukong tumakbo at nagtago sa likod ng isang mayabong na halaman sa gilid ng bahay.
Pinakiramdaman muna niya ang paligid saka siya tahimik na naglakad papunta sa bintana sa harapan. Sumilip siya doon. Wala siyang nakitang tao sa loob. Baka nasa kwarto na si Sanya at natutulog. Mas lalo tuloy siyang nasabik na makita si Sanya. Naglalaro kasi sa utak niya ang imahe nito na nakasuot ng manipis at sexy na pantulog habang mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama. Litaw ang legs nito na makinis at maputi!
Tumulo tuloy ang laway ni Vincent dahil sa imahinasyon niyang iyon. Pinunasan niya ang laway sa gilid ng bibig gamit ang kamay.
Kailangan na niyang makapasok sa loob. Dapat na niyang isagawa ang pinaplano kay Sanya dahil baka biglang bumalik ang mga kasama nito.
Umalis na siya sa may bintana at pinuntahan na niya ang main door. Inilabas niya sa bulsa ang isang manipis na kawad at isinuot niya iyon sa keyhole. Inikot-ikot niya iyon at matiyagang kinalikot. Nagbubutil-butil na ang pawis niya sa mukha. Kinakabahan kasi siya na baka may makakita sa kaniya. Mapupurnada pa ang plano niya!
“Puta!” Mura niya sa labis na inis nang hindi niya mabuksan ang pinto.
Pero hindi pa rin siya sumuko. Inulit niya ang pagkalikot sa keyhole gamit ang kawad. Hanggang sa may marinig siyang mahinang tunog na nagpatalon sa puso niya!
Ngumisi siya at inalis na ang kawad sa keyhole. Marahan niyang itinulak ang pinto at tahimik na pumasok sa loob ng bahay. Ngunit hindi pa man siya nakakadalawang hakbang ay may narinig na siyang yabag ng mga paa na papunta sa kinaroroonan niya.
Agad siyang naghanap ng pwede niyang taguan pero wala siyang makita. Sa pagkataranta niya at upang hindi makita ng taong paparating na hula niya ay si Sanya dahil ito lang naman ang tao na naroon ay pinatay niya ang ilaw nang mahagip ng mata niya ang switch na malapit sa pinto. Tumakbo na lang siya sa likod ng sofa at doon nagtago.
Pasimple siyang sumilip at bumilis ang t***k ng puso niya nang makita niya si Sanya na paakyat na sana ng hagdan pero bigla itong natigilan. Kahit madilim ay nakikita niya pa rin ang kagandahan nito. Gustung-gusto na niya itong lapitan para halikan at yakapin pero pinigilan niya ang sarili. Hindi pa ito ang tamang oras para gawin niya iyon. Pwede itong manlaban at makatakas.
Lumapit si Sanya sa pinto at kinabahan siya dahil nakalimutan niya pala iyong isara. Panay ang dasal ni Vincent na sana ay hindi magduda si Sanya. Nakahinga lang siya nang maluwag nang isara nito ang pinto at umakyat sa itaas.
Sa wari naman niya ay hindi nakahalata si Sanya na may nakapasok na ibang tao sa bahay nito. Sinundan niya ito sa itaas. Hindi nito isinara ang pinto ng kwarto kaya nagawa niyang silipin ang ginagawa nito. Hawak nito ang cellphone at nagla-Live na naman.
Napaka swerte niya dahil hindi na lang niya sa cellphone nakikita si Sanya kundi sa personal na talaga. Abot-kamay na niya ito.
Agad na umalis si Vincent sa may pinto nang makita niyang lilingon sa kinaroroonan niya si Sanya. Nagmamadali siyang bumaba at nagtago ulit sa likod ng sofa.
Maya maya ay nakarinig siya ng nabasag na baso sa may kusina. Matapos iyon ay bumaba si Sanya at pumunta sa kusina. Narinig niya na may kausap itong babae. Ibig sabihin pala ay may kasama si Sanya ditong ibang tao at hindi ito mag-isa!
Hindi ito pwede. Baka maging sagabal pa ang taong iyon sa balak ko kay Sanya! Ani Vincent sa sarili.
Sumilip siya nang may marinig siyang yabag ng mga paa. Isang babae ang nakita niyang pumasok sa isang pinto na malapit sa kusina. Napatingin siya sa itaas. Naisip niya na dapat ay makapasok na siya ngayon sa kwarto ni Sanya dahil baka mag-lock ito ng pinto.
Lumabas na si Vincent sa pinagtataguan at umakyat sa kwarto ni Sanya. Nakita niya sa ibabaw ng kama ang cellphone ni Sanya. Kinuha niya iyon at nagulat siya nang makitang naka-Live pa rin iyon. Agad niya iyong binitawan dahil nakita niya ang sarili doon at sigurado din siyang nakita siya ng viewers ni Sanya.
Sa ilalim ng kama siya nagtago. Ilang minuto lang ay bumalik na doon si Sanya. Sumilip siya pero wala siyang nakikita. Mukhang nasa ibabaw ng kama si Sanya. Hanggang sa bumaba na ito sa kama upang maligo. Nagbihis ito ng pantulog matapos maligo at humiga na sa kama.
Naghintay lang siya ng kaunting minuto at may inilabas siyang panyo sa kaniyang bulsa. Ini-spray-an niya iyon ng likido mula sa isang maliit na bote. Tahimik siyang lumabas sa ilalim ng kama. Tamang-tama ang paglabas niya dahil mukhang tulog na si Sanya. Nakatihaya ito at nakapikit.
Sa wakas, akin ka na, Sanya! Sigaw ng utak ni Vincent.
Mabilis niyang tinakpan ang ilong ni Sanya gamit ang panyo na may pampatulog!
DAHIL nawe-weird-uhan na si Sanya sa mga kino-comment ng mga viewers niya at sa tingin niya ay tinatakot lang siya ng mga ito ay tinapos na niya ang pagla-Live niya. Isinaksak na niya sa charger ang cellphone niya at nag-shower ng mabilis. Nagbihis siya ng pantulog. Isang damit na manipis ang isinuot niya. Humiga na siya upang matulog. Alas nuebe na ng gabi at nakakaramdam na siya ng antok. Mabuting bagay iyon para sa kaniya dahil noong nakaraang gabi ay hindi siya makatulog dahil sa ginawa sa kaniya ni Edward. Hindi na rin siya ginugulo ni Vincent online dahil sa bli-nock na niya ito.
Ang buong akala ni Sanya ay magiging matiwasay na ang pagtulog niya pero nagising ang diwa niya nang may tumakip sa ilong niya. Isang panyo na may kakaibang amoy. Amoy na naging dahilan para sumakit ang ulo niya at mawalan siya ng malay…