CHAPTER THREE

3172 Words
WALANG pagsidlan ang sayang nararamdaman ni Vincent dahil sa wakas, matapos ang mahabang panahon na pag-iidolo niya kay Sanya Ortega ay kasama na niya ito ngayon. Hindi lang basta kasama kundi kinakausap pa siya nito. Mukhang pinagtagpo talaga sila ng tadhana dahil eksaktong naghahanap ito ng computer repeir shop. Nag-post pa ito sa social media kaya naman agad siyang nag-mensahe dito na pumunta sa shop niya. Ang akala pa nga niya noong una ay hindi ito pupunta ngunit kahit ganoon ay umasa pa rin siya. Matiyaga siyang naghintay dito at dumating nga ito para ipaayos ang nasira nitong laptop. Kung maganda si Sanya sa mga litrato at videos nito ay triple pala iyon sa personal. Akala mo ay isang anghel na hindi makabasag-pinggan ang hitsura ni Sanya. Kaya naman hindi maiwasan ni Vincent na titigan ito kapag may pagkakataon. Lalo na no’ng nag-e-edit ito ng vlog nito sa harapan niya ay talagang tinitigan niya ito nang husto. Hindi kasi nakakasawa ang ganda nito. Pasimple pa nga niya itong kinunan ng mga litrato gamit ang kaniyang cellphone pero nakahalata yata ito kaya biglang tumingin sa kaniya. Ngunit ang kasiyahan ni Vincent ay napalitan ng lungkot nang sabihin ni Sanya na kailangan na nitong umuwi. Gusto pa sana niya itong makasama ng mas matagal pa. Gusto pa niya itong makausap at makakwentuhan tungkol sa buhay nito. Gusto pa niyang mas makilala si Sanya Ortega na sobrang hinahangaan niya. Ngayon lang kasi talaga siya humanga sa isang tao ng ganito at sa palagay niya ay hindi na lang iyon basta simpleng paghanga kundi parang mahal na niya si Sanya. “Aalis ka na?” tanong niya sa babae nang magpaalam na ito. Nangilid pa talaga ang luha niya dahil sa labis na kalungkutan. Hindi agad nakasagot si Sanya dahil parang nagulat ito sa naging reaksyon niya. “Ah, e… oo. Late na kasi. Hinahanap na ako sa amin. Uhm, sige. Salamat ulit, Vincent! Bye!” Isang pilit na ngiti ang huli nitong iniwan sa kaniya bago ito nagmamadaling naglakad papunta sa may pinto. Pero hindi naman siya makakapayag na umalis ito ng ganoon na lang. Mabilis siyang humarang sa may pinto. Nagulat si Sanya at bahagya itong napaatras. “Vincent!” bulalas nito. “Excuse me. Dadaan ako.” Isang nahihiyang ngiti ang sumilay sa labi ni Vincent. “P-pwede bang mamaya ka na lang umuwi? Punta ka sa kwarto ko. Ipapakita ko sa iyo mga pictures mo. Idol na idol kasi talaga kita, Sanya!” Iyon na lang ang naiisip niyang paraan para hindi muna ito umalis. “Uhm, ano kasi… I really need to go. Maybe next time.” “Next time?” “Yes. May ibang araw pa naman, e.” “Babalik ka ba dito, Sanya?” “Hmm… I need to go. Bye, Vincent.” Gumilid si Sanya para makadaan ito sa kaunting espasyo sa gilid niya. Wala na siyang nagawa para pigilan ang pag-alis nito. Hindi man lang niya nakitaan ng saya si Sanya nang sabihin niyang idol niya ito. Parang wala lang dito ang paghangang inuukol niya dito. Nang mahimasmasan siya sa pagkakatulala ay lumabas siya ng shop at nakita niyang wala na si Sanya at ang bisikleta nito. Umalis na talaga ito at napakasama ng loob niya dahil doon. Unti-unting sumama ang mukha niya hanggang sa tuluyan nang rumehistro ang galit doon. Malakas siyang sumigaw at malalaki ang hakbang na pumasok sa shop. Doon ay nagwala siya. Lahat ng mahawakan ng kamay niya ay ibinabato niya at ibinabalibag. “Gusto ko pang makasama si Sanya! Gusto ko pa!!!” Akala mo ay isang bata na atungal ni Vincent. Ang akala pa naman niya ay matutuwa si Sanya nang maayos niya ang laptop nito pero hindi. Umalis agad ito kahit pinigilan niya ito. Hindi ba siya nito gustong makasama? Pero panay ang ngiti nito sa kaniya kanina. Anong ibig sabihin ng mga ngiting iyon? Wala lang ba iyon para kay Sanya? Kung wala lang dito iyon, sa kaniya ay meron! Malaking bagay ang mga ngiting iyon nito sa kaniya dahil nagkaroon siya ng pag-asa na baka gusto rin siya nito. “Sanya!!!” Dinampot niya ang toolbox at ibinato iyon sa may pinto. Eksaktong dumating ang nanay niya at tinamaan ito ng toolbox sa may tuhod. “Putang ina ka! Ang sakit!!!” Nakangiwing bulyaw nito sa kaniya sabay lapit sa kaniya. Hinablot siya nito sa kaniyang damit at pinagsasampal. “Pipilayan mo pa akong abnormal ka! Nagwawala ka na namang hinayupak ka! Ano na naman bang problema mo?!” Pabalang siya nitong binitawan. Muntik na siyang matumba pero nakahawak siya sa gilid ng lamesa. “S-si Sanya. Punta siya dito pero umalis din agad. Gusto ko pa siyang makasama…” Nguyngoy niya habang nakayuko. “Anong pumunta dito si Sanya?! Nag-iilusyon ka na naman! At nagsisira ka pa ng gamit dito! Wala ka talagang utak kahit kailan! Ito na nga lang ang pinagkakakitaan mo, sinira mo pa. Gago!” “Totoo. Nagpaayos dito si Sanya…” “Sanya! Sanya! Wala na akong ibang naririnig sa bunganga mo kundi Sanya!” sabay sapak nito ng malakas sa likod ng ulo niya. Nakita nito ang hawak niyang limang daan. Mabilis nitong kinuha iyon. Nanlaki ang mata ni Vincent sa ginawa ng kaniyang ina. “Akin na `yan! Bigay sa akin iyan ni Sanya!” Aagawin niya sana dito ang pera pero isinilid na nito iyon sa bulsa. “Hoy! Tarantadong abnormal ka! Kailan ka pa natuto na magtago ng pera sa akin?! Lahat ng kinikita mo dito ay akin! Dahil kulang pa na magtrabaho ka habangbuhay dito sa bulok mong shop para mabayaran ang sakripisyo ko sa iyo!” “P-pero pera iyan ni Sanya--” “Ah! Putang inang Sanya! Tumigil ka na! Susuntukin ko na nguso mo! Mag-ayos ka dito! Leche!” Dumura pa ito at saka umalis dala ang perang ibinayad sa kaniya ni Sanya. Hinintay muna niyang mawala muna ang nanay niya bago siya ulit nagpapadyak na parang bata. “Makukuha rin kita, Sanya! Akin ka lang. Akin ka lang!” Himutok niya habang nakatingin nang matiim sa kawalan. Matapos mailabas ang sama ng loob ay pumasok na rin siya sa kanilang bahay. Napadaan siya sa kwarto ng kaniyang nanay. Nakabukas ang pinto kaya nakita niya itong nakahiga na. Masama din ang loob niya dito dahil kinuha nito ang perang ibinayad sa kaniya ni Sanya. Balak pa naman sana niya iyong itago para remembrance. Kinuha mo bigay sa akin ni Sanya! Kukunin ko ulit `yan sa iyo! Nakakuyom ang mga kamao na sabi niya sa kaniyang isip. NAKAHINGA na nang maluwag si Sanya nang makaalis na siya sa shop ni Vincent. Sa totoo lang ay hindi maganda ang pakiramdam niya sa lalaking iyon. Talagang tiniis na lang niya na kasama ito para lang maayos ang kaniyang nasirang laptop. Nahuhuli niya kasi itong nakatitig sa kaniya. Wala namang problema sa kaniya kapag may nakatingin sa kaniya. Pero kakaiba kasi ang tingin ni Vincent sa kaniya. Parang may pagnanasa ito. Nakakakilabot at nakakatakot din ang mga kilos nito. Tila ayaw pa nga siyang paalisin nito kanina. Mabuti na lang at nakagawa siya ng paraan. Hindi bale. Una at huli na niyang pagpunta iyon sa shop ni Vincent. Hinding-hindi na siya babalik doon. Pagdating niya sa kanilang bahay ay mukhang tulog na yata ang lahat ng tao kaya hindi na siya nahirapan na magpaliwanag sa kung sino kung bakit ngayon lang siya nakauwi. Antok na rin siya kaya pagpasok niya sa kaniyang kwarto ay nahiga na siya at pumikit para matulog. Mabilis naman siyang nakatulog dahil sa sobrang antok. MASAYANG binabasa ni Sanya ang mga comment sa bago niyang vlog. Marami ang natuwa sa video niya. Tour kasi iyon sa bahay nila. Ipinakita niya ang bahay nila lalo na ang kwarto niya. Habang nagbabasa siya ng mga comments ay biglang tumunog ang cellphone niya. Naitirik niya ang kaniyang mga mata sa pangalan na naka-register doon. Edward. Iyon ang pangalan na naroon. Kahit ayaw niyang sagutin ay napilitan na rin siyang sagutin ang tawag ni Edward dahil kilala niya ito. Hindi ito titigil hangga’t hindi niya sinasagot ang tawag nito. Kapag nagpatay naman siya ng cellphone ay magugulat na lang siya na nasa labas na ito ng bahay nila. Si Edward ay ang secret boyfriend niya. Tanging si Maxine lang ang nakakaalam ng relasyon nila ni Edward. Bukod kasi sa hindi pa siya pinapayagan ng parents niya na makipag-boyfriend ay nag-aalala din siya na baka hindi magustuhan ng followers at fans niya kapag nalaman ng mga ito na meron na siyang boyfriend. Ang alam kasi ng mga ito ay single siya. Matanda ng five years sa kaniya si Edward kaya natatakot din siyang malaman ng mga magulang niya na may nobyo siya na malaki ang agwat ng edad sa kaniya. Nagkakilala sila ni Edward dahil kay Maxine. Isinama kasi ito ni Maxine noong may sinalihan siyang beauty pageant sa school. Sa pagkakaalam niya ay nagde-date noon si Maxine at Edward. Ipinakilala siya ni Maxine sa lalaki at simula noon ay palagi na itong nasa school para sunduin siya. Ayaw niya sana itong i-entertain dahil sa pagkakaalam niya ay gusto ito ni Maxine. Hanggang sa si Maxine na mismo ang magsabi sa kaniya na hindi ito interesado kay Edward. Nanligaw si Edward sa kaniya at dahil sa gusto na rin naman niya ito dahil sa mabait at gwapo ito ay sinagot niya ito agad. Galing din naman ito sa magandang pamilya katulad niya. Noong una ay okay naman ang relasyon nila. Naiintindihan ni Edward na kailangang maging lihim muna ang kanilang relasyon dahil sa mga dahilan niya. Pero nang tumuntong na sa kalahating taon ang pagiging magkasintahan nila ay parang napapansin na niya na nagpaparinig ito ng madalas na ayaw na nito ng patagong relasyon. Medyo nainis na siya dito dahil ang akala niya ay naiintindihan siya nito. Nakita na rin niya ang hindi magagandang ugali ni Edward. Demanding ito sa oras at madaling magalit. Natatakot siya na baka isang araw ay saktan na siya nito ng pisikal. Hindi malayong mangyari iyon dahil sa ugaling meron ito. Dahil sa ugaling iyon ni Edward ay unti-unti nang nawala ang pagmamahal niya dito. Gusto na nga niya itong hiwalayan pero ayaw niyang sa kaniya manggagaling ang pakikipag-break. Ayaw niyang sa kaniya maibunton ang sisi. Ang gusto niya ay si Edward na mismo ang makaramdam na ayaw na niya at ito na mismo ang makipaghiwalay. Kaya ipinaparamdam niya talaga dito na wala na siyang gana dito. Sinagot na niya ang tawag ni Edward. Kinuha niya ang kaniyang earphone at isinuot iyon sa kaniyang tenga matapos ikabit sa cellphone. Para makausap niya ito habang nagbabasa ng comment sa latest vlog niya. “Mabuti naman at sinagot mo ang tawag ko.” Mahinahon nitong sabi pero ramdam ni Sanya ang inis sa pagsasalita nito. “I’m sorry. Busy lang ako sa pag-edit ng vlog ko. Saka nasira kasi iyong laptop ko kaya hindi na ako nakakapag-reach out sa iyo, Edward,” sagot niya. “Wow! Talaga lang, ha. Tapos nakapag-upload ka ng vlog mo sa Youtube pero hindi mo man lang nagawang mag-message or tawagan ako? Mas importante ba talaga iyang mga social media fans mo kesa sa akin?” May himig pagtatampong sabi nito. “What do you mean? Ano bang gusto mong palabasin?” Medyo hindi niya nagustuhan ang huli nitong sinabi. “Napapasaya mo ang ibang tao pero ako na mismong boyfriend mo ay hindi!” Huminga nang malalim si Sanya. “So, you’re not happy anymore.” “Hindi sa ganoon--” “Alam mo, kung hindi ka na masaya sa akin, makipag-break ka na lang sa akin!” Hindi na niya napigilan ang sariling sabihin iyon. “Ah, gusto mo ng break up? Okay. I’ll give it to you. Break na tayo, Sanya!” “`Kay! Bye! Thanks!” aniya at pinutol na niya ang tawag na iyon ni Edward. Ang akala yata nito ay magmamakaawa siya dito na huwag silang mag-break. Kung alam lang nito na matagal na niya iyong hinihintay dahil gusto na niyang makawala sa relasyon nila ni Edward. Mas maigi rin siguro talaga na wala muna siyang boyfriend para naman walang nagde-demand ng oras niya. Dahil sa mga social media pa lang niya ay ubos na agad ang kaniyang oras. Pakiramdam tuloy ni Sanya ay nabunutan siya ng tinik ng sandaling iyon. Sa wakas ay wala nang mangungulit sa kaniya na lumabas or magpunta sa isang lugar. Ganoon kasi si Edward. Gusto lagi ay magkasama sila. Palibhasa, wala itong trabaho at masyadong umaasa sa pera ng magulang nito. Muling tumunog ang cellphone niya pero para naman sa notification ng kaniyang Messenger. Ang akala niya ay si Edward pero nagkamali siya. Si Maxine pala ang nag-message… Maxine: Hello, Sanya! How are you? Sanya: `Eto. Okay naman. Ikaw ba? I miss you na. Bigtime! Maxine: I miss you, too. Oo nga pala. Pwedeng favor? Sanya: Yes. Of course! Basta ikaw. Ano ba iyon? Maxine: Gumawa kasi ako ng bago kong f******k fan page at pwede bang tulungan mo akong paramihin ang likes? Pretty please… Napangiti si Sanya. Hindi na naman nito kailangang makiusap sa kaniya ng ganoon. Isa pa, si Maxine talaga ang nauna sa kaniya sa pagkahilig sa pag-u-upload ng vlogs at mga katulad ng video na ina-upload niya sa f******k. Ito nga ang nagturo sa kaniya ng Dubsmash. Iyon nga lang, siya ang mas kinagat ng netizens kaya siya ang mas sumikat kesa dito. Pero ganoon pa man, alam naman niya na masaya si Maxine para sa kaniya dahil bestfriends silang dalawa. Kahit naman siguro kung sakaling si Maxine ang sumikat kesa sa kaniya ay magiging masaya pa rin siya para dito… Sanya: Sure! Iyon lang pala. Akala ko naman kung ano na. Hahaha! Maxine: Thanks! I know I can always count on you! Sinend na rin nito ang link ng bago nitong f******k fan page. Hindi niya muna sinagot ang chat na iyon ni Maxine dahil shi-nare muna niya sa kaniyang f******k ang fan page ni Maxine para ipa-like iyon sa mga naka-follow sa kaniya. Sinabi niya na bestfriend niya si Maxine kaya dapat ay i-support din ito ng mga fans niya. Matapos iyon ay binalikan na niya si Maxine… Sanya: Done! Maxine: Thanks again. I already saw your post. Sanya: BTW. May sasabihin ako. Nakipag-break na si Edward sa akin! Maxine: What?! OMG! Gusto mo bang puntahan kita diyan para may shoulder to cry on ka? Are you crying right now? Gusto mo bang kausapin ko si Edward? Sanya: Hahaha! No. Don’t do that. Matagal ko na namang gustong matapos ang relationship namin kaya lang I don’t want the one to blame kaya hinintay ko talaga na siya ang makipag-break. I’m happy that I’m free now! Maxine: My God! Sa lahat naman yata ng bri-neak ng jowa nila, ikaw ang masaya! Haha! Sanya: Tama ka diyan! Haha! Maxine: I need to go na pala. Pupuntahan pa namin ang lola ko sa hospital. And advance happy birthday! Sanya: Okay. Thank you! See you soon… Doon na natapos ang chat session nila ng kaniyang bestfriend na si Maxine. Nag-offline na ito at siya naman ay bumalik sa pakikipag-interact sa mga fans niya online. Maya maya ay naisipan niyang mag-Live sa Facebool. Tutal naman ay wala siyang ginagawa at medyo bored na rin siya. SANYA Ortega is live now… Nabuhayan ng dugo si Vincent nang makita niya ang notification na iyon sa kaniyang f******k. Nakahiga lang siya ng araw na iyon sa kaniyang kama at pinapanood ang bagong vlog ni Sanya. Sa vlog na iyon ay ipinakita ni Sanya ang kabuuan ng bahay nito. Nag-focus nang husto ang vlog sa kwarto ni Sanya. In-imagine niya tuloy na magkatabi silang natutulog ni Sanya sa malambot nitong kama. Magkayakap sila habang inaamoy niya ang mabango itong buhok. Umayos ng higa si Vincent at kinuha ang earphone. Isinaksak niya iyon sa kaniyang tenga para mas marinig niya nang maayos ang pagsasalita ng kaniyang minamahal na idolo. Kakasimula lang ng Live ni Sanya pero marami na agad ang nag-me-message dito at ganoon din ang viewers nito. Talagang sikat na sikat ito! “Hello, guys! Kumusta naman kayo ngayon? Oo nga pala, have you watched my latest vlog? Punta lang kayo sa Youtube channel ko, ha.” Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Sanya. Pati mata nito ay nakangiti din kaya naman dalang-dala si Vincent. Napangiti na rin siya at kulang na lang ay tumulo ang laway. “Oo, Sanya. Napanood ko na.” Tumawa pa siya. Akala mo ay siya lang ang kinakausap nito sa pagsagot niyang iyon. Patuloy lang sa pagsasalita si Sanya habang siya naman ay matamang nanonood dito. Talagang napakaganda nito. Nagsisisi tuloy siya kung bakit hindi niya ito nahalikan noong nasa shop ito. Kaya naman hinihiling niya na sana ay masira ulit ang laptop nito para bumalik ito sa shop niya. Medyo sexy yata ang suot ngayon ni Sanya. Kita kasi ang braso at clevage nito. Napakaputi ni Sanya at maganda ang kutis kahit sa personal. Napalunok ng sariling laway si Vincent. Naisip niya na nakikipagtalik siya kay Sanya. Hinahalikan niya ang mala-sutla nitong kutis. Para sa kaniya ay walang kapintasan ang isang Sanya Ortega. Dahil sa mga iniisip niyang iyon ay naramdaman ni Vincent ang pagkabuhay ng kaniyang p*********i. Walang pagdadalawang-isip na hinubad niya ang kaniyang shorts at brief. Hinawakan niya ang kaniyang matigas na p*********i at inumpisahang paligayahin ang sarili habang pinapanood ang Live video ni Sanya. Kung anu-anong malalaswang imahe ang pumapasok sa kaniyang isipan kaya naman maganag-magana siya sa ginagawa. “Mahal kita, Sanya! Akin ka lang! Akin ka lang! Sanya! Sanyaaa!!!” Akala mo ay nasisiraan na ng ulo na hiyaw ni Vincent. Sarap na sarap siya dahil habang ginagawa niya iyon ay napapanood niya ang Live video ni Sanya. Sarap na sarap na si Vincent. Pabilis na nang pabilis ang pagbayo niya sa kaniyang p*********i. Akala mo ay nauulol na aso na siya kung makasigaw. Wala naman siyang pakialam kung nakakagawa man siya ng ingay o kung ano. Ang tanging nasa isip lang niya ay mailabas ang init na nararamdaman niya para kay Sanya. Nararamdaman na niya. Malapit na siyang sumabog. At nang sumambulat na ang pagnanasa niya ay eksaktong bumukas naman ang pinto ng kaniyang kwarto. Biglang pumasok ang nanay niyang galit na naman. “Anong ingay na naman ang--” Nanlaki ang mata nito nang makita nito ang ginagawa niya. “Putang ina kang baboy ka! Nagkalat ka pa talagang baboy ka diyan!” Naghanap ito ng maibabato sa kaniya habang siya ay nagulat din dahil hindi naman niya inaasahan na mahuhuli siya ng nanay niya sa ganoong akto. Nang makadampot ito ng sapatos ay ibinato nito iyon sa kaniya. Sapol siya sa mukha. “Baboy kang hayop ka! Napaka baboy mo! Pinaka baboy ka sa lahat ng baboy!” sigaw nito at saka ito lumabas ng kaniyang kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD