CHAPTER FIVE

3288 Words
WALANG ginawa si Sanya kundi ang pakinggan lang lahat ng mga sinabi ni Edward sa kaniya. Hinayaan lang niya itong magsalita nang magsalita para mailabas nito ang bigat na dinadala nito sa dibdib nito. Manaka-naka’y sumasagot siya kapag kailangan o tinatanong siya nito. Puro naman kasi pagbabalik sa nakaraan nila ang sinasabi nito, iyong masasayang parte lang. Iniisip siguro nito na kapag pinaalala nito lahat ng masasaya nilang alaala ay manghihinayang siya at babalik siya dito. Iyon ang pagkakamali ni Edward dahil masayang-masaya na siya na nakawala na siya sa relasyon nilang dalawa. Bukod kasi sa hindi na naman siya masaya kay Edward ay hindi na rin niya kailangang mangamba na baka malaman ng parents niya na may boyfriend siya. Pati na ng mga fans at followers niya. Hindi na siya matatakot na baka malaman ng mga ito na in a relationship na siya. Hindi niya kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito kapag nalamang hindi siya single. Mabuti na lang talaga at si Edward na ang nagsabi na break na sila. Atleast, hindi siya masisisi nito. Ayaw niya kasi talaga ng ganoon. Kinuha ni Sanya ang kaniyang kape at uminom. Halos kalahati na pala iyon pati na ang cake na inorder niya. “Sanya, can we start again?” Sa huli ay tanong ni Edward. Hindi pa rin pala ito sumusuko. Ibinaba niya sa lamesa ang kape. Umiling siya at ngumiti. “I am so sorry pero hindi na talaga. Friendship na lang ang maibibigay ko sa iyo.” Lumungkot ang mukha nito sa sinabi niya. Tumingin siya sa oras sa kaniyang phone. Six-thirty na pala ng gabi. “I need to go na pala. Pero punta lang ako sa restroom.” Tahimik na tumango lang si Edward. Bakas sa mukha nito ang labis na lungkot. Tumayo na siya para pumunta sa restroom. Dire-diretso siyang pumasok sa bakanteng cubicle at umupo sa toilet bowl. Napabuga siya ng hangin. Umihi lang siya at lumabas na rin. Naghugas siya ng kamay sa sink at binalikan na niya si Edward doon. Nakita niya na kalahati pa ang laman ng kape niya kaya kinuha niya iyon at sa daan na lang niya uubusin. “I have to go na, Edward. Thank you sa pag-unawa mo,” aniya. “Sandali lang.” Mabilis na tumayo si Edward. “Pwede bang ako na ang maghatid sa iyo sa bahay ninyo? Dala ko ang kotse ko. Alam ko naman na nag-commute ka lang papunta dito.” “Edward, ano kasi--” “Please, Sanya. For the last time? Please…” `Eto na naman ito sa pagmamakaawa nito na may kasama pang nakakaawang mukha. Upang hindi na madagdagan pa ang sama ng loob ng dati niyang nobyo at kahit papaano ay mapasaya naman niya ito sa huling sandali ay pumayag na lang siya sa request nito na ihatid siya sa bahay. Magkasabay silang lumabas ng coffee shop. Wala silang imikan hanggang sa makarating sila sa kotse nito. Humigop muna siya sa kaniyang kape dahil medyo nanunuyo ang lalamunan niya. “Seat belt?” ani Edward at ito na ang nagkusang maglagay ng seat belt sa kaniya. “Thanks…” Matipid na wika ni Sanya sabay inom ulit ng kape. In-start na nito ang sasakyan at pinaandar habang siya ay paunti-unting inuubos ang kape. “Favorite mo talaga ang kape na iyan, `no?” “Yes. Alam mo naman iyan. Hindi pwedeng lumipas ang isang linggo nang hindi ako nakakainom nito.” Isa pang inom sa kape niya at naubos na iyon ni Sanya. “Where can I put this?” tanong niya kay Edward. “Doon na lang sa dashboard.” Inilagay niya ang walang laman na lalagyan ng kape sa ibabaw ng dashboard. Habang tumatakbo ang sasakyan ay napansin ni Sanya na panay ang sulyap ni Edward sa kaniya. “Bakit parang kanina ka pa tingin nang tingin sa akin?” Hindi na niya napigilang magtanong dito. “Of course, last time na natin na magkakasama today. Nilulubos ko lang na makita ang maganda mong mukha,” ngiti nito. “Hay naku! Nambola ka pa--” Hindi na nagawang tapusin ni Sanya ang kaniyang pagsasalita dahil biglang may matining na tunog siyang narinig. Kasunod niyon ay ang pananakit ng kaniyang ulo sa dahilang hindi niya alam. Tumingin siya sa unahan pero halos wala na siyang makita sa sobrang labo. Parang umiikot na rin ang kaniyang paningin. Napahawak siya sa kaniyang ulo at hinilot-hilot niya iyon sa pag-asang babalik sa normal ang kaniyang pakiramdam. “Sanya, are you okay?” Parang bahagya na lang niyang naririnig ang boses ni Edward. Halos hindi na niya ito makita nang tingnan niya ang lalaki. “E-edward, ang sakit ng ulo ko. N-nahihilo ako. Can you stop the car muna?” sabi niya. Baka kasi nahihilo lang siya dahil sa pag-andar ng sasakyan. “Okay. I’ll pull over.” Agad namang inihinto ni Edward sa tabi ang sasakyan. “Lalabas ako. Kailangan ko ng fresh air…” aniya pa. Tatanggalin niya sana ang seat belt niya pero naramdaman niya ang pagpigil ni Edward sa mga kamay niya. “No. Dito ka lang. Sumandal ka lang at ipikit mo ang mata mo, Sanya. Rest…” Dahil sa nanghihina na talaga siya ay sinunod na lang niya ang sinabing iyon ni Edward. Sumandal siya ng maayos sa upuan. Pagkapikit niya ng kaniyang mata ay doon na siya tuluyang nawalan ng malay tao. “SANYA, can we start again?” “I am so sorry pero hindi na talaga. Friendship na lang ang maibibigay ko sa iyo. I need to go na pala. Pero punta lang ako sa restroom.” Sinundan ng tingin ni Edward ang papalayong si Sanya. Dire-diretso ito sa restroom. Friendship? Kaibigan? Anong mapapala niya sa pagkakaibigan na gustong ibigay ni Sanya sa kaniya? Ayaw niya itong maging kaibigan! Ang gusto niya ay sa kaniya lamang ito. Itinulak na siya ni Sanya sa kaniyang hangganan. Sa loob ng mga araw na naging nobya niya ito ay ilang beses siya ditong humiling na kung maaari ay may mangyari naman sa kanila pero palagi itong tumatanggi. Natatakot daw itong mabuntis. Ayaw nito kahit sabihin niyang gagamit naman siya ng condom. Nagpapahalik naman ito pero hanggang doon lang. Hindi siya kuntento sa ganoon lang. Gusto niyang may mangyari talaga sa kanila ni Sanya! “Masyado kang pakipot, Sanya…” bulong ni Edward. “Kung iiwanan mo rin lang naman ako, mas makakabuting matikman muna kita bago ka matikman ng iba!” Malakas kasi ang hinala niya na may iba nang lalaki si Sanya kaya okay lang dito nang sabihin niyang break na sila. Aminado naman siya na nabigla lang siya nang sabihin niyang break na sila ni Sanya. Ang akala niya kasi ay hindi ito papayag pero nagkamali siya. Parang ang saya-saya pa nito sa nangyayari sa kanilang relasyon. Mabilis na kinuha ni Edward ang tatlon tabletas na pampatulog sa bulsa ng kaniyang shorts. Iyon ang pinaka mataas ang dosage. Binuksan niya ang takip ng kape ni Sanya at inihulog niya ang tatlo. Inalog-alog pa niya ang lalagyan ng kape para matunaw agad. Matapos iyon ay bumalik siya sa pagkakaupo na parang walang ginawa. Maya maya ay bumalik na si Sanya. Paalis na ito pero nag-offer siya na ihatid ito sa bahay. Pumayag naman ito matapos niyang magmakaawa. Ilang minuto pa lang na nagda-drive si Edward ay umepekto na agad kay Sanya ang pampatulog na inihalo niya sa kape nito. Sumakit pa ang ulo ni Sanya sa dami ng pampatulog na inilagay niya. Pinagmasdan niya ang magandang mukha ni Sanya habang natutulog ito sa sasakyan niya. Naka-park sila sa tabing kalsada. “Sa wakas, matitikman na rin kita, Sanya! Ang daming lalaking nagpapantasya sa iyo kaya I am so lucky!” Nakangisi niyang sabi habang hinahaplos ang makinis nitong pisngi. Umayos na siya ng upo at muling pinaandar ang kotse. Dinala niya si Sanya sa bahay nila. Binuhat niya ito hanggang sa kaniyang kwarto. Maayos niya itong inihiga sa kaniyang kama. Malakas ang loob niyang doon gawin ang binabalak niya kay Sanya dahil mag-isa lang siya ngayon dito. Wala ang mga parents niya dahil umuwi ito sa probinsiya nila kasama ang dalawa nilang kasambahay. Kaya soling-solo nila ni Sanya ang buong bahay. Tumabi siya ng higa sa walang malay na si Sanya at hinalikan ito sa labi. Pwedeng-pwede na niyang gawin dito ang gusto niya pero mas gusto niya kapag gising na ito. Gusto niyang makita ang mukha ni Sanya habang inaangkin niya ito! “OUCH…” Mahinang ungol ni Sanya nang subukan niyang imulat ang kaniyang mata. Bigla kasing sumakit ang ulo niya. Muli siyang pumikit at pinakiramdaman ang sarili. Pinalipas muna niya ang ilang segundo bago niya ulit ibinukas ang kaniyang mata. Tumambad sa kaniya ang isang hindi pamilyar na silid-tulugan. Nakahiga siya sa isang kama. Ang huli niyang natatandaan ay sumakay siya sa kotse ni Edward dahil nag-offer itong ihahatid siya sa bahay. Tapos bigla siyang nahilo at nawalan ng malay. Oo nga pala. Si Edward! Akmang babangon siya pero hindi niya nagawa. Huli na nang mapagtanto niyang nakatali pala ang mga kamay at paa niya. Ang mga kamay niya ay sa headboard habang ang mga paa naman ay sa magkabilang gilid ng kama. Isang medyo may kakapalang lubid ang ginamit na pangtali sa kaniya kaya kahit anong pagpupumiglas niya ay hindi niya magawang makawala. Sa pagkakataong iyon ay binaha na siya ng takot at pangamba. Alam niyang nasa isang malaking panganib siya. Nagulat si Sanya nang bumukas ang pinto at pumasok si Edward. Wala itong suot na pang-itaas. Tanging shorts lang ang suot nito. “Edward, ano ito?!” tanong niya. Kinakabahan na siya sa paraan pa lang ng pagkakatingin nito sa kaniya. May pagnanasa doon at hindi niya iyon gusto. Tila nahuhulaan na niya ang binabalak gawin ni Edward. “Gising ka na pala.” “Nasaan ako? Bakit ako nakatali?!” “Nandito ka sa bahay namin. Mabuti naman at nawala na iyong epekto ng pampatulog na inilagay ko sa kape mo…” wika nito habang naglalakad palapit sa kama. Umupo ito sa gilid at tinitigan siya habang nakangisi. “What?! Nilagyan mo ng pampatulog ang kape ko?! Anong gagawin mo sa akin? Kung ano man ang binabalak mong gawin, huwag mo nang ituloy! Magsusumbong ako sa mga pulis!” Pananakot niya. “Magsumbong ka. Kung kaya mo. Makakaya mo bang pag-fiestahan ka sa social medie pero this time ay dahil sa ginahasa kita? Gusto mo ba `yon, Sanya? Pwede kitang baligtarin. Pwede kong sabihin na girlfriend naman kita kaya ginawa natin iyon. May mga ebidensiya ako. Hindi ko pa rin binubura ang pagpapalitan natin ng chat at text…” Natigilan si Sanya dahil sa naisip niya ang sinabi nito. Ayaw niyang mangyari iyon-- ang pag-fiestahan siya sa social media dahil sa hindi magandang bagay. Isa pa, paano kung magsumbong nga siya sa mga pulis. Paano kung baligtarin nga siya ni Edward? Ano na lang ang magiging tingin ng mga tao sa kaniya lalo na ng mommy at daddy niya? Wala nang nagawa si Sanya kundi ang mapaluha. Nasukol na siya ni Edward. “O, bakit ka naman umiiyak? Wala pa nga akong ginagawa sa iyo pero naluluha ka na agad? Mamaya ka na umiyak, Sanya… Don’t worry, I’ll be gentle…” Inabot nito ang kaniyang pisngi at hinaplos iyon. Umiwas siya dahil kinikilabutan na siya kay Edward. Kung noon ay ayos lang sa kaniya na ginagawa nito iyon ngayon ay hindi na. Iba na ang tingin niya dito. “Edward, please… Pakawalan mo na ako.” Pakiusap niya. “Ha? Bakit ko naman gagawin iyon? Ang tagal ko ngang hinintay na mangyari ito tapos papalampasin ko pa? Sanya, noong tayo pa ay ayaw mo kasi akong pagbigyan. Masyado kang maarte!” “Hindi kaartehan ang pagtanggi noon sa gusto mo. Marunong lang akong mag-isip kesa sa iyo. Wala pa tayo sa tamang edad para gawin ang bagay na iyon!” “`Ayan… Masyado ka ring pakipot. Kaya ngayon, bago tayo tuluyang maghiwalay ay gagawin ko na ang matagal ko nang gustong gawin sa iyo!” Isang malakas na tili ang kumawala sa bibig ni Sanya nang bigla na lang siyang sunggaban ni Edward. Pilit siya nitong hinahalikan sa labi pero panay ang sigaw at iwas niya. “Tulong! Tulungan niyo ako!!!” buong lakas na sigaw ni Sanya. “Sige, sigaw pa! Kahit anong sigaw ang gawin mo, walang makakarinig sa iyo!” Humahalakhak na sabi ni Edward. “Teka nga. Parang mas exciting kung patay ang ilaw!” Umalis ito saglit at pinatay nito ang ilaw sa silid na iyon. Wala na siyang makita kundi kadiliman. Mas lalong natakot si Sanya dahil hindi na niya makita kung nasaan si Edward. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin nito. Wala na rin siyang naririnig kundi ang ugong ng aircon. Kahit malamig sa silid na iyon ay pinagpapawisan pa rin siya ng malapot. Napatili siya sa gulat nang may humawak sa kaniyang hita. “I’m here, Sanya!” Dahil sa hindi niya alam kung nasaan si Edward ay wala na siyang nagawa nang pumaibabaw ito sa kaniya at paghahalikan siya sa leeg. “Tulong! Parang awa niyo na! Tulungan niyo ako!” Patuloy pa rin siya sa pagsigaw. Kung wala mang kasama si Edward dito ay umaasa na lang siya na may makakarinig sa kaniya sa labas. Umiiyak na si Sanya sa takot. Ayaw man niyang magtagumpay si Edward sa gusto nito ay mukhang wala na siyang magagawa. Paano naman kasi siya makakalaban kung natali siya? Akala mo ay isang asong nagugutom si Edward sa paraan ng paghalik nito sa kaniya. “Ang bango mo talaga, Sanya! I want you! Hmm!” gigil nitong sambit. Kung saan-saan na nakarating ang kamay nito. “Tama na, please! Edward! Maawa ka sa akin!” tangis niya pero tila naging bingi na si Edward sa mga sinasabi niya. Patuloy pa rin ito sa ginagawa nitong kababuyan sa kaniya. Hanggang sa marinig niya na may tila humampas ng malakas sa bandang ulo ni Edward. Sumubsob si Edward sa ibabaw niya at hindi na ito gumagalaw. Kinabahan siya lalo nang lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin ito gumagalaw. Naramdaman na niya na may mali. Napalunok siya. “E-edward?” Impit siyang napatili nang may tila humila sa katawan ni Edward. Narinig pa niya ang pagbagsak ng katawan nito mula sa kama. Malakas ang pakiramdam ni Sanya na hindi na lang sila ni Edward ang nasa silid na iyon. Hindi nga lang niya makita kung sino ang naroon pa dahil sa sobrang dilim. Mas lalo tuloy siyang binalot ng takot. Paano kung katulad ni Edward ay may masama ring balak ang taong iyon sa kaniya? Lord, help me, please! Huwag Ninyo po akong papabayaan! Dasal ni Sanya. Tanging dasal na nga lang yata ang makakapagligtas sa kaniya sa sitwasyon niya ngayon. Nagsisisi na rin siya na sumama pa siya kay Edward para makipag-usap sa huling pagkakataon. Kung alam lang sana niya na may masama pala itong binabalak, hindi na sana niya ito pinagbigyan. Maya maya ay naramdaman ni Sanya na may sumampa sa kama. Kulang na lang ay manghimatay siya sa sobrang tense at takot. Nararamdaman niya… nasa ibabaw na rin ng kama ang taong iyon. Naisip niyang sumigaw na lang. Pero hindi pa man niya naibubuka ang kaniyang bibig ay may isang kamay na tumakip sa bibig niya! Nanlaki ang mata niya. Hindi na niya alam ang gagawin niya sa oras na iyon. Nakatali na nga siya ay wala pa siyang makita! “Huwag kang maingay. Hindi ako masama, Sanya. Nandito ako para tumulong sa iyo,” sabi ng taong may-ari ng kamay na nakatakip sa kaniyang bibig. Boses iyon ng isang lalaki. Sandali siyang natigilan dahil tila pamilyar sa kaniya ang boses ng naturang lalaki. Parang narinig na niya iyon sa kung saan. Hindi nga lang niya talaga matandaan dahil sa sobrang takot. Hindi na niya magawang makapag-isip ng maayos. Naramdaman niyang pinutol ng lalaki ang pagkakatali ng dalawa niyang kamay. Mukhang totoo naman ang sinabi nito kanina na tutulungan siya nito. Pero hindi pa rin nito inaalis ang kamay sa kaniyang bibig. Hanggang sa binuhay ng lalaki ang lamp shade sa tabi ng kama at nagkaroon ng liwanag sa silid na iyon. Gulat na gulat si Sanya nang makilala ang lalaking ang kamay ay nakatakip sa bibig niya! Marahang inalis ng lalaki ang kamay nito at napayuko ito nang tingnan niya. “V-vincent?!” gulat na bulalas ni Sanya. Hindi niya inaasahan na ito ang mabubungaran ng kaniyang mata. Umangat ang mukha nito at isang tila nahihiyang ngiti ang ibinato nito sa kaniya. ‘A-ako nga, Sanya. K-kumusta ka na?” anito at nahihiyang kumaway pa si Vincent. Sa sobrang gulat ni Sanya ay hindi na niya nagawang magsalita. Nakanganga lang siya habang nakatingin lang kay Vincent. Lumayo muna ito sa kaniya para buksan ang ilaw. Binalikan siya nito para alisin ang pagkakatali sa paa niya. Inalis din nito ang naiwang tali sa kaniyang mga kamay. Inilahad nito ang kamay pagkatapos. “Alis na tayo dito, Sanya. Tara na…” anito. Kumurap-kurap siya. “P-papaano ka napunta dito? Paano mo nalaman na nandito ako?” Naguguluhang tanong niya dito. Hindi pa rin kasi niya lubos maisip kung paanong si Vincent pa ang tumulong sa kaniya. “Nakita kasi kita kanina doon sa kapehan. H-hindi kita sinusundan, ha. Basta nakita lang kita doon. Tapos lumabas ka kasama iyong lalaki. Sumakay ako ng tricycle tapos sinundan ko kayo.” Kakamot-kamot ito sa ulo habang nagkukwento. Malikot din ang mata nito at hindi makatingin ng diretso sa kaniya. “Malakas kasi pakiramdam ko na masama ang kasama mo, Sanya, kaya sumunod ako. Nakita ko na walang malay ka na kinarga niya palabas ng kotse at pinasok sa bahay na ito. H-hindi nga lang agad ako nakapasok kasi may mga tao pa sa labas. Nang madilim na talaga at wala nang tao saka ako umakyat sa gate at pumasok dito.” Kahit papaano ay unti-unti nang nawawala ang takot niya kay Vincent dahil sa ginawa nito. “Thank you, Vincent. Kung hindi ka dumating ay baka kung ano na ang nangyari sa akin.” Bigla niyang naalala si Edward. “Oh my, God! Si Edward!” Nagmamadaling bumaba si Sanya sa kama upang tingnan si Edward. Naitutop niya ang dalawang kamay sa bibig nang makita niyang walang malay na nakadapa si Edward sa sahig. May kaunting dugo ito sa likod ng ulo. “A-anong ginawa mo sa kaniya?” Nahihintakutang tanong niya kay Vincent. Kinuha ni Vincent sa sahig ang isang kahoy. “Hampas ko siya nito kasi gagahasain ka niya, e!” Biglang bumakas ang galit sa mukha nito habang nakatingin sa katawan ni Edward. “P-pinatay mo siya?!” Todo-iling ito. “H-hindi! Hindi pa siya patay! Wala lang siyang malay… siguro.” Dahil hindi sigurado si Vincent ay nilapitan niya si Edward. Nanginginig ang kamay na dinama niya ang pulso nito. Nakahinga siya nang maluwag nang malaman niyang may pulso pa naman si Edward. “He’s still alive…” aniya pagkatayo. “Alis na tayo dito, Sanya. Baka magising pa siya. Yari tayo.” Parang isang bata na turan ni Vincent sa kaniya. “Sige…” Matipid niyang sagot. Nauna na siya kay Vincent sa paglabas sa kwarto ni Edward. Nakasunod lang ito sa kaniya hanggang sa makalabas na sila ng bahay na iyon. Sandali silang tumigil nang medyo makalayo na sila. “Thank you nga pala sa pagliligtas mo sa akin, Vincent,” buong pusong pagpapasalamat ni Sanya dito na labi na ikinangiti nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD