Chapter 12

1689 Words
CHAPTER 12 FRIDAY NG GABI.. Nag nagliligpit ng mga damit si Van. Umuwi lang siya saglit para kumuha ng mga personal na gamit at agad din naman siyang babalik ng Palawan. Sa Sunday pa naman ang kasal at natanggap na niya ang wedding invitation ng kasal ni Maxine. Di siya nag abalang buksan yon ng iabot yon sa kanya ng kanilang mayordoma. At ngayon basta lang niya yon nilagay sa kanyang maleta. Baka pag tinupak siya, di siya sisipot sa simbahan sa araw ng kasal ng mga ito. Sa isipin pa lamang niya na sa Sunday na ang kasal, pakiramdam niya ay nalalapit narin ang kanyang kamatayan. Kinuha niya sa kanyang suit ang maliit na pulang box at binuksan yon. Tumambad sa kanya ang singsing na may white diamond na bato s agitna at maliit na brilyante sa paligid niyon at kumikislap sa tama ng liwanag. Napisil niya ang bridge ng kanyang ilong dahil nagsimula na ng mag init ang sulok ng kanyang mga mata at nagbabanta ang pag patak ng luha. Wala pa nga, nagkakaganito na siya. Paano pa sa araw mismo na manunumpa ang dalawa sa harap ng mga tao higit sa harap ng Diyos ng kanilang pagmamahalan. Ano nalang ang mangayayari sa kanya na hanggang sa huli umaasa at nangangarap na mamahalin din siya ng kaibigang si Maxine. Marahas siyang napa-buntong hininga. Isinara niya ang maliit na box at inilagay sa pinaka-ilalim ng kanyang maleta. Saka tumayo na at binitbit iyon. Ngayon na tuluyan ng nalipat sa kanyang pangalan ang buong Resort, kahit mag Stay siya roon kahit gaano katagal ay ayos lang. Di naman siguro siya maghihirap agad kung isang taon siyang di muna magtatrabaho? Mabibigat ang mga hakbang na bumaba siya at lumabas ng Mansyon. Hindi talaga niya maiwasang mainggit sa kapatid at di rin niya maiwasang ikumpara ang sarili dito. Mga bata pa lamang sila, ito na ang magaling sa lahat. Laging lamang sa kanya kaya naman pinanindigan iyon ng kuay niya at nag lagay ito ng pader sa pagitan nilang dalawa. Humantong pa nga sa time na naisip niya na baka kakumpitensya ang turing nito sa kanya. Puro siya pagbibigay dito, pagpaparaya. Mula sa kanilang Kompanya. Ng sinabi ng kanilang ama na magreretire na ito at isa sa kanila ang papalit sa pwesto nito silang dalawa ang kinausap. Kailangan nilang magpakitang gilas dito at ito ang pipili ng papalit sa kanya. Alam niya na kaya niyang i-take over ang posisyon na iiwan ng kanilang ama pero bilang pagkilala sa kakayahan ng nakatatandang kapatid, Kusa siyang ang paubaya. Ayos lang sa kanya na si Jovani ang CEO/Pres ng Villarama Group of Comp. basta kasama niya si Maxine pero di niya akalain na maging ito ay kukunin nito sa kanya. Kaya naman nag sikap siya. Gamit ang kanyang tinapos bilang board passer Civil Engineer, nag sarili siya. Kung baga, pinayaman niya ang kanyang sarili ng di nawawalan ng time sa babaing lihim na iniibig. Isa pa, para naman dito ang lahat ng kanyang pagsisikap. Bilib na talaga siya sa kapatid. At ngayon, sa isang pitik lang ng daliri nito.. nakukuha nito ang lahat ng gustohin nito. NAKALABAS na siya ng malaking Gate ng Mansyon, inilabas din niya ang kanyang phone para tumawag sa guardhouse upang magpapasok ng taxi. Iiwan niya ang kanyang kotse dahil naghihintay sa kanya ang kanyang private chopper. (O ha! Bigtime na ang bida natin hmm.. =)) ) Kasalukuyan siyang nakikipag usap sa phone ng may dalawang black starex van na huminto sa kanyang harapan. Napaawang ang kanyang bibig ng may limang lalaki na bumaba sa naunang van. Lahat mga naka-itim at mga naka-mask. Napa-atras siya ng marealized niyang siya ang sadya ng mga ito. “A-Anong..?” nabitawan niya ang kanyang cellphone at di nakakilos ng lahat ng ito ay mag labas ng caliber 45 gun. Ikinasa ng mga ito ang mga hawak na baril at itinutok lahat sa kanyang mukha habang ilang hakbang lang ang layo ng mga ito sa kanya. “Mr. Villarama, mas mabuti na sumama ka sa amin ng tahimik para di ka na masaktan.” Sabi ng lalaking nakita niyang unang lumabas ng van kanina. Ikiniling niya ang kanyang ulo at isa-isang tiningnan ang mga ito. Tinatansya kung kakayanin nya ang lumabas. Pero sa isiping kargado ang mga ito at isang kilos lang niya, siguradong hindi mangingimi alin man sa mga ito na barilin siya. Napalingon siya sa kanialng bahay. Maya ay binitawan niya ang kanyang maleta at itinaas ang mga kamay. Agad din naman siyang pinaikutan ng mga ito at naramdaman niya ang dalawang matigas na bagay na nakatutok sa magkabila niyang tagiliran. Tikom ang bibig na humakbang siya papasok ng sasakyan. Madilim ang loob ng sasakyan. Pagka-upo na pagkaupo niya ay piniringan ang dalawa niyang mata. Hindi na niya nagawang lumingon dahil bukod sa may nakatutok sa magkabila nitang tagiliran, naramdaman din niya ang dulo ng matigas na bagay sa kanyang batok. Alam niyang baril din yon. “Saan ninyo ako dadalhin?” lakas loob na tanong niya. “Sino ang nag utos nito sa inyo?” “Tumahimik ka!” matigas na sabi ng malagom na boses sa kanyang bandang taynga. “Magkano naman kaya ang binayad sa inyo para dukutin ako? Baka pwede kong dublehin.. ah hindi.. titriplehin ko, pakawalan lang ninyo ako.” Kalmado parin niyang sabi. “Aaarrrgg!!” agad niyang bulalas sabay kiling ng balikat ng maramdaman ang malakas na pag dapo ng puluhan ng baril sa kanyang balikat. “Sabing tumahimik ka!!” sabi muli ng lalaki sa kanyang punong taynga. Sa hinuha niya’y ito rin ang pumalo sa kanya. Napakibut-kibot ang kanyang labi. S aisip ay napapamura. “Dammn!! Oras na makawala ako, di ako mangingiming utasin ang mga buhay ninyo sampu ng boss ninyo mga lapastangan!” sigaw ng kanyang isip. “Boss, dala na namin siya.” Dinig niya na sabi ng boses lalaki sa kanyang harapan. Siguro katabi ito ng Driver. Hindi na siya pumalag. Nanatiling tikom ang kanyang bibig habang naglulumikot ang kanyang isipan. Hindi niya maisip kung sino ang pwedeng magpadukot sa kanya. Possible kayang mga kalaban niya sa negosyo? Imposeble! Wala siyang binabanggang tao lalo na at dala parin niya ang pangalan ng kanilang Kompanya. Pero sino.. sino ang pwedeng gumawa nito sa kanya? At bakit?? Mahabang oras ang ginugol nila sa byahe, o baka dahil sa pakiramdam niya ay mabagal ang takbo ng kanilang sinasakyan. Marahil paraan nila ito para di niya mahulaan kung nasaan na sila. Naramdaman niyang huminto ang kanilang sinasakyan. “Baba!!” Dinig niya na sabi ng kanyang katabi. “Handa na ba ang Chopper?” tanong ng isa ng marinig niyang bumukas ang pinto ng sasakyan. “Oo. Kayo nalang ang hinihintay, naroon narin sila Bossing.” ‘‘Tayo na! Baba!” sabi ng nasa likuran niya at patulak siyang pinabababa. Damn!! Wala siyang Makita tapos mamadaliin siya? Sumusubra na ang mga ito ah.. reklamo ng kanyang isip. Ganun paman pinanatili niyang kalmado ang kanyang sarili. Nakikiramdam parin siya sa paligid. Dinig niya ang ingay ng chopper habang naglalakad sila palapit doon. “BILISAN MO! Sakay!!” Muli siyang tinulak, muntikan pa siyang ma-out balance. “s**t!” tanging nasabi niya saka kinapa ang nasa kanyang unahan. May isang kamay na umabot ng kanyang kamay para alalayan siyang maka-akyat sa Chopper. “Oras na makawala ako, tudas kayo sa akin.” Sabi niya sa kung sino man ang nasa kanyang harapan. Tawanan lang sa paligid ang kanyang narinig. Padaskol siyang naupo. Lintik lang ang walang ganti pagkatapos nito! sigaw ng ng kanyang isip. “Alam ko na naririto rin ang Boss ninyo. Ito lang ang masasabi ko sayo, mag haharap din tayo.” Muli, tawanan na naman ang mga ito. Naramdaman niya ng unti-unting umangat sa himpapawid ang Chopper. Tiim bagang na nanahimik nalang siya pero naghihimagsik ang kanyang kalooban. . . . . Hindi niya namalayan ang oras at ngayon ay nararamdaman niyang palapag na ang Chopper at kung saang lugar yon ay wala siyang kaide-ideya. Nang pababain siya nito ay tahimik parin siyang sumunod. Lumakad at muling sumakay sa sasakyan. “Anong oras na?” maya ay tanong niya. “4:30am” “s**t!” aniya. May mga dapat siyang asikasuhin sa araw na ito dahil bukas ay kasal na ni Maxine. Teka.. Ngayon lang niya naisip ang dalaga. Ano na kaya ang ginagawa nito ngayon. himbing kaya sa pag tulog o di makatulog dahil sa subrang excitement nito para sa kasal nito bukas? Isa uling mahabang biyahe. . . . . NGAYON ay hawak na siya ng dalawang lalaki sa magkabila niyang braso ng makababa na sila uli ng sasakyan. Kakaibang lamig ang sumalubong sa kanya. Anong klaseng lugar ang kinaroroonan nila ngayon at.. at bakit sa tuwing hahakbang siya ay lumulubog ang kanyang paa sa buhangin? Tama buhangin ang kanilang nilalakaran. At.. at hampas ng alon ang kanyang naririnig sa di kalayuan niya. Nasa tabing dagat ba sila? MAHABA-HABA uli ang kanilang nilakad hanggang sa simentado na ang kanilang nilalakaran. “Gaano ba ka-private ang lugar na ito? Di niya mapigilang tanong sa sarili. Huminto sila at dinig niyang bumukas ang pinto. Pakaladkad siyang ipinasok ng dalawang may hawak sa kanya. Ewan niya pero unti-unti na siyang nakakaramdam ng kaba. Pucha! Kataposan na ba niya? Napaaga naman yata.. diba’t bukas pa ang kanyang kamatayan bakit ngayon agad siya sisintinsyahan? Nasaan ang hustisya para sa mga tulad niyang bigo? Anang kanyang kabilang isipan. Kaya nga ngayon kana sisistennsyahan para tapos na. di ka na maghihirap bukas. Sagot naman ng kabila niyang isip. Mga loko talaga. Pati kautakan niya nagtatalo na sa maaring kahihinatnan niya. “BOSS narito na!” Napa-igtad siya ng magsalita ang lalaki sa kanyang unahan. Hinihintay niya na mag salita ito. Marinig lang niya ang boses nito tiyak niya na makikilala niya ang tinatawag na Boss ng mga ito kung tama ang hinala niya na may kinalaman sa trabaho ang lahat ng ito. Pero ilang minuto na ang nakalipas, walang sagot mula sa tinawag na ‘BOSS’. Sa yamot niya ay walang alinlangan niyang sinipa ang nasa kanyang harapan kahit di sigurado na matatamaan niya iyon. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD