CHAPTER 10:
BAHAGYANG napatigil si Jovani sa pag akyat sa mataas na hagdanan ng kanilang Mansyon. Tanghali ng linggo iyon at naisipan niyang pumasyal sa kanilang bahay.
Kinaugalian na niya iyon na once a week ay sa Mansyon siya ng mga Villarama natutulog at madalas naroon lang siya sa kanyang Pad.
Nagawi ang kanyang tingin sa Sala. Doon lang niya napansin na bukas ang TV doon. Iisang tao lang ang naisip niyang gagawa noon. Si Van. Dahil di ugali ng kanilang mommy at Daddy na manood ng Tv sa sala sa araw ng linggo. Laging out 0f town ang mga ito.
Bumalik siya at tinungo ang sala, Tama siya ng hinala. Nakabalik na pala ang kanyang kapatid. Pero anong Drama nito?
Hawak nito sa kabilang kamay ang Cellphone at sa kabila ay baso ng alak. Habang nakasandal ang ulo nito at nakapikit. Ang mga paa ay nakapatong sa center table kung saan ay naroon din nakapatong ang bote ng Bourbon Whiskey.
“Ayos sa pampainit ng sikmura ah.”
Bungad niya rito na kinuha sa kamay nito ang baso at ininom ang laman niyon.
Masama ang tingin sa kanya ng mag mulat ito ng mga mata.
“Kumusta naman ang trabaho?”
“Ayo slang.”
Dama ni Jovani ang panlalamig sa sagot nito. May problem aba ang kapatid niya?
“How’s everything?” tanong parin niya.
Shit! Buong buhay niya di niya nagawang makipag kwentohan dito ng normal. Kinakausap lang niya ito kung para sa kompanya ang kanilang pag-uusapan o kung hihingi siya ng pabor para kay Maxine. Pero yong usapang magkapatid, bonding ng magkapatid.. hindi niya matandaan kung kalian siya nakipag bonding dito.
Kaya di niya ito masisisi na hindi nito magawang mag open sa kanya ng mga personal na problema nito. Tuwing may sasabihin siya rito, sunod agad ito. Kahit minsan nag rereklamo na ay sumusunod parin ito.
Mga bata palang siya ay nag lagay na siya ng kunting pader na papagitan sa kanya bilang kuya at dito bilang nakakabatang kapatid.
Kaya nga talagang di niya napag handaan ang ginawa nito sa kanya ng umagang maabutan siya ni Maxine na may kasamang ibang babae.
Walang alinlangan siya nitong sinapak ng ilang ulit gayong ang alam niya’y may takot parin ito sa kanya kahit papano. Mula ng umagang yon, para siyang nagising sa mahabang pagkakatulog.
“Kailan kapa dumating?”
Tiningnan lang siya nito ng masama at tumayo saka kinuha ang baso sa kanyang kamay at dinampot ang bote ng Whiskey saka walang lingon likod na iniwan siya.
Napasunod lang ang tingin niya rito ng umakyat na ito.
“Tsk tsk.. anong problema ng taong yon?”
Natanong nalang niya sa sarili habang napapailing.
“GOOD MORNING!!!”
Tinig ng babae mula sa kanyang gate ang naririnig ni Maxine habang nag didilig siya ng kanyang mga halaman sa garden.
‘’I-Irene?” aniya na nagtataka kung anong ginagawa ni Irene sa kanyang bahay ng di naman niya ito pinapapunta.
“Hello hello hello!!!” masiglang bati nito sa kanya ng tuluyan itong nakalapit sa kanya.
“Hi!” pasimple siyang sumulyap sa kanyang relo. 10:30 ng umaga at anong gagawin nito dito?
“Galing ako ng Church at dito na nga ako tumuloy. Alam mo na.. para makipag kwentohan sayo.” Sabi nito na para bang nabasa ang kanyang nasa isip.
“Ganun ba? Sandali mag hahanda ako ng merienda. Sa loob tayo o dito na?” tukoy niya sa lamesang nasa ilalim ng malaking punong kahoy na nasa gitna ng kanyang bakuran.
“Sige sis dito nalang. Hmm namulaklak na ang mga Roses mo ah.”
Ngiti lang ang isinagot niya at inilapag niya ang gamit niya sa pagdidilig at pumasok na sa loob ng bahay.
.
.
.
.
Pag labas muli ni Maxine ay may dala na siyang dalawang baso ng juice at sandwich para sa kanilang dalawa.
“Kaya talaga ako naririto para linawin ang sinasabi ng huli tayong mag usap na ire-arrange ang wedding mo. Ano ang tungkol doon?”
“H-Ha? W-wala yon. hayaan mo na lang muna.”
“Ganun ba? Akala ko talaga matutuloy na ang kasal ninyo ni Jovani.” Sumimsim ito ng juice “Ay!! Nga pala!! Gosh!” excited nitong sabi
“Hmm?” siya na dinampot ang kanyang baso.
“Mag katxt kami ni Fafa Van!!”
Malakas siyang napa-ubo ng ilang ulit. Muntikan pa niyang nadura ang juic na iniinom.
“A-Ano kamo?”
“Oo sis. Ng ibigay mo kasi sa akin ang number niya kanina.. di ko na siya tinigilan ng txt.”
“At nag reply?” kunot noon a tanong niya rito.
“Oo!! Grabeh! Akala ko nga di nya papansinin ang txt ko kasi di sya nag rereply ng umaga. Pero look..” anito na iniabot sa kanya ang cellphone nito. “Habang papunta ako rito magkatxt kami.”
Hindi niya kinuha ang phone nito pero tila sinuntok naman siya sa dibdib dahil sa nalaman.
Magkatxt ang dalawa samantalang sa kanya di nag txt kahit hi lang?
Nang biglang mag ring ang kanyang phone, excited siyang tiningnan yon. pero si Jovani ang tumatawag.
“Excuse ha, tumatawag si Jov.”
Ngumiti lang ito kaya tumayo na siya bitbit ang kanyang phone.
“H-Hello Jovani?”
“Hi.. alam mob a nan aka-uwi na si Van? Narito ako sa bahay ngayon.”
“N-Nariyan siya?”
“Oo. Naabutan ko siyang umiinom dito sa sala at ng maupo ako, iniwan ako. Teka.. di mo alam? Akala ko magka txt kayo dahil hawak-hawak niya ang phone niya. Alam mo ba kung ano ang problema ng kumag na yon? alam mo naman na di nagsasabi sa akin yon diba?”
“H-Ha?”
“Oh wait.. ito nagmamadali siyang lumabas. Aalis yata.”
“H-ha?”
Wala siyang masabi dahil kahit siya ay walang alam sa nangyayari. Di nga siya nito tini-text ei.
Kahit wala na sa kabilang linya si Jovani ay di parin siya makakilos sa kanyang kinatatayuan.
“Hey Maxine, ‘lika na.” tawag pansin sa kanya ni Irene.
Wala sa mood n bumalik siya kay Irene.
Lumipas ang mga oras na panay ang masayang pag kukwento nito samantalang tango at ngiti lang mga reaction niya sa mga sinasabi nito.
HINDI na nila namalayan ang oras at panay ang kwentohan nilang dalawa.
Ilang oras pa ang nakalipas at narinig nila ang pag bukas ng gate.
Sabay pa silang dalawa na napatingin doon.
"Si Van!" panabay nilang sabi at nagkatinginan sa isa't-isa.
Ang sunod na namalayan ni Maxine ay naipasok na nito ang kotse at ngayon ay muli na nitong isinasara ang gate.
Hito na naman ang kakaibang kabog ng kanyang dibdib. Sa tuwi-tuwina ay nasasabik siya na makita ito. Ito kaya? Ganun din?
"Hey Van!!"
napakurap-kurap siya ng marinig ang boses ni Irene.
ANONG GINAGAWA dito sa kanyang bahay ni Van? Dahil ba nandito si Irene kaya pumunta ito rito? Nagkakamabutihan agad silang dalawa?
Mga tanong na nagsusumiksik sa kanyang isipan na siyang nagpapakirot ng kanyang puso.
Bahagya siyang napasulyap dito, todo ngiti ito. At ng mapatingin siya kay Van, nakatingin din ito kay Irene.
“Hi Ladies!”
Pormal nitong bati sa kanila ng tuluyan ng makalapit.
“Hi Van!” nakangiting salubong dito ni Irene at tumingkayad pa ito para halikan sa pisngi ang binata. Tiningnan lang ito ni Van.
“Hi..” seryosong bati nito sa kanya ng balingan siya.
Napapitlag siya ng banayad siya nitong hawakan sa beywang at.. hindi siya nakakilos ng bumaba ang mukha nito sa kanya habang sa mga mata niya ito nakatingin. Akala niya sa labi siya nito hahalikan pero ng malapit na lumapat ang labi nito ay lumihis yon at sa kanyang pisngi iyon lumapat.
“Mukhang seryoso pinag-uusapan ninyo ah?”
Maya ay tanong nito na naupo sa isang bakanteng upuan.
“Ahmm..” di parin niya malaman ang sasabihin.
“Naku pasensya naman.” Si Irene na napatingin sa kanyang relo. “Kailangan ko ng umuwi pala. Gosh.. sayang naman oh..” kinuha na nito ang bag at nag paalam na.
“Wait!” pigil dito ni Van. “Ihatid na kita.”
“T-Talaga?” nanlaki pa ang mga mata nito na di makapaniwala. “Tamang-tama wala akong dalang kotse.”
Bahagya itong ngumiti saka nilingon siya.
“Pa’no Maxx, iwan kana muna namin.” Paalam ng binata sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi ang tumango and at the same time gusto niyang umiyak.
Nag seselos na talaga siya! Bakit ganun..? May nagawa ba siyang mali? Subra ng pambabaliwala itong ginagawa sa kanya ni Van.kahit ang ngumiti sa kanya, di nito ginawa.
“Van!” habol niyang tawag dito. Bahagya itong lumingon sa kanya. “B-Babalik k aba?”
Kibit balikat lang ang isinagot nito sa kanya saka nakangiting binalingan si Irene.
MAHIGPIT ANG hawak ni Van sa manibela at tutok sa kalsada ang kanyang mga mata. Habang si Irene ay panay ang sulyap sa katabing binata. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang rito.
‘’Ahmm.. V-Van..” basag niya sa katahimikan.
Matapos kasi hingin nito ang kanyang exact address niya bago sila sumakay sa kotse nito, di na ito muling nagsalita pa o kahit ang sulyapan siya.
“V-Van t-thank you ha.”
“Ayokong maging bastos pero ayoko rin mag kunwari. Makinig ka. Ayoko ng tine-text mo ako.”
“H-Ha?”
“Hindi mo ba alam na mas may mahalaga akong hinihintay na text kaysa pakikipag flirt mo.”
“V-Van..” pakiramdam ni Irene ay pulang-pula ang kanyang mukha sa subrang pagaka pahiya rito. Napayuko nalang siya.
“Hindi naman sa hindi kita gusto. Kaibigan ka ni Maxx kaya pakikisamahan kita ng maayos. Hanggang doon lang yon.”
“N-Nakikipag kaibigan lang naman ako sayo. W-wala namang..”
“Good. Mabuti na iyong nagkakaliwanagan tayo. Anon a ang balita kina Maxx at Jovani?”
“H-Ha?”
“Kumusta ang preparation ng kasal?”
“Pinapaayos na uli ni Maxine pero di pa namin yon napag-uusapan ng maayos.”
Napatiim bagang si Van. Sa inis pa niya ay nahampas niya ang manibela.
“Tuloy na pala talaga ang kasal.”
“V-Van.. kasi ang sabi niya h-hindi daw..”
“Shut up!”
Napangiwi siya. ANong problema ng lalaking ito? Bakita parang galit sa mundo? Hindi naman ito ganun dati.
“H-Ha.? H-Hindi kaya.. hindi kaya..” nilingon niya ito at makahulugang tiningnan. “Hindi kaya may gusto ka kay Maxine at nagseselos ka?!”
Ssssshhhhttt!!
Malakas na naapakan ni Van ang break ng kotse kaya naman halos pumalo ang mukha ng dalaga sa dashboard.
“Awww!!” bulalas ni Irene habang kang isang kamay ay nasa tapat ng kanyang dibdin na taas baba dahil sa subrang kaba. “N-Nag.. nagbibiro lang ako.” Aniya na napangiwi.
“Ayoko pang mamatay Van. Pangarap ko pang makilala ang Groom ko. Pangarap ko pang mag lakad sa Isle suot ang napakagandang wedding gown. Sa madaling salita, pangarap ko rin ikasal!!”
sigaw niya sabay kagat labi habang nanatiling napapangiwi ng dahan-dahan niya itong lingunin ay ang sama ng tingin nito sa kanya.
“P-Peace po tayo..” aniya sabay taas ng isang kamay nan aka-peace sign.
“I-I’m s-sorry..” mahinang sabi nito na muling in-start ang kotse.
“Bakit ba kasi ang init ng Ulo mo? Haist.. kung may problema ka, huwag mo akong idamay.” Aniya na akmang bubuksan ang pinto s atabi niya para bumaba.
“Hey, saan ka pupunta?”
“Mag tataxi nalang ako. Baka mamatay ako ng wala sa oras, sayang naman ang beauty ko kung di malalahian.” Aniya na nakanguso.
“I said I’m sorry!”
Lumambot na ang eksprsyon ng mukha nito.
“Ihahatid na kita.”
“Tssshh!!” inirapan niya ito. Mabuti nalang at nasa alanganin silang lugar. Wala masyadong sasakyan kaya muli siyang umayos ng upo at isinara ang pinto.
Muling namagitan s akanila ang katahimikan.
HANGGANG MAG GABI, walang Van na nagparamdam kay Maxine. Maging si Irene ay di narin nag txt sa kanya kaya naman inabala niya ang sarili para kahit paano ay mawaglit ang mga ito sa kanyang isip.
Inayos na niya ang kanyang mga gamit dahil babalik na siya sa trabaho bukas.
NAGING ABALA na siya ng mga sumunod na araw dahil marami siyang hinabol na trabaho mula s aisang linggo niyang pag leave.
SI Jovani naman ay napapadalas narin ang pag uwi niya sa kanilang mansion, lagi niyang naabutan si Van na abala sa Library. Lagi itong may pinag-aaralang design
“Bagong project?” bungad niya rito ng minsan gabing-gabi na siya umuwi ay naroon parin ito sa library.
“Hmm?”
Isa rin naman siyang Civil Engineer kaya naiintindihan niya ang pinag-aaralan nito.
“Saan ang location niyan?”
“Palawan.”
“Nanaman? Aalis ka nanaman?”
“May binili kasi akong resort doon. Pinag-aaralan ko kung anong magandang gawin doon.”
“for business?”
“Nope. Personal property.”
“Wow! Panriregalo mo ba yan sa kasal ko?” biro niya rito.
Natitgilang Nailapag ni Van ang hawak na Plano ng Resort at tinanggal ang suot niyang salamin saka tiningnan ang kapatid.
“Kailan ang kasal?” tanong niya rito. Ayaw man niyang malaman, kailangan parin dahil siya ang bestman nito. Sigurado yon.
Tumawa ito.
“Malapit na, at tulad ng dating plano ikaw ang..”
“I know.” Aniya na iniwas ang tingin dito. “Ibibili nalang kita ng bago. May sentimental value kasi sa akin ang resort na ito kaya di ko pwedeng ipamigay.”
“woah! Seryoso Bro? ibibili mo ako ng resort?”
“DI ko alam kung pwede na ang isang beach resort panregalo sa kasal mo. Alam ko naman na kahit ilang resort kaya mong bilhin kahit na anong oras mo gustohin, pero pag-iisipan ko.” Aniya na muling ibinalik ang pansin sa ginagawa.
“Hmm ako rin di makapag isip kung ano ang magandang panregalo sa kasal mo.”
“Ano? Di pa naman ako ikakasal.” Mabilis niyang sagot.
“Hmm nag hahanda lang.”
“tsss!”
Tumayo na si Jovani para lumabas na ng library, pag tapat nito sa pinto ay saglit huminto ito.
“S’ya nga pala.. mag handa kana.. dahil sa Sunday na yon.”
Natigilan siya at napatingin dito pero tuluyan na itong nakalabas.
----ITUTULOY----