CHAPTER 2
NATAGPUAN ni Jovani ang sarili sa tapat ng bahay ng dalaga. Alam niyang dito niya ito matatagpuan matapos itong umalis at iwan siya sa rehearsal ng kanilang kasal.
Ilang katok ang kanyang ginawa at di naman siya nabigo ng pag buksan siya ng kasintahan pero naroon parin ang pagtatampo nito. Dama niya ang panlalamig nito ng matapos siyang pag buksan ay hinayaan lang nitong naka-awang ang pinto at tumalikod na.
“Maxine Please..” sabi niya na agad pumasok at sinundan ito. “I’m sorry, okay? Ginawa ko naman ang lahat para makahabol.. but again, I’m late.”
“Alam mo kung ano, habang maaga palang sabihin mo na kung may kasalan pang magaganap. Dahil baka sa oras ng kasal natin ay para akong tanga sa kakahintay sayo.”
“Maxine..”
“I'm tired, Jov. Tell me, may halaga ba ako sayo? Mahal mo ba akong talaga?”
“Of course, I love you.”
Napa-iling-iling ang dalaga na animo’y di naniniwala sa tinuran ng binata.
“Hindi ko maramdaman yang sinasabi mo, Jov. Naisip ko na mas mainam siguro na i-cancel natin ang ating kasal. I think we need space. Wala ka sa mga panahong kailangan kita ever since. Lagi mo akong pinapasa sa kapatid mo. A-ang a-kala ko kapag kasal na natin ang pag-uusapan magkakaroon kana ng time sa akin. Sa relasyon natin. Nagkamali ako. Dahil hanggang ngayon, last priority mo prin ako.”
“M-Maxine.. h-hindi.. Please don’t say that.. A.. I-I’m sorry Maxx.”
“Mabuti pa ang kapatid mo kayang ilaan sa akin ang kanyang oras. Pero ikaw na boyfriend kong tinuringan.. ikaw pa ang laging wala!”
“Dahil may responsibilidad akong dapat gampanan sa kompanya.” Di narin mapigilan ng binata ang mag taas ng boses.
“At sa akin wala? Ganun ba yon ha?!” ganting pagtataas boses dito ng dalaga. “Kung ganyan lang naman, mas mabuti pang taposin na natin ‘to! Break na tayo!” muling sigaw ng dalaga sabay takbo sa kanyang silid sa ikalawang palapag ng bahay.
Naiwang awang ang bibig na napatigagal ang binata. Sa isang iglap para siyang pinag sakluban ng langit at lupa.
Laglag ang mga balikat at mabibigat ang hakbang na lumabas siya ng bahay at tinungo ang kanyang sasakyan. Ngayon nya naramdaman ang tila pag sampal sa kanya ng dalaga sa lahat ng kanyang mga pagkukulang dito.
SAMANTALA,
Tigmak sa luha ang dalaga habang naka dapa sa kanyang kama. Hindi na niya napigilan ang kanyang kinikimkim sa dibdib na para bang kung di niya iyon inilabas kanina ay sasabog iyon anumang oras.
Napa-upo siya at nagawi ang kanyang tingin sa kanyang napaka-garbong bridal gown na na-ready na sa isang tabi ng kanyang kwarto. Katunayan ay naka-suot pa iyon sa mannequin. Naroon narin ang jewelries na kanyang gagamitin maging ang kanyang
Shoes. Tanging ang kanyang bouquet ang wala pa dahil ang gusto niya’y gawa iyon sa fresh flowers.
Sino nga ba ang kasama niya sa pag pili ng kanyang wedding gown? Hindi ang kanyang magaling na boyfried kundi ang kapatid nito at best friend niyang si Van. Subrang nahihiya na nga siya rito dahil masyado na nila itong naaabala ei.
NAtigilan ang dalaga sa kanyang malalim na pag-iisip ng mag ring ang kanyang phone. Sa pag aakalang si Jovani ang caller kaya di niya iyon pinansin sa halip ay pumasok siya ng banyo at nag shower at ng matapos ay muling nahiga. Habang malalim ang kanyang iniisip, di na naman niya mapigil ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata.
Hanggang sa di na niya namalayan na nakatulugan na pala niya ang pag luha.
.
.
.
Halos kalahating oras ng maramdaman si Maxine na may malakas na yumuyugyog ng kanyang balikat. Sa lakas niyon ay halos umangat ang kanyang ulo sa kanyang Unan.
“Maxx.. Maxine wake up!” dinig niya sa isang pamilyar na tinig na siyang tuluyang nagpa gising sa kanyang diwa.
Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay ang nag-aalalang mukha ni Van ang kanyang nasilayan.
“s**t!” Muling dinig niyang sabi nito saka bigla siyang niyakap. “A-Akala ko kung napano kana.” Muling sabi nito habang nanatiling yakap-yakap siya.
“V-Van? B-Bakit?”
“Anong bakit ha? Subrang pinag-alala mo ako. Tinawagan kita dahil nalaman ko na ang ginawa mo.. tinatawagan kita at di mo naman sinasagot ang phone mo.”
“Sinabi na pala niya sayo.”
“O-Oo.” Alanganing sagot nito. Binitawan narin siya nito.
.
.
.
“Hindi mo dapat ginawa yon. ayan nasasaktan ka tuloy.”
Tumayo na ito at nakapamulsa na humarap sa kanya. “Sa ginagawa mo, sarili mo lang ang ginagawa mong miserable.” Patuloy parin na sermon nito sa kanya kaya naman namasa nanaman muli ang paligid ng kanyang mga mata.
“Hindi ko na kayang mag tiis sa ganitong klaseng relasyon Van. I’m sorry.. kapatid mo ang tinutukoy ko at alam ko na masakit ito para sayo pero.. p-pero di ko na kaya ang mga pambabaliwala niya.” Muli na naman siyang napahagulhol. Mahal niya si Jovani kaya napag tiisan niya ang lahat.
“Tama na..” naupo ito sa kanyang tabi at hinaplos siya s abalikat. “Pinag-isipan mo parin dapat ito ng maigi bago ka gumawa ng hakbang na alam mong ikaw parin ang masasaktan. Look.. naalala mob a ng unang sabihin sayo ni kuya na gusto ka niyang ligawan? Tuwang-tuwa ka noon. Sabi mo pa, ikaw na ang pinakamasayang babae sa mundo dahil ang allaking gusto mo ay gusto ka rin. S-Sabi mo pa.. lahat gagawin mo para siya na ang lalaking makakasama mo hanggang s apag t-tanda mo.” Di mapigilan ng binata ang pumiyok. Paano ay iyon din ang araw na nagsimulang mag durugo ng lihim ang kanyang puso.
“Nasaan ang Maxine na kilala ko. Ang Maxine na nangangarap ng masayang bukas sa piling ng kuya ko.”
Napabuntong hininga si Van habang hinahagod ang likod ng kaibigan.
SAMANTALA’
Gulong-gulo ang isip na bumalik sa opisina si Jovani. Pilit niyang binabalik ang kanyang konsintrasyon sa mga dokumentong nasa kanyang lamesa ay walang nangyayari. Panay lang ang titig nya roon.
Dinampot niya ang telepono sa ibabaw ng kanyang lamesa at tumawag sa isang flowershop at nag order ng flowers para sa dalaga na pinalagyan niya ng sorry note.
Pagkatapos niyon ay ang cellphone naman ang kanyang hawak at idinayal ang numero ng dalaga subalit ring lang iyon ng ring. Di nito sinasagot ang kanyang tawag kaya naman naisip niyang seryoso talaga ito s apakikipag break sa kanya.
Itinigil na nya ang pag papa-ring sa phone ng dalaga. Bukas nalang nia ito pupuntahan sa bahay nito. Maaring s amga oras na iyon ay medyo kalmado na ito at maari an nya itong maka-usap ng maayos.
Muli niyang inabala ang sarili, hinarap ang tambak na papeles sa kanyang lamesa.
“Tok, Tok, Tok!”
atlong sunod na katok ang kanyang narinig na nag pa-angat ng kanyang ulo sa kanyang ginagawa. Napatingin siya sa pinto at hinintay na bumukas iyon.
“Coffee break, sir!” nakangiting bungad sa kanya ni Lanie ng bumukas ang pinto. Ito ang kanyang personal secretary.
Dalawa ang kanyang Secretary, ang isa ay si Jessa. Sa dalawa, si Lanie ang malayang nakaka-labas pasok sa kanyang opisina. Ang dalaga rin ang kasa-kasama niya s amga meetings na kanyang dinadaluhan.
Nakatingin lang siya rito habang nag lalakad ito palapit sa kanyang lamesa hanggang sa ilapag nito ang dalang tasa ng kape.
“Anything else, sir?”
“No, thank you.” Aniya sabay muling yumuko sa kanyang ginagawa.
“Ok po Sir.” Tumalikod na rin ang dalaga at lumabas.
NATAPOS ang maghapon na di namalayan ni jovani ang oras. Kung di pa siya kinatok ni Lanie, di nya malalaman na ala sinko na pala ng hapon. Oras nan g uwian.
Nag paalam ito na uuna ng bababa.
Napasulyap siya sa kanyang cellphone ngunit kahit isang text mula kay Maxine ay wala. Sinubukan nya itong muling tawagan ngunit tulad kanina, nag ring lang ng nag ring ang kabilang linya. Walang sumasagot. Ibinulsa nalang niya iyon at dinampot ang kanyang attaché case.
Ginamit niya ang vip elevator para mabilis na makababa ng parking lot dahil kapag ganung oras ng uwian, marami ang gumagamit ng employee’s elevator.
Palapit na siya sa kanyang kotse ng mapuna ang grupo na masayang nag uusap-usap. Napatingin ang mga ito sa kanya.
“Ui Sir! Uuwi kana?” ani Roger ng Marketing Department.
Tango laamng ang kanyang isinagot dito.
“Sir, Invite sana kita. Birthday ko kasi ngayon. Nagkayayaan lang mag Bar saglit total naman holiday bukas walang pasok. Treat ko Sir. Sumama kana sa amin. Kaming anim lang naman ei.” Tukoy nito sa mga kasama nito na ang dalawang babae roon ay mula rin sa Marketing Dept. ang isang babae pa at isang lalake ay mula sa HR. at ang pang anim s amga ito ay si Lanie ang kanyang Personal secretary.
“Oo nga naman Sir. Saglit lang naman daw tayo.” A ni Lanie. Kaya gumaya narin ang iba na kulitin siyang sumama.
Wala siyang nagawa kundi ang sumama sa mga ito.
Sa isang sikat na Bar sila pumasok kung saan bumabaha ang inumin at pagkain sa kanilang lamesa. Mukhang pinaghandaan ion ni Roger. Maya lang ay kanya-kanya ng abot ang mga ito ng regalo rito. At siya na walang kaalam-alam ay nakatingin lang sa mga ito. Ngayon lang niya nalaman na magkakabarkada ang mga ito kaya ganun kalalapit sa isa’t-isa.
At para makisabay siya sa mga ito, nilabas niya ang kanyang wallet at inabutan ng cash si Roger.
“S-Sir?”
“Happy birthday. Hindi ko kasi alam kaya di ako naka bili ng gift.”
“naku sir, Ok lang naman. Ang mahalaga pina unlakan mo ang paanyaya ko. Ilang taon na ako sa kompanya pero ngayon lang kita nakasama sa ganitong gimikan. Ayos lang.”
“Ano kaba, tanggapin mo na.” aniya na kinuha ang kamay nito at inilagay ang cash doon.
“S-Sir naman baka ibawas mo ito sa sweldo ko ha..” pag bibiro pa nito.
Natawa nalang siya na kumuha ng bote ng beer at uminom.
“Sir, wala ng bawian ito ha!” malakas nitong sabi dahil biglang naging maingay ang paligid dahil sa maharot na tugtugin pumuno na buong paligid ng Bar.
Nagsimulang umindak ang mga ito habang may kanya-kanyang mga hawak ng bote ng beer. Ang pag indak ng mga ito ay nauwi sa pag hihilahan papuntang gitna at nakipag sabayan sa iba pang mga naroroon na sumasabay sa maharot na tugtog.
Habang siya ay naiwan sa kanilang table at walang patid ang pag tungga ng hawak na bote.
“KUMAIN KANA.”
Utos ni Van kay Maxine matapos ipag luto ito ng hapunan. Hindi na niya iniwan ang dalaga mula ng mapasugod siya s abahay nito ng biglaan dahil sa di nito sinasagot ang kanyang tawag. Nag aalala siya na baka may gawin ito sa sarili ng di maganda kaya di na nya ito iniwan. Alam niyang di ganuon kahina ang kaibigan pero alam din naman niya kung ano ang biglang naiisipang gawin ng mga taong nasa ganung sitwasyon.
Nilingon niya ito dahil tila di sya nito naririnig. Nakita niyang nakatitig lamang ito sa cellphone na hawak-hawak nito. Kanina pa ito ganun. Tinititigan lang ang cellphone kahit walng tigil sa pag ring.
“Halika na.” muling aya niya rito.
Nang hindi pari ito natinag ay binuhat na niya ang pinggan at tumabi dito.
“Maxx, kaysa titigan mo yang cellphone na yan.. bakit kaya di mo siya tawagan ha? Isa pa, nag sorry na si Kuya uh.” Tukoy niya sa flowers na natanggap nila kanina mula kay Jovani.
‘’Kung gusto mo naman, puntahan natin siya sa Condo niya. Malamang sa ganitong Oras naka uwi na yon.” sabi pa niya na sinulyapan ang kanyang relo-pam-bisig. “7:30 na.”
“Matutulog na ako.” Sabi nito saka tumayo. Iniwan lang ang cellphone sa lamesa. Agad itong hinabol ng binata.
“Maxx!Maxx!”
Tawag niya rito at naabutan niya ito na paakyat na ng hagdan.
“Umuwi ka na Van. Ayos lang ako. Kaya ko na ito.”
“M-Maxx pati ba ako itataboy mo?”
“Masyado ka ng na-u-obliga sa akin Van. May sarili kang buhay.” Sabi ng dalaga na muling hinarap ang binata. “Mula noon pa man, ikaw na ang naririyan sa halip na ang kuya mo. Kaya umaabuso siya dahil alam niyang nariyan ka para alohin ako. Dahil alam niyang Di mo ako iiwan tulad kung paano niya ako iniiwan-iwanan lang dahil sa kanyang trabaho.”
“M-Maxx..”
“Hindi mo ba napapansin? Napapabayaan mo na ang sarili mong buhay dahil sa akin. Dapat sa mga oras na ito, may girlfriend ka. Girlfriend na pinaglalaanan mo ng oras mo Van.”
“Bakit ko kakailanganin ang girlfriend kung alam ko na kailangan ako ng Bestfriend ko? Ngayon ko pa ba siya iiwan? Ngayon na mas kailangan niya ng balikat na masasandalan?”
“Hindi ka pa ba nagsasawa ha? Di kapa ba napapagod?”
“Ano kaba naman.. hayaan mo lang ako. Gusto ko itong ginagawa ko, bakit ako mapapagod? Halika nga..” malambing niya itong kinabig at niyakap. “Huwag mo na uliting sabihin yon ha. Higit kanino pa man, ikaw ang mahalaga kaya ikaw ang uunahin ko.”
Naramdaman ng binata ang pag alog ng balikat nito tanda na umiiyak na naman ito.
“Ganito, bukas na bukas. Umagang-umaga.. puntahan natin siya sa kanyang Condo ha. Kailangan lang niyo mag usap ng masinsinan. Isa pang chance Maxx. Nakita mo naman siguro na pinilit ni kuya na makarating sa rehearsal diba? Malay mo nag bago na talaga si Kuya. Kaya bukas, tanggapin mo na ang kanyang sorry. Kapag inulit parin niya ito.. pangako ko.. sa harap mo mismo, bibigwasan ko si kuya tapos tuluyan mo siyang i-break. Di na kita kukulitin.”
Napahinunod naman ito ng binata at napilit kumain. Ganun pa man ay di nya ito iniwan mag isa sa bahay nito. Doon narin siya natulog.
SAMANTALA, halos lahat ay lasing na ang grupo nila Jovani. Masyado na silang nagkakasiyahan at nakalimutan narin nila ang oras. Halos alas-dos na ng mag pasya silang umuwi.
Susuray-suray si jovani kaya inalalayan siya ni Lanie. Dahil di naman talaga lasing ang mga girls, tanging ang mga boys lang ang mga lango sa alak.
“Paano yan? Sino ang mag hahatid kay Sir Jovani sa Condo niya?” ani Roger na bagamat lango narin ay nakakatayo pa ng tuwid di tulad ni Jovani at ng isa pa nilang kasamang lalaki.
“tatawag ba tayo ng mag hahatid sa kanya?” sabi ng isa nilang kasamang babae?
“Khaya pah.. hek!”nakatawang sabi ni Jovani habang namumungay ng husto ang mga mata. “Ahko na uh-uwi.” Sabi pa nito na pilit tumayo ng tuwid at bumitaw kay Lanie. Subalit muntikan lang siyang matumba.
“S-Sir Jov!” si Lanie na mabilis na naagapan ang pag bagsak nito kaya sa dibdib nya ito nasubsob. “S-Sir? H-Hindi mo po kaya.” Binalingan nito si Roger.
“Tulungan mo ako isakay siya sa kanyang kotse Roger. Ako na ang mag hahatid sa kanya. Ilang beses narin naman akong nagagawi roon kapag may importanteng papers akong dinadala sa kanya na kailangan gad ng pirma niya.”
“Ayos lang ba talaga lanie?” nag-aalalang tong ng binata dito.
“O-Oo naman. Di naman ako lasing ei. Kaya kong mag drive.”
“Sige.”
---ITUTULOY---