Nagising si Maxine sa bango ng kape na nauot sa kanyang ilong kaya dahan-dahan siyang nag mulat ng kanyang mata.
“Good Morning!”
Otomatik na hinagilap ng kanyang mga mata ang pinag mulan ng boses na iyon. Nakangiting si Van ang nasilayan nya sa may pinto ng kanyang silid at may dalang dalawang tasa ng kape. Marahil ay kapapasok lang nito.
“Kumusta ka na? Sana ayos kana. Remember, pupunta tao ngayon sa Condo ni kuya.”
Napatingin siya sa orasan na nasa kanyang lamesa sa tabi ng kanyang kama. 6:30 lang ng umaga.
“Ang aga naman?” kunwa ay reklamo niya rito.
“Ayos lang yan. Oh, uminom ka muna ng kape. Doon nalang tayo mag almusal s aUnit niya. Di dapat siya mag reklamo dahil holiday ngayon. Dapat wala siyang lakad ngayon at ako ng bahala doon. Ang gagawin mo lang ay makipag ayos kay kuya. Tanggapin mo ang sorry nya.”
Napabuntong hininga siya sa inuutos nito sa kanya. Parang di naman ganun kadali yon. annag kanyang isipan.
“Hindi madali pero kailngan mong gawin.” Sabi nito na tila nabasa ang kanyang isip.
Di nalang siya kumibo, naging sunod-sunuran nalang siya sa bawat sabihin nito. Wala naman itong ginawa na ikinasama niya mula pa noon.
ILANG ORAS pa ang nakalipas, naroon na sila sa isang sikat na condominium kung saan isa sa mga Unit doon ay pag-aari ng CEO ng Villarama Group of Companies na si Jovani Villarama.
Nakaramdam ng pag aalinlangan si Maxine na magpatuloy sa pag lalakad patungo sa Elevator. Gusto niyang umatras nalang pero naramdaman niya ang kamay ni Van sa kanyang likuran kaya bahagya niya itong nilingon.
Ngumiti ito sa kanya na tila binibigyan siya ng lakas ng loob. Nang bumukas ang elevator ay sabay na silang humakbang papasok niyon. Ito na ang pumindot ng numero bente otso. Kung saan sa palapag na iyon ay doon matatagpuan ang Unit ni Jovani.
Kapwa tahimik silang dalawa. At dahil masyado pang maaga kaya halos walang gumagamit ng elevator kaya solo nila iyon hanggang sa marating nita ang level 28. Napapitlag pa siya ng akayin na siya nito para lumabas ng elevator.
Palakas ng palakas ang sasal ng kanyang dibdib maging ang kanyang mga pulsuhan ay napakabilis sa di niya maipaliwanag na kadahilanan. Kinakabahan siya. Hindi.. hindi lang basta kaba itong nadarama niya. At hindi rin niya alam ang itatawag doon.
“Gusto mo bang maiwan na muna ako ditto sa labas para makapag usap kayo ng sarilinan ni kuya?” maya ay tanong sa kanya ng binata.
“Samahan mo na lang ako. Alam mo naman na ikaw lang nag papalakas ng loob ko.” Sagot niya rito. Ngiti lang ang isinagot nito sa kanya.
Ang plano niya ay kumatok sa pinto ng naroon na sila sa tapat ng Unit ni Jovani subalit ewan niya kung bakit ng hawakan niya ang door knob ay pinihit niya iyon.
Hindi naka lock? Siguradong naroon si Jovani. Napatingin siya kay Van na nasa kanyang tabi lamang. Ngumiti ito at tumango na para bang sinasabing “Go.. pasok na.”
“kaya mo yan.” Ani Van ngunit ang ngiti sa kanyang labi ay di umabot sa kanyang mga mata.
Malalim na napa-buntong hininga si Van ng tuluyang pumasok si Maxine sa Unit ng kanang kuya Jovani. Mas pinili na lamang niya ang mag paiwan doon sa labas kaysa panoorin ang mga ito. Isa pa ay kailangan ng dalawa ng privacy para makapag usap ng masinsinan.
MAbabagal na pag hakbang ang ginawa ni Maxine dahil sa lalo pang lumalakas na pag tambol ng kaba sa kanyang dibdib. Wala s apaligid ang binata kaya marahil ay natutulog pa ito dahil nga holiday ngayon ay bumabawi ito ng tulog. Ilang beses muna siyang napa-buga ng hangin bago lakas loob na dinetso niya ang silid ng binata. Gusto nya itong surpresahin kaya di na siya kumatok sa halip ay nag paskil siya ng ngiti sa libi at mabilis niyang binuksan ang pinto na tulad ng naunang pinto ay di rin naman naka-lock.
Ang excitement na kanyang naramdaman ay napalitan ng pagka-shock kasabay ng pag laho ng kanyang mga ngiti at wala s aloob na nabitawan ang kanyang hand-bag sa kanyang nabungaran.
Si Jovani, Himbing na natutulog sa kama katabi ang isang babaing himbing din at naka-unan pa sa braso ng binata habang naka yakap ang isa nitong braso sa dalaga. Kapwa hubad ang dalawa sa hinuha niya dahil narin sa pagkakatakip ng kumot s akatawan ng babae hanggang dibdib nito at si jovani ay hanggang beywang lang ang kumot kaya lantad ang kalahating hubad nitong katawan.
Nagawi ang kanyang tingin sa mga damit na nagkalat sa sahig..
Walang kahit isang patak ng luha na sumungaw sa mata ng dalaga. Hindi rin niya alam kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na yon. hindi rin niya alam kung ano ang kanyang ikikilos. Kung pipikit o tatalikod at tumakbo palabas? Ang alam lang niya, nanginginig ang kanyang buong katawan at di nya maikilos kahit manlang dulo ng kanyang daliri dahil sa tanawing nadatnan.
Ilng sandal siyang nasa ganuong kalagayan, hindi manlang nagising ang dalawa sa kanyang presensya. Napapitlag pa siya ng bahagyang gumalaw ang binata, akala niya ay magiging na ito subalit kumilos lang ito para mas kabigin ang babaing yakap nito palapit pa dito.
Doon siya naka kilos. Dahan-dahan siyang pumihit patalikod at pinilit niyang humakbang palabas doon.
Napangiti si Van ng bumukas ang pinto at Makita si Maxine.
“Oh kumusta Ayos b--?” natigilan siya sa ayos ng dalaga. “M-Maxine? Wha—what’s wrong?”
Bahagya pa siyang napa-atras ng walang sabi-sabi nitong isinandal ang ulo nito s akanyang dibdib.
SAMANTALA sa loob ng kwarto ni Jovani. Nagising si Lanie ng maramdaman ang pag higpit ng pagkakayakap sa kanya ng binata. Napalingon siya sa kanyang katabi para lang manlaki ang kanyang mga mata. Agad siyang napa-upo.
“D-Diyos ko..” aniya habang mahigpit ang pagkakahawak sa kumot sa kanyang dibdib. ‘’S-Sir J-Jovani?” napangiwi pa siya ng makaramdam ng kirot sa kanyang pagka babae.
“H-Hindi..”
Pilit niyang binalikan sa kanyang isip ang nangyari sa nag daang gabi. Alam niyang hindi naman talaga siya lasing pero may tama siya ng kanilang ininom.
Dali-dali siyang tumayo at akmang dadamputin ang kanyang mga damit na nagkalat sa sahig ng magising si Jovani.
“L-Lanie?”
“S-Sir!?” kapwa pa nanlaki ang kanilang mga mata. Natigilan ang dalaga sa akmang pag dampot ng kanyang mga damit.
“A-NONG N-ANGYARI?” sa wakas ay tanong ni Van makalipas ang ilang sandali. Subalit nanatiling tahimik ang dalaga na nakasandal lang ang ulo sa kanyang dibdib.
Ilang sandali pa ang muling lumipas at tila kusang nasagot ang mga katanungan ni Van sa dalaga na di nito magawang sagutin ng bigla na lamang may isang babaing nag mamadaling lumabas. Pag tapat nito sa kanila ay bahagya lang lumingon sa kanila saka muling nagmamadaling lumakad palayo. Kilala nya ang babaing umalis. Ito ang personal secretary ni Jovani.
Galit na bahagya niyang inilayo sa kanya ang dalaga saka galit na tuloy-tuloy na pumasok sa Unit ng kapatid. Dire-diretso sa kwarto ng kapatid. Tama ang hinala niya base narin sa ayos ng kanyang kuya. Naka-tapis lang ito ng tuwalya at hawak-hawak ang Bag ni Maxine. Nagulat pa ito ng Makita siyang nakatayo sa harap nito.
“Hayop ka!” dala ng matinding galit.. basta nalang nya ito sinungaban at sunod-sunod na pinag susuntok. Di na nagawang pumalag nito dahil di ito binigyan ng pagkakataon ni Van.
Namimilipit si Jovani na nakasiksik sa paanan ng kanyang kama habang nag dudugo ang bibig nito samantalang hingal na hingal naman sa galit si Van.
“Ang kapal ng mukha mo! Ikakasal ka na nagawa mo pang mag kama ng ibang babae? At ang secretary mo pa? wala kang kwenta!” sigaw ni Van sa kapatid habang nag-iigtingan ang kanyang mga ugat sa kanyang leeg dahil s amatinding galit. akma nanaman itong susunggaban ng binata ng pumasok si Maxine at pigilan sa braso ang kaibigan habang hilam sa luha ang mukha.
“Please tama na.. tama na.!” awat ng dalaga kay Van. “Please umalis na tayo rito..”
“M-Maxine.. s-sweetheart..” tawag naman ni Jovani sa dalaga.
Hindi magawang tingnan ito ng dalaga na hinila na sa braso si Van palabas.
“Nandidiri ako sayo!” ang tanging nasabi ni Maxine bago tuluyan silang lumabas ng Unit nito.
KAPWA TAHIMIK sina Van at Maxine na magkatabi sa loob ng kotse ng binata sa parking lot. Patuloy ang tahimik na pag luha ng dalaga samantalang ang binata ay mahigpit ang pagkakahawak nito sa manebela.
“Aaahhh!!”
Maya ay sigaw ni Van sabay hampas sa manebela kaya napapitlag ang dalaga sa pagkagulat.
“Anong karapatan niyang gawin ito sayo?”
“U-Umuwi na tayo..”
“M-Maxx.. I’m sorry..H-Hindi ko inaasahan ito. H-Hindi ko..”
“Wala kang kasalanan.” Yuko ang ulo na sabi ng dalaga. “Please ihatid mo nalang ako sa bahay ko.”
Hindi na nag salita ang binata na sinimulang paandarin ang kotse.
Hanggang sa makarating sila sa bahay ng dalaga ay wala na naman silang imikan. Nang makapasok sila ay tuloy-tuloy itong umakyat sa silid nito.
Naiwan sa sala ang binata na panay ang buntong hininga.
Ngayon mas kailangan siya ng kaibigan, hindi niya ito maaring iwan.
Pabagsak na naupo si Van at di mapigilang naihilamos ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Naalala niyang bukas na ang kanyang alis para sa project niya sa isang resort sa dulong bahagi ng Palawan. Isang resort doon ang kailangan ng renovation at siya ang Engineer in-charge doon. Wala siyang choice kundi ang maglagi doon sa loob ng ilang linggo hanggang sa matapos ang project na iyon kaya ngayon ay nahihirapan siyang umalis at iwan ang dalaga sa ganitong sitwasyon.
Naka-sign na siya ng contract kaya di na siya makaka atras.
Gulong-gulo naman ang isipan ni Jovani. Anong nagawa niya? Ano ang gagawin niya? Paano niya ipapaliwanag ang lahat sa kanyang Fiancee. Napasulyap siya sa mantsa ng dugo na natuyo na sa puting kubre kama. Kinilabutan siya at nilukob ng subrang pagkabagabag. Lasing na Lasing man siya.. alam niyang siya ang nakakuha ng virginity ni Lanie.
Aligaga tuloy siya. Sa huli ay mas pinili niyang puntahan si Maxx.
Dali-dali niyang inayos ang kanyang sarili at dala ang bag ng dalaga ay agad siyang nag tungo sa bahay nito.
“ANONG GINAGAWA MO DITO?!”
Puno ng galit na salubong ni Van sa kapatid ng mapag buksan ito ng pinto ng dumating ito sa bahay ni Maxine.
“V-Van.. g-gusto kong makausap si Maxx. Tulungan mo ako.”
“Tumigil ka na kuya!” mababa ang boses subalit madiin ang bawat katagang binibitawan nito habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao. “Hindi pa ba sapat ang naabutan ni Maxx? Ano pang paliwanag ang gagawin mo? Sinaktan mo siya.”
“A-Alam ko.. K-Kaya nga ako naririto d-dahil g-gusto kong mag paliwanag.”
Nag tatagis ang mga bagang na niluwagan ni Van ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ang kapatid.
“Naroon siya sa kanyang silid. Mula pa kanina, di pa bumababa.”
“Salamat.”
Umakyat na si Jovani sa silid ng nobya.
Sa galit ay nasipa ni Van ang sofa ng makalapit sita roon. Naghihimagsik ang kanyang kalooban. Nagagalit siya s akapatid dahil sa panloloko nito sa dalaga. Nagagalit siya sa kanyang sarili dahil wala siyang magawa para sa dalaga. Para di na ito paulit-ulit na masaktan.
Galit na lumabas siya ng bahay at sumakay ng kanyang kotse. Kulang nalang ay paliparin nya on s abilis ng kanyang pag papatakbo ng makalabas ng gate ng bahay ng dalaga. Samo’t-saring isipin ang nag uunahan ngayon s akanyang isipan. Nasasaktan siya sa mga nangyayari. At kung naiba-iba lang si Jovani sa kanya, baka napatay na nya ito doon pa lang sa Unit nito.
Samantala, panay ang katok ni Jovani s apinto ng silid ni Maxine subalit di siya nito pinagbubuksan.
“Maxx Please. Mag usap muna tayo. II’m sorry.. Kausapin mo ako. G-Gusto kong mag paliwanag. Maxx.. I love you.”
Napayuko ito.
“Please talk to me..H-Hon..”
“Leave me alone! We’re over Jovani.. I hate you!” sigaw nito kapagdaka.
“Maxx..”
Maya ay nagkakalabugan na ang mga gamit sa loob ng silid ng dalaga. Sa kanyang hinuha ay binabato nio ang anumang bagay na madampot nito.
“Get lost! I hate you! I hate you! I hate You a thousand times!! I don’t want to see your face!!!” sigaw nito.
Ilang beses na napabuntong hininga si Jovani. Alam niya at kilala niya ang dalaga. Sa tuwing nagkakaproblema silang dalawa, hindi ito makikinig s akanyang mga paliwanag.
Naisip niya ang kaaptid. Kay Van lang ito makikinig. At kapag ganitong galit ito, si Van lang ang may kaakyaahng makalapit dito at ito lang ang makakapag payapa ng nararamdaman ng nobya.
Laglag ang mga balikat na tumalikod siya at humakbang ng paalis. Babalik nalang siya sa mga sususnod na araw. Palilipasin nalang muna niya ang galit nito.
Wala na siyang kundi ang saktan ito. Wala na siyang ginawa kundi ang biguin ito. Karapat dapat nga ba siyang humarap s aaltar kasama ito kung ngayon pa lang ay wala na siyang kakayahang payapain ang kalooban nito at puso sakit lang ang ibinibigay niya rito?
Sa pagkakataong ito di nya alam kung matutulungan pa siya ng kapatid. At lalong di nya alam kung magagawa pa siyang patawarin ng nobya. Hindi na maliit na kasalanan itong kanyang nagawa. Nakalimot siya at nagpadala sa alak.
Namalayan nalang ni Jovani ay may mga luhang pumatak sa kanyang mga mata. Mahal na Mahal niya ang dalaga ngunit di nya lubos maisip kung bakit nagawa niya ang pagkakamaling iyon. Dahilan para tuluyang mawala sa kanya ang ababing minamahal at maging ang kanyang kapatid na naging kaakmpi nya sa lahat ng abgay ngayon ay matindi rin ang galit sa kanya.
----ITUTULOY----