Chapter 4

2139 Words
MABAGAL ang mga hakbang ni Maxine habang naglalakad sa Isle patungong Altar. Abot hanggang taynga ang kanyang ngiti habang puno naman ng pag hanga ang mga taong nasa kanyang paligid. Excited siyang mahawakan ang kamay ng kanyang Groom na alam niyang excited din ito tulad ng kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Nakatingin siya sa kamay nito na nakalahad sa kanya habang palapit siya ng palapit dito. Nang tanggapin niya ang kamay ng kanyang Groom ay inayos nito ang kanilang mga kamay at pinagsalikop iyon kung saan pinunan ng kanyang mga daliri ang pagitan ng malalaki nitong daliri saka mahigpit nito iyong hinawakan. Natawa siya habang di inaalis ang kanyang tingin sa kanilang mga kamay na ngayon ay mahigpit na magkahawak. Ngayon lang nito iyon ginawa sa kanyang kamay. Dati naman silang nag ho-holdin hands ng nobyo pero simpleng holding hands lang. Nang mapatingin siya s amukha nito ay syang panlalaki ng kanyang mga mata dahil walang mukha ang kanyang groom. Anong nagyari? Bakit di nya Makita ang mukha nito. Alam niyang nakangiti ito s akanya ngunit Malabo iyon. NAPABALIKWAS ng bangon si Maxine, hingal na hingal siya. Panaginip.. isang panaginip lamang. Malakas ang sasal ng kanyang dibdib habang hawak-hawak iyon. Anong nagyayari. Bigla siyang nagulohan. Dati na niyang napapanaginipan na kinakasal sila ni Jovani. Nakikita niya ang mukha nito bakit ngayon ay walang mukha ang kanyang Groom? Maging ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay ay kakaiba. Napatingin siya sa kanyang kamay na kanina lang sa kanyang panaginip ay hawak-hawak iyon ng mahigpit ng kanyang Groom ngunit walang mukha. Nagugulohang napasubsub siya sa kanyang mga palad at muli nanaman siyang nag-iiyak ng maalala ang nadatnang eksena sa Unit ni Jovani. Tumigil lamang siya sa pag-iyak ng maramdaman ang pag kalam ng kanyang sikmura na mula pa pala kahapon ay di na nalamnan. Tumayo siya at napatingin s agawi ng bintana. Pumapasok na ang sikat ng arawsa siwang ng mga kurtina. Naisip niya na marahil ay wala si Van kaya walang nangulit sa kanya kaya naman minabuti niyang bumaba na para mag handa ng kanyang makain. Mabuti narin na wala ito ngayon dahil di rin niya alam kung paano kikilos sa harap nito. Ayaw naman niyang mag mukhang kawawa at mesirable sa harap nito. Bago siya tuluyang bumaba ay tumawag muna siya sa kanilang opisina. Isa siyang General Manager sa isang sikat na Hotel. Nag paalam siya na mag leave ng isang linggo dahil sa biglang problema. Dahil alam naman sa kanyang tinatrabahuan na malapit na ang kanyang kasal kaya naman pinayagan siya ng Big boss at sinabing bumalik nalang siya kung kailan niya gusto. MABIBIGAT ang mga hakbang ng dalaga habang pababa siya ng hagdanan at agad na nagawi ang kanyang tingin sa maletang nasa sala. Napakunot noo siya. Nabaling ang kanyang tingin sa isang pinto sa kabilang panig papuntang kusina ng bumukas iyon at lumabas doon si Van na may dalang Tray ng Pagkain. Bihis na bihis ito at alam na niyang maleta nito ang naroon sa sala. Aalis pala ito,hindi manlang nagsabi sa kanya. “Hi! Gising ka na pala.” Masiglang bati nito sa kanya ng mapansin siya. “Galing ako sa bahay kaya ibinili na kita ng food. I-a-akyat ko na sana sa kwarto mo. Mabuti at bumaba kana. Halika, dito muna ito kainin.” Tahimik siyang sumunod dito. “maupo ka na” sabi nito na inayos na ang pagkain sa lamesa. Sanay na siya sa pag aasikaso nito kahit sa ganitong pagkakataon. Matapos ito sa ginagawa ay naupo ito sa upuan sa tapat niya. “Nasaan ang pagkain mo?” “Tapos na akong kumain sa bahay.” Sagot nito na muling tumayo at kumuha ng tasa saka nag timpla ng kape. ‘’Mag kakape nalang ako para mabantayan ka kung kakain ka talaga.” Maya lang ay naupo na itong muli. “Kain na.” habang sumisimsim ng kape. “Aalis ka pala.” Aniya sa pagitan ng pag subo ng pagkain. “Baka naman mahuli ka sa flight mo?” “Ayos lang. Private plane ang gagamitin ko papuntang Palawan. May project ako doon ng ilang linggo sa isang Resort doon.” “G-Ganun ba..?” Biglang nanamlay nanaman ang kanyang pakiramdam. Masyado na itong malayo ngayon. Hindi na ito basta-basta makakapunta s akanya once na tawagan niya ito. “May naisip ako.” Anito na ngumiti “Hmm?” “Sumama ka sa akin.” “H-Ha?” “Look, Maxx di ako makakapag focus sa trabaho ko doon lalo na at iiwan kitang ganyan. At least doon malilibang ka. Makakapag isip ka ng maayos. Maganda doon at makakatulong iyon para gumaan yang dinadala mo.” Di nag dalawang isip na agad sumang-ayon si Maxine sa suhestyon ng kaibigan. Isa pa ay gusto niyang takas an ang bangungot ng kanang buhay dito sa maynila. Gusto niyang kalimutan si Jovani. “Tamang-tama nag Leave ako sa trabaho.” Aniya kaya naman napangiti ito. “Ayos yan.” Libre ang tutuluyan nating cabin sa Resort dahil nga ako ang in-charge sa project doon. Sa mag hapon ang trabaho ko kaya di ka madi-distruct sa akin. Promise di kita gugulohin. Hahayaan lang kitang i-enjoy ang pag stay mo roon bilang bakasyonista.” “Thank you so much Van.” Madamdamin niyang sabi rito. “Hmm? Para saan?” “Para sa lahat-lahat.. Napaka swerte ng babaing mamahalin mo. Ngayon palang naiinggit na ako s akanya.” Birong totoo niya rito Natawa si Van. “Wala pa nga naiinggit ka kaagad? Alam mo maswerte din naman ang lalaking minahal mo. Tanga lang siya at pinalampas niya ang isang katulad mo.” Seryosong sabi nito na ang tinutukoy ay ang kapatid na si Jovani. “ At naiinggit ako sa kanya dahil isang tulad niya ang minahal mo.. pwede namang tulad ko. Hahaha” sinabayan niya ng pagak na tawa ang huling sinabi para mag mukhang biro iyon. MAtapos kumain ng dalaga ay dali-dali siyang nag ligpit ng mga gamit na dadalhin niya sa Palawan. Swimming ang hilig niya kaya mas marami ang dala niyang pang ligo at iilang shorts at damit ang dala niya. TULAD ng sinabi ni Van, isang private plane ang naghihintay sa kanila sa airport na mag dadala sa kanila sa airport ng Palawan at mula roon ay may susundo sa kanila na mag dadala s akanila sa Paradise Resort. Papasok palang ang sinasakyan nila s abukana ng resort ay talagang napangiti na ang dalaga. Sa makapigil hiningang tanawing kanilang nadadaanan ay tila nag laho ang bigat na dinadala ng dalaga sa kanyang dibdib. “Beautiful..” di niya mapigilang bulalas kahit saan niya ibaling ang kanyang tingin. Nakangiti lang si Van sa kanyang tabi. Pagka baba pa lamang ay tila batang nagtatakbo si si Maxx habang naka-dipa ang mga kamay. “Carefull!” natatawang sigaw dito ng binata habanag ibinababa ang kanilang mga gamit. “Wow talagang napaka ganda dito Van!” malakas din nitong sabi. “Halika muna. Mamaya nay an doon muna tayo sa cabin para makapag pahinga ka muna at mamaya, ililibot muna kita rito. Total bukas pa naman ang start ng trabaho ko.” Ayaw man ng dalaga ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa binata papunta s akanilang cabin. KULANG nalang ay lumuwa ang mga mata ni Maxx ng marating nila ang kanilang Cabin. Dahil sa pag tingin niya s abandang ibabang bahagi ay kalawakan ng karagatan ang kanyang natatanaw. “W-Wow! What a perfect paradise.” “Sabi sayo ei. Dito, mapapanatag ka at makakalimutan mo ang mga problema.” “Thank you Van. Alam mo talaga kung saan ako magiging masaya. Ikaw lang ang nakaka-kilala sa akin.” “Halika na sa loob. “ ang tanging nasabi nalang nito. Matapos mag bihis ng dalawa ay nag pumilit agad si Maxx na libutin nila ang resort. Nag hanap muna sila ng restaurant na makakainan. Sadya talaag siguro na kapag ang babae ay broken hearted, sa pagkain binubuhos ang lahat ng nararamdaman. Halos mapuno ang kanilang lamesa sa dami ng pina-order ni Maxx kay Van. Halos mga seafoods lahat ang naka-ahin sa kanilang harap. “Are you sure na kaya mo itong ubusin lahat?” “Not only me. Tayong dalawa ang uubos nitong lahat at walang titigil hanggang di ubos.” “H-Ha? Pati ako? Ei isa lang ang order ko dyan.” Sumimangot ang dalaga. “Akala ko pa naman sasamahan mo ako sa hirap at ginhawa. Bakit hahayaan mo akong ubusin itong lahat mag-isa?” paawa pa ang mukha nito. Napatawa tuloy ng malakas si Van saka pinisil ang ilong ng kaibigan. “Ikaw talaga alam mo kung paano ako pasusunurin ha. Sige.. uubusin natin lahat ito. Tayong dalawa!” “Yeheeyy!!” pumapalakpak pa na sabi ng dalaga. “O.. ito ang unahin natin.” Tukoy nito sa crab at inilapag iyon sa pinggan ni Van ang isa at ang isa sa kanyang pinggan. Kapwa nila kinamay ang mga pagkain s akanilang harap. Sa mga nakakakita sa kanila, sino ang makakapag sabi na mga kilalang tao sila s alarangan ng mga propisyong pinili sa buhay at ngayon para silang mga bata na kumakain. “GRABEH.. busog na busog ako.” Tela reklamo ng dalaga habang hinihimas ang sariling tiyan sa kabusugan. Tapos na silang kumain at naglalakad-lakad nalang sila. Kumapit pa ang dalaga s abraso ng binata habang ang isang kamay ay nanatiling humihimas sa sariling tiyan. “Ang sakit ng tiyan ko, Van.” “Baka naman natatae ka?” buska nito sa kanya. ‘‘Takaw mo kasi ei.” “Hoy hindi ah!” “huwag ka ng mahiya.. baka mamaya nyan dyan ka pa mag kalat eeeiiww!!” pang-aasar pa nito. ‘‘Hindi sabi!!” bigla niya itong kinurot sa tagiliran. “Aaw!! Abat!!” Akma sana itong gaganti ngunit mabilis na siyang nakabitaw dito at nakatakbo. “Hey!! Huwag kang tumakbo at kakakain mo lang.” sabi nito pero hinahabol siya kaya lalo niyang binilisan ang takbo pabalik ng kanilang cabin. “Hey Maxx! Stop running!” sigaw nito at ng maabutan ang dalaga ay walang Sali-salitang hinaklit ito sa beywang at pinasan sa balikat kaya naman napalakas ang tili ng dalaga dahilan para pagtinginan sila ng ibang mga naroroon. “Napaka cute naman ng couple na yan.. bagay na bagay silang dalawa. Gwapo at maganda. Napaka swerte naman nila sa isa’t-isa.” Dinig nila mula sa isang grupo na nakatingin s akanialng dalawa. “Bakas sa kanilang dalawa ang pagmamahal nila sa isa’t-isa.” Ayon naman ng isa. Kapwa sila natigilan saka dahan-dahang inilapag ni Van ang dalaga. Kapwa sila nagkatinginan. “Huwag mo nalang silang pansinin. Huwag mo nalang silang pakinggan.” Sabi ni Van. “Ang gwapo ng lalaki.” Sabi ng isang teenager, tukoy nito kay Van. “Yon.. totoo yon. maniwala ka sa sinabi nya. Gwapo ako!” nakangising sabi uli ni van kaya naman bigla nanaman siyang kinurot nito. “Ouch!!!” napalakas na bulalas ng binata Hinarap ni Maxx ang grupo. Thank you sa compliment ninyo. Oo gwapo talaga itong boyfriend ko. Pero di ko Makita kung saan ang kagwapuhan nito.” Nagtawanan tuloy ang grupo sa sinabi ni Maxx. “Bagay na bagay po kayo ate. Maganda ka rin ei.” Sabi uli ng babaeng teenager. “Oo. Alam ko maganda itong girlfriend ko.” Ani Van na inakbayan ang kaibigan. “Let’s go Sweetheart.” Tila naman kinilig ang grupong iyon s alambingan ng dalawa. Dahil kapwa pagod ang dalawa ay maaga silang nag pahinga. Agad nakatulog ang dalaga sa kabilang kama. Habang ang binata at mulat ang mga mata. Nakatagilid siya paharap s adalaga at mataman itong pinagmamasdan. NALAMAN ni Jovani na nag leave sa trabaho si Maxine subalit ng puntahan niya ito s abahay nto kinagabihan ay wala ito doon. Ng puntahan niya ang bahay ng parents nito para magbaka sakaling Makita roon ang nobya ay nagkamali sila. Maging ang mga ito ay di alam kung nasaan ang anak. “Ano ba ang totoong nangyari, Hijo. Bakit umalis si Maxine ng di nagpapaalam?” nag-aalalang tanong ng mama ng dalaga. “Ahm.. nagkaroon po kami ng kunting pagtatalo. Kunting di pagkakaunawaan tita.” “Ganun ba? Aba’y ayosin nyo agad yan at malapit na ang inyong kasal.” “O-Opo.” Subrang guilty ang pakiramdamn ng binata. Di nya magawang tumingin sa mga mata ng magulang ng dalaga. Kung ganun wala pang nakaka-alam sa problema nila. Silang tatlo palang nila Van.. Kailangan na niyang kumilos, kailangan na niyang ayosin ang problema bago pa tuluyang ikansela ng nobya ang kanilang kasal. Ngunit nasaan ang dalaga? Saan niya ito hahanapin? Isa lang ang taong naiisip niyang nakaka-alam kung nasaan ngayon ang nobya, yon ang kapatid niya. Alam niyang ito ang pinaka unang tatakbuhan ng dalaga pero duda din siya kung sasabihin nito ang nalalaman. ---ITUTULOY---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD