CHAPTER 5
Nang magising si Maxine ay siya nalang mag-isa sa kanilang cabin. Alas otso na ng tingnan niya ang kanyang relo kaya naisip niyang nasa trabaho na si Van. Ayon narin sa notes na iniwan nito sa ibabaw ng lamesa sa tabi ng kanyang kama. May break fast narin na nakapatong doon.
Sa isiping nag-iisa na siya ay muli niyang naramdaman ang kahungkagan sa kanyang sarili.
Pabaluktot siyang naupo at niyakap ang kanyang mga tuhod. Muli nanaman bumalik ang sakit sa kanyang dibdib. Namalayan na lamang niya ay tumutulo nanaman ang kanyang mga luha.
Napatingin siya sa kanyang Cellphone ng bigla iyong tumunog. Nag alinlangan pa siyang sagutin iyon. sa huli ay kinuha parin niya iyon at sinagot.
“Hi! Good morning!” masiglang bungad sa kanya ni Van. “Di na kita ginising kanina dahil himbing na himbing ka. Nariyan na ang breakfast mo. Kumain ka ha? Uuwi ako mamaya before lunch para sabayan ka kumain. Hey.. are you ok?” biglang pag-aalala dito ng binata ng marinig ang pag singhot ng dalaga. “M-Maxx?”
“Y-yeah I’m fine.” Aniya na napahugot ng malalim na buntong hininga. “H’wag mo akong alalahanin.” Aniya na pinasigla ang boses.
“Ok then.. see you later..”
Nakagat ni Maxine ang labi ng maputol ang linya. Hawak-hawak parin niya ang phone ng biglang mag ring iyon kaya naman agad nya iyon sinagot.
“Van?”
“It’s me hon. Where are you huh? Pease let’s talk honey..”
Di na nagsalita na agad niyang in-off ang kanyang phone. Hindi parin siya handang makausap ito kahit sa phone lang. napahagulhol nanaman siya ng iyak.
Hindi na niya nagalaw ang kanyang pagkain dahil bumalik siya sa pag tulog. Nakatulugan narin niya ang pag-iyak.
Excited na umuwi si Van katanghalian. Nag order narin siya para sa kanilang lunch ng dalaga. Ngunit ng makabalik siya s akanilang Cavin ay napahugot siya ng malalim na hininga ng mapasukan ang dalaga na natutulog at di manlang nagawang galawin ang iniwan niyang pagkain para rito. Tahimik niyang inihanda ang kanilang kakainin at ng matapos ay naupo siya s agilig ng kama ng kaibigan at malayang pinagmasdan ito habang natutulog.
Napakunot ang kanyang noo ng Makita ang natuyong luha sa pisngi nito. Kung ganun tama ang hinala niya. Wala nanaman itong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak habang wala siya.
Muli siyang napabuntong hininga. Ano ba ang pwede niyang gawin para mabawasan ang bigat ng dinadala nito? Hindi man niya maalis ay mabawasan manlangsana dahil mas nahihirapan siya na Makita itong nagkakaganun.
Hinaplos niya ang pisngi nito na may bakas pa ng natuyong luha.
Napa-ungol ang dalaga ng maramdaman niyang may humahaplos sa kanyang pisngi kaya dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.
“V-Van?”
Ngumiti ang binata. “Hi..!”
“K-Kanina kapa ba?” aniya na mabilis na naupo. Napatingin siya sa lamesa at may mga pagkain ng nakahanda doon. Sunod niyang tiningnan ang almusal na inihanda sa kanya ng kaibigan kaninang umaga.
“T-Tanghali na pala. Di ko tuloy nakain ang inihanda mo.”
“It’s Ok. Ako ng bahalang kumain nyan.” Anito na tumayo na. “Halika na.” anito na binuhat ang tray ng pinaglagyan ng kanyang almusal.
Alanganin siyang bumangon. Nag-aalala na baka galit ito.
“Sorry ha.” Aniya na di makatingin dito.
“For what? Ayosin mo na yang sarili mo at maupo kana rito. Babalik ako mamaya sa trabaho.”
Hindi na nagsalita na kumilos ang dalaga. Inasikaso muna nito ang kanyang pinggan na nilagyan ng pagkain bago nito hinarap ang sariling pinggan. Tulad ng Sinabi nito, ang breakfast ng dalaga ang kinain nito.
“Di mo naman kailangang kainin yan, Van.” Nakukonsensyang sabi niya rito
“Hayaan mo lang ako. Kumain ka lang diyan. Di pa naman panis ei.”
Hindi na siya umimik na kumuha ng pagkain s akinakain nito. Bakas naman sa mukha nito ang pagkagulat sa kanyang ginawa.
“Hayaan mo lang ako. Kumain ka lang diyan. DI pa naman panis ito diba?” aniya na ngumiti rito.
“Ikaw talaga oo..” anito na napa buntong hininga sabay na napa iling-iling at pag kuwa’y ngumiti.
“Pwede bang huwag ka ng bumalik s awork mamayang hapon?”
Tumingin lang si Van sa dalaga habang ngumunguya.
“K-Kasi.. ano eh.. nabuburyong ako ei kapag wala ka.”
Di na nagsalita si Van na ipinagpatuloy ang pagkain.
“K-Kung di naman pwede at talagang kailangan mong bumalik doon, ayos lang naman.” Aniya na pinalungkot ang kanyang boses.
Tumayo ito at kinuha ang phone. Maya-maya ay may kausap na ito. Napangiti siya ng marginig ang mga sinabi nito sa kausap. Ilang saglit pa at baliwalang bumalik ito at naupo sa katapat niyang upuan at baliwalang pinagpatuloy ang pagkain.
Hindi nakatiis na pinisil niya ang magkabilang pisngi nito sa tuwa.
“You’re the Best talaga!!” aniya na pinanggigilan ang magkabilang pisngi nito.
Ganun parin ang binata, pormal ang mukha na pinagpatuloy lang ang pag nguya kahit nakangiwi na ito sa pagkakapisil ng dalaga sa mukha nito.
“Hmmp suplado!” kunwari ay mukha nito.
“Hmmp suplado!” kunwari ay pa-irap na sabi nalang niya ng tila baliwala dito ang kanyang paglalambing. Pinagpatuloy nalamang niya ang kanyang pagkain habang pasulyap sulyap dito.
Habang pigil naman ni Van na mapangiti habang pasulyap-sulyap din habang hindi nakatingin sa kanya ang dalaga. Nang bigla silang magkasabay na mapatingin sa isa’t-isa.
“Hmm Ikaw ha.. alam ko di mo ako matitiis!” muling sabi ng dalaga na todo ang pagkaka-ngiti.
Ngiti lang ang isinagot dito ng binata.
Hanggang matapos ito sa pagkain ay di parin kumikibo.
“Hoy.. kung napipilitan ka lang manatili rito.. Ayos lang Van. Mas kailangang unahin mo ang trabaho mo. H’wag mo akong intindihin.”
Tahimik parin ito habang may tinitingnan sa dala-dalang paper bag. Maya-maya ay may iniabot ito sa kanya na isa pang paper bag.
“H-Ha? Ano ‘to?” maang niyang tanong dito.
“Mag bihis ka.. baba tayo sa Beach.”
Sa narinig ay napa-ngiti abot taynga ang dalaga. Maging ang mga mata ay nag ning-ning sa tuwa.
“T-Talaga?!” di parin makapaniwala na tanong nito sabay sulyap sa labas ng bintana ng kanilang cabin at buhat doon ay tanaw na tanaw niya ang kagandahan sa ibaba. Ang Beach na animoy nag-aanyaya sa kanya ang mga alon doon.
Lihim naman na nagagalak ang puso ng binata sa nakikitang kasiyahan ng kaibigan at lihim na iniibig. Tuwing titingnan niya ito at nakikita niyang masaya ito, walang mapag sidlan ng kasiyahan ang kanyang nadarama. At kapag umiiyak ito, dinudurog naman ng pino ang kanyang puso.
Ano bang nangyayari sa kanya? Ganun na ba talaga kalala ang pagka-baliw nya sa kaibigan?
“Hindi naman. Sadyang In Love ka lang sa kaibigan mo.At walang masama sa nararamdaman mo.” Sabi ng maliit na tinig ng kabilang bahagi ng kanyang isip.
Kaya naman, wala sa loob na napa-ngiti siya sabay iling-iling.
HINDI na nag-aksaya ng oras si Maxine, agad siyang nag shower para mag bihis. Hindi talaga niya maitago ang excitement na nararamdaman. Siya na ang humila sa binala.
Kung makapigil hininga na ang ganda ng karagatan mula sa bintana ng kanilang tinutuluyan, higit lalo ang nakakalulang kagandahan nito ngayon sa malapitan. Mula sa pinong puting buhangin na masarap maglakad ng naka yapak at sa mumunting alon na humahampas sa baybayin. Malamig sa pakiramdam ngayon na tumatama yon sa kanilang mga paa habang magkatabi silang nakatayo at nakatanaw sa kalawakan ng karagatan.
Yumuko ang dalaga at tinanggal ang tsinelas na suot.
Nagsimula silang mag lakad-lakad. Di alintana ang kataasan pang sikat ng araw pagkat malamig naman ang simoy ng hangin na tumatama sa kanilang mga balat dahil sa suot niyang Bikini Short at bandana na kulay Light blue na itinali lamang niya sa kanyang likod at pinailaliman lamang ng bra kaya lantad na lantad ang kanyang makinis at maputing balikat maging ang kanyang buong likod.
Habang ang binata ay naka sando ng Black at naka Short.
“talagang napaka-ganda!!” di mapigilang bulalas ng dalaga. Binitawan nito ang tsinelas at nagtatakbo ito sa tubig na umabot hanggang sa binti nito at nakadipa ang mga kamay na pikit matang tumingala. Saka humugot ng malalim na hininga.
Gusto niyang sumigaw ng sumigaw. Ilabas ang puot at sakit na namamahay s akanyang dibdib habang naaalala si Jovani at ang eksenang nadatnan niya s aUnit nito pero naisip niya si Van. Ayaw niyang sirain ang moment na ito. Ang lugar na ito. Ayaw niyang mag mukhang malungkot sa harap ng kaibigan. Dapat maging masaya siya tulad ng gustong mangyari ng kaibigan kaya isinama siya sa mala-paraisong lugar na ito.
Muli siyang napabuntong hininga saka dahan-dahang nag mulat ng mata at ngumiti.
“Mr. Swimmer, halika rito.” Malakas niyang sabi ng lingunin ito. Mataman lang itong naka tayo at nakapamulsa habang nakatanaw sa kanya. Itinaas nito ang kamay na tila kumaway lang sa kanya.
Kumilos siya muling lumapit dito.
“Tatayo ka nalang ba? Ang lamig ng tubig.. ang sarap. Halika na.” sabi niya rito sabay hila ng mga kamay nito. Di na niya hinintay ang sagot nito. Hinila na niya ito pa-lusong sa tubig.
“Oh diba.. malamig. Sabi sayo ei..” aniya ng lingunin ito.
“Mag dahan-dahan ka. Yabang mo lumusong, akala mo naman marunong kang lumangoy.” Sabi nito ng di na ito humakbang dahil hanggang beywang na niya ang tubig.
“Nariyan ka naman ei. Hehehe di mo naman siguro ako hahayaan na malunod?”
“Ganun? Kaya ganyan kalakas ang loob mo dahil alam mong narito lang ako sa likod mo.”
Umayos siya at umurong sa tabi nito saka kanyang ikinawait ang braso sa isa nitong braso. ayan, nasa tabi kita ha. Wala ka sa likod ko.” Pilosopong birong sagot niya rito.
“Halika na. umahon muna tayo baka lamigin ka kaagad niyan.”
Iwas ni Van sa kaibigan paano ay nakadikit ang tagiliran nito sa kanyang kamay. At hindi niya gusto ang unti-unting init na nanunulay s akanyang mga ugat.
Siya na ang humila sa kamay ng dalaga.
“Ang mabuti pa, mag lakad-lakad muna tayo paroon.” Tukoy ni Van sa dulo ng baybayin.
“Mainit pa naman ei.”
“Ayo slang yan.”
Hindi naman nagpapilit ang dalaga. Kaya naman sabay na silang naglalakad sa buhanginan. Malayang kwentuhan na kinagawian na nilang gawin.
Kahit anong topic pinag-uusapan nila. Wala na silang pagka-ilang pa.
“Sinong Girlfriend mo na ang naisama mo na sa mga projects mo na malayo sa Manila?” pagkuwa’y tanong niya rito.
“Hmm?”
“Yong tipong mga ganito kagandang lugar..” dugtong pa ng dalaga.
“Ulitin mo nga ang tanong mo?”
“Sabi ko, kung sinong Girlfriend mo na ang dinala mo sa ganito kagandang lugar.” Baliwalang ulit niya.
“Ei di Ang Bestfriend ko!”
Natigilan sa paglalakad si Maxine. Napatingin siya rito. Natatawa naman itong huminto at hinarap siya.
“O bakit ka natitigilan? Sinagot ko lang ang tanong mo.” Sabi nito na isinuksok ang dalawang kamay s amagkabilaang bulsa ng short. “May alam ka ba na Girlfriend ko na pwede kong isama?” Balik tanong nito sa kanya.
“Oo nga naman.” Sigaw ng kanyang isip. “Malay ko naman!” nanikwas ang kanyang nguso na sagot. “bakit lahat ba ng babae mo pinapakilala mo sa akin? Madaya ka nga ei. Pag dating sa lovelife mo.. di ka nagkukwento. Samantalagang ako..”
“Bakit, Bukod ba sayo at sa Mommy ko.. May iba pa ba akong babae? Saka Zero ang Lovelife ko kaya wala akong maikukwento sayo.”
“Weh zero? Kilala kita Van Denver. Habulin ka ng chicks noon pa mang highschool tayo.”
Pagak itong natawa. “Kaso ang babaeng gusto ko, di ako hinahabol. O, ano pang silbi nun.”
“H-Ha?”
“Wala!” h’wag na nga ako ang gawin mong topic. “Ano ang gusto mong gawin mamayang gabi?” pag-iiba nito.
“Inom tayo? May natanaw akong Bar doon sa taas ei.”
Napasimangot ang binata. Alam niya ang dahilan kung bakit nag aaya itong uminom.
“Hindi ako pwede uminom mamaya. Maaga ang alis ko bukas baka tanghaliin ako ng gising. Nextime nalang.”
“Ganun ba.”
“Wala ako bukas buong araw ha. Baka nga gabihin pa ako. Kaya lubusin mo na ngayon. Baka bukas mag mukmok ka nanaman.”
Inuslian lang niya ito ng nguso. Tutulog nalang siya maghapon bukas para mabilis na lumipas ang mag hapon.
Namagitan na sa kanila ang katahimikan.
Ang totoo ay nawala na sa mood ang dalaga dahil sa sinabi nito.
---ITUTULOY----