TULAD ng sinabi ni Van, maaga nga siyang umalis kina-umagahan kaya naman di na nagulat ang dalaga ng magising siya na wala na ito. Tulad kahapon ay may naka-handang almusal na sa maliit nilang lamesa. May notes pa naka lagay katabi ng kanyang pinggan.
“Just smile for me and let the day begin. You are the sunshine that light my Hearts within.. I'm sure that you're an angel in disguise..” basa niya sa nakasulat sa maliit na papel. Di pa nakuntento ay nag drawing pa ito ng smiley na naka-dila.
Di tuloy niya mapigil ang matawa. “Kanta ito ah..” aniya na naupo na. at ewan nya, napapangiti siya ng di niya namamalayan.
“On the wings of love
Up an above the clouds
The only way to fly is
On the wings of love.”
Napapakanta siya habang naglalagay ng food sa kanyang pinggan. Saka maganang sinimulan ng kumain.
Ang buong maghapon ay naging kabagot-bagot sa dalaga kaya naman naisipan niyang lumabas ng cabin ng mga bandang alas ingko na. matapos mag txt ni Van na sure ng gagabihin ito ng uwi. Nag bilin pa ito na kumain nalang ng una. H’wag na siyang hintayin.
Nag balabal lamang siya saka lumabas na. naglakad-lakad at tinungo ang ilang bahagi ng resort na di pa nila naiikot ng kaibigan.
Tulad ng kanyang inaasahan, nadaanan niya ang bar. Napagkatuwaan niyang pumasok roon at naupo. Medyo maingay ang loob dahil may mga nagkakatanhan. At sa hinuha niya ay may Live band dahil habang ang ilan doon ay nag vi-vidioke, nag aayos naman ng stage ang ilang stuff ng Bar.
Tatlong sunod na mga sad songs ang kanyang narinig at muling nabuhay ang lungkot sa kanyang puso. Mabuti na lamang at nasa medyo sulok siya naka-upo kaya naman walang nakakapansin sa kanya habang tahimik siyang lumuluha.
Ilang araw na ang nakakalipas. Pero parang kanina lang nangyari. Oo nga at bahagya niya iyon nakakalimutan kapag kasama si Van pero kapag ganitong siya nalang, wala siyang gustong gawin kundi ang umiyak.
Nang may tumapat sa kanya na waiter na may dala ng tra ng mga wine, tumayo siya at kumuha ng isa saka ininom yon ng walang alinlangan. Napapikit siya sabay ngiwi ng maramdaman ang pag guhit ng pait sa kanyang lalamunan pababa sa kanyang tiyan ng kanyang ininom.
“Ano ma’am.. kaya po ba?” tanong ng binatang waiter na di maalis ang tingin sa mukha ng dalaga kaya naman napadilat ito. Nakangiti ito sa dalaga kaya wala sa loob na napatango ito saka tumalikod na at nag tungo s Bar counter at naupo sa isa sa mga stool doon. Nakasunod lang ang tingin ng waiter sa dalaga.
“Mukhang may malaking problema ang babaeng yon.” bulong nito sa sarili at umikot na sa iba pang mga naroroon para mag serve ng mga wine.
Suminyas si Maxx sa bartender na bigyan siya ng wine.
“Hard please!” aniya matapos ito sinyasan.
Nagulat man ang bartender ay tahimik nalang itong sumunod.
Makalipas ang isang oras.. nakarami nan g nainom si Maxine. Pakiramdam niya ay umiikot na ang kanyang paligid kaya naman tumigil na siya at tumayo na para umalis na sa lugar na iyon ngunit nakaka-ilang hakbang pa lamang siya ng muntikang bumigay ang kanyang katawan. Mabuti na lamang at mabilis siyang naalalayan ng waiter.
“M-Maam!? A-ayos ka lang po ba?”
“O-Oo. Salamat.” Aniya na bahagya itong tinulak. “Ayo slang ako.”
“K-Kung gusto mo, ihatid na kita sa cabin mo Ma’am?”
“Ayos lang ako sabi.” Paasik niyang ulit saka pinilit ng muling humakbang palabas.
SAMANTALA,
“Narito na ako!” masiglang sabi ni Van ng pumasok ng kanilang Cabin.
Nagawa niyang maayos ang problema sa kanilang ginagawa kaya naman bago mag seven ng gabi ay naka balik na siya s akanilang Cavin.
“M-Maxx?” nawala ang kanyang ngiti ng di Makita ang dalaga. “N-Nasaan siya?” taking tanong niya s asarili na tiningnan ang cr ngunit bukas yon at walang tao.
“Maxx!!”
Walang dalagang sumagot kaya naman lumabas siya para hanapin ito. Gabi na at di niya alam kung saan ito hahanapin. Saan ito maaring mag punta?
Inilabas niya ang phone at kinuntak ang cellphone nito ngunit ring lang ng ring iyon hanggang s aoperator na ang sumagot.
“Asar! Nasaan ba ang babaing yon!?”
Kumilos na siya at agad na pinuntahan ang mga lugar na alam niyang maari nitong puntahan. Nag-aalala na siya dahil di niya ito Makita.
“A-Ano ba.. saan kaba maaring pumunta?” gulong-gulo na ang isip niya sa kakaisip ng bigla siyang matigilan. “Sa Bar! Tama! Maaring doon siya nag punta..” sa isiping yon ay agad niyang tinakbo ang kinaroroonan ng Bar ng Resort na iyon.
Subalit pag dating doon, nadismaya siya ng di Makita roon ang dalaga. Di naman kalakihan ang bar kaya di siya nahirapan mag hanap. Malalaman niya agad kung naroon o wala si Maxine.
Agad siyang lumabas ng Bar at tumingin-tingin sa paligid. Lumalalim na ang kabang kanyang nadarama. Subrang nag-aalala na siya para rito. Nagsisi tuloy siya kung bakit iniwan niya ito ng ganun katagal.
Lakad takbo na naman ang kanyang ginawa para hanapin ito at dinala nga siya ng kanyang mga paa sa baybayin sa tabi ng dagat.
“Maxx!! Maxine nasaan ka!!” di na niya mapigilang sigaw habang lakad takbo siya sa paghahanap dito.
Dahil may kadiliman sa tabing dagat kaya nman halos isa-isahin ng binata ang mga dalagang naroon.
“I-I’m sorry! I’m sorry!!” hinging paumanhin nito tuwing may mapagkakamalan itong ibang dalaga. “Shit.. Maxx nasaan ka na ba..?” sigaw ng isip niya.
DALA NG KALASINGAN.. patuloy sa pag hakbang si Maxine.. hindi niya alintana na lumalalim na ang tubig at halos nasa beywang na niya iyon. Doon siya dinala ng kanyang mga paa matapos lisanin ang Bar. Gusto niyang mapag-isa, gusto niya ng katahimikan kaya siya nag pasya na umalis doon at ngayon ngay ay tila may umaanyaya sa kanya na lumusong sa dagat. Malamig. Wala siyang ibang maramdaman kundi ang lamig ng tubig na bumabalot sa kanyang buong katawan.
Sa lugar na iyon, malayo sa karamihan.. may kadiliman.. nakaramdam siya ng katahimikan.. katahimikan upang muling manariwa ang sakit n aka pilit niyang kinakalimutan at pilit na itinatago sa likod ng kanyang mga ngiti.
Wala siyang ibang gusto ng mga oras na iyon kundi ang taposin ang lahat. Masyado na siyang nagiging pabigat sa ibang tao.
Hilam s aluha ang kanyang mga mata at halos wala na siyang maaninag pa, patuloy parin siya sa kanyang pag hakbang. Abot hanggang dibdib na niya ang lalim ng dagat pero wala siyang pakialam.
Maya-maya lang ay nagkakawag-kawag na siya dahil di na maabot ng kanyang mga paa ang kanyang nilalakaran. Doon tila nagising siya. Gusto niyang sumigaw ngunit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Malulunod siya.. mamamatay siya.. ayaw pa niyang mamatay.! Yon ang sinisigaw ng kanyang isipan.
“V-Van!! Van Help me.. V-Van..” sigaw pa ng kanyang isipan habang patuloy sa pagkakawag ng mga kamay para humingi ng tulong.
MALALAKAS na Braso ang biglang humaklit sa kanyang beywang mula sa kung saan.wala siyang nagawa kundi ang kumapit sa leeg nito na para bang doon ay makaka-kuha siya ng lakas ng loob.
Gamit ang isang kamay, pinilit ni Van na lumangoy papuntang pang-pang habang ang isang kamay ay mahigpit na nakayakap sa dalaga. Ilang saglit lang ay nai-ahon na niya ang dalaga. Kapwa sila napa-tihaya sa buhanginan at kapwa hingal na hingal.
Ilang saglit na namagitan s akanila ang katahimikan. Naupo si Van subalit nakayuko.
“Anong pumasok dyan sa utak mo para gawin ito?”
Tanong ng binata na kababakasan ng galit ang boses nito. Humihingal parin na naupo rin si Maxine.
“Nagpapakamatay ka, alam mob a yon!? s**t nababaliw ka na ba talaga?” di na napigilang mag taas boses ito.
Wala siyang maisagot. Di niya alam kung ano ang isasagot. Ngayon lang ito nagalit sa kanya.
Umayos ito at hinarap siya.
“Maxx.. Kung inaakala mo na katapusan na ng mundo dahil pinagtaksilan ka ni Kuya, nagkakamali ka. May sarili kang buhay. Nasa sayo, wala sa kanya.”
Naiyak siya sa paraan ng pagkausap nito sa kanya.
“Kung wala ka ng dahilan para mabuhay.. Maxx, narito ako. Ako nalang ang gawin mong dahilan para mag simulang muli.” Di na napigil ni Van ang pag garalgal ng boses. Di na niya maitago ang sakit na nararamdaman. Ang subrang pag-aalala rito.
Kanina ng matanawan niya ito na kumakaway habang nalulunod, subrang takot ang naramdaman niya na ngayon lang niya naramdaman sa tanang buhay niya. Di niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya oras na may masamang mangyari sa dalaga.
Di na niya napigilan ang pag patak ng kanyang luha kaya naman muli siyang napayuko.
“Nakakainis isipin na sa kabila ng lahat.. sa kanya parin umiikot ang mundo mo. Siya lang ang nakikita mong dahilan para mabuhay. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo! Hindi lang siya ang inaakala mo na nagmamahal sayo na kapag nawala siya ay katapusan mo na. Minsan subukan mo naman lumingon-lingon s apaligid mo!”
Padaskol na tumayo si Van at walang Sali-salita na iniwan ang dalaga.
Tigagal naman si Maxine na tila binuhusan ng nagyeyelong tubig.
Parang sinampal siya ng kaibigan sa mga sinabi nito.
Nang makabawi sa pagkabigla ang dalaga ay wala na ito sa kanyang paningin. Dahil narin s anangyari kaya tila nawala ang kanyang kalasingan, agad siyang sumunod sa kanilang Cabin sa pag aakalang naroon na ito ngunit nagkamali siya.
Wala siyang makitang Van doon o sinyales na bumalik ito doon. Binalot siya ng pangamba at pag-aalala kung saan ito nag punta. Ilang ulit din niyang sinubukang kuntakin ang cellphone nito pero di nito iyon sinasagot.
SUNOD-SUNOD na pag lagok ang ginawa ni Van sa kanyang baso. Mataman lang nakatingin sa kanya ang bartender na nag aassist sa kanyang order.
Hindi na nga niya alam kung naka-ilan na siya mula ng naupo siya roon. Ang alam lang niya ay gusto niyang magpaka-lunod sa alak. Gusto niyang maging manhid siya sa alcohol. Walang maramdamang sakit kahit na kunti manlang. Buong buhay niya nag mahal siya s aisang babae lamang. Marter na nga yata ang dapat itawag sa kanya dahil alam nan yang nasasaktan na siya.. alam niyang di mangyayari na mahalin siya nito kung paanong mahal niya ito pero patuloy parin siya na nangangarap na baling araw.. sana.. mahalin din siya nito.
“S-Sir.. kaya mo pa ba?” anang bartender.
Nabitawan na pala niya ang baso ng di niya namamalayan.
“S-Sir..”
Akma siya nitong hahawakan sa balikat pero mabilis niya iyong tinabig. Nag labas ng pera inilapag iyon saka tumayo at susuray-suray na umalis ng Bar.
Sabay na napailing ang Bartender at ang Waiter na nakatingin din di kalayuan.
“Anong problema ng lalaking yon.. wala siyang pinagkaiba sa babae kanina na nag lasing din.” Anito s asarili na napabuntong hininga at saka ibinalik sa ginagawa ang pansin.
DI NAMAN mapakali si Maxine at palakad-lakad lamang siya s akanilang Cabin at pabalik-balik siya sa may pinto at sumisilip doon kung parating na ang kaibigan. Nag-aalala siya kung saan ito nag punta at kung ano ang ginagawa nito. Hindi siya sanay na ganun ito. Ang magalit ito sa kanya ang isang bagay na di pa niya naranasan sa tanang buhay niya mula ng maging magkaibigan sila. Nagkaka-asaran silang dalawa pero never itong nag walk out tulad ng ginawa nito kanina.
Bumalik lang ito, magso-sorry siya rito. Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili. Kasalanan niya. Di dapat niya iyon ginawa.
Ng biglang bumukas ang pinto, natigilan siya. Maging ito ay natigilan din. Ilang saglit itong nanatiling nakatayo s amay pinto habang mahigpit ang hawak sa siradura ng pinto.
“V-Van..?” aniya na unang nakabawi sa kabiglaan.
Agad siyang lumapit dito.
“S-Saan ka galing? N-Nag-nag alala ako sayo.” Natigilan siyang muli dahil nalanghap niya na amoy alak ito. “L-Lasing ka?”
Di siya nito pinansin na humakbang ito pero sumuray ito. Agad naman niya itong inalalayan.
“L-Lasing ka nga..”
“Hindi ako lasing. Uminom lang.” anito na tinabig siya kaya napilitan siyang bitawan ito.
“Van I’m sorry..” mabilis niyang sabi bago pa siya mapanghinaan ng loob.
Nilingon siya nito at matamang pinagmasdan. Napayuko siya dahil di nya matagalan ang paraan ng pagkakatingin nito sa kanya.
“A..I’m sorry… a-alam ko na subrang pabigat na ako sayo.. trabaho ang pinunta mo rito, isinama mo ako para kahit papaano ay malibang pero ano ang ginawa ko.. P-Pinag-alala kita.. I’m s-sorry..”
Hindi niy napag handaan ang sunog nitong naging kilos, inilang hakbang siya nito at hinaklit sa beywang hanggang sa halog magkadikit ang kanilang mga katawan at gahibla lamang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Mas langhap niya ang amoy ng alak sa hininga nito kaya sigurado siyang lasing ito.
“V-Van..?” halos pabulong niyang bigkas sa pangalan nito.
Subalit tama lamang na bumuka ang kanyang labi ngunit di niya narinig ang sarili niyang tinig dahil sa lakas ng t***k ng kanyang dibdib na syang nagpapabingi sa kanya.
Hindi niya maipaliwanag ang sensasyong nadarama sa pagdidikit ngayon ng kanilang mga katawan. Ang kakaibang init na dulot ng pag tama ng hininga nito sa kanyang mukha na tila nagpapawala s akanyang sariling katinuan, hindi niya iyon naramdaman tuwing magkakadikit sila ni Jovani noon.
Anong angyayari sa kanya? Maging siya ay nalilito sa bagong nararamdaman.
DI pa man siya nakakabawi s akanyang pag kabigla ay muli na naman siyang nasurpresa ng walang paalam na tawirin ng labi nito ang ga-hiblang pagitan niyon sa kanyang labi.
Marubdob nitong inangkin ang kanyang labi ng walang pag alinlangan. Pakiramdam niya ay milyon-milyong bultahe ng kuryente ang gumapang sa kaliit-liitang himaymay ng kanyang ugat na ngayon pa lamang niya naramdaman.
Sa pakiramdam na nanlalambot ang kanyang mga tuhod at naliliyo siya s asubrang sensasyong nadarama, kusang kumapit ang kanyang mga braso sa batok nito at kusa siyang napa-pikit.
Kumilos ang mga kamay nito at naging malikot sa pag haplos.
Anong nagayari? M-mali ito. Dapat pumalag siya. Dapat pinigilan niya ito sa ginagawang pag halik sa kanya pero bakit tila nagugustohan niya iyon. gusto niya ang pakiramdam na dulot ng halik nito. Gusto niya ang mga haplos nito. Hanggang s amamalayan na lamang niya ay tinutugon na pala niya ang halik nito.
---ITUTULOY--- —