Chapter 8

2483 Words
CHAPTER EIGHT: PAGKAGULAT ang bumadha sa mukha ng mommy at daddy ni Maxine ng umuwi siya ng gabi sa kanilang bahay. Galing na siyang makipag kita sa Kaibigang si Irene para personal na ipaalam dito na wala ng kasalan na magaganap. Ngayon ay sa Parents naman niya ipapaalam ang kanyang naging pasya. “Anak?” Napapitlag si Maxine sa kinatatayuan ng marinig ang pag tawag sa kanya ng kanyang mommy. “May problema kaba, Maxx?” dinig niyang tanong ng kanyang daddy na inilapag ang Magazin na binabasa. Nanonood ang mag-asawa sa sala ng maabutan niya ang mga ito. “H-Ha?” “Ano ba ang nangyayari sayo na bata ka? Bigla ka nalang nawala ng ilang araw, saan kaba pumunta? May problem aba kayo ni Jovani? Pumunta siya rito ng nakaraang araw at hinahanap ka.” Mahabang sabi ng kanyang mommy. Humakbang siya palapit sa mga ito at naupo sa katapat na single sofa. “M-Mom.. D-Dad.. A-Ako at si Jovani ay B-Break na. w-wala na pong kasalang magaganap.” “ANO!?” panabay na bulalas ng mag asawa. “May nangyari bang di naming nalalaman? Kalian lang excited ka sa pagpaplano ng inyong kasal at..” kusang ibinitin ng kanyang ama ang sinasabi at hinintay na kusa siyang mag salita. Nang maalala ang dating nobyo ay nakaramdam siya ng sakit ng maalala ang kataksilan nito pero di na katulad ng dati. Ngayon wala na siyang dahilan para magalit dito dahil maging siya ay nagawang magtaksil dito at ang masaklap ay sa kapatid pa nito. Ang maganda lang s anangyari sa kanya, nakilala niya ang kanyang sarili at kung sino talaga ang gusto niyang makasama habang buhay. “N-Napag kasunduan namin ni Jovani na huwag munang ituloy ang aming kasal lalo na at kapwa kami nagugulohan ngayon. Baka po masyado kaming nagmamadali ei di pala kami ang para s aisa’t-isa.” ‘Sabagay mga bata pa naman kayo pero saying naman ang dalawang taon ninyo kung..” anang kanyang mommy. “M-Mom.. n-narealized ko na h-hindi pala dapat si Jovani ang minahal ko.” “Anak!?” “Ewan mom, nagugulohan po talaga ako. Kailangan ko lang ng time at space para mag isip.” “Alam mo, tama yan Anak,” sabi naman ng kanyang Daddy. Ang kasal nariyan lang naamn yan. Di kailangan mag madali, ang mahalaga ay yong sigurado ka sa sarili mo. Magkasundo ang isip at puso mo kung sinong lalaki ang gusto mong kasamang humarap sa Altar. Gusto ko si Jovani para sayo pero.. bakit nga ba hindi naging kayo ni Van. Alam mo.. mas panatag ako s abating yon. mas sa tingin ko siya ang nararapat para sayo.” Sabi pa nito. “D-Dad?” “Hahaha nagbibiro lang ako anak. Naisip ko lang kasi na mas mahaba ang mga taon na pinagsamahan ninyo ni Van bilang magkaibigan. At never kayong nag away samantalagang si Jovani, s aloob ng dalawang taon.. nakita ko ang mga naging problema ninyong dalawa. Di ako nangingialam pero nagmamasid lamang ako sa inyo at nakikiramdam.” Napayuko si Maxine. Sukol siya ng ama. “Huwag mong pansinin ang mga sinabi ko, nasa edad kana naman para magdesisyon para sa iyong sarili. Kung bukas babalik ka rito at may ipapakilala ka sa amin na bago? Asahan mo na nasa likod mo lagi kami ng mommy mo. Kung saan ka liligaya, doon kami susuporta.” Nangilid ang luha sa mga mata ng dalaga. Di talaga nagkulang ang kanyang mga magulang na intindihin siya. Kaya naman di na niya napigil ang sarili at tumayo na saka lumapit sa kanyang mga magulang at sabay niyang niyakap ang mga ito. Magaan ang loob na lumabas ang dalaga at umuwi na sa kanyang bahay. Tahimik at madilim ang kanyang bahay ng siya ay pumasok. At dahil kabisado niya ang di kalakihang sarili niyang bahay, agad niyang tinungo ang sala ng di na nag abala na mag bukas ng ilaw. Nang makaupo ay isinandal niya ang kanyang ulo. Tapos na para sa araw na ito ang gusto niyang mangyari.. ang tanong handa na ba siyang makaharap si Jovani? Kailangan nyang gawin. Kailangang magkausap sila para maayos na ang problema. Para sa pag balik ni Van, wala na itong iisipin pa. Napangiti siya ng maalala ito. Ano kaya ang ginagawa nito ngayon? Tanong niya sa sarili. Kinuha niya ang kanyang phone. Maghapon niya iyong di tiningnan kaya excited siya na baka may Text ito. Peron g wala kahit isa siyang text message.. nanlumo siya. Ganun pa man ay inisip nalang niya na baka busy ito sa trabaho sa maghapon at tulog na ito sa mga ganung oras. Nag send siya ng Text dito bago siya nagpasya na umakyat na sa kanyang silid. Subalit matagal na siyang nakahiga ay di parin siya makatulog. Di siya dalawin ng antok. Walang ibang laman ang kanyang isipan kundi si Van. Ang bestfriend niya. Ang lalaking nasa kanyang tabi sa lahat ng oras. Isang tawag lang niya rito ay darating agad ito. Tuwing nasasaktan siya kapag nakakalimutan ni Jovani ang mga special nilang mga araw, ito ang nasa kanyang tabi. At tuwing gusto niyang umiyak, laging nakahanda ang dibdib nito.. laging bukas ang mga bisig nito para yakapin siya. Ang mga palad nito para punasan ang mga luha niya. Ang tanga niya.. hindi niya alam na tuwing masaya siyang nagkukwento dito ng mga nangyayari sa kanila ng kapatid nito, Ang hindi niya alam.. subra naman itong nasasaktan pero nagagawa pain nitong ngumiti sa kanyang harapan. Matagal na niya itong nasasaktan pero wala siyang naririnig mula rito ng pagrereklamo. Oras na para bumawi siya rito. Hinding-hindi na niya ito sasaktan pang muli. Wala sa loob na nasalat niya ang kanyang labi na para bang nararamdaman doon na nakalapat ang labi ng binata. Napapikit siya ng kanyang mga mata at tila sine na nag flashback sa kanyang isip ang nangyari sa kanilang dalawa ng kaibigan. DALAWANG ARAW na lango sa alak si Van at di siya nakapasok sa kanyang trabaho. Ng sumunod na araw ay nag tungo siya roon para magpaalam na babalik siya ng Maynila. Gusto niyang makausap si Maxine. Kailangan nyang malaman kung ano ang plano nito. Kung ano man ang desisyon nito, tulad ng kanyang pinangako.. mananatili siya sa tabi nito hanggang s apag tanda nito kahit bilang kaibigan lang. Ang mahalaga kasama niya ito.. higit sa lahat, masaya ito sa kung ano ang napagdesisyunan nito. Nang oras na yon mismo, sakay ng Private plane, bumiyahe siya pabalik ng Maynila. Samantala, Matapos maisaayos ni Maxine ang lahat nakahinga na siya ng maluwag. Si Jovani nalang ang kulang. Buo na ang kanyang pasya, handa na siyang harapin si Jovani at makausap ito. Palakad-lakad siya sa kanyang sala, katanghaliang tapat noon at hawak ang kanyang Cellphone habang nag dadalawang isip kung tatawagan si Jovani o siya na ang pupunta sa opisina nito. Ang una ang mas pinili niya. Tatawagan niya ito at papupuntahin sa kanyang bahay. Ilang ulit muna siyang humugot ng hangin sa kanyang dibdib bago dinayal ang numero nito. DI nga nagtagal matapos silang mag-usap ay dumating ito. Ang totoo ay kinagulat niya iyon. alam niyang ito ang taong di iiwan ang trabaho para sa kung saan lang. Magkaharap na sila ngayon sa bakuran ng bahay ni Maxine. Hindi parin malaman ng dalaga ang sasabihin dito. Bigla yatang naglaho ang lakas ng kanyang loob. Ang mga sasabihin niya na kanina pa niya paulit-ulit na pinagpapraktisan ay tila nakalimutan na niya. “H-Hi!” Unang basag nito sa katahimikang namayani sa kanilang dalawa. “K-Kumusta ka na. Alam mo ilang ulit akong nagpabalik-balik sa bahay ninyo ng malaman ko na nag leave ka sa trabaho at wala ka rin dito sa bahay mo.” Anito na napayuko. “Maxx.. g-gusto ko sanang..” “Alam mo narin siguro na wala ng kasalang magaganap.” Tanong niya rito sa mahinang boses. “Alam ko.” Mabilis nitong sabi. “Ganun pa man, gusto kong humingi sayo ng tawad sa lahat ng mga pagkukulang ko. Lalo na sa katak—“ “Huwag Jovani. Di mo kailangang mag sorry doon. Sa halip ako ang nagpapasalamat sa lahat-lahat.” “M-Maxx?” “Dahil sa mga nangyari.. natauhan ako. Sabihin na natin na nagising na ako sa katotohanan.” “A-Anong ibig mong sabihin?” “Na-realized ko na hindi pala talaga kita Mahal.” “At narealized mo na si Van ang mahal mo ganun ba?” “J-Jovani?” Ganun ba siya ka-transparent kaya agad nitong nabasa ang saloobin niya? “At sigurado ako na si Van ang kasama mo sa loob ng mga ilang araw na nawawala ka.” Siguradong sabi nito kaya naman lalo siyang nawalan ng lakas ng loob na sumagot. “Look, siguro parehong nakatulong sa ating dalawa ang nangyari. Pareho tayong may narealized sa ating mga sarili.” “A-Anong ibig mong sabihin?” “Sabihin na natin na hindi tayo ang para sa isa’t-isa.” “J-Jovani..?” Ngumiti ito. “Nakakainis lang isipin na kailangan nating umabot sa ganito bago natin mahanap ang tamang tao na para sa atin.” Tumayo na si Jovani saka napatingin sa sariling Relo. “Kailangan ko ng bumalik sa office. Babalik ako mamayang gabi para makapag kwentuhan tayo.” Anito na nakatingin lang sa kanya na di parin magawang mag salita. “C’mon.. cheer up lady.. ngayon ka pa ba maiilang sa akin? Magkaibigan parin naman tayo diba?” nakangiting inilahad nito ang isang palad sa kanya. Napabuga muna siya ng hangin saka ngumiti at tinanggap ang palad nito. Hinatak naman siya nito patayo at sabay na niyakap siya. “Huwag mong isiping di kita minahal o di kita mahal kaya ganito kadali sa akin na pumayag sa gusto mo. Mahal kita. Minahal kita.” Malumanay nitong sabi habang yakap-yakap siya. “Pero hindi ako ang nararapat sayo. I’m so sorry sa lahat-lahat Maxx.” Gumanti siya ng yakap dito. Ngayon ay napakagaan na ng kanyang dibdib. Wala na siyang aalalahanin pa. “Mahal din kita.” Sagot niya rito. LINGID sa kaalaamn nilang dalawa, Nakita sila ni Van na noon ay kadarating lamang. Muli itong napa-atras ng marinig nito ang sinabi ni Maxine. Bago siya tumalikod ay napa-tiim bagang siya at napakuyom ang mga kamao sa nakitang tagpo. Magkayakap ang mga ito. Agad siyang lumabas ng gate at tinungo ang kinapaparadahan ng kanyang kotse. KINA MAXINE AT JOVANI. “Yeah.. we love each other as a friend or just like brother and sister.” Nakangiting sabi ni Jovani na binitawan na ang dalaga. “Siguro nga..” aniya na napayuko. “I’m sorry…” aniya na di na makatingin dito sa isiping may nangyari sa kanila ng kapatid nito. Kahit papano ay nakaramdam naman siya ng pagka-guilty. “Ano ba naman.. Maxine, gusto kong masaktan. Di mo man pormal na inamin na si Van ang mahal mo, masakit parin isipin na kapatid ko ang pinalit mo sa akin. Hahaha.. ano ba ang karapatan ko na magalit? Ei ako nga, pinabayaan kita. Pero syempre, masaya talaga ako na si Van ang lalaking yon.. alam ko na siya ang nararapat sayo.” Muli nitong kinabig ang dalaga. Kahit papano naman ay nasasaktan siya sa kinahantungan ng kanilang relasyon. Sinayang niya ang dalawang taon. “Hayaan mo lang ako na yakapin ka ngayon. Baka mula bukas di na ako papayagan ni Van na madikit manlang sayo.” Sinabayan niya ng pagak na tawa ang sinabi. Natawa narin ang dalaga. SAMANTALA, natigilan si Van sa akmang pag bukas sa kanyang kotse. Naalala niya ang kanyang pangako sa sarili. Mananatili siya s atabi ng dalaga ano man ang magiging desisyon nito. Kung talagang mahal nito ang kapatid niya at doon ito magiging masaya, masaya narin siya. Ilang saglit muna siyang nakatayo lamang roon. Hinila niya ang susi na kasalukuyan niyang iniikot at binalik iyon sa kanyang bulsa. At sa kanyang pag pihit pabalik sa bahay ng dalaga ay siya namang pag labas ng kotse ni Jovani. Kung napatigil siya ay itinigil din nito ang kotse nito at ibinaba ang salamin ng bintana sa tabi nito na siyang katapat niya. Seryoso siya nitong tiningnan kaya naman di niya napigilang mag tagis ang kanyang mga bagang. Naikuyom din niya ng mahigpit ang kanyang mga kamao. Nagkasukatan sila ng tingin. SIya na di mapigilang ipakita ang galit dito at pagseselos habang ito naman ay agad na lumambot ang ekspresyon ng mukha saka ngumiti sa kanya. Maya lang ay itinaas na nitong muli ang salamin ng bintana at muli ng pinaandar ang kotse nito. Napasunod tanaw siya sa palayong kotse at ng tuluyan itong mawala sa kanyang paningin, sunod-sunod na buntong hininga ang kanyang ginawa. Oo masakit.. ganun naman talaga kapag tunay kang nagmamahal, siguradong masasaktan ka. Matagal na siyang nasasaktan pero bakit di parin siya masanay-sanay? Napailing siya sabay tingala ng maramdamang may mga luhang gustong umalpas sa kanyang mga mata. PAPASOK na si Maxine sa loob ng bahay ng mapatingin siya sa gate dahil narinig niyang bumukas iyon. Bigla ang pag-uumapaw ng saya sa kanyang puso ng Makita ang pumasok. Mabagal ang mga hakbang nito habang nakayuko sa pag lalakad. “V-Van..” Pabulong na tawag niya rito. Maluha-luha pa siya habang nakatingin dito at abot taynga ang mga ngiti. Gusto niya itong takbuhin ang salubungin, ngayon niya naramdaman na subrang na-miss niya ito sa ilang araw na di manlang ito nag text sa kayan o tumawag. Saglit itong huminto ng maramdamang nakatingin siya rito. Nag anagt ito ng paningin at nagtama ang kanilang mga mata. “V-Van!” di na niya mapigilang bulalas at kusa na siyang lumapit dito. “Mabuti at nakabalik ka na. Tapos na ba ang trabaho mo sa Palawan.?” Aniya ng nasa tapat na siya nito. Umiling lang ito. “Kumain ka na ba? Halika, mag luluto ako para makaakin ka.” Masigla niyang sabi na nagpatiuna ng lumakad papasok ng bahay. Tahimik lang itong sumunod sa kanya at ng makapasok ay naupo ito sa sofa. “Ang totoo, babalik pa ako roon.” “H-ha?” “Hindi pa tapos ang trabaho ko. Sumaglit lang ako rito para tiyaking ayos ka lang.” muli itong tumayo at namulsa sabay buntong hininga. “ At ayan.. mukha ka namang ayos. Masaya. Naayos mo narin ang dapat mong ayosin..” saglit tong huminto at muling nag buntong hininga. “M-Masaya ako at ayos na kayo. Ilang linggo akong wala.. balitaan mo nalang ako sa mga plano ninyo, di ko man agad mapansin yon.. h’wag kang mag alala tatawagan kita kapag nakabalik na ako. ” Nagugulohang napakunot noo ang dalaga. “V-Van? A-Anong..?” “Sige na, aalis na ako.” Malamig nitong sabi at tumalikod na saka humakbang patungo sa pinto. “Van!” Subalit tila di siya nito narinig na tuloy-tuloy na lumabas ito ng bahay. Tigagal at di nakakilos sa kanyang kinatatayuan si Maxine habang nililimi ang mga huling sinabi nito. -----ITUTULOY---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD