Chapter 13

1511 Words
Chapter 13 Nica's PoV Ang boring kapag wala yung dalawang tukmol sa tabi ko, Absent na nga si Allan the abno at si naman weirdo nag-ditch pa sa apat na klase namin. Weirdo talaga. Mabuti na lang hindi ako tinatanong ng teacher namin, paniguradong natutulog na naman kung saan si weirdo panigurado sa sigurado. Tulog ng tulog akala mo naman sobrang pagod sa buhay, Tulog sa umaga at baka laging gising sa Gabi daig pa yata ang security guard tuwing night shift. Siguro kahit kwago matatalo n'ya sa pahabaan ng tulog. Saktong uwian na namin at lalabas pa lang ako ng room ng matanaw ko mga kaibigan ni weirdo sa labas. Araw-araw nila hinihintay sa labas ng room si Ryle. Akala mo mga Royal guards ng weirdo. Pero ngayon wala sila makakasabay. "Wala si Ryle nag-ditch sa apat na class." Sumbong ko pero na tanga naman sila sa sinabi ko. Nag-tinginan naman sila sa Isa't Isa at napunta Ang mga tingin nila sa akin? "Sure ka ba?" "Baka naman nagtatae lang sa CR." "O kaya naman umuwi na." Possible rin mga sinasabi nila pero kung nakauwi na yun ano naman sa 'kin? Matapos n'yang mag-mala Titan. Mabuti na lang at nahuli ng isa sa mga kamag-anak n'yan, kung hindi? Naku, malala pa sa scandal ang magaganap sa weirdo na 'yun. Napa-finger snap na lang bigla si Aldian at malawak na ngumiti sa amin. "Oh, ano? Nginingiti-ngiti mo d'yan nagpapantasya ka na naman sa 'kin?" Masungit na usisa ko na kinaduwal-duwal naman ng mga kulugo. Aba-aba, talaga namang saksakan ng kagandahan 'tong petty face ko. "Alam ko na kung nasaan ngayon si boss!" Masayang Sabi ni Aldian at tumakbo Kung saan. Sinundan naman namin s'ya kahit pa napakabilis n'ya tumakbo daig pa ang cheetah sa bilis, nagtungo kami sa rooftop at Nakita namin syang nakaluhod at umiiyak mag-isa. Hala na pano sya, sinumpong na naman ng pagiging kulugo. "P-patay na s'ya." Kunwaring iyak nya sabay turo kay Weirdo na natutulog sa sahig. Sun bathing? At nagawa pa n'ya matulog sa initan ha? Grabe talaga ang kaantukan nito walang pinipiling lugar at klima, sala init sala sa lamig. Asong gala lang? Lumapit naman kami du'n sa kanya at sinubukan gisingin, kahit anong gising namin talagang tulog mantika talaga si weirdo. Kahit pa end of the world na siguro, hindi talaga gigising 'to. "P're, gising na nagagalit na Misis mo." Bulong ni Clarence at ikinatawa naman ng mga kasama n'ya. Nang marinig ko 'yun automatikong gumalaw ang kamay ko at binatukan ko naman si Rence na dahilan na kinakamot ng ulo n'ya. "Hoy, di pa tayo bati, mga kulugo. Matapos n'yo iwan yang kaibigan nyo sa 'kin." "Sorry na, maganda ka naman eh." "Hayaan mo, ililibre ka namin." Gagong to! Di ako magkakagusto sa batugan na katulad nya! Baka mamaya kapag sya ang mapangasawa ko ako pa magtrabaho at mag alaga, sira kinabukasan ko sa lalaking 'yan. Sinamaan ko lang sya ng tingin. Ilan beses na namin niyugyog si weirdo pero Wala itong imik. "Aha! Alam ko na!" Sabay nilang Sabi at nagkumpulan sa isang sulok at Kung ano ano Ang binulong. Hello Di niyo ba ako isasama sa usapan nyo? Habang naguusap sila namataan ko Naman Ang cellphone ni Ryle sa sahig kanina pa nag ringtone pero na end call Ito bigla. Di ko maiwasan Ang Hindi makialam pero Kailangan ko makakalap ng data tungkol sa kagaguhan ni weirdo Malay natin may nakatagong s*x video sya rito or ano. Kinuha ko Ang cellphone nya nag swipe-swipe at maswerteng Walang password Ang cellphone. Makakahanap rin ako ng data rito. Pagbukas ko ay bumungad sa kin Ang isang wallpaper ng cellphone ni Ryle. Picture nya na may kasamang babae na nakayakap nya. Pansin ko Rin na nakangiti Ito ng wagas kulang nalang ipakita Ang gilagid nito at mga Mata nyang nagniningning sa saya. Tumingin Naman ako sa kanya na ngayon ay malakas Kung humilik. Ang laki ng pinag bago pala nya. Ang gwapo pala nya Dati ngayon slight na lang. Ang laki-laki ng eyebugs, gusot lagi Ang uniform at ang payat-payat, Lagi pang inaantok na parang kwago. Pero Sino Naman itong babaeng kasama n'ya? Walang buhay Ang kanyang mga Mata Di man lang nakangiti sa Picture. Ito yata Ang kinuwento sa kin ni Aldian. Ibinalik ko na lang sa bag ni weirdo Ang cellphone nya. Pagharap ko sa kanya laking gulat ko nang nagbago mukha nya dahil sa drawing sa mukha nya. Ahahaha nilagyan pa ng kaibigan nya ng malaking nunal at bigote. Natutulog yung tao pinag tritripan pa Kaya Laging galit si weirdo sa kanila e. Napailing na lang ako sa pinag gagawa nila nagawa pa nilang picturan Ang mukha ni Ryle at pinagtawanan pa. Hayst mga Walang magawa sa buhay. Lagot Kayo paggising ni weirdo mag-aapoy na Naman sa galit Yan. "Mabait naman 'yan si boss, may pinagdadaanan lang." Paliwanag ni Aldian at niyaya n'ya ako umupo sa sahig. "Tama, wasak kasi puso ni lover boy." "Wasak?" "Broken, ganun. Ano ka ba taong bundok 'di mo alam?" Pang-aasar ni Rence at binatukan ko uli s'ya. "Aray naman! Ba't ako lagi binabatukan mo! Sila rin dapat!" Nakangusong reklamo n'ya. "Tigilan mo kaka-nguso mo d'yan, mukha kang bibe." Pabalik na kutya ko naman "So, Nica. May itatanong ako?" Pag-iiba ng usapan ni Aldian. "Ano naman 'yun?" "Papayag ka bang maging girlfriend nitong boss namin?" Tanong n'ya na kinamula ko. "Nahihibang ka na ba?!" "Alam kong sasabihin mo 'yan, pero oo nahihibang na ako." "So, bakit ako? May iba naman d'yan pwede mo alukin ng ganyan. Ba't ako pa?" "Well, wala na ako ibang matulungan eh. Malapit na kasi umuwi ex-girlfriend nitong boss namin, eh ang kaso hindi pa s'ya nakakamove-on." "Tsaka na natin 'yan pag-usapan, pag-iisipan ko." "Kung nag-aalinlangan ka d'yan kay boss, harmless yan. At inosente pa sa mas inosente 'yan kung aakalain ko." "Masama lang ang ugali, pinaglihi yata 'yan sa tumbong ni satanas." Sambit ni Aldian na kinatawa namin. Totoo naman, kasing itim ng pwet ni satanas ang ugali nitong weirdong 'to. "Pero kung pagmamasdan mo 'yang pagmumuka ng boss namin, mas marami 'yan problema kaysa sa amin." "Balita namin, 'di na rin sila binalikan ng magulang nila ng kapatid n'yan." "Mabuti na lang, si Tita Jena na ang nag-alaga sa kanila." Tumingin naman sila sa 'kin. "Kaya sana pumayag ka na, saglit lang naman 'to hanggang sa makauwi si Aira." Aira pala ang pangalan ng babaeng kinaadikan nitong si weirdo. "Gaya ng sabi ko, pag-iisipan ko muna maigi. Kapag may sagot na ako sasabihin ko agad sa inyo!" Inis na sabi ko na kinatawa lang nila. Mga impaktong 'to, may gana pang tumawa matapos mag-drama. Pero naaawa rin ako sa kalagayan ni weirdo, may side ko na gusto ko pumayag sa inaalok ni Aldian. Pagpapanggap lang naman gagawin ko 'di ba? Walang malisya at seryosong relasyon. Pero hindi, pumasok na rin ako sa ganitong relasyon pero hindi naging maganda ang resulta. "Kung sakali bang pumayag ako, may kapalit ba?" "Depende 'yan sa 'yo." Tumayo ako at pinagpagan ang palda ko, at sabay pinagsisipa ang mga kulugo. "Aray ano ba!" "Tuwang-tuwa, ano ba sadista ka ba?" "Mas na baliw yata kay boss sa inalok mo, Aldian." Tinigil ko na ang pagsisipa sa kanila at nagtungo na ako sa pinto. "Sasabihan ko kayo, kung ano ang sagot ko." Bumaba na ako sa hagdan. At sa 'di inaasahan ay nakasalubong ko sa hallway si Allan, umiwas s'ya ng tingin at tuloy-tuloy lang maglakad paalis. Kakaiba ang mga mata na 'yun, walang kabuhay-buhay at katamlay man lang. Siguro hindi lang ako napansin ng abno na 'yun. Ryle's POV Nagising ako sa mga ingay ng kung saan at napilitang tumayo. "Ano ba! Ang ingay n'yo naman!" Niyugyog naman ako ng mga kulugo at niyakap ng mahigpit. "Ano ba, bitawan n'yo nga ako. Nakakabading." "Aww, 'di naman masakit boss." "Parang 'di tayo nagsabay-sabay maligo nung bata pa tayo boss ha?" "Akala mo 'di umiyak nung nagpatuli tayo, hmpk." "Tigilan n'yo ko sa kadramahan n'yo ha? Ano ba meron at ang ingay-ingay n'yo?" "Wala boss, kailangan na natin mag-celebrate." "Celebrate? Saan naman, may birthday ba?" Tumingin naman ng mga nakakaloko ang mga kulugo sa 'kin, mga tingin ng naglalaway at pagnanasa. "Lubayan n'yo ko, mga kulugo!" Dali-dali naman ako kumaripas ng takbo paalis sa rooftop at sinundan naman ako ng mga ito. "Mahahabol ka rin namin boss! Sa Girl's Basketball Team tayo maninilip!" Sabay at masaya nilang sabi sa 'kin at hinabol nila ako. At isang class bell na naman ang tumunog ngayon araw na ito. A/N: konichiwa! Sa wakas nakapag-update na rin, kahit MECQ ay may ginagawa pa rin kami at nakabased na kami sa LM book. Sana support n'yo pa rin ang story na 'to! Btw i have a big announcement, dahil magkakaroon na ako ng story series kaya abangan n'yo! ++Don't forget to Vote,Comment and Share++?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD