Chapter 14

1092 Words
Chapter 14 Trust Ryle's POV "Kaasar talaga!" Sigaw ko pagpasok ko sa grocery store at napatingin naman sa 'kin mga staff at namimili sa loob. Wala ako pakialam sa kanila, mind their own business. Ngayon lang ba sila nakarinig ng gwapong sumigaw? Libre naman sumigaw at hindi naman pinagbabawal 'yun. Today is Saturday at ito na dapat ang aking pahinga pero napaka-impakta ng kapatid ko. Akala ko pa naman konti lang ipapabili ng impakta kong kapatid. Tinulak ko na Ang push-cart ko papunta sa frozen section. 239 na lang makakauwi at matulog na ko Ng mahimbing, Sa susunod ilolock ko na ang pinto ko. Biktima ako lagi sa pambubudol n'ya at malamang tuwang-tuwa ang impakta dahil kumagat na naman ako sa bitag nya. "Impakta ka talaga." Bulong ko sa sarili ko habang kumukuha Ng isang balot Ng french fries, nuggets at hotdog. At tanging ang impakta Kong kapatid ko lang daw kakain nito, walang hiya sa bumili ng pagkain n'ya. Puro mamantikang pagkain pa talaga! Tapos ang pamasahe ko pa ako pa nag-abono. Ang babaeng 'yun, kaasar! [Flashback] Sarap talaga matulog lalo na't walang pasok. Pag-walang pasok walang kulugo, less stress at less— "Kuya!Kuya!" Binabawi ko na pala sinabi ko. Kahit sa bahay may balakid pa rin sa tulog ko. Tumalon na lang agad ako sa kama ko at humiga. Tuloy-tuloy s'yang pumasok sa kwarto ko at tinakpan ko ng unan ang mukha ko at nagkukunwaring walang naririnig. Sige, kahit mag-megaphone ka r'yan. "Kuya alam kong gising ka." Napatayo na lang ako sa inis at napadaing naman ako dahil sa suntok sa tyan ko. Ano na Naman kailangan ng impaktang to?! Pangiti-ngiti pa Ang demonyong may mahabang Sungay. Impaktita, naiimagine ko kung gaano ka-demonyo ang tinatago nito sa likod ng mala-anghel n'yang mukha. Mapangpanggap! Napahimas ako sa t'yan ko, inirapan ko lang sya at binuksan ang pinto ng kwarto ko. "Labas ka na." Walang gana kong sabi pero nanatili pa rin sya naka-upo sa kama. Pataasan ng pride, ha! May something sa mga ngiti nya at hindi maganda kutob ko rito, bigo akong mapaalis ang kapatid ko kaya bumuntong hininga ako bilang pagsuko. "Kuya Alam mo Ang gwapo mo pa Rin kahit nakasimangot ka." Enebe! Metegel ke neng elem yen! Nasamid na lang ako bilang sagot. Dali-dali ako pumunta sa harap ng salamin at pinagmasdang ang repleksyon ko rito. Napaka-gwapong nilalang ng nakikita ko, nakalimutan ko na ako pala 'to. Ang dating mapula at kissable lips na ngayon ay kasing tuyot na ng disyerto, ang mga bilugan kong mata na umitim na sa baba at buhok kong messy pero gwapo pa rin ako. Uso naman glow up sa panahon ngayon! Edi mas saksakan pa ako ng gwapo kung mangyayari 'yun. "Ganun talaga nadadala ng aura ko." Pagmamayabang ko. Ako Kaya Ang perfect na lalaki. I faced my little sister, and pointed my self. "Do I look perfect?" Tanong ko at tumango sya bilang sagot. Napangiti naman ako kahit hindi nila sabihin ako talaga Ang pinaka gwapo sa buong mundo—buong universe pala. Akala nila payat ako, No nagkakamali sila nahihiya lang Ang mga abs ko nagpakita baka pagkaguluhan ako NG MGA babae. At ganun ako kagwapo. "Kahit ano, aking gagawin. Para sa 'yo bunso." Sabay kindat at tinawanan lang n'ya. "Ang cringe mo, kuya." Pang-aasar n'ya, aba-aba talaga naman! Lumapit s'ya sa kin at nag-abot ng isang pirasong papel. Binuklat ko naman ito at binasa ang laman. Chicken lang to sa 'kin konti lang pala ipabibili sa grocery. [End of flashback] Di ko naman aakalain na pagpunta ko rito at pagbuklat ko ng listahan ng bilihin ay may bumagsak pang ibang papel. Ibang klase talaga Ang impakta Kong kapatid tapos sya lang kakain ng lahat ng 'to Habang tinutulak Ang pushcart papunta sa susunod Kong pupuntahan may natanaw ako di kalayuan. Parang kilala ko Ang pigura NG babaeng to? "Are you my stalker?" Pagtataray na tanong sa kin. Ilang araw ko ba hindi nakausap si Nica at parang kakaiba sya ngayon? May dalaw siguro s'ya ngayon linggo, well 'di ko ranas ang magka-mens. Inirapan lang n'ya ako at naglakad na paalis sa harapan ko. Parang hindi si Nica ang kaharap ko o ito talaga Ang iba pang ugali ng babaeng 'to kapag wala sa school? Tch, mapangpanggap din katulad ng kapatid ko. Dahil sa inis ay 'di ko namalayan na nasundan ko s'ya papunta sa cans and goods section. Hindi maganda pakiramdam ko rito sa pagtingin ng masama n'ya sa 'kin. "Ano ba kailangan mo, aber?" "Nothing, assumera ka rin 'no?" "Aba talagang ako pa ang—" Binangga ko na lang pushcart n'ya gamit ang cart ko at umalis, nagulat na lang ako na sundan n'ya ako. Nakikita kong umuusok na ang ilong n'ya sa galit. Mas dinalian ko pa ang pagtakbo ko sa cart ko. "Stop following me, Nica!" Tumalikod naman ako pero wala na s'ya, mabuti naman at hindi na ako hinabol ng baliw na 'yun. Pumunta na ako sa cashier para magbayad ng pinamili ko. Paglabas ko nakita ko naman si Nica na hirap na hirap maglagay ng mga box na sa tingin ko ay pinamili n'ya sa compartment ng kotse n'ya. "Tulungan na kita." Walang ganang sabi ko at nilapag ko muna sa sahig ang mga pinamili ko at tinulungan ko s'ya ilagay mga box sa compartment ng kotse n'ya. "Oh, ayan. Tapos na, aalis na ako." Aalis na sana ako ng hilain n'ya ang laylayan ng t-shirt ko. "B-bakit?" Nag-aalangan kong tanong at kung may ano s'ya nilagay sa bulsa ng pantalon ko. "H-hoy ano yan!" "Pa-thank you ko, bobo!" Dali-dali naman syang sumakay sa kotse at pinaharurot ang kotse paalis. Punyeta talaga ang babaeng yun. Tiningnan ko naman ang nilagay n'ya sa bulsa ko, isang maliit na pakete ng plastic na may tatak na 'trust' na kulay kahel. Sinilip ko naman ang cellphone ko at sinearch sa google kung ano 'tong trust na 'to. Nagulat na lang ako sa nahanap kong impormasyon. 'A sensitive, strong and reliable orange-scented condom highly effective in preventing unwanted pregnancy and the transmission of sexually transmitted diseases, including HIV/AIDS and are effective reduce the risk of unintended pregnancy.' "C-condom." Nauutal na sabi ko. Nica, ikaw talaga! A/N: Yehey! Another update na naman tayo! Siguro matagal na naman bago ako makapag-update ng bagong chapter. Btw excited na ba kayo sa mga upcoming series ko? Abangan n'yo!? ++Don't forget to Vote,Comment and Share++?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD