Kabanata 1

2827 Words
Nakangising tumakbo ako sa abot ng aking makakaya papunta sa halamanan ni Mama. Yumuko ako para makasiksik ako sa gilid ng matatabang halaman. Humagikhik ako nang tagumpay akong nakapagtago bago tumatawang sumilip. "Madaya ka Nana! Na-bang na kita kanina e!" Sigaw ni Ate Lala mula sa siwang ng aming garden. Tinakpan ko ang aking labi gamit ang isang kamay para mapigilan ang tawa kahit malabo naman niya akong marinig dahil sa lakas ng tugtog mula sa entrance ng aming mansyon. Abala ang lahat maging ang magulang namin dahil sa gaganaping party mamayang gabi. Ang alam ko ay tungkol iyon sa negosyo, wala akong interes sa mga ganoon kaya hindi ko masyadong iniintindi. Habang abala sila ay nagpasya kaming maglaro ni Ate ng tago-taguan dahil wala naman kaming magawa. Summer ngayon kaya walang klase. Boring ang buhay ko tuwing bakasyon kung tutuusin dahil kahit bakasyon ay kailangan ko paring mag-aral. Hindi ako 'yong batang ganoon kagaling pagdating sa klase at 'di rin ako ganoon katalino kay Ate kaya lagi akong may line of 70 sa aking report card. Hindi iyon ni-tolerate ni Mama kaya hindi ako pinapasama pag nagbabakasyon si Ate at Mama sa Pangasinan. Ako, ang tutor ko at ang mga katulong lang ang tropa ko tuwing summer dahil kadalasan ay nasa business trip ang Daddy. Isipin ko palang na bukas na ang alis nila Ate patungo sa Pangasin ay nalulungkot nanaman ako. "Nana! Labas kana!" Sigaw ni ate na ngayon ay sinisilip na kada likod ng matatabang halaman. Nanatili ako sa aking pwesto at hindi nagpatinag. "Dinadaya mo naman ako e, nahuli na kaya kita kanina." Aniya ulit na parang sigurado siya na naririnig ko siya. Humagikhik ako. Natatawa ako dahil ang cute ni Ate. 16 years old na siya pero nakikipaglaro parin siya sa'kin na parang bata. Maganda si Ate. Mahaba ang straight niyang buhok 'di tulad ng akin na kulot at maikli. Maputi rin siya at ako nama'y hindi gaano dahil mas gusto kong naglalaro sa tapat ng araw. Pero kung usapang height ay panalo ako. Maliit lang si ate at ako naman ay matangkad. Sa edad kong 11 years old ay halos natatangkadan ko na siya. Sa totoo lang ay ako ang laging isinasabak sa mga pakontes sa room pero natatalo ako dahil kulang ako sa utak. "Boo! Huli ka!" Napasigaw ako nang mahuli ako ni ate sa pinagtataguan ko. Balak ko sanang tumakbo palayo at magpahabol sakanya pero napansin kong namumutla na siya. "Ate, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko at bahagya siyang inalalayan. "I'm ok, pasok nalang tayo sa loob. I just need water..." Mahina niyang sabi. Kinagat ko ang ibabang labi dahil bumilis ang t***k ng puso ko. Nakalimutan kong bawal nga pala siyang pagudin. My sister has a heart disease. May butas iyon at ang pagpalit ng panibagong puso ang kailangan para gumaling dahil hindi na epektibo ang gamot at therapy lang. Ilang taon na akong nakakasaksi sa pinagdadaanan ni ate at kahit gaano kami kayaman ay hanggang ngayon wala parin kaming mahanap na magiging donor. Naiintindihan ko. Sino nga bang tao ang magtatapon ng buhay at ibibigay ang puso sa ate ko. Wala namang tindahan na maaaring pagbilhan ng puso ng tao. Pwede rin namang magdonate 'yong mga taong nasa bingit na ng kamatayan pero para sa pamilya ng taong iyon ay kalapastanganan ang gagawin namin. Pambababoy daw pero hindi nila naiisip na maari noong dugtungan ang buhay ng Ate ko. Inalalayan ko si ate papuntang kusina. Agad akong kumuha ng malamig na tubig para kay ate. Inabot ko sakanya ang isang baso ng tubig matapos kong kumuha sa dispenser. "Nana, anong nangyari sa ate mo?" Malalim na boses ni Daddy mula sa pinto ng kusina. Nag-aalala siyang lumapit kay Ate. "Pinagod mo nanaman ba ang ate mo?" Mahinahon pero madiin nitong sabi. Biglang namawis ang kamay ko. Ang bobo ko naman kasi e. Nakalimutan kong hindi siya dapat pinapagod. Ako itong walang sakit, ako dapat 'yong nagbabantay sakanya pero ako pa ang nagpakana. "Daddy, ayos lang. M-magpapahinga nalang po muna ako.." Sabi ni Ate bago siya inalalayan ni Daddy papunta sa kanyang kwarto. Sumunod ako sakanila. Sobrang pag-aalala talaga ang nasa mga mata ni Daddy. Ngumiti ako at sumandal sa siwang ng pinto habang nakatingin kay ate na hinalikan ni Daddy sa noo matapos ipahiga at lagyan ng kumot. Hindi ko mapigilang maingit kahit sobra sobra na ang tinatamasa ko. Kung tutuusin ay dapat sobrang saya ko dahil ang swerte-swerte ko kasi mahal ako nila Daddy at Mama pero hindi ko mapigilang punahin ang pagkakaiba namin ni Ate. Syempre, tunay siyang anak at ako ay pamangkin lang na inampon dahil nakakaawa. Hindi naman sila mapaglihim dahil simula palang ay sinabi na nila ang totoo. Patay na ang tunay kong mga magulang at dahil pinsan ng Papa ko si Daddy ay kinupkop na nila ako. Tinuring nila akong pamilya. Ako lang itong tanga na nakakapansin ng pagkakaiba namin ni ate. Hindi ko na dapat pa iniisip 'yon dahil ramdam ko naman ang pagmamahal mula sakanila at hindi nila pinaparamdam na iba ako. Hilaw na ngumiti ako kay Daddy paglabas niya ng kwarto ni Ate. "Sorry po Daddy.. Kasalanan ko." Amin ko at bahagya pang yumuko dahil talagang nagkasala ako. Hinawakan ni Daddy ang balikat ko at ngumiti sa'kin. "It's ok baby, basta next time don't do it again ok? Isipin mo lagi ang makakabuti para sa Ate mo, kasi sainyong dalawa ikaw ang mas malakas." Malumanay niyang sabi at hinalikan ako sa noo tulad ng ginawa niya kay ate kanina bago tumayo at naglakad papunta sa labas. Ngumiti ako sa saya. Nakita mo na, Nana? Pareho lang kayo ng Ate mo. Pantay kami sa mata ni Daddy. At bilang kapalit ay tutuparin ko ang gusto niya. Babantayan ko si Ate at palaging iisipin kung anong ikakasaya at ikakabuti niya. Kinagabihan ay nagsimula ang party. Ayoko man lumabas pero pinilit ako ni Mama. Kailangan ko raw matutunang makihalubilo sa maraming matataas na tao. Gusto ko mang manatili sa loob at samahan nalang si ate ay hindi ko magawa. Ngumuso nalang ako matapos akong ipakilala ni Mama sa bestfriend niyang nagmula sa Cavite. Madami rin akong kinamayan at nginitian bago iyon kaya nakakapagod. Kumuha ako ng cupcake sa mesa bago sumuong sa dami ng tao para makapunta sa fountain na nasa gilid ng mansyon. Magandang pwesto rin 'yon dahil walang gaanong tao. Mula rito ay tanaw ko ang mga taong lumalabas at pumapasok sa aming engrandeng gate. Ang dami talagang tao! Sayang at hindi pwedeng lumabas si Ate. Kasalanan ko 'to e. Kumagat ako sa aking cupcake habang ginagala ang paningin sa bulto ng mga mayayamang tao. "Nana?!" Napabaling ako sa kinaroroonan ng mga magulang ko nang marinig ang pagtawag nila sa'kin. Napatayo agad ako dahil hinahanap pala nila ako. Naglakad ako ng mabilis papalapit. "Po?" Sabi ko nang makalapit. "Saan ka ba nagsusuot? Look, you have something on your face.." Mahinhing sabi ni Mama at kumuha ng tissue para punasan ang kung ano sa pisngi ko. Ngumiti ako at napabaling sa mga taong nasa harap namin. Isang magandang babae pero mukang may edad na, lalaking matanda na rin at lalaking kasing edad lang ata ni Ate. The guy is wearing black long sleeve. His hair are pushed back. He looked cold and mysterious at the same time. Muka siyang masungit. "Anyway, Clara this is my youngest daughter si Nanaxion. Ang dalaga ko naman ay nagpapahinga sa taas. Napagod daw kasi.. Alam mo naman ang kondisyon no'n." Pagpapakilala sa akin ni Mama. Nahihiyang lumapit ako para magmano sa mga matatanda. "Magalang na bata. Ito naman ang nag-iisa naming anak. Reign mag hi ka naman kay Nana." Masayang sabi ni Tita Clara. "Kaka 17 lang n'ya last week. He wanted a small celebration with his friends so we didn't do big party." pahabol n'yang sabi kay mama. Inilahad ko ang aking kamay sa harap n'ya dahil iyon ang turo sa akin. Kadalasan, hinahalikan ng mga lalaki ang aking likod palad pero pag dating sakanya, maybe a handshake would do-- "I'll just look around, may I?" Malamig at puno ng katigasan nitong sabi. I knew it! He's really cold and intense to look at. Siya iyong tipo ng lalaking kikilabutan at matatakot ka ng walang dahilan pag tinitigan ka sa mata. Ngumuso ako at kinagat ang likod ng pisngi ko. Pinahiya n'ya ko! Pinaikot ko ang bola ng mata ko bago binaba ang kamay nang hindi na madagdagan pa ang kahihiyan. Pekeng tumawa ang babae. "Yes you may.." Pagkumpirma niya bago umalis ang lalaki nang hindi man lang nagha-hi sa akin! O tanggapin man lang ang kamay ko! Sungit! Wala pang modo. Nanliit ang mata ko habang tinitignan ang lalaking iyon na naglalakad palayo. "Sorry about his attitude.. Nag-iisang anak kasi, My husband spoiled him kaya tumigas ang ulo." Hingi ng tawad ni Tita Clara na ikinaprotesta ng kanyang asawa. Tumawa nalang si Daddy at Mama. Ngumiwi ako, "How old are you sweet girl?" sabi ni Tita Claire ng may mga ngiti sa labi. Ang ganda talaga n'ya. Maari ko s'yang ikumpara sa isang anghel. "I'm 11 years old." Proud kong sagot. Nakakaproud naman talagang maging bata hindi ba? Nagulat si tita sa narinig. Napatingin pa s'ya sa mga magulang ko, kinumpirma kung totoo ba ang sinabi ko at tumango naman ang daddy bilang tugon. What? Just like the earlier one. Hindi rin makapaniwala sa edad ko. Normal lang na maging ganun ang reaksyon nila. I'm 11 years old in a body of supposed to be 16 years old girl. "I thought you were 15 or 16! You look matured for an eleven years old." Tumawa ang mga magulang ko at nag simulang mag kwento ng mga senaryo pareho ng nangyari ngayon. Ngumuso ako. "Ma, Punta nalang muna ako kay Ate.." Paalam ko. Nakangiti siyang tumango bago nakipag-usap ulit sa mag-asawa. Ngumisi ako at naglakad papasok ng mansyon. Excited na naglakad ako palampas sa sala at mabilis na umakyat sa hagdan. Natigilan lang ako nang nasa huling baitang na ako nang mapansin 'yong lalaking pinakilala ni Mama kanina. Ano nga bang pangalan niya ulit? Rene? Roger? Hay, ewan.. Pake ko ba? Hindi naman siya mabait. Humawak ako sa rim ng hagdan at sinilip siya mula sa ibaba. He really is roaming around. Una sa mga litratong nakasabit lang siya nakatingin hanggang umabot siya sa study table ko. Sinadya ni Mama na ilagay ang table na iyon sa baba para kita niya mula rito kung nag-aaral nga ba ako. Kita ang table na iyon mula Kusina, maging sa sala. Walang kawala. Sobrang istrikta niya sa akin. Sinuri niya ang mga librong nakapatong sa mesa. Mga libro iyon na inaral namin kanina ni Ate. Naroon din ang mga ballpen at notebooks ko-- Oh, s**t! Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan ng makita kong hinila ng lalaki ang coupon bond na nakatupi at nakaipit sa aking libro. "Hoy, don't touch that!" Sigaw ko nang makababa pero hindi niya ako pinansin at binuklat ang papel. Napasinghap ako at nanggalaiti sa galit. "Paki-alamero ka! Akin na 'yan!" Sigaw ko at lumapit sakanya para bawiin ang papel pero kinunot lang niya ang noo at inangat ang kamay para 'di ko maabot. Kahit matangkad na ako sa lagay na ito ay hindi ko parin matatalo ang tangkad niya. "Is there something in here that I shouldn't read?" Matigas nitong ingles at hindi nawala ang pagkaseryoso ng muka. Na parang ikamamatay niya pagnawala iyon. Napakalamig din ng kanyang boses. Nakakatakot nga siya e, pero nakakainis siya! "Malamang! Hindi sa'yo kaya hindi mo pwedeng basahin! Ibigay mo nga sa'kin iyan!" Pinilit ko ulit abutin ang papel sa kamay niya pero mataas talaga. Konti nalang ay masasapak ko na siya. Kapal lang ng muka ha, bahay kaya namin 'to. 'Wag n'yang sabihin na mas matanda s'ya sakin dahil papatulan ko talaga s'ya. "Hmm.." Aniya. Nanlaki ang mata ko nang unti-unti niyang binuksan ang papel habang nakataas ang kamay. "Akin na sabi!" Sinubukan kong hampasin at hilahin pababa ang braso niya pero nyeta naman o! Ang tigas ng katawan niya! "Give that back! Isusumbong kita kay Daddy!" Sigaw ko. Halos maiyak na ako dahil hindi man lang siya natinag. "Don't read that! I hate you!" Hiyaw ko sabay hampas sa braso niya. Tinignan niya ako. His cold stares were like daggers that shot me right in the eyes. Unti-unting humaba ang nguso ko at ramdam kong nagtutubig na ang nag-iinit kong mga mata. "Childish.." Aniya bago binalik sa pagkakatupi ang papel. Nilagay din niya iyon sa dating pwesto pero nagpatuloy na ako sa pag-iyak. Nakakainis kasi e. Kung makatingin siya! "I already put it back, stop crying will you? I knew that it's a love letter, anyway.." Sabi niya. Ibinulsa niya ang kamay habang nakatayo sa harap ko at heto ako't umiiyak ng walang humpay. I couldn't make myself stop. Hindi ko alam kung bakit ako umaatungal rito. Wala akong makuhang dahilan. Ang alam ko lang, labis akong kinakabahan. Tinawag pa niya akong 'childish'. Every human being would do what I just did because who would want some stranger read a hand made love letter? This is supposed to be just for my crush! Hindi ka childish-an iyon. Dapat ako at ang crush ko lang ang makakahawak ng love letter ko. "I hate you.." I said between my sobs. Mas lalong sumeryoso ang muka niya. Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin para punasan ang luha ko pero tinapik ko siya. Mamaya kung saan pa niya hinawak ang kamay niya tapos ilalagay sa muka ko. "Para kang bata.." Inis niyang sabi. "Cause I am!" Sabi ko at pinunasan ang luha ko. I sobbed. Kinuha ko naman ang papel sa libro dahil baka tamaan siya ng sayad at kunin ulit iyon. Tinago ko iyon sa likod ko. "Really, huh? How old are you then?" Sabi niya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. "11!" Pagmamalaki ko. Huh! Ako bata pa, ikaw matanda na! Pansamantala niya akong tinitigan bago pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Parang sinusuri kung talagang labing isang taon lang talaga ako. Maging ako ay hindi makapaniwala na 11 lang ako dahil sa katawan at muka ko. Muka na akong 16. Matapos niyang suriin ang katawan ko ay naramdaman ko ang biglang paglamig pa lalo ng tingin niya. Umiling siya sa sarili at bastos na iniwan ako roon nang hindi man lang nililingon. Kinabukasan ay maaga akong gumising para magpaalam kay Ate at Mama na aalis patungo sa aming resort sa Pangasinan. Sinubukan ko pang sumama pero hindi parin ako pinayagan dahil mag-aaral daw ako. "Di bale, pagnawala na ang line of 70 mo sasama kana sa'min ng ate mo. For now, you should study first." Sabi ni Mama. "Gawin mong inspiration ito para tumaas ang grades mo, nang sa ganun ay kasama na kitang magbabaksyon kila Lola!" Masaya pero may bahid ng lungkot na sabi ni Ate. "Pero gusto kong sumama, Ate!" Pagpupumilit ko kahit alam ko namang hindi pwede. Nakapunta narin naman ako sa Pangasinan pero hindi ganoon katagal tulad ni Ate. "Nandito naman ang Daddy mo." Ani ni Mama. "Pero umaalis rin naman po siya. Sama nalang ako." Sabi ko. "Ang anak ni Tita mo Claire, pwede kang makipagkaibigan sakanya habang nandito siya para sa pag-aaral tungkol sa business nila." Ngumiti si Mama at hinalikan ako sa pisngi. Niyakap naman ako ni Ate bago sila pumasok sa Van. Hindi ako naka-imik sa sinabi ni Mama. Iyong lalaki kagabi? Nandito parin? Humarap ako kay Daddy nang makaalis ang Van. "Daddy bakit nandito iyong anak nila Tita Claire? Ba't hindi pa siya umuwi kagabi? Ayaw ko siya rito!" Tanong ko. Inakbayan ako ni Daddy at sinama ako sa paglalakad papasok ng bahay. "Baby, your kuya Reign wants to study how to run business about our Sunflower field so your tito asked me to let Reign stay here every vacation so I could teach him. He is very intelligent boy kaya magkakasundo kayo no'n." Sabi ni Daddy. Nakarating kaming kusina at inabutan niya ako ng pancake. Nakasimangot ko iyong kinagat. Ang gagong 'yon? Makakasama ko tuwing bakasyon?! E, dapat pala ngayon palang mas pag-igihan ko ang pag-aaral ng mga lesson para sa susunod na pasukan ay maayos ko ang grade ko nang sa ganoon ay makakasama na ako sa Pangasinan. "Kung gusto niyang matuto tungkol sa Sunflower business ay ba't hindi mo nalang siya papuntahin sa mismong farm natin Daddy? Mas madali siyang matutoto doon dahil malawak." Sambit ko bago uminom ng aking gatas. Ngumiti si Daddy. Akala ata niya hindi ako seryoso! "Pinag-aaralan din niya ang kompanya nila rito sa syudad kaya mahihirapan siya kung sa mismong farm natin siya pumunta. May maliit naman tayong sunflower field dito kaya doon nalang siya." Paliwanag niya at umirap lang ako. Ang bata pa niya para sa mga negosyo pero banat buto na ang ginagawa niya. Masyado siyang seryoso sa buhay. Maaga siyang mamamatay niyan. Ayoko man pero wala akong magawa. I really need to be with him the whole vacation day. Naman o!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD