Binelatan ko ang tutor ko nang nakaalis ito matapos niya akong dakdakan tungkol sa pagiging mahina ko sa Math at kung anong kailangan kong gawin para mapabuti iyon.
Hindi ako nakikinig dahil boring siyang magturo. Bukod sa matanda na, hindi man lang samahan ng konting biro. Sobrang seryoso niya. Nakakabagot talaga pag ganoon ang teacher.
Tumingin ako sa librong binigay niya sa'kin. May page siyang iniatas sa'kin na sagutan ko pero hindi ako magpapakahirap sagutin 'yon kung meron namang Google.
Kinuha ko ang tablet ni Daddy na nakalagay sa ilalim ng mesa ko. Lagi iyon nandoon dahil ginagamit kong pan-search sa mga tanong na hindi ko alam ang sagot.
Nilingon ko ang kusina at ngumisi nang makitang may kausap sa telepono ang tutor ko. Hindi ako natatakot na gawin ito dahil sigurado naman ako na hindi ako mahuhuli kasi ganyan siya lagi. Inaabot ng isang oras ang pakikipag-usap sa sino mang kachikahan niya.
Boyfriend siguro...Eww.
In-type ko ang problem na nakasulat sa libro. Napapalakpak pa ako nang may lumabas na sagot.
Agad kong hinanda ang ballpen at notebook ko para sumagot na pero biglang nawala ang tablet sa kamay ko.
Nag-angat ang nag-aalab kong mata sa taong kumuha ng tablet. Mas lalo lang akong nagalit nang makitang si Reign ang nanguha.
Nakasimpleng grey t-shirt lang siya at suot ang denim jeans niya. Malamang ay aalis siya dahil nakasapatos siya. Hindi ko mapigilang sipatin ang muka niya. Gwapo nga talaga siya. Kagabi ko pa iniisip iyon e. Laos ang mga sikat na artista ngayon sa kanya kung tutuusin.
"Cheating Kid." Tiim niyang sabi habang nakatitig sa tablet.
Pinagkiskis ko ang aking ngipin sa inis.
"Paki-alamero.." Inis kong sabi na may kasama pang irap.
Ngumuso siya at tinaasan ako ng kilay. Sinulyapan niya ang tutor ko na wala paring alam sa kaganapan ngayon.
"Cheating won't make you successful.. Pag nandaraya ka, ibig sabihin lang nu'n, you're really not good."
"Paki-alam mo ba! Akin na nga iyan!" Sigaw ko. Wala akong paki kahit marinig man ako ng tutor ko.
Nilayo niya lang sakin ang tablet at tinignan ang in-search ko.
"Nahihirapan ka sa math.. And it's look like, you have good skill on writing. Especially Love letters?"
Ok, gets ko. Nang-iinis siya. Sabi ng mommy niya spoiled siya at sa tingin ko ay papansin. Nakakanis lang, masyadong pabibo. Kahit gwapo siya ay hindi ko hahayaang ganyanin niya ako.
"Ano?! Isusumbong mo ako kay Daddy? Dun sa boring kong tutor?" Hamon ko. Ok, ang tapang ko ata ako na nga itong mali.
Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya saakin na puno ng pagkaseryoso ang mga mata. Napakurap pa ako dahil kinabahan nanaman ako.
Umiwas ako ng tingin at naglakad papunta sa upuan ko at hinarap ang mga libro. Hinayaan ko siyang nakatayo sa likod ko at pilit nagbasa kahit wala naman akong maintindihan dahil alam kong nakatitig lang siya sakin mula sa likod.
"Hindi mo kasi iniintindi ang sentence kaya ka nahihirapan." Sabat nanaman ng nasa likod ko.
"Wala kang paki.." Mataray kong tugon sakaniya. Pinilit ko ulit intindihin ang sinasagutan.
Bakit pa nga ba kailangan pag-alaran ang mga factors-factors na 'yan. Muka namang walang maitutulong sa totoong buhay.
At bilib na ako sa tutor ko dahil ang lesson namin ay nasa Algebra na. Like, duh! I'm just eleven years old..
Wala namang maitutulong sa'kin ang fraction kung sakaling magkatrabaho ako sa hinaharap. Plus, minus, divide at multiply lang ang kailangan sa buhay. Hindi iyang mga X na 'yan.
Pinakiramdaman ko kung nasa likod ko pa ba ang pakialamerong lalaking iyon. Nahigit ko ang hininga ko nang malamang nasa gilid ko na siya at tinitignan ang ginagawa ko.
Nagtaas noo ako at nagbasa ulit na akala mo'y talagang naiintindihan ko. Maya-maya pa ay kunwaring sasagot na ako. Syempre nilagay ko muna yung mga given.
Muka akong may alam sa mga ginagawa ko pero ang totoo ay hindi ko na alam ang susunod na isusulat pagkatapos kong ilagay ang given.
"You don't know the answer.. It's pretty obvious. Kung hindi mo naiintindihan, then ask your tutor to explain it in a simpler way." Komento nanaman niya.
"Makapagsalita ka akala mo naman genius ka sa bagay na ito!" I yelled. Nakakainis e. Edi siya na magaling!
"Well I am."
Umirap ako. Kapal ng muka. Kung hindi lang siya gwapo, baka naihambalos ko na sakaniya iyong libro ng math na pinag-aaralan ko ngayon. Wala akong pake kung mas matanda man siya sa akin.
"Syempre alam mo na ito dahil napag-aralan at napagdaanan mo na ito. E, ako? Eleven palang ako.. I shouldn't studying this thing. Algebra is just for high schoolers. Elementary palang ako." Depensa ko. Tama naman ako e. Kung nasa tamang edad ko ito pag-aaralan, siguro baka mas madali kong maiintindihan.
"I started to study Algebra when I was 9 years old. I started learning and working in our company at the age of eleven. And now I'm seventeen, I have my own savings account came from my small sunflower field." He recited.
"Share mo lang?" Pambabasag ko at itinago ang pagkamangha sa sinabi niya.
Natameme siya sa sinabi ko. Mas lalong lumamig at sumama ang tingin niya sa akin. Sobrang seryoso ng mga mata niya na akala mo ay laging galit.
Well, medyo nabilib ako sakaniya. 17 palang siya pero ang dami na niyang naachieve at may sarili na pala siyang business.
Umirap ako sa hangin. Hindi ka dapat mabilib sa mayabang na iyan, Nana!
Pinilit ko ulit intindihin ang nakasulat sa libro at pinagmuka kong busy ako sa pagbabasa para umalis na siya. Maya-maya pa ay naramdaman kong umalis na siya.
Lumingon ako at napangisi kasi wala na nga siya. 'Wag na sanang bumalik ang mayabang na iyon.
Kinuha ko ang tablet na inilagay niya gilid ng table ko. Binalikan ko ang ginagawa ko kaninang pangongopya ng sagot sa internet.
Sa sobrang focus ko ata sa ginagawa ko ay hindi ko na namalayang nasa likod ko na pala ang tutor ko.
Halos umusok ang ilong at tenga niya sa nakita at ang mga sumunod na eksena ay ang walang katapusang sermon ni Mama dahil nagsumbong ang bwisit na tutor kong iyon.
Hapon na at heto pa rin ako sa sala habang kausap si Mama. Halos maiyak na ako dahil pinapagalitan ako. Nakakainis naman kasi ang matandang iyon. Hindi naman niya kailangan magsumbong e!
"Simpleng math problem na nga lang, kailangan mo pang dayain Nana? Gosh!" Mahinahon pero alam kong nanggigigil sa akin si Mama.
Nag-init ang gilid ng mata ko. Pinigilan kong umiyak dahil ayokong makita ng mga katulong na umiiyak ako. Wala na ang matandang tutor ko kaya mag-isa ko nalang sa sala kasama ang mangilan-ngilang kasambahay na napapadaan.
"Mama, 'wag mo namang pagalitan si Nana. Matanda naman na kasi 'yong tutor niya. Baka pangit lang magturo." Rinig kong dipensa sa akin ni Ate Lala.
Gumaan ang loob ko dahil doon.
"Kunukunsinti mo kasi itong kapatid mo kaya ginagawa niyang magaan ang lahat! Nana, you should try harder.. Wag mong iaasa sa internet!"
Yumuko ako sa ngumuso. Ginagawa ko naman na 'yong best ko pero hindi naman kasi talaga kaya ng utak ko e.
"Yes, mama.. Sorry po." Paumanhin ko.
"I will tell Yaya Nancy to confiscate your gadgets and you are not allowed to go outside unless you pass your math quizzes."
In short.. You are jailed.
Napakaboring talaga ng summer life ko. Bawal na ngang lumabas, bawal pa gadgets. Kulang nalang ay ipakain nila sa akin ang mga libro ko.
Mas gusto kong may pasok nalang. Atleast, sa school makakasama ko ang mga kaibigan ko. Kasama ko pa si Ate pag-uwi ko.
Ilang paalala pa ang sinabi ni Mama bago pinatay ang tawag. Pinahid ko anng luhang tumulo mula sa mata ko.
Nakakainis naman kasi e. Masyado akong pinupush ni mama sa bagay na hindi ko naman na kaya.
"Ano oras ang uwi ni Daddy?" Tanong ko sa isang katulong na naabutan ko sa kusina.
"Hindi ko alam Ma'am. Hindi naman po siya nagsabi na dagdagan ang iluluto kaya baka hindi po siya uuwi ngayong gabi." Sagot niya.
Tumango ako at umupo sa silya.
"Pangluto mo ako yaya.." Sabi ko.
"Hindi ako ang incharge sa kusina, Ma'am. Si Ate Lenie ang may hawak sa kusina."
"Sa'n siya?"
"Namalengke po saglit.. Mamaya nalang po kayo magpaluto pagdumating na siya." Mahinhin niyang sabi bago nagpaalam na maglilinis sa basement.
Ngumuso ako at nangalumbaba.
I'm hungry.
Naglakad ako papunta sa ref para tumingin ng makakain. Nakakita ako ng loaf bread at melted cheese kaya inilabas ko iyon. Nakakita pa ako ng hindi lutong popcorn kaya nilabas ko rin iyon.
Sinimulan kong magpalaman ng ilang tinapay na alam kong mauubos ko. Matapos nun ay nilagay ko ang napalamanan kong tinapay sa isang plato at tinabi iyon.
Tinitigan ko ang popcorn.
Paano nga ba lutuin ito?
Naglakad ako pabalik sa sala para kunin ang tablet ko doon para magsearch kung paano magluto ng popcorn pero pagbalik ko ay wala na ito sa pinaglagyanan ko.
Nagtawag ako ng katulong para tanungin kung asan ang tablet ko.
"Ma'am kinuha na po kanina ni Nancy.." Sabi ng isang natawag ko.
"What? I need that.. May isesearch lang ako. Mabilis lang naman."
"Ma'am sinabihan po kami ng Mama niyo na h'wag ibibigay iyon sayo. Pasensya na po."
Marahas kong kinamot ang buhok ko. "Then, alam mo ba kung paano magluto ng popcorn? Turuan mo nalang ako kung ayaw niyong ibalik ang tablet ko."
Napakamot siya ng batok at nahihiyang tumawa.
"Ma'am hindi ko pa po nasusubukang magluto niyan e."
Umirap ako. Iniwan ko siya doon at bumalik sa kusina. Bakit kasi ang tagal dumating ni Yaya Lenie? Gusto kong kumain ng popcorn!
I don't have choice.. I have to wait for Yaya Lenie to cook this. Habang naghihintay ay napagpasyahan kong pumunta sa kwarto ko dala ang plato ng sandwich ko.
Balak kong manood ng movie sa kwarto ko habang naghihintay. Hilig ko kasing manood, lalo na iyong mga barbie movies.
Habang naglalakad ay napadaanan ko ang guest room na ngayon ay kwarto na ni Yabang. Bukas ang kwarto kaya hindi ko naiwasang mapatingin. Kumunot ang noo ko dahil andoon siya sa loob.
Nakauwi na pala 'to.
Nakaupo siya sa kama niya at hawak ang kanyang phone. Napatingin siya sa akin nang maramdaman sigurong dumaan ako. Umiwas agad ako ng tingin nang direkta siyang tumingin sa akin.
Binilisan ko ang lakad hanggang sa makarating ako sa kwarto ko.
Ngumuso ako. Ang bilis lagi ng t***k ng puso ko pagtumutingin siya sa mata ko. Siguro hindi lang ako sanay na may taong laging nakatingin sa mata ko?
Ang mga kaklase ko kasi ay hindi makatingin sa akin ng maayos pagkinakausap ako. Maybe they are shy? Pero ang lalaking iyon akala mo'y walang inaatrasan.
Binaba ko ang plato sa kama ko at lumuhod sa sahig para maghanap ng magandang CD na papanoorin ko.
I smiled when I found a Barbie Fairytale movie. Immediately stand and ready to put the CD in the DVD but the DVD is gone!
Luminga-linga ako. Where is my DVD!?
Nahagip ng mata ko ang note na nakadikit sa taas ng TV ko.
'No movies daw po sabi ni Ma'am'
"Ugh! Bwisit!"
Naiiyak na ako. Gusto kong manood e! Lahat nalang bawal.
Suminghot ako at pinunasan ang luha ko. Mabilis akong napasigok.
Lumabas ako ng kwarto ng umiiyak at patuloy sa pagpunas ng luha. Paglabas ko ay muntik akong tumalon paatras sa gulat dahil nakasandig sa dingding si Reign at nakacross arm pa ito.
Nakatingala ito sa kisame habang nakapikit nang maabutan ko.
Mabilis kong pinunasan lahat ng luha ko.
Nagmulat siya ng mata at diretso nanaman ang mga mata niya sa mga mata ko at heto nanaman ang puso ko. Sobrang bilis ng t***k.
"W-wag ka ngang nanggugulat!" Bulyaw ko. Napasinghot ako.
Kumunot ang noo niya at nagtiim ang kanyang panga. Aaminin ko, sobrang gwapo niya habang nakatayo ngayon sa harap ko. Para siyang perpektong obra ng Panginoon na talagang pinag-isipan.
"Wanna watch movie?" Baritonong sabi niya.
Napatanga ako sa tanong niya at parang lumipad ang utak ko ng ilang segundo.
"Bawal.." Sagot ko.
"Because you were caught cheating.. I told you, cheating wont give you anything." Malamig niyang sabi.
Umirap ako at tumango nalang.
"I was caught.. Are you happy now?" Sarkastiko kong tanong.
He just smirked and that move was.. Sexy?
"I'm asking you kiddo, do you want to watch movie?" Tanong niya ulit at mukang naiinip na siya.
"Don't call me Kiddo! Hindi na ako bata! Anyway.. Yes, gusto kong manood. Ano naman ngayon? Bawal nga diba."
Umirap ulit ako at wala akong pake kung nakikita man niya. Para saan naman ang tanong niyang iyan? Para mang insulto?
Bakit ba kasi--
Nagulat ako nang bigla niyang hinigit ang kamay ko st hinila ako papunta sa kwarto niya.
Hinila ko ang sarili ko bago pa ako makapasok sa kwarto niya. "A-anong.. Ba't mo ko hinihila!" Tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"I thought you want to watch movie?"
"So?"
"You can watch here.. Just be quite or they'll caught us." Inis niyang sabi.
Natuwa naman ako sa sinabi niya at agad ngumiti bago tumango. Mabilis akong pumasok sa kwarto niya.
Lumibot ang paningin ko sa kwarto. Wala namang ipinagbago ang kwarto maliban nalang sa ilang gamit ni Reign na nakakalat. Burara pala ang lalaking ito. Matalino at gwapo nga, balahura naman pala.
"You can use my DVD but make sure your yayas will never see you watching movies in my room. Sabihin pa nila kinukunsinti kita.." Sabi niya mula sa likod ko habang tinitignan ko ang mga CDs niya.
"That's what you are doing Reign." Tamad kong sabi at patuloy pa rin sa pangangalkal. Ang papangit naman. Puro barilan.
Tumayo ako at hinarap si Reign para sabihing kukuha ako ng CD sa kwarto ko pero natigilan ako dahil nakatitig siya sa akin ng napakaseryoso.
Nagtaas ako ng kilay. Problema nito?
Kumaway ako sa harap niya at napaiwas siya ng tingin dahil doon. Tumikhim siya at naglakad papunta sa CR.
"Kukuha lang ako ng CD sa kwarto ko! Panget ng sayo e." Sigaw ko dahil nakapasok na siya sa CR. Hindi ako nakakuha ng sagot kaya hinayaan ko nalang.
Kumuha ako ng CD, dala ko na rin ang plato ng sandwich ko. Nakangiti akong bumalik sa kwarto ni Reign.
Reign.. Siguro pwede naman tayong magkasundo?