Kabanata 3

2800 Words
Inilapag ko sa isang estante ang plato ng sandwich ko at nagsimulang buksan ang CD container ko. Nagpasya na akong dalhin lahat ito dahil 'di ko pa naman magagamit sa kwarto ko. Mukang matatagalan ang hindi ko pag gamit ng TV dahil mahirap pumasa sa mga quizzes. Buti nalang ay may natirang bait 'ting Reign na na ito. Dito nalang muna ang mga CD ko. Baka kasi magustuhan rin ng lalaking iyon ang mga paborito ko. Malay mo 'diba. Magaganda naman ang mga palabas rito e. Makakapulot s'ya ng aral. Hindi na ako nagpaalam pa at binuksan at isinalang ko na agad ang movie na gusto ko. Napapalakpak ako sa tuwa ng bumungad sakin ang paborito kong logo ng Barbie. Kinuha ko ang sandwich ko at walang pag-aalinlangan umakyat sa kama ni Reign. He let me use his room. Hindi naman siguro iyon magagalit. 'Di ako nakuntento sa pag-upo kaya dumapa pa ako habang tuwang tuwang nanunuod. Ilang minuto bago ko nilingon ang banyo na pinasukan ni Reign. Ba't ang tagal nya? Kinain na ba siya ng faucet? Nagkibit balikat nalang ako. Paki ko doon. Basta ako nanunuod. Ilang saglit pa ay biglang nag bukas ang banyo. Naamoy ko agad ang bango ng ginamit niyang shampoo. Shampoo ba o sabon? Bagong ligo pala si gago. Kaya natagalan. Bihis na siya nang lumabas. Aba dapat lang ano. Hindi siya pwedeng bumalandra ng walang damit habang andito ako. Hindi ko na siya pinansin at nanuod nalang ulit. Nakita kong napangisi siya habang nakatingin sa pinapanuod ko. "Kids movie? Really, child?" sabi nito. 'Di ko siya pinansin kahit medyo pikon ako sa pagtawag niya sakin ng 'Child'. Kahit pinanuod ako dito, gago pa rin pala. Simpleng napatingin ako nang lumundo ang kama. Nakaupo na siya ngayon sa gilid ko. Nakataas ang isang paa sa kama at nakatingin sa pinapanuod ko. Kumagat ako sa huling piraso ng sandwich ko. Ngumuso ako kasi wala na. Nag-iba ako ng pwesto at humiga sa kama para tignan si Reign. "Reign, can you cook popcorn?" Tanong ko pero hindi nawala ang katarayan sa boses ko. Nilingon niya ako ng nakakunot ang nuo. Bakit ang hirap magbigay ng expression ng taong ito. Mababait naman ang mga magulang niya. Saan siya nagmana? "Inuutusan mo ba ko?" Naamaza ako sa tagalog niya. Ang lalim ng boses! Shet. "A sandwich wouldn't do! I want popcorn." Parang bata kong bigkas na animoy nnaghihingi lang ng candy. "Ask your maid to do it for you, kid." "Si yaya Nancy lang ang marunong magluto nun rito. If only I have my tablet with me, I can easily search on youtube on how to do it." Bigo kong sagot. Dumapa ako ulit ng nakasimangot. Wala kong maaasahan sa matandang 'to. Hintayin ko nalang si Yaya Nancy. Narinig ko ang buntong hininga ni Reign. "Fine, I'll cook." aniya kaya bigla akong sumaya pero hindi ko iyon pinakita. Pinanatili ko ang bigo kong ekspresyon. "Huwag na.. Kahit gustong gusto ko na, I can wait for yaya." Pagpapaawa ko pa. Aba magaling pala akong umarte. Siguro sa pasukan dapat akong sumama sa drama club. Magiging magaling ako sa laranagan na iyon! "I'll do it. Wait for me here. It'll take 10 to 15 minutes." Tumayo siya. Naningkit ang mata ko. "Kagabi gago ka pa ah? Ba't bumait ka ngayon?" Walang pag-aalinlangan kong tanong. His lips twitched and look at me with amusement. Hinagod niya ang buhok pataas. Napatingin naman ako sa labi niya nang basain niya iyon gamit ang sariling laway. Napatanga ako. What am I feeling? Kinakabahan ako. "Are you really sure you're just 11? Saan mo nakukuha ang mga salita mo? Hindi iyan ang mindset ng isang bata. You are matured.. Too matured." Medyo inis niyang sabi. Hindi talaga siya mabasa. Kanina ay mukang ayos pa siya, ngayon ay naiinis na. Ganyan ba siya kalungkot sa buhay niya? "Ikaw? Sure ka rin bang 17 ka palang? Parang tito na kita kung makapangaral at magsalita e." Bwelta ko. Tumayo ako mula sa pagkakadapa at nagcross arms sa harap niya bago siya tinaasan ng kilay. "Plus, you are interrupting my watch time 'Tito Reign'. " Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Narinig ko siyang nagmura pero hindi ko alam ang ibig-sabihin non. "Minura mo ko?" Tanong ko. Kumulo ang dugo ko ng tinalikuran niya ako habang hinihilot ang sintido. Nainis ako at nagpapadyak. Nakakainis siya! Dapat nag set siya ng good example of kuya sa akin dahil matanda na siya. Ang pangit talaga ng ugali. Kahit pa ipagluluto niya 'ko ng popcorn ngayon pangit parin ugali niya. Tratuhin niya akong little sister niya kasi nasa bahay namin siya! Binato ko pa ang unan niya sa pintong nilabasan niya bago bumalik sa panunuod. Kinabukasan ay maaga akong nagising para maglaro sa garden. Wala ang ate kaya nilibang ko ang sarili sa paglalaro ng mga isda sa fountain. Hindi pa ako nakuntento sa paglublob ng aking kamay kaya pati paa ko ay isinali ko na rin. Humagikhik ako sa kiliting naramdaman nang maramdaman ang kanilang katawan sa aking paa. Nilingo ko ang mesa sa gilid para tignan ang mga laruan ko roon. Kinawayan ko ang malaking barbie na nakaupo na animo'y may buhay. Nasa harap niya ang mga libro na nilagay ng katulong kanina. Tumayo ako para lapitan ang mga libro. Hindi libro ng mga aralin ang pinansin ko kundi ang mga novel books na nakuha ko mula sa kwarto ni ate. Ayaw ng Mama na magbasa ako ng mga ganito dahil bata pa raw ako pero hilig ko talagang mag basa ng mga kwento ng babae at lalaking nagmamahalan. Tingin ko nga ay dito ako natuto kung bakit ako ganito mag isip ngayon. Tama ang Reign na iyon. Matured na nga ako. Hinawakan ko ang librong iniwan ni ate bago sila umalis. Siya ang nagpoprovide sakin ng mga libro dahil hilig din naman niya. Si Ate Lala ang namimili ng mga librong pinapabasa sa akin. Bago ako, kailangan ay siya muna para masigurado na ayos lang ang libro. Hindi ko siya magets sa part na iyon. Pero sabi niya para iyon sa akin kaya hindi na ako nagreklamo. Ngumuso ako. Ayaw ko ng iniwan niya, nakakatakot. Hindi ko hilig iyon kaya pumanhik ako sa kwarto niya para maghanap ng mas magandang babasahin. Isa lang ang nakuha ko pero makapal iyon. Sapat na para mabasa ko sa loob ng ilang buwan na bakasyon na ito. "Maam Nana, maligo na ho kayo kasi maya maya lang ay darating na ang teacher mo." Binaba ko ang libro at nilingon ang katulong. Sumimangot ako. Ito ang pinaka ayaw kong oras. Napangisi ako ng may maisip. "Papunta na po." Sigaw ko pabalik kaya umalis na siya. Naglakad ako papasok ng mansyon. Sinimulan ko ng paasimin ang muka ko at hinawakan ang aking tiyan. Umarte ako na sumasakit ang tiyan habang naglalakad papunta sa kusina para hanapin ang kahit na sinong katulong, o mas mabuti ang mayordoma nalang namin. Nakakita ako ng tubig sa mesa. Sinawsaw ko ang kamay ko bago iwinisik sa muka. "Yaya.." Tawag ko sa atensyon ng isang katulong na nagpupunas ng kung ano sa ref. Napalingon siya agad sa akin. Nanlaki ang mata niya ng makitang hindi maganda ang lagay ko. Muka akong pinagpapawisan at idagdag pa ang itsura kong mukang nahihirapan. "Maam, ano pong problema!" Bigla siyang nagpanik at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi siya mapakaling sinuri ako. "My stomach ache. I just need some medicine then I'll be ok." Arte ko pa. Umarte pa akong biglang kumirot ang isang bahagi ng tiyan ko. "Saglit lang maam! Tatawagin ko po si Nancy! Upo muna ikaw." utas niya bago tumakbo palabas ng kusina. Ngumisi ako at tinigilan ang pag arte bago humagikhik. Ngayon ko lang naisip itong gawin para maiwasan ang klase kaya nakaramdam ako ng konting kaba na baka mabuko ako. Bigla akong napayuko ng may dumating at umarte nanaman akong nasasaktan. "Yaya..I-it really hurts!" Hiyaw ko. "For a kid.. You are very good in acting." Malalim na boses ni Reign ang narinig ko kaya napa-angat agad ako ng ulo. "Hindi ako umaarte!" Sigaw ko. Ngumisi siya. "I saw you.." Pinakatitigan ko siya ng puno ng pang gigigil. Napaka paki-alamero talaga niya. Hindi ko na maintindihan ang yamot na nararamdaman sakaniya. To think na ilang araw palang siya rito! At ilang araw pa ang kailangan kong tiisin bago siya umalis. "I really hate you...Reign." Nagbago nanaman ang kaniyang ekspresyon. Kumunot na ang noo niya at nawala ang mapang-asar na ngisi. What? Nainsulto ka ba na Reign lang ang tawag ko sa'yo at walang kuya? You wish! Kahit naging lolo pa kita. Reign pa rin ang itatawag ko sa iyo. "You seems hate everyone.." "Pareho kayo ng teacher ko. Kakairita kayo." sabi ko at nag-iwas ng tingin habang nakasimangot. Narinig ko ang buntong hininga niya. Kasabay non ang pag dating ng katulong kasama si Yaya Nancy. "Nana, masakit daw ang tiyan mo?" Tanong agad sa akin at lumapit pa para hawakan ako. Hindi ako makasagot. Nakasimangot lang ako at umiiwas ng tingin. Go on Reign! Sumbong mo na ko. "Anak, bakit hindi ka sumasagot-- paki kuha nga 'yong gamot sa tukador." Utos niya sa kasama. Hindi pa rin ako umimik kahit paulit ulit na akong tinatanong. I'm waiting for Reign to reveal my lies pero wala akong narinig. Sumulyao ako sakaniya pero napa-iwas din ng tingin dahil ang lalim ng pagkakatitig niya sa akin. Bumalik ang humahangungos na katulong. "Nancy, wala ng laman 'yung para sa sakit ng tiyan. Nakalimutan ko palang ilagay sa listahan ng mga bibilhin." Paliwanag niya. "Ano ka ba naman! Iyan ang bilin ni Sir, na 'wag papabayaang maubos ang stock ng mga gamot." Sigaw ni Yaya Nancy. Nagugulo na sila dahil walang mapainom sa akin. Walang malapit na store rito sa amin dahil nasa isang subdibisyon kami. "Gagawa nalang ako ng tsaa tutal ay marunong naman ako. Mawawala ang sakit ng tiyan mo roon panigurado--" "I have meds in my room. I used to have stomach ace cause I'm sensitive on what I eat." Singit ni Reign kaya napatigil sa pagpapanik ang dalawa. "Mabuti naman Reign! Salamat." "Kid, come to my room." Sabi niya bago umalis ng kusina. Hindi niya ako sinumbong kaya napahinga ako ng maluwag. I didn't break my act. Paika-ika pa rin akong naglakad palabas hanggang makaakyat ako ng hagdan. Inayos ko lang ang sarili ng masiguradong wala ng makakakita. Hindi ko na nakita si Reign. Ang bilis namang maglakad non. Dumiretso ako sa kwarto niya. Pwede namang hindi na ako pumunta kasi hindi naman totoong bibigyan niya ako ng gamot pero pumunta pa rin ako. Ewan ko. Kahit naiinis ako sakaniya gusto ko parin na malapit siya sa akin. Siguro dahil gusto kong may kausap at makasagutan dahil boring ang buhay ko. Ayoko naman na makipag kwentuhan sa mga katulong dahil may mga trabaho sila. "Reign!" Sigaw ko ng makapasok sa kwarto niya. Naabutan ko siya na nakahiga sa kama niya at may binabasa. "You should go to your own room. I'll just tell the maids and your teacher that your stomach still aches." Hindi ako nakinig. Pumasok pa rin ako at umakyat sa higaan niya para tignan ang binabasa niya. "What are you reading? A novel book?" Tanong ko at mas naki-osyoso sa libro. Kumunot ang noo ko dahil hindi naintindihan ang binasa. Sinara niya ang libro at pinakita sa akin ang cover page nito. "It's a business book. Your father gave it to me so I could advance my --" I cut him off. "Oo na. Hindi ko naman maintindihan iyan." "Cause you have no interest.." sagot niya. Naamoy ko ang hininga niya. Ang bango. "Hindi lang kaya ng utak ko." Naningkit ang mata niya. "I get it that you are just 11 years old. You are supposed to be playing during vacation but the way you think, I am doubting that." I rolled my eyes. Dumapa ako sa higaan niya at sinandal ang kamay sa baba. "Bakit hindi mo kasama ang daddy ngayon? Hindi ba andito ka para magpaturo." pag-iiba ko ng usapan. "May meeting ang daddy mo. Tomorrow I'll be busy." Aniya habang nakatingin sa libro. "Punta ka sa field? Sama ako." Umiling siya. "You skipped your class today. Hindi na pwedeng maulit iyon." Napaisip ako. Sa bagay may punto siya. Tumahimik ako saglit at nag-isip. Nagpatuloy naman si Reign sa pagbabasa niya. Muka naman siyang matalino. Kung tuturuan niya ako sa aralin ko at maipapasa ko ang mga kailangan gawin ay baka mapaaga ang pagtapos ng klase at babalik na ang gadgets ko. Nilingon ko si Reign at napansin naman niya ang titig ko. "What?" "Sa totoo lang, gustong gusto kong matutunan ang mga aralin ko. Kaso hindi ko maintindihan kasi hindi naman pinapaliwanag ng maayos ng teacher ko." Sinara niya ang libro bago iyon nilagay sa side table. Ing-bend ang kanyang isang paa at humarap sa akin. Na parang ibinibigay ang buong atensyon. "She's old.." aniya "Hindi niya na kayang sabayan ang trip mo. Your tutor teaches you like how she used to teach others at her time." Tumango ako. "I know. I already explained it to Mama to get me a younger teacher but she insisted that my rotting teacher were excellent!" Napairap pa ako. Ayaw ko talaga sa matandang iyon. Pinapahirapan niya at at sobrqng strikto. Sumbungera pa sa Mama. Well, she's doing her job.. Pero sana maging considerate naman siya. "You really have a bad mouth, kid." Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw din, bad mouth. Bad breath pa nga e." Sabi ko at ngumisi. Tumayo ako sa pagkakadapa at nagpameywang sa harap niya. Tinitigan naman niya ako na parang wala lang ang sinabi ko. Na parang alam niya na mabango ang hininga niya at nagsisinungaling lang ako. "Alis na ko. Maliligo ako. I'll come back to watch barbie, ok? Iniwan ko na mga CD ko here." utos ko na parang amo niya ako. Bahay namin ito. Kailangan niya akong sundin! Tumango siya. "Wear a proper clothes.. Don't use paldas. If you are, then stop coming in my room." Nagtaka ako sa sinabi niya. Tinignan ko ang damit na suot ko ngayon. I'm wearing palda. Actually, I always wear palda. Kasi hindi mainis at hindi masikip. Kaya wala akong nakikitang problema sa pagpapalda ko. "Ang arte mo." Iyon nalang ang sinabi ko bago tumalikod sakaniya at lumabas na ng kwarto niya. Pagdating ko sa kwarto ko ay nahiga pa muna ako bago naligo. Kinanta ko ang kantang naririnig ko sa mga pinapanuod kong barbie habang naliligo. Dinagdagan ko pa ng sayaw ang show ko. Pagtapos maligo ay nagbihis agad ako. Sinuot ko ang pajama ko. Hindi naman ako makakalabas ng bahay kaya mas mabuting iyon nalang. Hindi naman pwede ang palda dahil baka hindi ako papasukin ni Reign sa kwarto niya. Naglagay ako ng pulbo sa likod at dibdib ko. Nag spray pa ako ng pabango para masabi ni Reign na mabango ako. Humagikhik ako sa naisip. Hindi na ko nag-abala pang magsuklay dahil tamad ako sa bagay na iyon. Lumabas ako agad ng kwarto pagtapos ng lahat at tumakbo sa kwarto ni Reign. Wala siya nang pumasok ako. Kaya tinawag ko ang pangalan niya. Narinig ko naman ang lumalagaslas na tubig muka sa saradong banyo. Naliligo pala siya. Sinara ko nalang ang pinto at pumasok na sa loob. Kaya ng ginawa ko nung nakaraan ay sinalang ko ang movie na natipuhan ko. Naupo ako sa kama at sumandal sa head board habang may unan sa aking binti. "Reign! Nanunuod na ako." Sigaw ko. Bumukas naman agad ang pinto ng banyo. Nakabihis na ito pero hindi bihis ng taong sa bahay lang mag i-stay. Nakapantalon ito, at three forth na damit. "Aalis ka?" Tumingin siya sa akin habang pinapatuyo ang buhok niya. Naglakad siya papalapiy bago umupo sa kama. Ngayon ay nakatalikod na siya sa akin. "I'll meet some friends.." "Iiwan mo ko rito?" Hindi ko alam kung ba't ko natanong iyon. Mas ayos nga na wala siya dahil solo ko na ang buong kwarto kasama ang tv at DVD niya. "Babalik din ako agad. Do you want me to buy you something?" Yumuko siya para kunin ang sapatos sa gilid. Sumimangot ako at nag-isip ng pwedeng ipabili. Ngumiti ako ng malawak ng maisip ang gusto ko. "I want kikiam and fishball!" Nilingon niya ako at ngumisi. "Anything else?" "Wala na. Paki-bilisan ang pag-uwi please? I want my pasalubong na." Tumayo siya at kumuha ng susi sa estante. May kotse siya? I didn't know. Hindi ko naman napansin na may bagong kotse sa garahe nung lumabas ako para magpaalam sa ate. "Bye bye." Ani ako nang naglakad na siya palabas at ako nama'y nakatingin lang sa pinapanuod. "Busy yourself while I'm gone. I'll be back real quick with your kikiam and fishball." iyon ang huli niyang sinabi bago umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD