RYLAN POV "May kinausap lang ako sa cellphone kaya ako natagalan," saad nito habang nakatingin pa rin ng masama kay Nico. "Ganun ba, gusto mo na ba kumain ng hapunan? maghahain na ako." "Mamaya-maya na Ry ko, pwedeng pahingi din ako ng brownies?" nagpapa-cute pang sabi nito. "Oo naman," sagot ko na lang, parang kanina lang ay parang mangangain sya ng tao ngayon naman ay balik sya sa pagiging maamong tupa. Habang nakatalikod ako sa kanila ay medyo naririnig ko pa rin ang usapan nila. "Uyy ikaw Nico, anong mga sinasabi mo sa Ry ko ha?" pabulong pa ni dylan "Wala naman boss," natatawang sabi pa ni Nico na lalong ikinasimangot ni Dylan. "Dinedeskartehan mo ata ang Ry ko e," inis na sabi pa nito. "E ano naman boss sayo kasambahay mo lang naman sya di ba?" lalong lumawak ang ngisi ni Ni

