RYLAN POV Tahimik lang kami dito sa loob ng sasakyan nya pero yung pakiramdam ay hindi nakakailang para bang dinarama namin yung presensya ng bawat isa. May maliit na screen dito sa harapan ng sasakyan medyo katabi nung manebela, nahiwagaan ako kung ano yung mga buton na nandun kaya pinindut ko isa-isa nagulat pa ako ng biglang may tumunog. "Radyo yan, Ry ko," natatawa pang sabi ni Dylan sa tabi ko. Napatango naman ako sa sinabi nya, Oo nga pala, marunong na akong mag seat belt! haha proud na proud naman ako sa sarili ko. Ang ganda nung kanya di ko mapigilang hindi damdamin ang bawat liriko nito. [Akala'y di pa handang tumibok ang damdamin ngunit bigla kang dumating sa buhay ko.] Sumasabay si Dylan sa pagkanta, parang feel na feel nya yung kanta, nakakatuwa sya pag masdan hindi sy

