Nagulat si Andrea nang salubungin kaagad siya ng sekretarya ni Jake para i-guide patungong opisina nito. Naabutan naman niya itong nakasandal sa swivel chair habang nasa harap naman nito ang umuusok na kape. "Hello, Mrs. Imperial!" bati nito sa kaniya nang nakangiti. Ginantihan naman niya ito ng bati at nakangiting umupo sa silya sa harap nito. "Coffee or tea?" alok nito sa kaniya. "Ahm, no, thanks. I'm fine." "Okay." He shrugged. "By the way, here are the papers you need to sign. Sabi ko naman sa 'yo, ipapadala ko na lang kay Phoenix, e. Nag-abala ka pang pumunta," anang binata. Kinuha naman niya ang mga iyon at sinimulan nang pirmahan. Madali naman niya iyong natapos dahil hindi na niya iyon kailangan pang basahin nang isa-isa. Naipaliwanag na rin naman iyon ni Jake sa kaniya. "

