bc

Living with a Stranger

book_age16+
2.9K
FOLLOW
17.1K
READ
billionaire
possessive
one-night stand
second chance
CEO
beast
bxg
office/work place
shy
wild
like
intro-logo
Blurb

Natagpuan na lang ni Andrea ang sarili niya sa harap ng bahay ng isang estranghero matapos niyang magka-amnesia. Sa takot sa nakaambang panganib sa buhay niya, napilitan siyang humingi ng tulong sa estrangherong iyon na sinlamig ng yelo ang trato sa kaniya. At habang kasama niya ito, hindi niya napigilan ang unti-unting pagkahulog sa lalaki, sa kabila ng pagiging misteryoso nito sa kaniya.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
MALAYO na ang narating ni Andrea sa katatakbo niya. Nang masigurong malayo na ang mga taong humahabol sa kaniya, saglit siyang nagpahinga sa likod ng malaking puno sa madilim na kagubatang iyon. Sinapo niya ang balikat niyang kanina pa nagdurugo ang sugat. Kapag hindi pa siya nakahingi ng tulong ngayon ay baka maubusan na siya ng dugo. Ni hindi niya alam kung bakit siya napunta sa ganoong sitwasyon. Ang pagdukot ng mga ito sa kaniya mula sa ospital at ang pagtakas niya ngayon sa mga taong iyon ay isang malaking palaisipan sa kaniya. Andrea... Iyon lang ang tanging naaalala niya. Ang pangalang paulit-ulit na isinisigaw ng mga humahabol sa kaniya. "Hanapin n'yo si Andrea! Siguradong hindi pa 'yon nakakalayo!" Naalarma siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Kahit hirap na hirap ay pinilit niyang makatayo para makaalis sa kaniyang pinagtataguan. Pipi siyang nanalangin na sana'y hindi siya makita ng mga ito. Mabilis ang kaniyang naging pagkilos dahil sa sobrang takot. Hindi na niya inalintana ang p*******t ng kaniyang sugat ngunit kaagad siyang napaatras nang makita ang hangganan ng kaniyang tinatakbuhan Nalula siya nang mapagtanto kung gaano kalalim ang bangin na iyon. Luminga-linga siya sa paligid para humanap ng ibang daraanan. Nakaramdam naman siya ng munting pag-asa nang makakita ng ilaw na nagmumula sa 'di kalayuan. May bahay! Ngunit bago siya magpatuloy, hinubad niya ang suot na jacket at itinapon sa paanan ng bangin. Kung sakali mang makita ito ng mga humahabol sa kaniya ay iisipin nilang nahulog na siya roon. Paika-ika siyang tumakbo papalapit sa natatanaw na bahay. Hindi niya inalintana ang mga tinik na sumusugat sa balat niya habang tumatakbo. Nang tuluyan nang makalapit, nag-alinlangan siyang pindutin ang doorbell sa malaking gate sa kaniyang harapan. Paano kaya kung masamang tao rin ang nakatira doon? Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng kaluskos. Bumilis ang t***k ng puso niya at walang alinlangang pinindot nang paulit-ulit ang doorbell. Mula sa magarang bahay na natatanaw niya ay lumabas ang isang lalaki. "Help!" Ngunit bago pa man ito tuluyang makalapit ay nagdilim na ang paningin niya at nawalan na ng ulirat. NAALIMPUNGATAN si Andrea nang maramdaman ang sikat ng araw na tumatama sa mukha niya mula sa nakabukas na bintana. Maingat siyang bumangon at inilibot ang paningin sa loob ng kwartong kinaroroonan niya. Mukhang mamahalin din ang mga kagamitang nakikita naroroon. The black-and-gray theme of this room gets its start from the large black floor tiles with heavy white grout lines framing them in place. The white accents in the room match the grout lines nicely, while the sheer curtains are an excellent choice. They frame the window perfectly while not absorbing too much precious light like heavier curtains might. Whoever owns this room must be an anti-social-type of person. Natigilan siya nang maalala ang nangyari kagabi. "Teka, nasaan ako?" sa isip-isip niya. Kinapa niya ang sarili at naramdaman na may benda na ang kaniyang balikat. Iba na rin ang suot niyang damit. Kinabahan siya nang malamang iba na rin ang suot niyang pang-ibaba. “Sh*t” Maingat siyang lumabas ng kwarto at paika-ikang bumaba ng hagdan. Sumigid ang kirot sa balikat niya nang mapamali siya ng hakbang. Mahina siyang dumaing sa sakit na naramdaman at mariing kumapit sa handrail ng hagdan. Nang tuluyan na siyang makababa ay hindi na niya mahanap ang lalaking nakita niya kagabi bago siya nawalan ng malay. He must be the owner. Hindi niya alam kung saan siya liliko dahil sa lawak ng bahay na iyon. Paano kaya nito nagagawang iwanan lamang siya roon samantalang hindi naman siya nito kilala? Hindi kaya ito natatakot na manakawan? Well, hindi naman siya mukhang magnanakaw. Hinagod niya ang nanunuyong lalamunan. She badly needs to drink water but she can't find the kitchen. Muntik na siyang mapatalon nang marinig ang boses mula sa likuran niya. "Turn left if you're looking for my kitchen. Be my guest," malamig na sabi ng lalaki. No doubt, ito ang lalaking nakita niya kagabi. Hindi niya napigilang makaramdam ng takot. Ni hindi niya kilala ang lalaking iyon at maaaring saktan din siya tulad ng mga lalaking humahabol sa kaniya. "I-Ikaw ba ang may-ari nito?" nauutal niyang tanong. Kumunot ang noo nito na wari'y may mali sa tanong niya. Mukha naman itong harmless sa paningin niya pero nababasa na niya ang kasungitan nito sa ekspresyon pa lang ng mukha. Napalunok si Andrea nang mapansin ang mga camerang nakakabit sa sulok ng bahay. Mukha man itong lumang bahay pero sa tingin niya'y safe siya roon. Hinintay niyang sumagot ang lalaki pero tinalikuran lang siya nito. Is that how he treats his guest? Napapailing na sinunod niya ang sinabi kanina ng lalaki. Kumaliwa siya at doon niya natagpuan ang malawak na dinning area. Mukha namang mag-isa lang ang lalaki na nakatira roon pero kahit dalawang pamilya siguro ang magsasalo-salo sa malaking mesa roon ay maluwang pa rin. Kaagad siyang nakaramdam ng matinding gutom nang maamoy ang mabangong pagkain sa mesa. Nakalimutan niya pansamantala ang kasungitan ng binata at mabilis na humila ng upuan para makakain. "Hmm... This is good!" Hindi niya napigilang magkomento dahil sa sarap ng pagkaing nakahain sa harap niya. "Infairness, magaling magluto si Mr. Stranger." Pagkatapos niyang kumain ay nilibot niya ang bahay para hanapin ang lalaki pero nangalay lang ang mga paa niya sa kalalakad. Hindi naman siya makalabas sa takot na may makakita sa kaniya. Bumalik na lang siya sa pinanggalingan niyang silid kanina at nilibang ang sarili sa tanawin mula sa ikalawang palapag ng bahay. Mula roon ay tanaw niya ang malawak na hardin sa labas na tinutubuan na ng matatas na d**o. Marahil ay may igaganda pa iyon kung maaalagaan lang nang tama. Nang makaramdam ng inip ay bumalik siya sa kama at matamang nag-isip. Andrea... Pabalik-balik iyon sa isip niya. Iyon kaya talaga ang pangalan niya? Bahagyang kumirot ang ulo niya sa isiping iyon. Wala siyang maalala na kahit ano tungkol sa sarili niya. Whenever she tries to remember anything, sumasakit lang ang ulo niya at muling bumabalik sa pagtulog. Lumipas ang buong maghapon pero hindi pa rin lumalabas ang estrangherong may-ari ng bahay. Nakaramdam ng inip si Bella kaya lumabas muna siya para makalanghap ng hangin. Nagtaka si Andrea nang biglang gumalaw ang malaking painting na nasa gilid ng hagdan at mula roon ay lumabas ang may-ari ng bahay. Namangha siya nang mapagtantong pinto pala iyon ng isa pang silid. Bigla siyang kinabahan nang makita ang galit na mukha ng lalaki. "M-May problema ba?" nagtataka niyang tanong pero hindi siya nito sinagot. Bagkus ay hinawakan siya nito sa braso at hinaklit papalapit sa katawan nito. "What do you want, huh? Paano mo ako nahanap?" mariing tanong nito. Maang naman siyang napatitig dito. "Anong ibig mong sabihin?" aniya na bakas ang kalituhan. Bahagya siyang nagpumiglas nang maramdaman ang daliri nitong dumidiin sa kaniyang namumulang balat. "Stop lying, will you? You did this on purpose!" Hindi pa rin niya ito maintindihan kaya pinilit na niyang makawala sa pagkakahawak nito sa braso niya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo! Wala lang akong ibang matakbuhan kagabi kaya dito ako napunta sa bahay mo. I'm sorry if I disturbed you here. Pwede naman akong umalis kung hindi mo gustong nandito ako," aniya na biglang pumiyok sa pagsasalita. She's trying to hold her tears. Hindi siya dapat maging mahina sa harap nito. "F*ck!" At sa ikalawang pagkakataon ay tinalikuran siya nito at iniwang nakatulala. Naihilamos niya ang mga palad sa kaniyang mukha at nanghihinang umupo sa katabing sofa. Gusto niyang umiyak dala ng matinding takot. Takot para sa maaaring mangyari sa kaniya kapag lumabas siya roon at takot sa lalaking kasama niya na tila may galit sa kaniya. Kilala ba siya nito? Nahilot niya ang sentido sa kakaisip ng mga bagay na iyon. Akmang babalik na siya sa sild nang mapansin niya ang portrait na naka-display sa sala. Hindi niya iyon napansin kanina nang bumaba siya. Tila may sariling isip ang mga paa niya't dinala siya ng mga ito papalapit doon. Habang pinagmamasdan niya ang larawang iyon ay mas lalo niyang napagtanto na iyon nga ang lalaking may-ari ng bahay. Nang hawakan niya ang portrait ay parang may bagay na biglang rumehistro sa isip niya. Nang tingnan niya ang ibabang bahagi ng frame ay doon niya nabasa ang pangalan ng nasa larawan. Mayor Phoenix Achilles Imperial. Nanlaki ang mga mata niya. "He's a mayor?" tanong niya sa sarili. Nagtatakang inilibot pa niya ang paningin sa paligid niya sa pag-aakalang may malalaman pa siya tungkol sa lalaking kasama niya. "What are you doing?" Napapitlag siya sa pagkagulat nang bigla na lamang magsalita ang lalaki. Nakasandal ito sa may hamba ng pintuan ng silid na pinanggalingan nito kanina at mukhang kanina pa siya pinagmamasdan. "Y-Your name is... Phoenix?" nahihiya niyang tanong dito. Gaya ng inaasahan niya, hindi nito sinagot ang tanong niya. He should give her a name, at least. It would be rude if she's gonna call him, Mr. Stranger. "You gotta come with me," seryosong sabi nito at iginiya siya sa loob ng silid nito. Mula sa kinatatayuan niya ay bumungad ang malaking monitor kung saan makikita ang bawat side ng bahay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kuha ng CCTV na nasa gate ng bahay. Nanigas siya sa kinatatayuan nang makilala ang isa sa mga lalaking humahabol sa kaniya kagabi. "Kilala mo ba ang taong 'yan? May mga kasama siya pero nakatago ang iba," mariing sabi nito. Mas lalo namang kinabahan si Andrea. "S—Siya 'yong humahabol sa 'kin kagabi!" takot na sigaw niya. Nanginginig ang mga kamay niyang humawak sa lalaking kaharap niya at nakiusap. Tila nabura lahat ng hiya niya sa katawan nang mapagtanto kung gaano kapanganib ang buhay niya ngayon. "Please, h'wag mo 'kong ibibigay sa kanila... parang awa mo na! I can do anything for you, j-just, just please let me hide here," nagmamakaawang sabi niya rito. Akmang luluhod siya sa harapan ng lalaki nang maagapan nito ang siko niya. "Damn it! You don't need to do that. You're crazy," naiiling na sabi nito. Kung ibang pagkakataon lang siguro ay baka sinungitan na niya ito sa sinabi pero sa sitwasyon niyang iyon, she's the one who badly needs the favor. Namutla siya nang makita ang baril na kinuha ng lalaki sa drawer at maingat na isinuksok sa likuran. Paano na lang kung mapahamak ito nang dahil sa kaniya? Hindi yata kakayanin ng konsensya niya na may madamay pang iba. "Stay here," utos nito bago lumabas. Pinanood mula sa monitor na nasa harapan niya ang paglabas nito. Mula doon ay kitang-kita niya ang pakikipag-usap ni Phoenix sa lalaking may hawak sa kaniya kagabi bago pa man siya makatakas. Mukhang nagtatanong ang lalaking dumukot sa kaniya dahil may ipinakita itong picture kay Phoenix. Makalipas ang ilang sandali ay umalis na ang lalaking nagtatanong at naglakad na rin ito pabalik sa loob ng bahay. Pigil ang hininga ni Andrea nang makabalik si Phoenix mula sa labas. "Those freaking gun men are looking for you. What have you done, huh? You're getting me into trouble!" iritado nitong sigaw sa kaniya. His voice echoed in her ears. Nangilid ang luha nang ma-realized kung gaano ka-helpless ang sitwasyon niya ngayon. Saan siya pupunta kung aalis siya roon? Kung pipiliin naman niyang manatili ay maaaring madamay ang lalaki sa gulong dala niya. Mariin siyang pumikit at hinayaang dumaloy ang kaniyang mga luha. Huminga siya nang malalim saka lakas-loob na sinalubong ang nagbabagang tingin ni Phoenix. "I'm sorry but, I need your help. Please? Wala na akong ibang mapupuntahan. Just please let me stay hanggang makahanap ako ng paraan kung paano ko mahahanap ang pamilya ko. I-I can't remember anything," aniya at hindi na napigilang pumiyok ang boses. "All I know is that, those gun men, they called me 'Andrea'. Aside from that, I know nothing more about myself." Kumunot ang noo ni Phoenix sa sinabi niya. "And you think, I will believe you?" "I-I don't expect you to believe me but, I really need your help. Kung gusto mo, kahit gawin mo na lang akong maid dito sa bahay mo!" dagdag pa niya. "I don't need a maid. You should go," pinal na sabi nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook