PASADO alas-sais na nang magpasya si Phoenix na lumabas ng opisina niya. Ginugol niya ang oras sa mga bagong interior design na ginagawa niya. Mas gusto niyang harapin iyon kaysa sa babaeng kasama niya na nagpapanggap na may amnesia. Sumalubong sa kaniya ang matinding katahimikan. Tiningnan niya ang mga pagkain sa ref kung may nabawas sa mga iyon pero hindi nagbago ang ayos ng mga iyon.
Hindi ba kumain ang babaeng kasama niya?
He felt sorry for what he did a while ago but he's not really an apologetic person. At dahil wala rin naman siyang ganang kumain, tahimik siyang bumalik sa opisina niya para i-check ang mga CCTV footages kanina para malaman kung lumabas na nga ng kwarto ang dalaga. May camera din ang kwartong ginagamit nito pero nakapatay iyon. Hindi niya iyon bubuksan kung hindi naman emergency. Respeto na rin sa privacy ng dalaga.
Kumunot ang noo niya nang makita ang footage na lumalabas ito ng bahay.
"What the hell?"
"Damn it, Andrea!" Hinagilap niya ang susi ng kaniyang sasakyan at patakbong lumabas ng bahay. Mag-iisang oras pa lang mula nang umalis ito kaya malamang ay maaabutan pa niya ito sa daan.
WALANG PATID ang luha ni Andrea habang papalabas ng bahay ni Phoenix. Huminto lang siya sa paglalakad nang muling sumigid ang kirot mula sa sugat niya. Humanap siya ng batong mauupuan sa gilid ng daan. Hindi niya alam kung gaano pa kalayo ang lalakarin niya bago makalabas sa makitid na daang iyon na napalilibutan ng malawak na maisan.
Ibinaba niya hanggang kili-kili ang damit upang tiningnan ang kaniyang sugat. Mabuti na lang at hindi iyon dumugo. Kailangan na niyang linisan ang sugat niya pero wala naman siyang gamit. Wala rin siyang matutuluyan kung aabutin siya ng gabi sa daan. No one in his right mind would walk in the middle of the night in that kind of place.
Hindi niya napigilang nakaramdam ng takot nang mapansing unti-unti nang kumakalat ang dilim sa paligid. Paano kung bumalik ang mga naghahanap sa kaniya? O 'di kaya'y makatagpo siya ng masasama'ng loob? Siguradong wala na siyang ligtas sa mga ito.
Mayamaya ay naramdaman na rin niya ang unti-unting paglamig ng paligid. It's chilling out there. Sana man lang ay nakapanghiram siya ng jacket. Niyakap niya ang sarili upang kahit papaano ay mabawasan ang lamig. Mabuti na lamang at may kalakihan ang suot niyang damit na ipinahiram ni Phoenix. Pinagkiskis niya ang mga palad at hinagod ang braso niya.
Nangilid ang mga luha niya nang maisip na wala siyang ibang mapupuntahan ngayon. Sino naman ang tutulong sa kaniya roon kung nasa gitna siya ng malawak na maisan? Kung may mga bahay man siguro doon ay malayo pa sa kinaroroonan niya. Hinigpitan niya ang yakap sa sarili at nagpasyang magpaumaga na lang doon bago magpatuloy sa paglalakad.
PANAY-PANAY ang mahihinang pagmumura ni Phoenix habang nagmamaneho. Halos paliparin na niya ang minamanehong land cruiser sa baku-bakong daan na iyon.
Natagpuan niya ang dalagang namumutla na sa sobrang lamig habang natutulog sa malaking bato sa gilid ng daan. Napamura siya nang sunod-sunod at mabilis na pinangko ang dalaga.
Idiniretso niya ito sa kwarto niya at sinindihan ang chimney malapit sa kaniyang kama kung saan niya inilapag si Andrea. Kinumutan niya ito at kiniskis ang mga palad para ilapat sa namumutla nitong pisngi. Nakahinga siya nang maluwag nang unti-unting uminit ang balat ng dalaga.
Bumaba muna siya para magluto ng hapunan at gumawa na rin ng soup para kay Andrea.
"Hey... wake up!" aniya at marahang tinapik ang pisngi nito.
Natigilan naman si Andrea nang mapagmasdan ang kwartong kinaroroonan niya. Paano siya nakabalik doon? Mabilis siyang bumangon at nagulat nang makita si Phoenix na nakaupo sa gilid ng kamang hinihigaan niya.
"Phoenix!" Bahagyang kumunot ang noo nito sa pagtawag niya rito sa unang pangalan at pagkuwa'y bumuntong-hininga.
"You must be checked tomorrow. Magpapatawag ako ng doctor dito, but for now, get up and eat. Mainit pa 'yong soup," malamig na sabi ng binata at nagpasyang iwan na siya roon.
Allergic ba ang lalaking iyon sa pakikipag-usap at lagi na lang siyang tinatalikuran? Nagkibit-balikat siya at sa isip niya'y nagpasalamat na may puso pa rin pala ang lalaki para i-rescue siya mula sa labas.
Tapos na siyang kumain nang may mapagtanto siya. Marahan niyang sinuri ang sarili at namilog ang mga mata nang makumpirma ang hinala.
"He undressed me? Hell no!" Nagmamadali siyang bumangon at humarap sa human-sized mirror sa kwarto. She's now wearing an over-sized shirt and a freaking boxer shorts. It's a good thing that the shirt she's wearing has thick fabric, enough to cover her nakedness. Pero sa pang-ibaba niya ay wala na siyang ibang suot maliban sa boxer shorts na kalahating hita niya ang haba.
She wants to confront him for undressing her while she was asleep. He must have seen her down there! But she doesn't have the audacity to do so. Siya ang nangangailangan ng pabor at hindi ang binata.
KINABUKASAN, maagang nagising si Andrea kaya kaagad siyang bumaba para makapaghanda man lang ng almusal kahit mabigat pa ang katawan niya para kumilos. Kahit doon man lang ay makabayad siya sa kabayanihang ginawa ni Phoenix sa kaniya. Hindi siya sigurado kung may alam siyang lutuin pero wala naman sigurong masama kung susubukan niya.
Nang buksan niya ang fridge ay bumungad sa kaniya ang napakaraming gulay at iba't-ibang klase ng prutas. That man was acting weird but at least, nakumpirma niya na hindi naman ito aswang. And the last time she remembered, masarap din itong magluto.
Napangiwi siya nang wala nang ibang mahanap na ibang iluluto doon. Hindi rin siya pamilyar sa ibang gulay na naroon kaya pinili na lang niya ang medyo pamilyar sa kaniya. Kumuha siya ng kutsilyo ang hinati-hati iyon. She may have lost her memory pero malinaw naman sa isip niya kung anong gulay iyon. She proudly put the pan on electric stove to fry the cut pieces of squash.
Pawis-pawisan na siya nang matapos lutuin ang kalabasa. Tiningnan naman niya ang nilutong kanin sa rice-cooker. Nataranta siya nang makitang umaapaw na ang laman niyon.
"Holy f*ck! What are you doing in my kitchen?"
Nabitawan ni Andrea ang hawak na sandok sa pagkagulat niya. Umahon ang kaba sa dibdib niya nang makilala ang boses ni Phoenix.
"I-I'm sorry! I'm just trying to—''
"Leave it there," matigas nitong sabi. Hindi naman kaagad siya nakakilos sa labis na pagkagulat. Pagkuwa'y lumipad ang tingin niya sa mesa kung saan nakahain ang prinito niyang kalabasa.
"You could have peeled it first and—this is not good for frying alone!" dagdag pa nito bago kinuha ang niluto niya at idiniretso sa trash bin na naroon. She gawked. Pinagpawisan pa siya sa pagluluto niyon kanina tapos itatapon lang!
"I said, I'm sorry. Hindi ko naman alam na hindi pala pwedeng iprito ang kalabasa," dismayado niyang sagot. Napayuko na lang siya dala ng kahihiyan.
Pinabalik siya ni Phoenix sa kwarto para mag-asikaso ng sarili. Sinabi nito na parating na raw ang ipinatawag nitong doctor para tingnan siya. Papasok na sana siya sa banyo nang may maalala.
Nahihiya man pero naglakas-loob ulit pa rin siyang bumaba para manghiram ng damit kay Phoenix. Sana lang ay hindi na mainit ang ulo nito.
Ngunit pagpasok nya sa kusina ay wala na ito doon. Mangha siyang napatingin sa mga pagkaing tinakpan sa mesa. He must be a good cook! Ilang minuto pa lang siya nang makaalis doon pero nakapagluto na ito kaagad.
Bumalik siya sa sala at umikot sa gilid ng spiral staircase para kumatok sa opisina nito pero nakakailang katok na sya ay wala pa ring sumasagot.
Baka nasa kwarto ito? Napansin na kasi niya kanina ang pinto sa tapat ng silid na tinutuluyan niya. Umakyat siya ulit at hinihingal nang makarating sa itaas. Ang haba naman kasi ng hagdang iyon.
Nakakailang katok pa lang siya nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Phoenix na mukhang kaliligo lang at nakatapis pa ng tuwalya.
"What?" iritadong tanong nito. Hindi ba ito aware sa ayos nito?
Napalunok si Andrea nang hindi naiwasang maglakbay ang mga mata sa nakalantad na katawan ng binata.
"Jesus! Is he a Greek God or what?" sa isip-isip niya.
"Eyes up, miss! Tell me what you need so you can leave," he said and stared at her blankly. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na namang uminit ang ulo nito.
"Ahm... m-manghihiram sana ako ng damit sa 'yo. M-maliligo kasi ako pero wala akong pamalit," nahihiya niyang saad dito.
"Okay. Wait for me here."
Pumasok ito sa loob at ilang saglit lang ay bumalik hawak ang isang kulay gray na t-shirt at isang boxer shorts.
"Here. Hindi ko pa nasusuot 'yang boxer shorts. May kailangan ka pa?"
"M-meron pa sana..."
Marahas itong bumuga sa hangin at naweywang sa harap niya.
"Okay. What is it?"
"P-Pwede bang pahiram ng phone? I just want to know kung may naghahanap ba sa 'kin. Para makahanap na rin ako ng paraan kung paano makakauwi." She bit her lip when he frowned his face at her. Tila hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.
"No. You may leave now," taboy sa kaniya ni Phoenix. Magsasalita pa sana siya pero pinagsarahan na siya nito ng pinto.
“What’s wrong with him?”
Sa halip na kumatok muli ay tahimik na lang siya na umalis doon.
Bahala na. Kung papayagan naman siya nito na makituloy muna roon ay magkakaroon, marahil ay sapat na ang panahong iyon para magbalik ang alaala niya.
Alas-otso na nang muling makababa si Andrea. Naabutan niya sa dinning area si Phoenix na wari'y hinihintay na lamang siya para makakain na. Pero naagaw ng atensyon niya ang babaeng nakatayo sa gilid ng fridge at maang na nakatitig sa kaniya.
"Hi! Good morning," nakangiting bati nito sa kaniya. Saglit siyang natigilan bago binati ang babae at ginantihan ang ngiti nito. Tahimik lang naman si Phoenix habang kumukuha ng pagkain.
"You must be my patient. By the way, I'm Dra. Nathalia Isaac! But you can call me, Lia. You look familiar," anito na bahagyang naningkit ang mga mata. Wari'y may pilit na inaalala.
"Talaga? Ahm, I-I'm Andrea." Naglahad siya ng palad dito na kaagad namang tinanggap. Nagtaka siya nang hindi nito kaagad binitiwan ang kamay niya.
"Let's eat," maawtoridad na sabi ni Phoenix sa usapan nilang dalawa. Nginitian siya ng babae bago ito umupo sa tabi ni Phoenix.
"Phoenix said, you've been shot. I have to check your wound first kung nalinis nang maayos to avoid infection. But before that, kumain na muna tayo at baka umusok na naman ang ilong ng isa rito," natatawang sabi ng babae. Patuloy ito sa pagkukuwento habang kumakain sila. Tango lang naman siya nang tango at paminsan-minsa'y nagkokomento sa mga sinasabi nito. Si Phoenix naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Nang matapos itong kumain ay nagpaalam nang may gagawin muna sa opisina.
"Super busy talaga ng taong 'yan. Nagmumukmok na nga lang dito pero nagtatrabaho pa rin. How was your stay here naman? Hindi ka ba sinusungitan ng isang 'yan?" nakangiting tanong nito sa kaniya. Kaagad namang napalagay ang loob niya rito dahil sa gaan ng awra nito at sa magandang pakikitungo sa kaniya. She somehow felt blessed dahil kahit papaano ay may iba na siyang nakakausap. Kung pwede lang sana na magtagal pa ang babae roon ay mas nanaiisin pa niyang kilalanin ito kaysa maghintay kay Phoenix na kausapin siya.
Ngumiti siya sa babae at marahang umiling.
"He said, nawalan ka raw ng malay nang mapadpad ka rito. Mabuti na lang at tinulungan ka niya."
"Ah, oo. Nagkamalay na lang ako no'ng nasa kwarto na—"
"Did he bring you in his room? Who changed your clothes?" sunod-sunod na tanong nito. Marahan nitong pinaglandas ang tingin sa suot niyang damit at mayamaya'y sumilay ang pilyang ngiti.
Namula siya sa ginawa ng babae at bahagyang yumuko.
"He did?" anito. Mukhang hindi yata siya titigilan.
"I-I think so," nahihiya niyang sagot at kaagad nag-iwas ng tingin. Humagalpak naman ng tawa si Nathalia.
"Hell no, Phoenix!" tatawa-tawa nitong sabi bago siya niyaya sa maliit na clinic sa loob ng bahay ng binata.