CHAPTER 3

2025 Words
HINDI inaasahan ni Andrea na kompleto pala sa gamit ang sinasabi ni Nathalia na clinic ni Phoenix. "Is he a doctor?" curious niyang tanong kay Nathalia. Pinahiga siya nito sa hospital cot na naroon para simulan nang suriin. "No. He's an architect. Actually, pareho kami ng pinanggalingan na university. Ang kaibahan lang, mas naging successful siya kesa sa 'kin. Nakakalungkot lang na kailangan niya pang pagdaanan 'yong--" Saglit itong natigilan sa pagsasalita at pagkuwa'y inilihis ang usapan. "Nevermind. I think it's too personal para ikuwento ko pa," ani Nathalia. "Okay lang. I understand." Habang sinusuri ni Nathalia si Andrea ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Phoenix. "You gonna watch?" tanong ni Nathalia nang hindi tumitingin sa binata. "Don't mind me. I'll just sit here," seryoso nitong sagot. Napalunok naman si Andrea at muling nakaramdam ng pagkailang. Sinundan niya ng tingin ang binata na prenteng umupo sa couch na naroon. Kaagad siyang umiwas ng tingin nang dumako ang mga mata nito sa kaniya. Makalipas ang ilang minuto ay hinarap naman ni Nathalia si Phoenix para makausap. "We have to bring her to the city. Kahit may mga gamit ka dito, kailangan pa rin siyang ma-check nang maayos. 'Yong sugat niya, kailangan lang malinisan regularly at bilhan mo na rin ng gamot para tuloy-tuloy ang paggaling niya." Panay-panay lang naman ang pagtango ng binata habang nagsasalita si Nathalia. Parang magkapatid lang ang dalawa habang nag-uusap. She was just amazed na hindi ito nagsusungit sa harap ni Nathalia. How she wished he could be like that when talking to her, too. Nginitian niya si Nathalia nang bumaling ang tingin nito sa kaniya. Humarap din ito kaagad kay Phoenix at may ibinulong. "May bilin ka pa?" seryoso pero walang bakas ng iritasyong tanong ng binata. Mas magaan na ang awra nito ngayon. "Wala na. Pauwi na rin ako ngayon kaya ang mabuti pa, gawin mo na 'yong mga sinabi ko. And please, Nix, be nice naman. Baka lalong ma-trauma 'tong pasyente ko sa 'yo," tatawa-tawang sabi nito. "This is my house and I'll treat her the way I want to." Nauna nang tumayo si Phoenix para lumabas. Naiwan silang dalawa sa clinic para pribado siyang kausapin ni Nathalia. She has an amnesia. That explains everything kaya wala siyang maalala na kahit ano mula sa nakaraan niya. Muli siyang nakaramdam ng takot dahil doon. Kung nasa panganib ang buhay niya, paano kung ganoon din ang pamilya niya kung mayroon man? This house is the best place for her to hide and wait for wound to heal. Hindi siya makakaalis kung hindi siya tutulungan ni Phoenix. Delikado siya sa labas kung mag-isa lang siya. Nagpaalam na si Nathalia na babalik na ito sa siyudad. Bago ito umalis ay naririnig pa niyang panay ang bilin nito kay Phoenix. Babalik na sana siya sa itaas nang bigla siyang bumahing nang sunod-sunod. Napalingon si Phoenix sa direksyon niya. Nilakihan niya ang mga hakbang para makabalik kaagad sa kwartong tinutuluyan niya. Mukhang sisipunin pa yata siya. Humiga muna siya sa kama para makapagpahinga. Para kasing pagod na pagod ang katawan niya kahit wala naman siyang ginagawa. "Achoo!" She sneezed and rubbed her nose with her shirt. There's no towel or something she can use in that room. Walang laman ang closet na naroon. Mukhang guest room lang iyon ni Phoenix. She lie on the bed and close her eyes as she listens to the birds twitting outside the window. Ilang oras pa ang lumipas at nakarinig siya ng sunod-sunod na katok. Bumungad sa kaniya ang nakakunot-noong si Phoenix. Hawak nito sa magkabilang kamay ang dalawang paper bag ng kilalang clothing brand. Ibinaba iyon ng binata at marahang sinalat ang kaniyang noo. Napaatras si Andrea nang lumapat ang likod ng palad nito sa noo niya. "I thought you applied as my maid here? May maid bang nakatambay lang sa kwarto?" masungit na tanong nito. Biglang nakaramdam ng iritasyon si Andrea nang marinig iyon. Inirapan niya ang binata at pinigilang muling mapabahing. Baka pandirihan pa siya nito. When she turned to him, his brows were in knot. Hindi niya mawari kung concerned ba ito sa kaniya o naiirita rin sa inasal niya. "This should fit you. Change your clothes," utos nito nang iabot ang dalawang paper bag. Tahimik niya iyong tinanggap nang hindi tumitingin kay Phoenix. Phoenix towered himself near the door. Parang may gusto pa itong sabihin sa kaniya kaya huminto siya sa tangkang paglapit sa kama para sana ilapag ang mga dala ng binata. "Wala man lang bang 'thank you'?" He smirked. "Thank you," walang gana niyang sagot. "How cold. Kung iniisip mo na tinutulungan kita, then drop it. I don't like you being here," blanko ang mukhang saad ni Phoenix. Naningkit ang mga mata ni Andrea. Bakit kailangan pa nitong ipamukha sa kaniya na hindi nito gusto ang pananatili niya roon? "You know what, you seriously have a social problem. I owe you my life this time for letting me stay here but I'm not a freaking robot! I have my feelings, too. When you undressed me, you probably seen my whole body. I felt humiliated. Nag-complain ba ako? I didn't, because I know that I owe you something," naluluha niyang sumbat sa binata. Hindi na niya napigilan ang sarili dahil sa bugso ng damdamin niya. "I didn't. I f*cking did it with my eyes closed. Believe or not, I don't care. Magpalit ka na ng damit. Get your meds downstairs," anito at padarag na isinara ang pinto. Habang tumatagal siya roon ay nagiging habit na nito na pagbagsakan siya ng pinto. Nang makalabas ang binata ay hinarap naman niya ang ibinigay nitong paper bag. Nang isa-isa niyang i-check ang laman ng isa ay tumambad sa kaniya ang limang pares ng panloob at dalawang pares ng pantulog. Napasinghap siya nang isukat iyon. "Paano niya nalaman ang size ko?" Inilapag niya ang mga iyon sa kama matapos isukat at inisa-isa naman ang laman ng isa pang paper bag. Mga damit at shorts naman ang laman ng mga iyon. Nang isukat niya ang mga iyon ay nagkasya naman sa kaniya lahat. Mukhang magaling manghula ng size si Phoenix kahit sa tingin lang. "Or maybe, babaero siya kaya alam na niya ang iba't ibang size ng damit ng mga babae," sa isip-isip niya. Sinunod naman niya ang sinabi ng binata kanina. Nagtungo siya sa banyo para magpalit ng damit. There's no way she's gonna change her clothes with the cameras on inside that room. Parang nakahinga siya nang maluwag nang tuluyang makapagpalit ng damit. At least now, she's decent enough to face that grumpy man. She has her undies on. She felt so exposed without them that's why she's kinda thankful to that man to at least buy her those. The door creeked when it opens. Kaagad na rin siyang bumaba para kunin ang mga gamot na sinasabi ni Phoenix. Natigilan siya nang makita itong nakaupo sa sofa sa sala habang kaharap ang laptop. He's still working. "Get your meds in the kitchen. There are toiletries in the other bag," anito nang hindi tumitingin sa kaniya. She nodded and silently walk through the kitchen. Natagpuan naman niya roon ang isang plastic bag na may tatak ng kilalang drug store. Nang silipin niya ang laman niyon ay mayroon ngang toiletries at iba pang gamit for proper hygiene. "Thanks for this," aniya nang muling madaanan doon si Phoenix. "Don't thank me. You'll pay for that as you work here. And don't mind to cook. Stop wasting my groceries," masungit nitong sabi nang sulyapan siya nito. Marahan siyang tumango. May punto naman ito. She literally sucks in cooking. Kahit anong dish yata ay wala siyang alam lutuin. Not even boiling eggs. Napapaisip tuloy siya kung anong buhay ang mayroon siya bago mapadpad sa teritoryo ni Phoenix. Kung may pamilya ba siya o mag-isa na lang niya sa buhay? Sa halip na mag-isip ng kung anu-ano ay inayos na lang niya ang mga binili ni Phoenix na damit para sa kaniya sa closet na naroon. Hindi naman siguro ito magagalit kung gagamitin niya iyon. Patapos na siyang maglagay ng mga damit nang mapansin niya ang nakadikit na picture sa itaas na bahagi ng closet. Kung hindi niya titingalain iyon ay hindi niya mapapansin. Dala ng kuryosidad, tinanggal niya sa pagkakadikit ang picture para mas makita nang malapitan. It's Phoenix with a girl. Kung tatayahin ay hindi nalalayo sa edad niya ang babae. Napasinghap siya nang may maalala. "The painting! Siya 'yong nasa painting," aniya sa sarili nang mapagtanto iyon. Tiningnan ang likod ng hawak na larawan at binasa ang nakasulat. ENGAGED. Doon lang niya napansin ang magkapares na singsing na suot ng dalawa sa larawan. Natutop niya ang bibig. "He's married. Pero nasaan 'yong babae?" Kaagad niyang ibinalik sa pwesto ang kinuhang larawan nang makarinig ng mga yabag. Napapikit siya nang biglang may sumagi sa isipan niya. "s**t! Kailan ba kasi ako makakaalala?" DISMAYADONG umupo sa swivel chair si Phoenix habang nakaharap sa screen ng kaniyang laptop. Kausap niya ang pinsan niyang si Jake para makibalita tungkol sa gulong kinasasangkutan ng pamilya ni Andrea. "Bro, gulo ang dala ng babaeng 'yan sa buhay mo," ani Jake mula sa kabilang linya. "But I can't just let her go, Jake. Kahit malaki ang naging kasalanan niya sa akin noon, hindi ko pa rin siya pwedeng pabayaan. She had lost her memory. Kung babalik siya sa kanila, she would just trust anyone and it could bring her to hell," aniya. "Iba ka rin talaga, Mayor!" biro nito na ikinalukot ng mukha niya. "Biro lang. Anyway, balitaan na lang kita ulit kung may masasagap ako rito. Magpapadala na rin ako ng mga taong pwedeng magbantay sa inyo d'yan. Posibleng bumalik pa ang mga kriminal na 'yon para hunting-in si Andrea," ani Jake bago tinapos ang video call. Bumuntong-hininga si Phoenix at malalim na nag-isip. "Can you be my boyfriend? Because, I really, really like you, Mayor Phoenix Imperial." Napailing siya nang biglang mag-flash sa isip niya ang binitawang linya ni Andrea noon. That woman, she's really a pain in my ass. She was young way back then. A teenager, rooting for a matured man like him. Laking pasasalamat na lang niya noong hindi siya iniwan ni Julia habang kasagsagan pa ng issue sa kanilang dalawa ni Andrea. A pedophile sh*t. He hates her. He hates her family. Pero heto siya ngayon at tinutulungan ang babaeng minsa'y dinungisan ang pangalan niya. NAGULANTANG mula sa mahimbing na pagkakatulog si Andrea nang makarinig ng malalakas na katok. It seems like the man, of course, no other than Phoenix is going to wreck that damn door. Wala naman siyang ibang kasama sa bahay na iyon. Iritado siyang bumangon at pupungas-pungas na binuksan ang pinto. "Yes, Sir-" "Do you know what time it is? Ngayon lang ako nakakita ng maid na nauunahan pang magising ng amo," suplado nitong bungad sa kaniya. "I'm sorry, Sir Phoenix. Hindi na po mauulit," aniya at sarkastikong ngumiti. Halos magsalubong na ang kilay nito sa ginawa niya pero hindi niya iyon pinansin. Agang-aga, ang sungit-sungit! "Get ready. If you can't work as my maid, then you will work for me at my farm. Bilisan mo. You only have ten minutes," mariing utos ng binata. Dumako ang tingin niya sa dala nitong plastic bag. "Wear these boots." She silently nodded. Nang makaalis ang binata ay mabilis siyang kumilos para maligo at magbihis. Laking pasasalamat niya dahil mayroong t-shirt at jogging pants na nabili si Phoenix para sa kaniya. Pwede na iyon para sa magiging trabaho niya sa farm. It looked presentable enough for a farm girl like her. Napangiwi siya nang maisip kung ano ang naroon. Am I gonna clean animal poops? Ipinilig niya ang ulo para iwaksi ang nasa isipan niya. Pipi siyang nananalangin na sana'y magwawalis lang siya o 'di kaya ay mag-aani na lang ng mga tanim. Hindi yata niya kakayanin ang ganoong trabaho. Baka hindi magtagal ay mapalayas pa siya roon ni Phoenix at ibigay na lamang sa mga taong naghahanap sa kaniya. Napasigaw siya nang dumampi sa balat niya ang malamig na tubig. Ten minutes lang ang ibinigay na oras sa kaniya, kundi ay maiiwan siya roon nang mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD