NAGKUKUMAHOG na bumaba ng hagdanan si Andrea nang makapagbihis na siya. Naririnig na niya mula sa labas ang malakas na busina ng sasakyan ni Phoenix kaya lalo siyang nagmadali.
"Can't he wait? Ang bigat kaya nitong boots!"
"Good morning, sir! Pasensya na po at natagalan ako," aniya at pilit na ngumiti sa kaniyang 'amo'.
Sa halip na sumagot ay kaagad na pinasibad ni Phoenix ang minamanehong jeep wrangler, dahilan para mapasubsob ang mukha ng dalaga sa dashboard.
"Ouch! Will you please slow down?" reklamo niya rito. Kahit sa oras na iyon lang ay kakalimutan niyang boss niya ito.
"This is the consequence of being late, Andrea. Kung ayaw mong mabilad sa init, tumahimik ka na lang."
She bit her lower lip to stop herself from talking. Hindi rin naman kasi siya mananalo sa isang ito. Umayos siya ng pagkakaupo at itinuon na lang ang atensyon sa nadadaanan nila. Wala namang ipinagbago ang mga nakita niya noong umalis siya. Isa pa rin iyong malawak na tubuhan. Ilang minuto nang tumatakbo ang sinasakyan nila pero wala pa rin siyang ibang nakikita. May hangganan ba talaga ang daang iyon? Paano na lang pala kung nilakad niya iyon noong umalis siya? Baka kahit lawit na ang dila niya sa pagod ay wala pa rin siyang nakikitang bahay.
Mayamaya'y naagaw ng atensyon niya ang isang malaking tarangkahang nakasarado pa. Sinilip niya kung ano'ng nakasulat sa itaas niyon. GREEN ARCHER'S FARM.
It sounds familiar to her. Hindi lang niya maisip kung saan niya iyon narinig.
Nagulat siya nang biglang bumusina si Phoenix at mula sa loob ng malaking tarangkahan ay sumilip ang isang matandang lalaki.
"Good morning ho, Sir Phoenix!" bati nito bago itinulak ang gate pabukas para makapasok ang dala nilang sasakyan.
"Good morning din po, Mang Tasyo. Si Mang Julio po?" anang binata.
"Nasa Farmhouse pa ho," sagot naman nito.
"Sige ho, Mang Tasyo. Ah, ito nga pala 'yong almusal n'yo." Kinuha nito ang isang supot ng pagkain mula sa backseat. Hindi niya iyon napansin kanina sa pagsakay niya. Napalunok siya nang maramdaman ang pagkulo ng sikmura niya.
Nang maiabot sa matanda ang pagkain ay siya naman ang binalingan nito.
"You'll eat your breakfast at the farmhouse," anito bago muling pinasibad ang sasakyan. Mukhang nabasa nga nito ang nasa isip niya.
Malayo-layo pa pala mula sa gate ang kinaroroonan ng farmhouse kaya nilibang na lang niya ang sarili sa pagmamasid sa mga puno ng manggang nakahilera sa gilid ng daan.
Napaangat siya sa upuan nang matanaw ang naglalakihang puno ng mahogany na nakapalibot sa farmhouse na tinutukoy kanina ni Phoenix. Tila sinadya itong itanim nang ganoon para magmukhang bakod sa nasabing bahay. Halos magkakapareho rin ang laki ng mga iyon kay nagmukhang itinayong palito ng posporo ang mga ito. Nang tuluyan na niyang makita ang panlabas ng bahay ay mas lalo pa siyang namangha. Sa unang tingin ay mukha lang itong simpleng farmhouse pero nang malapitan niya at mapagmasdan ang disensyo, hindi siya kaagad nakapagsalita.
"Enjoy the view for now. Mamaya, sisimulan mo na ang trabaho mo," ani Phoenix bago pumasok sa loob ng bahay. Naiwan siya sa labas na nagmamasid-masid pa rin.
"This is a paradise. Nakakataka namang may ganito palang pagmamay-ari ang impaktong kasama ko. Sabagay, architect nga pala siya."
Umirap siya sa hangin na para bang nasa harapan niya lang ang kinaiinisan niya.
"Good morning, miss!" bati ng lalaking lumapit sa kaniya. Sa tantiya niya'y nasa bente anyos na rin ito.
"Good morning. Ah, trabahador ka rin ba dito?" aniya sa lalaki.
Mabilis naman itong tumango at naglahad ng kamay sa kaniya.
"Ako nga pala si Nicko. Isa ako sa mga hardinero ni Sir Nix. Ang gara ng bahay niya 'no?" anito habang nakatingala sa old Tudor house sa kanilang harapan.
"Yeah. Ahm, how long have you been working here?" aniya kay Nicko.
"Limang taon na rin ako rito, miss—"
"Andrea. My name is Andrea." Ngumiti siya sa kausap. He seems nice. Mabuti na rin iyon dahil kahit papaano ay may mahihingan siya ng tulong kung sakaling pahihirapan siya roon ni Phoenix.
"Andrea. Andeng na lang pala hindi nakakalito!"
Hindi napigilan ni Andrea na matawa sa pangalang binanggit nito.
"That sounds oldy pero sige. Ikaw ang bahal—"
"It's seven in the morning yet you're still there, talking nonsense with my employee," anang tinig sa kanilang harapan. Nang sulyapan nila ito ay sabay pa silang napalunok ni Nicko nang makitang halos magsalubong na ang kilay ni Phoenix habang nakatingin sa kanila.
"I'm sorry. Nakikipagkwentuhan lang naman ako kay Nicko. Ano bang gagawin ko ngayon?" Nagpaalam na siya kay Nicko at sumunod kay Phoenix nang pumasok na ulit ito sa loob ng bahay.
"Feeling excited, huh? You'll see, later. If I were you, I would eat a lot for breakfast," anito bago humila ng isang upuan at pumuwesto na sa may hapag-kainan.
Tahimik naman siyang humila rin ng upuan at nagsandok ng nakahaing pagkain. Pagsisilbihan sana siya ng matandang naghain ng pagkain kanina pero pinigilan ito ni Phoenix.
"She can do that herself. Sit down and have a breakfast with us, Manang Susan." Maang namang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa. Siguro'y nakahalata rin ito ng tensyon sa kanilang dalawa kaya tahimik na lang itong pumuwesto sa tabi ni Andrea para makisalo sa kanila.
Pagkatapos nilang mag-agahan ay iginiya siya ni Phoenix sa likuran ng bahay. Tumambad sa kaniya ang mga fence doon na may nakakulong na baka. Sa gilid nito ay may nakapalibot na biniak na malaking tubo na pinaglalagyan ng pagkain ng mga ito.
"They are fed with organic feeds. Nicko will assist you later so you can start your job," anito habang naglilibot sila roon.
Nagkibit-balikat si Andrea sa sinabi ng binata. "Basic."
"After that, you may start cleaning these."
Namilog ang mga mata ni Andrea nang sundan ng tingin ang itinuturo ni Phoenix.
"Hell, no!" aniya at kaagad na nagtakip ng ilong nang makita ang nakakalat na dumi ng baka sa labas ng fence. Mukhang in-spray-an na ng tubig sa loob para dumaloy sa labas ang mga dumi. At siya ang maglilinis niyon.
"Kung ayaw mo ng ganitong trabaho, you may go," iritado nitong saad sa kaniya bago tinawag si Nicko na nagwawalis sa 'di kalayuan.
"Turuan mo siya kung anong dapat gawin. Pagkatapos, bumalik ka na rin kaagad sa hardin at may ipagagawa ako sa 'yo," anito bago sila iniwan doon.
"Is he freaking serious? I'm gonna clean these poops?" hindi makapaniwalang palatak niya at nandidiring itinuro ang lilinisin niya.
"Seryoso talaga iyon si Sir Nix. Akala ko pa naman kanina, e, nobya ka niya. Pero mukha ka namang mayaman. Bakit ka rito nagtatrabaho?" usisa nito.
Tumuwid siya ng tayo at tumikhim bago sagutin ang tanong nito.
"I badly need this job, so please, turuan mo ako ng lahat ng kailangan kong gawin. Don't worry, I'll give you commission from my salary," sa halip ay sagot niya rito. There's no way in hell that she's going to tell him the reason why she needs to stay with Phoenix.
"Pwede naman kitang turuan, miss, kahit walang bayad. Basta tawagin mo lang ako kung may kailangan ka," anito at kumindat sa kaniya.
"What if, pagalitan ka ng boss mo?" Napatili siya nang lumapit sa kaniya ang isang inahin. Nagtatakbo siya para hindi nito malapitan. Tumigil lang siya nang mahuli iyon ni Nicko at ibinalik sa loob ng tangkal.
"Pasensya na, miss. Nakawala na naman kasi si Luper."
"Luper?" kunot-noo niyang tanong.
"Ahh, 'yong manok po. Luper ang pangalan niya. Ang kulit nga—"
"Hindi ka pa rin nagsisimula?"
Muntik nang mapatalon sa pagkagulat si Andrea sa lakas ng boses ni Phoenix. Nang lumingon siya sa direksyon nito ay halos magkabuhol na ang kilay nito sa sobrang iritasyon.
"Nicko," baling nito sa tauhan.
"Sir?"
"Turuan mo siya kung ano ang gagawin. Help her feed the chickens. Aalis muna ako para mamili ng mga gamit sa bayan. We'll be staying here for a month."
"For a month? Meaning... maglilinis ako ng poops for a month? Oh, God, my dear hands."
"Ganiyan ba talaga kasungit ang amo n'yo?" mayamaya'y tanong niya kay Nicko nang makaalis si Phoenix. Nicko grabbed a bucket full of seeds and handed it to her.
"Masasanay ka rin kay Sir Nix. Mabait naman 'yan si Sir. Nagkataon lang siguro na mainit ang ulo niya ngayon," ani Nicko at iginiya siya sa fence kung saan nakakulong ang mga manok na pakakainin niya.
"Come here, little chickens!" tawag niya sa mga ito. Nanlaki ang mga mata niya nang magsilapit ang mga ito sa kaniya. She's not a fan of chickens and they scared her just the way they look at her. Nilingon niya si Nicko na tatawa-tawa sa likod niya.
"Alam mo, hindi mo sila mapapakain nang maayos kung takot ka sa kanila. Bakit ka ba natatakot eh mas malaki ka naman sa kanila?" anito bago inagaw sa kaniya ang bucket na may lamang patuka ng mga manok. Ipinakita nito sa kaniya ang tamang pagpapakain at namangha naman siya nang makitang lumapit ang mga manok dito nang hindi ito tinutuka. Nagkumpulan lang ang mga ito sa pagkaing isinabog ni Nicko sa lupa.
"So, that's how they were fed." Bumuga siya sa hangin. Unang task pa lang ay hindi na niya magawa nang maayos. Paano pa kaya ang mga susunod na ipagagawa ni Phoenix kung mukhang sinusubukan talaga siya nito?
"Oo. Madali lang 'di ba? Halika na, doon naman tayo sa lilinisin mo," nakangisi nitong sabi sa kaniya. Inirapan niya ang kasama.
"You really think, this is funny, huh? Well, it's not my fault that I'm not a country girl who knows everything in this kind of—urgh!"
Matapos ipaliwanag sa kaniya ni Nicko ang gagawin niyang paglilinis ng mga dumi ng baka ay umalis na ito para gawin naman ang trabahong nakalaan dito. Nalaman kasi niya na bukod sa pagiging hardinero ay tumutulong din si Nicko sa tubuhan. That explains his dark skin color. The art of hardwork.
Napapangiwi niyang pinala ang nakatambak na dumi ng baka doon. Ilang beses na siyang muntik masuka sa pandidiri ngunit tiniis niya iyon para matapos siya kaagad. Mabuti na lang at may suot siyang boots. She can't imagine herself wearing a pair of slippers while cleaning those poops.
Butil-butil na ang pawis niya nang matapos siya sa paglilinis doon. Muntik na siyang mapatili nang mapansin si Phoenix na nakatayo sa may hamba ng pinto habang nakahalukipkip at pinagmamasdan siya sa ginagawa. Palihim niya itong inirapan at naglakad pabalik sa pinagkuhaan niya ng pala at walis kanina. Nang maibalik ang mga gamit ay pinagpagan naman niya ang suot na damit.
"After that, you may start cleaning the house, especially your room," anito habang nakatingin pa rin sa kaniya.
Kunot-noo niya itong nilingon. "My room?"
"Your room," ulit nito sa sinabi. "Nadala ko na rin ang mga gamit mo rito. Hindi muna tayo babalik sa bahay for your safety. Sigurado akong babalik pa rin ang mga lalaking naghahanap sa 'yo. If I were you, I'll just do my job so I can stay here for free."
Hindi kaagad nakasagot si Andrea nang maalala ang mga lalaking humahabol sa kaniya. She's still not safe. Kung mananatili siya sa poder ni Phoenix, maaari pa rin siya nitong maprotektahan. Bumuntong-hininga siya at tahimik na sumunod sa loob nang pumasok na roon si Phoenix.
Napapailing na pinagmasdan ni Andrea ang kwartong tutuluyan niya. Sa kapal ng alikabok doon ay pwede na niyang isulat ang pangalan niya. Dismayado siyang kumuha ng walis para simulan na ang paglilinis doon. Nakasalubong pa niya si Phoenix na may buhat-buhat na box.
"These are your things. I'll just put this outside your room," anito bago dumiretso. Nagkibit-balikat na lang siya nang lampasan siya nito. Wala naman siyang mga gamit bukod sa mga pinamili nito.
Sunod-sunod ang pagbahing ni Andrea nang simulant na niya ang paglilinis. Tagaktak na rin ang pawis niya sa sobrang init. Hindi kasi niya pwedeng buksan ang electric fan doon dahil liliparin ng hangin ang alikabok. Mahigit isang oras din ang ginugol niya sa paglilinis doon bago nagdesisyong maligo.
Namili siya ng damit na pwede niyang isuot mula sa mga damit na ibinigay ni Phoenix sa kaniya. Napailing siya nang wala na siyang makita roon na pwede niyang isuot sa paglilinis. Labag man sa kalooban ay kinuha na lang niya ang yellow plaid skirt at tinernuhan ng white semi-croptop. Kakaunti lang ang pamalit niyang damit kaya kailangan na rin niya kaagad na malabhan ang mga iyon. Akala niya ay makakaligo na kaagad siya pero nadismaya siya nang makita kung gaano kadumi ang banyo.
Natigilan si Manang Susan na noo'y naghahanda ng pananghalian nang pumasok siya sa kusina.
"Hija, kanina ka pa hinahanap ni Phoenix, ah?"
"Po? Eh, bakit daw ho?" nagtataka niyang tanong. Sa pagkakaalala kasi niya ay wala naman itong inutos sa kaniya maliban sa paglilinis nang iwan siya nito.