Andrea felt a strong arms wrapped around her when she opened her eyes. Phoenix was still asleep, hugging her tightly. Suot pa rin nito ang damit kagabi at ganoon din siya. Bahagya siyang namula nang maalala ang nangyari kagabi. Muntik nang may mangyari ulit sa kanila nang dahil sa kalasingan niya. Maingat siyang bumaba ng kama para hindi magising ang binata. Tila kinurot ang puso niya nang mapagmasdan ang hitsura nito. Mukhang pagod na pagod na ito kahapon pero sinamahan pa rin siya sa club. Bigla siyang nakaramdam ng guilt sa nagawa. He sacrificed his rest time just to go with her. Just to make her safe while she hangs out with her friends. Nasapo niya ang noo nang makaramdam ng bahagyang kirot. Inayos niya ang sarili at nagpalit muna ng damit bago bumaba para magpaluto ng almusal para

