Nasa labas pa lang si Andrea ng restaurant kung saan sila magkikita ni Julia ay nahagilap na kaagad ng mga mata niya itong nakaupo malapit sa glass wall ng café. Hindi muna siya bumaba ng kotse at naghintay pa ng ilang minuto. Wait for me, b***h. Mataman niyang pinagmasdan si Julia habang nasa loob pa rin ng kotse. She looked more mature now. Parang may bahagi ng pagkatao ko ang gustong kaawaan ko siya habang nababasa ang lungkot sa kaniyang mukha. She's just holding her phone on her hand at mukhang nagdadalawang isip pa ito kung gagamitin iyon o hindi. Mukhang naiinip na ito sa paghihintay. "Ma'am, hindi pa po ba kayo bababa?" tanong ni Dylan na lumingon pa sa puwesto ko sa backseat. "Pababa na ako." Dinampot na niya ang kaniyang bag kaya nagsikilos na rin ang mga kasama niya. Taas-n

