Pinagpawisan ang mga kamay ni Andrea habang nakaupo sa pandalawahang table sa loob ng restaurant na pinuntahan niya. Sinadya niyang hindi isama ang mga bodyguard niya para madali siyang malapitan ni Nathaniel. Nakaantabay naman sa 'di kalayuan si Jake habang nakikipag-ugnayan sa mga pulis na dadakip sa binatang congressman. Hindi naging madali ang planong iyon dahil hindi basta-basta ang taong babanggain nila. Kung maimpluwensiya ang daddy niya noong nakaupo pa ito ay mas higit pa ang mga Daez. Magkahalong kaba at matinding galit ang nararamdaman ni Andrea nang mga oras na iyon. Gagawin niya ito hindi lang para sa hustisya sa pagkamatay ng mommy niya at ng mga grandparent niya kundi para na rin sa ikatatahimik ng buhay niya. She's already tired on having bodyguards following her anywhere

