TL1 PAST

1698 Words
Warning: Take your own risk in reading. May mga bahagi na maiinis na kayo. May aral akong gustong e- achieve sa kwento, kaya medyo heavy sa puso ang ilang eksena. Marami din itong grammatical error, typos dahil hindi ito edited. Salamat in advance sa mga nagpatuloy basahin. And always remember, isinasabuhay ko man ang mga character ko na tulad ng parang tunay na tao, but it is still a fiction. Lahat ng nangyayari sa kwento ay bahagi lamang ng aking imahinasyon. Thanks. Salamat in advance sa mamigay ng moon ticket. - (Anicka) Kanina ko pa pinagmamasdan ang aking sarili sa malaking salamin na nasa loob ng banyo ng aking kwarto. Hindi ko napigilan at inayusan ko ang aking sarili ngayon. Ngayon araw na 'to ay uuwi ang aking asawa na si Gregory. Si Gregory Deo Gracia ay ang nag-iisang apo ni Don Eduardo, ang may-ari ng pinakamalaking hacienda sa San Ignatius, ang Hacienda Deo Gracia. Ito ay isang malaking tubuhan at palayan. Isa din napakalawak na lupain ang hacienda Deo Gracia. Bata palang ako ay lihim ko nang tinatangi si Gregory. Pero, hindi man lamang nya ako tinapunan ng kahit isang sulyap. Malimit lang naman syang nagpupunta dito sa San Ignatius. Nasa Manila kasi sya naninirahan, kasama ang kanyang ina at ang pamilya ng mommy nito. Ayon sa kwento ni Don Eduardo sa akin, 10 years old palang daw si Gregory nung namatay ang daddy nito na syang nag-iisang anak ng Don. At dahil walang hilig sa hacienda kaya pumunta din sa Manila ang mommy nito, kasama ang anak. Nung 10 years old ako, nagkaroon ng malaking problema sa hacienda, may sumunog sa palayan. Kasalukuyan noon na nasa isang kubo ang Don na nasa gitnang bahagi ng palayan. Isinugal ng tatay ko ang sariling buhay, mailigtas lang si Don Eduardo. At dahil sa pangyayari, kinupkop ako ni Don Eduardo at itinuring na parang isang tunay na apo. Iniwan kasi ako ng mama ko pagkatapos nya akong isilang. Sinanay ako ni Don Eduardo sa lahat ng pasikot- sikot sa kahit anong gawain sa hacienda. Sa batang edad ko, para na akong assistant ng Don. I am just turning 18 nung pinakasalan ako ni Gregory, hindi dahil mahal nya ako kundi dahil para maging legal akong Deo Gracia. Gregory is 5 years older than older me. Hindi pa kasi handa noon si Gregory na pamahalaan ang hacienda dahil marami pa syang gustong gawin sa buhay. Isang pamana ang kayamanan meron ang Deo Gracia. Isang pamana na sa mahabang panahon sinunud parin ni Don Eduardo. Para makatakas si Gregory sa obligasyong nya sa kanilang Family Legacy, pinakasalan nya ako para may maiwan sa hacienda, kasama ni Don Eduardo, katulong sa pagmamahala sa hacienda Deo Gracia na isang legal na Deo Gracia. At isa lang ang naisip nung ni Gregory, ang pakasalan ako. Dahil maliban na para narin akong apo ni Don Eduardo, alam ko pa ang halos lahat ng gawain sa hacienda. Kapalit naman ng pagpapakasal ni Gregory sa akin ay isang pribilihiyo na meron ang isang Deo Gracia. Nakapag-aral at nakapagtapos ako sa pag-aaral, nirerespeto ako ng halos lahat, kahit pa alam kong lihim akong kinaawaan at pinagtatawanan ng nakakarami. Pagkatapos kasi mismo ang kasal namin ng aking asawa, agad din syang umalis, at pagkalipas ng limang taon, ngayon palang sya bumalik. “You look beautiful!” ani ni Don Eduardo sa akin nang nakababa na ako sa unang palapag ng mansion. “Salamat po, lolo.” Magalang na pagkakasabi ko sa kanya. Nakasuot lamang ako ng simpleng bestida na may tabas hanggang sa tuhod ko. Kunting pulpo lamang ang inilagay ko sa aking mukha at naglagay ng manipis na lipstick sa aking labi. Simple ko lang itinali ang aking tuwid na mahabang buhok sa likod. Isa akong probinsyana, at halata yon sa aking ayos. Sa taas na 5 feet at 5 inches, meron akong balingkinitang katawan, at light brown na balat. Hindi man mala- diyosa ang kagandahan ko pero maraming nagsabi na maganda ako. “Tignan lang natin kung hindi magsisisi ang apo ko at limang taon nyang iniwan ang asawa nya dito, pag makikita ka nya.” may halong biro na pagkakasabi ng Don. Hindi ko alam kung paano sagutin ang Don kaya nginitian ko lang sya. Sa dami kasi ng mga magagandang babae na nakakasalamuha ang aking asawa sa ibang lugar, baka hindi na siguro nya maalala ang isang katulad ko. Bahagya akong nakaramdam ng kaba ngayon uuwi na ang aking asawa. Kailanman, hindi kami nabigyan ng pagkakataon para makilala ang isa’t- isa. Hindi ko alam kung paano umasta na isang asawa sa harapan ni Gregory. “Grandpa!” nakangiting sambit ng isang guapong lalaki na lumabas mula sa isang kotse. At kahit sa paglipas ng limang taon, kilalang- kilala ko parin ang napakaguapo nyang pagmumukha. Mas lalong gumanda ang kanyang tindig, at mas lalo yata syang tumangkad. “Gregory, welcome back!” open arms na pagkakasabi ng Don, sabay lapit sa apo. Nakasunod lang ako sa Don. “By the way si---“ Natigil bigla ang Don sa ibang sasabihin nang lumabas ang isang maganda at seksing babae mula sa kotse ni Gregory. “Honey, ito naba?” may kaartehan na pagkakasabi ng babae. “This is it honey!” nakangiting sabi ni Gregory sa babae sabay lapit dito, saka kumapit ang babae sa bisig ni Gregory. “Grandpa, si Hannah nga pala, girlfriend ko.” Pakilala ni Gregory sa babae. Ang kanyang sinambit ay tila bomba sa aking pandinig. Girlfriend ito ni Gregory? Eh, asawa nya ako. Hindi man lamang nag-abala ang aking asawa na pansinin ako. Hindi talaga nya mapapansin ang isang katulad ko kung may kasama syang magandang babae na halos sampung beses na nakahihigit sa akin. “A-Anong girlfriend ang pinagsasabi mo?” kunot- noo na tanong ng Don. Napatingin ito sa akin. “Hello po grandpa—“ ani ng babae. Ang lapad ng ngiti na pinakawalan nito. “Actually, fiancée na po ako ni Greg.” Napansin ko ang malakas na pagbugtong- hininga ng Don. “Oo nga pala ija---“ ani ng Don, lumapit sya sa akin.“—si Anicka nga pala, asawa ni Gregory.” Saka lang ako napansin ng dalawa. Pinilit kong ngumiti sa mga ito para hindi mahalata ang nadarama kong sakit at kahihiyan. “Correction Lolo, soon to be ex-wife.” Ani ni Hannah sabay taas kilay sa akin. -------- (Sa kabilang banda.....) “What is this all about Gregory?” galit na tanong ng lolo nya. Nasa study room sila nito. “Plano ko na pong tapusin ang kasal namin ni Anicka. Pakakasalan ko na po si Hannah.” Agad nyang sagot. Napilitan lang naman syang pakasalan si Anicka noon, para matakasan nya ang obligasyong nya sa hacienda. Ngayon, handang- handa na syang gawin ang obligasyon nya dito. At si Hannah ang gusto nyang maging katuwang sa pamamahala ng hacienda. A beautiful and smart girl like Hannah, hindi na nya ito dapat pakawalan pa. “Nahihibang kana ba? Alam mo naman sagrado ang kasal sa angkan natin.” Galit na galit na ito. “Sorry po, lolo.” Sinubukan nyang maging mahinahon. “Walang saysay kung makakasama ko si Anicka habang buhay, I don’t love her, I don’t even know if I’m going to like her. Pareho lang kaming masasaktan.” Napaupo ang lolo nya sa swivel chair nito. Sunod- sunod ang ginawa nitong paglanghap ng hangin. “So, ginamit mo lang si Anicka para sa sarili mong kapakanan. Plano mo talaga syang hiwalayan noon pa?” punto nito sa totoo. “Yes. I used her, pero hindi naman sya naging lugi, diba? Nakapagtapos sya sa pag-aaral and she became who she is now because she became my wife.” Mariin na pagkakasabi nya. Dapat nga magpasalamat sa kanya si Anicka, dahil sa ginawa nya naging prinsessa ito ng limang taon. “You don’t know anything, Gregory!” ani ng lolo nya sa mababang tono. “Kahit hindi mo pinakasalan si Anicka makapagtapos parin sya.” Bumugtong hininga ang lolo nya. Sandali itong tumitig sa kanya. Nakipagtitigan sya dito. “My decision is final now. Sa totoo lang, dala ko na nga ang annulment paper namin ni Anicka, perma nalang nya ang kulang. Ayaw kong makasama habang buhay ang babaeng hindi ko mahal. I love Hannah, sana maintindihan mo yan, lolo!” binuo nya ang boses. ------ (Back to Anicka POV) Sunod- sunod ang pagtulo ng aking luha habang nakasandal sa pinto ng study room. Rinig na rinig ko ang usapan ng maglolo. Nung pinakasalan ako ni Gregory, akala ko natupad na ang pangarap kong makasama sya. Pero, may iba pala syang plano. Masakit pero kailangan kong tanggapin. Agad akong umalis at dire- diretso akong bumaba sa hagdanan. Tinahak ko ang daan patungo sa kwadra, at mula doon kinuha ko ang kabayong si Whistle, at sumakay ako dito. Kasabay ng pagtakbo ng kabayo ay ang sunod- sunod na pagtulo ng aking luha. “Hello po tay—“ ani ko sa huling himlayan ng aking ama na nasa lupain parin ng mga Deo Gracia. “Nandito na naman ako. Naalala mo yon ikinuwento ko sayo na gusto-gustong ko, na si Gregory? Mula nang dinala ako ni Don Eduardo sa bahay nila, at nakita ko doon ang mga picture ni Gregory, nagugustuhan ko na sya. Minahal ko sya ng lihim kahit hindi nya ako pinapansin kong pupunta sya dito sa hacienda. He didn’t even know that I am existing.” Mangiyak- ngiyak na sabi ko sa puntod ng aking ama. “Pinakasalan nya ako, akala ko katuparan yong ng aking pangarap. Hindi naman po ako galit sa kanya, nagtampo lang. Sana hindi nalang nya ako pinakasalan para hindi na ako umasa pa. Alam nyo ba na kasama nya ngayon ang babaeng mahal nya at planong pakasalan?” Pinunasan ko ang aking luha. “Pasensya kana Tay kung hindi ko natupad ang pangako ko sayo na hindi ako tatanga- tanga pagdating sa pag-ibig. Mukhang nasa lahi natin itong dalawa. Sana nandito ka! Miss na miss na kita!” napatulo na naman aking luha. “Ang hirap- hirap lalo na’t sa mga panahon ganito na kailangan kita.” Napasinghot ako. “Mahal na mahal kita Tay!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD