TL 2

1301 Words
(Anicka) "Wow, ang ganda pala dito Greg. Maganda ang tanawin at presko ang simoy ng hangin." masayang bulalas ng babae na kasama ni Gregory na Hannah ang pangalan. Nakatayo ang dalawa habang nakatingin sa malawak na lupain ng mga Deo Gracia. Mula sa likuran, nakayakap sa baywang ni Hannah ang aking asawa, at larawan sila sa isang perpektong couple. Ang layo ko sa hitsura ni Hannah kaya hindi nakapagtataka na minahal sya ni Gregory. At ngayon nga bumalik ang aking asawa para hiwalayan ako at nang mapakasalan na nya si Hannah. Minsan, naitanong ko kung naalala kaya ni Gregory na may asawa sya? O, kung naisip ba nya ako ni minsan? Siguro, hindi na. Nagkaroon nga sya ng kasintahan kahit may asawa na sya. Pinagtaksilan nya ang kasal naming dalawa. Pero may karapatan ba akong magdamdam, gayun alam ko naman na hindi nya ako mahal? Inilapag ko ang dala kong isang pitsel ng orange juice and ilang sandwich para snack nina Gregory at Hannah. Pinilit kong wag masyadong mapasulyap sa kanilang dalawa, baka mas lalo pang magdurugo ang aking puso. Pero gamit ang aking side vision, hindi ko rin mapigilan ang mapasulyap sa kanila. Umikot paharap si Hannah kay Gregory at ipinulupot nya ang kanyang braso sa leeg ng aking asawa, at nanatili parin nakayakap sa kanyang baywang ang aking asawa. "Thank you for bringing me here. I love it. At least a fresh air for me to refresh my mind. I love you." malambing na sambit ni Hannah, at matamis syang nakangiti kay Gregory. "I love you too." sambit naman ni Gregory. Parang hiniwa ang aking dibdib sa aking narinig at mula doon kinuha ng sapilitan ang aking puso. Hindi paman ako naka- move on mula sa sakit na aking nadarama, dumagdag pa ito nang nakita ko silang naghahalikan sa labi. Agad kong ibinaling sa ibang direksyon ang aking paningin dahil hindi ko kaya ang eksenang aking nasaksihan. Ayaw kong umiyak pero agad kong naramdaman na tila namasa ang aking mga mata. Agad ko itong pinunasan bago pa nila makita ang aking luha. "Greg, nakakatawa ka talaga." narinig kong sambit ni Hannah, napatingin ako sa kanya. Sa akin pala sya nakatingin. "Nasikmurahan mo talaga na pakasalan sya?" Insulto akong hinagod ng tingin ni Hannah. Nanliit ako sa aking sarili sa kanyang ginawa. Hindi ko alam kung bakit hinintay ko pa ang maging sagot ni Gregory. Sagot na mas lalong nagpababa sa aking sarili. "I don't have any choice. Kailangan ko lang." Ani ni Gregory kay Hannah na hindi man lamang inisip ang madarama ko. "Don't worry I didn't touch her or even kissed her." Napatawa si Hannah. "I know you are. Hindi ka nga pumapatol sa mga mayayamang, hindi probinsyana na mga babaeng lumalandi sayo doon sa Manila, sa kanya pa kanya. Akala ko pa naman noon na maiinsecure ako sa asawa mo. Hindi naman pala karapat- dapat." Tila ako tinataga sa harap- harapan na pangingisulto nina Hannah at Gregory sa akin. Hindi ko matagalan ang mga matalas nilang dila kaya ako nagmamadali na humakbang para layasan sila. "Hoy, saan ka pupunta?" narinig kong sambit ni Hannah na sa tingin ko, ako ang kinausap nya, kasi maliban sa kanila ni Gregory, ako lang naman ang tao dito. Kanina pa sya laging nakautos sa akin. Pormal ang aking mukha na humarap sa kanya. "Bakit?" kaswal kong tanong. Hindi na sila magkayakap ni Gregory. Pareho na silang may hawak na baso. "Bingi kaba sa sinabi ko kanina na hindi ako mahilig sa orange juice?" "Wala kang sinabi kanina." "Sabi ko na nga ba, hindi ka marunong umintindi ng english. Probinsyana ka kasi kaya tanga ka." "I beg you pardon. For your information Ms. Hannah, you didn't say anything about "you"didn't like an orange juice. There's no problem of being a "probinsyana", what matters is we know how to respect our self and know how to put our self to it's right place. The problem is when you are rich and educated but you still choose to be immoral--- like being a mistress." Akala ko nasambit ko pero nanatili palang tikom ang bibig ko. "Akala ko ba nakapag- aral itong asawa mo na katulong, bakit hi-----" "She is, ija." napatingin kami sa nagsasalita at si Don Eduardo ang sumalubong sa aming paningin. Humakbang sya palapit sa amin. " And Anicka, she's a c*m laude. Maybe, hindi nga lang siguro sya kasing galing magsalita ng English kaysa sayo na ipinanganak na mayaman at bata palang, talagang sanay na. But ang mahalaga, alam nya kung saan nya dapat ilagay ang kanyang sarili. Alam nya sa kung ano ang tama, hindi tulad ng iba na mukha lang edukado pero naiwan yata ang tamang pag- uugali sa kung saan." Nakangiting sambit ni Don Eduardo. Pero, sa klasi ng ngiti ng don, alam kong may kakaibang kahulugan ito. Tila naman aso na nahabag ng buntot ni Hannah, at napanganga pa. Si Gregory naman, halata sa kanya mukha na hindi nagustuhan ang sinabi ng kanyang Lolo. "Gregory apo, pakisabi naman dito sa girlfriend mo na si Hannah, na hanggang ngayon, asawa mo parin si Anicka. At mas may karapatan si Anicka sa lugar na ito, kaya wala syang karapatan na utos- utusan at insultuhin ang aking apo na asawa mo, at baka mapalayas ko pa sya dito." Tila hindi mai-guhit ang mukha ni Hannah. Si Gregory naman ay halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng lolo nya dahil sa napakadilim nyang anyo. "Let's go Anicka apo. Kailangan pa natin puntahan ang palayan." Ani ni Lolo. Sabay na kaming naglakad ni Lolo Eduardo. Iniwan namin sina Gregory at Hannah na parehong nakatunganga. "Anicka, why you let that mistress insulted you?" "Ayaw ko na syang patulan Lolo."matipid akong ngumiti. "Ayaw ko ng gulo. Ayaw ko nang ibaba ang aking sarili sa kung saan level ang kanyang ugali. Kung gaano sya kaganda, ganun din kagaspang ang kanyang ugali." "No. Next time, ayaw kong marinig na inaapi- api ka ni Hannah. Hindi kita tinuruan para apihin. Diba, sabi ko sayo, sa buhay dapat matuto kang lumaban. Wag mong hayaan na apakan ka ng iba. You have to know na ang lugar na ito ay pag- aari mo rin dahil isa kang legal na Deo Gracia. At ipaglaban mo ang pangalan na yon." Wala akong mahagilap na salita para sagutin ang tinuran ni Don Eduardo. Alam ko naman ang karapatan ko, puso ko lang naman ang dahilan kaya hindi ko magawang patulan si Hannah. Ayaw kong magalit sa akin si Gregory. ------ "Lolo, hindi mo naman kailangang insultuhin ang girlfriend ko ng ganun kanina." napatigil ako sa paghakbang nang narinig ang boses ni Gregory, at sa tingin ko si Don Eduardo ang kausap nya. "I didn't insulted Hannah. Pinaalala ko lang sa kanya ang lugar nya dito sa hacienda, at ang lugar ni Anicka. And you, why you let Hannah insulted your wife?" Napatago ako sa isang sulok para hindi nila ako makita. Ayaw ko sanang makinig sa kanilang usapan pero hindi ko napigilan ang aking sarili. "Anicka is not my wife. She is just the woman that I used. I don't love her, and I don't even like her. I don't know what makes her special at gustong- gusto mo sya. She's not even that pretty. Nothing special about her. Hindi mo naman siguro sya sugar baby!" Mabilis na tumulo ang aking luha. Ang sakit ng mga salitang binitawan ni Gregory. Tapos pinag- iisipan pa nya ako ng masama. "Shut up your big mouth Gregory. You don't know anything. Kaya wag mong husgahan ang pagmamahal meron ako para kay Anicka. She's my granddaughter. Iniwan nyo ako lahat, iniwan mo ako, but Anicka stayed with me. Sya ang karamay at kasama ko sa buhay sa paglipas ng maraming taon. Mahal ko si Anicka dahil apo ko sya at hindi sa kung ano ang iniisip mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD